Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

01;

IRENE's POV

"Gising na! May performance pa tayo sa Kbs music bank!" Puyat kasi ng puyat. Hirap talaga gisingin ng mga to. Hayy.

"Unnie sandali lang. 5 minutes please." Aba aba tong si Joy. 5 minutes daw? Mahila nga to.

"Aray! Unnie ang sakit!" 5 minutes pa! Yan ang 5 minutes mo!

"Bilisan mo diyan! Gising na sila Seulgi ikaw na lang hindi." Buti pa yung iba mabilis gisingin, di na problema. Etong si Park Sooyoung ang sakit sa bangs gisingin.

"Oo na, eto na unnie." Tumayo na si Joy at naligo na. Tapos na kami maligo at magbihis nila Wendy at Seulgi, nagbibihis naman si Yeri ,si Joy na lang aantayin namin.

"Unnie kain ka muna, eto apples oh." Binigyan ako ni Wendy ng apple. Kumuha naman ako ng dalawang hati na at kinain to. Ang tagal naman ni Joy.

"Unnie last performace na to? Goodbye stage na natin sa Ice cream cake kasi sila Exo sumbaemin na mag cocomeback diba?" Tanong ni Seulgi.

"Oo. Tama ka." Salamat naman wala nang performance. Akmang tatayo na ko para katukin si Joy, sakto naman tapos na siya, kaya sinabi ko na bilisan niya magbihis at baka malate kami.

Huminga ako ng malalim. "PAGKATAPOS NG TATLONG MINUTO DAPAT BIHIS KA NA PARK SOOYOUNG!"

Sumagot naman si Joy na natataranta na, si Wendy naman kinindatan ako at nag thumbs up.

Ang hirap maging leader!

RAPMONSTER's POV

"Hyung! Hyung!" Ang ingay ni V! Arghhh!

"Ano!?" Natutulog ako storbo! Ayoko sa lahat naiistorbo ako pag natutulog. Kakatapos lang ng concert tapos guguluhin ako? Di ba siya napagod?

"Hinahanap ko yung headset ko eh. Nakita mo ba?" Lintek. Yun lang pala.

"Hindi ko nakita. Pwede ba wag mo kong storbohin." Umalis naman siya at tinanong sa ibang member na gising. Makatulog na nga lang ulit.

"Hyung! Hyung!" Ano nanaman!? May ibang member naman bakit ako nanaman? Dahil leader ako? Bwiset!

"Ano!?" Sabi ko ng pasigaw.

"Wala." Kim Taehyung! Humanda ka sakin! Tumayo ako at hinabol siya.

"Halika ditong alien ka! Dadalin kita sa magulang mo sa mars ,bwiset ka!" Infairness runner ba tong si V? Ang bilis tumakbo. Expert.

"Hyung naman! Nagbibiro lang naman ako. Sorry na." Sorry? Pagkatapos storbohin ang napakahimbing kong tulog? Sorry lang?

"Aegyo ka muna." Nag aegyo naman siya agad. Argh! Kim Taehyung why you do this to me!?
Nag thumbs up na ako kaya naman tumigil na siya. Grabe tong batang toh. Walang pagod.

"Hyung ano ginagawa niyo?" Tanong ni Jungkook na kagigising lang. Nagising ata dahil samin ni V.

"Si V kasi ang kulit. Naistorbo ka ba?" Tanong ko kasi mahirap gisingan si Jungkook pero himala nagising siya. Ingay siguro namin.

"Hindi. Nagising lang talaga ako." Wow. Himala. May gagawin siguro to.

"Ang aga mo ah. May gagawin ka siguro noh?" Pang aasar ko sakanya kasi pag maaga siya gumigising may gagawin siya.

"Hyung, diba special mc kami ni Jimin hyung ngayon sa Kbs music bank? Di mo naman natandaan."

Wait.... Ngayon?

Hmmm....

Teka....

"Shit! Oo nga pala!!"

-
vote and comment!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro