Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue


(AN: Hello mga kabayan, alam kong gulo itong papasukin ko sa gagawin ko, kaya ihahanda ko na talaga ang sarili ko. By the way, wag kayong mahihiyang magsabi ng inyong mga saloobin. Hindi ako nangangain.

ENJOY READING.
-Araruuu)

-----

PROLOGUE

Nagtatalo na ang aking isipan kung saan pa ako tatakbo. Kasalukuyan akong hinahabol ng mga lalaking nakasuot ng black suit na tila ba isang body guard ng isang sikat na artista. Sa bandang kaliwa ay lumabas ang nakablack suit na lalaki kaya naman biglaan akong napapihit ng direksyon at tinahak ko ang kanan na eskinita. Nagdire-diresto ako hanggang makalabas ako sa makulay na kalsada, maingay ang mga jeep at sasakyan na nagsisiksikan sa daan. Marami ring mga tao na tila hindi alam kung saan na daraan.

Bakit ba hinahabol nanaman nila ako? Ano bang kailangan nila sakin!  ang reklamo ko sa isipan ko.

Inis na inis na pinagpatuloy ko ang pagtakbo pasugod sa mga tao, wala na akong pakielam kung mabangga ko pa nga ang mga ito. Hanggang sa nakasalubong ko ang bestfriend ko paglabas ng isang eskinita.

"TAKBO! May humahabol sa akin" habol hiningang sabi ko rito.

Kalmado lang ito na tumingin sa likuran ko. Natigilan ako at lumingon din sa direksyong tinitingnan nito. Wala na sa likuran ko ang mga lalaking nakasuot ng black suit na tila body guard ng isang sikat na artista. Wala man lamang bahid na sumusunod sila sa akin kanina pa.

'Nasan na ang mga yun? Kanina lang ay narito sila.' ang isip isip ko habang nakatingin pa nga rin sa direksyon na pinanggalingan ko kanina. 

"Arghh.. Nakakainis! Hindi mo nanaman sila naabutan." ang asar na asar kong sabi sa kanya. Napapadyak pa ako at napaupo sa sahig sa sobrang inis at pagod. Paano ay ilang beses na itong nangyare pero gaya ng mga nakaraan ay lagi nalang silang nawawala ng hindi ko namamalayan.

Bahagya itong natawa sa sinabi ko at saka nagsalita.

"Alam mo, pagod ka lang siguro kaya kung ano-ano na naiimagine mo, Ran. Tara na nga!" ang yakag niya sabay hila sa braso ko. Tumayo naman ako mula sa pagkakasalampak ko sa kalsada at sumabay na sa paglalakad sa kanya.

Oo, tama ang nabasa niyo magkasama kami sa isang apartment. Hindi ko alam kung nasaan ang pamilya ko. Ang sabi ni Miuki sa akin. Matagal na raw kaming dalawa lang ang magkasama.

Tinanong ko naman sa kanya kung saan kami nagkakilala ang sagot niya lang lagi ay sa eskwelahan. Magbestfriend daw kami at wala na akong magulang. Pareho lang din daw kaming nakakuha ng scholarship sa school namin dati kaya kami nakapasok kaya lalo raw kaming naging magkaclose. 

Hindi ko naman nararamdaman na nagsisinungaling siya. Minsan pinagkukwento ko siya tungkol sa school namin noon. Ang lagi niyang sinasabi ay

'Gaya lang ng ordinaryo'.

Ngunit hindi ko alam kung ano ba ang pakiramdam ng pumasok o maging estudyante kaya hindi ko alam ang ordinaryong sinasabi niya.

Simula kasi nung umalis kami sa ospital na pinagdalahan sa akin nung naaksidente ako ay hindi na kami pumasok pa uli sa eskwelahan at nagsimula na rin kaming maghanap ng trabaho.

"Hoy, Ran! May balak ka bang pumasok?" ang tanong niya na naatayo na sa pintuan ng apartment at tila hinihintay ako na maglakad pasunod sa kanya. Tiningnan ko lang siya at ngumiti bago ako dumiretso at pumasok sa bahay namin.

"Miuki, nga pala hindi mo naikukwento sa akin ang mga magulang mo laging yung kuya mo lang ang bumibisita sayo rito. Tsaka saan nga ba nakatira ang kuya mo?" ang curious kong tanong matapos maupo sa sofa ng sala namin.

Sinamaan naman niya naman ako ng tingin. Ayaw kasi nitong napag-uusapan ang mga magulang niya. Madalas ay iibahin nito ang usapan, o kaya naman ay aalis o biglang may tatawagan. 

Ay oo nga pala kaya ako nagtatanong sabi sa akin ni Miuki nagkaamnesia raw ako kaya wala akong maalala.

Sunod sunod na pagkatok naman ang tumigil kay Miuki para sagutin ang tanong ni Ran.

"KAPATIDDD!" ang tawag ng kuya ni Miuki mula sa labas ng pintuan ng apartment nila.

Nakasimangot at magkasalubong ang mga kilay na naglakad naman ito papunta sa pintuan at binuksan ito ng bahagya.

"Ano nanamang kailangan mo?" ang sabi ni Miuki.

Pero imbis na sumagot ay itinulak nito ang pintuan at saka nito ginulo ang buhok ni Miuki.

"Hi!" isang ngiti at pagtaas ng kamay ang kasabay sa pagbati nito at nagdire-diretso na sa kusina.

"Hay! Kababae ninyong tao kadumi-dumi ng lungga ninyo!" ang sabi ni Minaku at kumuha ng mga mangkok at mga kutsara mula sa kabinet. Ngayon ko lang napansin ang plastic bag na hawak nito na ipinatong niya sa counter ng abutin niya ang mangkok sa kabinet.

Sinalinan niya ang isa at ibinigay niya sa akin.

"Oh kumain ka ng marami hah. Kakausapin ko lang 'tong babaeng 'to." saka nito hinila si Miuki papunta sa kwarto nito. Magsisimula na sana akong kumain ng mapansin kong hindi pa bukas ang kalamansi. Nagdala kasi ito ng arozcaldo mula sa kanto, kaya naman nagpunta ako ng kusina para kumuha ng kutsilyo pero napahinto ako sa narinig ko.

"Kailan mo balak sabihin sa kanya ang totoo?" boses yun ni Minaku. Napasilip tuloy ako awang na pinto sa kwarto ni Miuki. Kung saan nag-uusap ang dalawa.

"Hanggang sa dumating ang tamang panahon." ang sagot ni Miuki sa tanong ni Minaku.

"Mag iingat ka. Ito na ang huli kong bisita. Nagkakagulo na sa school kaya kailangan na namin si Miuki." saka nito hinalikan sa noo si Miuki. Agad naman akong napabalik sa sala sa takot na mahuli nila akong nakikinig sa kanilang pag-uusap. Binuksan ko ang TV at itinutok ang mata rito kahit pa nga wala dito ang isipan ko.

'Nagkakagulo na sa school kaya kailangan na namin si Miuki'. 

Paulit-ulit na nag-peplay sa aking isipan ang mga salitang ito na binanggit ni Minaku. 

'Anong ibig niyang sabihin?'

-End of Prologue-

(AN: So, hahahah Congratulations natapos mo ang prologue. :) Wag kang masyadong mabilis :) HAHAHAH MAG COMMENT ka muna para naman malaman ko kung anong naramdaman mo sa Prologue na ito :) Any opinion? Suggestion? Violent Reaction? Hahahah so what do you think happening in their school? Anything? Vote vote vote din guys kung thumbs up sa inyo ang update na ito :)

-Araruuu)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro