Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

(dedicated to one of the voter of this fiction book)

Chapter 3

Dalawang taon na rin ang nakalilipas simula ng umalis ako sa punong bahay na iyon at ang huling kita ko kay Shiran.

"MIUKI!!!"

Nagising ako sa malakas na pagsigaw ng pangalan ko sa isipan ko.

Pinagpapawisan nanaman ako. Tumingin ako sa orasan at nakita ko na alasais na ng umaga. Napabalikwas ako ng bangon dahil sa nakita ko at saka tumakbo ako papuntang banyo. Oo nga pala pumapasok na ako sa school sa San Mateo University. Sa nakaraang dalawang taon ay nagsimula akong mag-aral ng senior high, kumuha ako ng STEM. Hindi naman ako nahirapan sa requirements dahil matapos ko makita ang sulat ni Shiran sa akin. Nakita ko ang isang brief case sa cabinet ng punong bahay. May lamang cellphone, map nung lugar, at pera na sapat lang para sa tatlong buwan. Meron ding birth certificate, ID picture, at records of grade ko at ni Shiran nung elementary at highschool kami. 

Nakakuha ako ng scholarship sa San Mateo University matapos ko mag-apply pagkatapos ng Senior High ko, hiningan rin ako ng pabor ng director-slash-owner nang makakuha ako ng 99.9% average sa entrance exam.

Kailangan ko lang turuan yung apo niya sa Mathematics at English. 2 hours lang naman ang hiningi nitong oras kaya okay lang. Isa pa ay nakakadagdag din yun sa binabayad ko sa kwartong inuupahan ko.

Ang masama lang rito ay napakakulit at napakatigas ng ulo ng tinuturuan ko. Kung hindi ako tutulugan ay tinatakasan ako nito. Madalas nga ay nagmumukha pa akong multo at monster dahil sa mga patibong nito sa kwarto. Napapanood niya raw kaya niya ginagaya.

Nang matapos na akong maligo ay nagbihis na rin ako sa loob ng washroom.

"Matagal ka pa ba? Tinatawag na ako ng kalikasan" ang sigaw mula sa labas ng banyo ng isa sa mga kasama ko sa bahay. Kalilipat ko lang sa lugar ng San Mateo kaya hindi ko kilala ang mga kasamsa ko sa bahay dahil sa San Juan ako nag-aral ng Senior High. Apat na bayan ang layo mula sa tinitirahan ko ngayon. Sinubukan ko kasing mag-apply sa iba't ibang eskwelahan na magbibigay ng full-scholarship the whole year. Para naman hindi ako mahirapan sa paghahanap ng part-time job.

"Palabas na rin, sandali lang!" ang balik kong sigaw ko rito saka dinampot ang twalya sa sabitan at saka ko pinunasan ang basang-basa ko pang buhok. 

 Matapos kong magsuklay at magpolbo sa mukha ay agad narin akong lumabas ng bahay. Nagsimula na akong tumakbo papunta sa school. Hindi kasi ako gumagamit ng jeep dahil hindi pa ako uli nakakahanap ng ibang trabaho. 

Bigla naman ang buhos ng ulan habang tumatakbo ako. 

'di ko pa naman nadala ang payong ko' ang bulong ko sa sarili, mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang makarating sa school ay sumilong muna ako sa harap ng guard house at saka binati ang guard.

"Goodmorning po" sabay ngiti ko rito.

"Goodmorning din. Basang-basa ka na, naalala ko tuloy yung anak ko sayo nung edad niyang ganyan rin. Nako hindi rin nagdadala yun ng payong e." tapos ay may kinalikot ito sa bag. Isang payong ang inilabas niya mula sa nakasabit niyang bag sa pader at iniabot niya sa akin. "Oh ito, isauli mo nalang mamaya kapag tumila. Wag kang mag alala meron ako dito yung malaki" ang sabi nito at binigyan ako ng malaking ngiti.

"Kagaya po nung ginagamit ng nagsosorbetes?" ang curious na tanong ko.

Natawa naman ito at umiling.

"Syempre hindi. Hala, sige pumasok ka na! At baka malate ka pa ineng," sabi ni Manong Guard saka nito iwinasiwas ang kamay na tila ba pinapaalis na nga ako.

"Maraming salamat po, ibabalik ko po ito mamaya sa vacant ko!" paalam ko at ginamit ko na ang payong niya saka naglakad papasok ng gate.

Then out of nowhere I just realize what I innocently ask a while ago kay Manong Guard. 

'Oo nga hindi nga siya gagamit ng ganung kalaking payong pang tinda yun e.' ang kausap ko sa sarili ko bago ko inihampas ang kanang kamay sa ulo ko.


"BOO..." isang malakas na boses ang biglang nagsalita mula sa likuran ko habang naglalakad ako at dalawang kamay ang biglang humawak sa mga balikat ko.

"WAHHHHHHH---" ang malakas na sigaw ko, napatalon din ako dahil sa malamig na kamay ng humawak sa balikat ko, ngunit hindi natuloy dahil may nagtakip ng bibig ko.

Sino naman 'tong nagtakip ng bibig ko? Aba naman, isang linggo palang ako rito ah.

"Tumahimik ka nga, ang ingay ingay mo!" ang naiinis na sabi ni Haruko.

Pew! Sila lang pala ng kaibigan niya. Si Haruko ang apo ng director-slash-owner samantalang, yung nanggulat sakin at nagtakip ng bibig ko ay si Kyo, ang bestfriend niya. Di ko alam dito sa isang ito kung pano niya napagtitiisan si Haruko. Sobrang grumpy at snobero, samantalang, jolly naman itong si Kyo. Jolly o bully? Much better ata yung bully. Kidding aside.

Hay buhay parang life. Sinamaan ko lang sila pareho ng tingin bago ako nagpatuloy pumunta sa classroom ko ng umagang yun. Nang mahanap ay pumasok na ako sa room at nilapitan ako ng nag-iisang kaibigan ko. Pareho kaming transferee kaya siguro naging magkasundo kami agad.

"Ran, kamusta naman ang pagtuturo mo kay Mr. Haruko. Kwento ka naman. Ano mas masungit ba? E si Kyo? Ano kasama ba siya kahapon? Anong pinaggagagawa niya? Kwento ka na bilis!" pangungulit ni Yuki sakin with matching hawak pa sa balikat ko.

Oo nga pala ginamit ko pa ring alyas ang Ran dahil narin sa advice ito ni Shiran.

"Hay nako pinagtripan nanaman ako ng loko. Sinasabi niya sakin lagi na kausapin ko ang granny niya na wag na raw akong pumayag na turuan siya," sabi ko at nag-init nanaman ang bungo ko dahil sa pagkakaalala ko sa ginawa nito kahapon ng hapon. Muntikan na akong mabuhusan ng mainit na tubig, mabuti nalang nakailag ako dahil sa reflexes ko at sa instinct ko na nasa panganib ako.

"Sus ano ba yan di niya ba magets na poorita lang ang peg natin at scholarship lang ang way sa ating mga pangarap. Palibhasa kasi kahit di siya mag-aral, siya at siya parin ang magmamana ng buong school." umayos ito ng upo saka niya sinabi ang mga ito. Halata naman ang pagkainis nito. "By the way, mamaya baka sumideline ako sa Boritas, sama ka? Sasabihin ko pwede ka kahit tagaserve lang!" sabi nito. Agad naman napokus ang atensyon ko sa sinabi niya, dahil naghahanap ako ng part-time job.

*KRINGGGGGGGGGGGGGGGGGG*

Bago pa ako nakasagot ay pumasok na ang teacher namin na si Sir Hiro. Kaya bumulong lamang ako dito ng 'Okay'

"Ampogi niya talaga no?" bulong sa akin ni Yuki na mukang hindi narinig ang sagot ko sa huli niyang tanong.

Hay, itong babae talaga na ito wala ng ginawa kundi humanting ng humanting ng boylet niya pero pogi talaga si Sir.



Mabilis na lumipas ang mga oras, natapos ko ang lahat ng courses ko sa araw na yun at nalaman ko nalang na uwian na pala.

"Hoy! Kita tayo mamaya sa Boritas. Bye!" sabi nito at tumakbo na paalis.

Inayos ko narin ang gamit ko at saka ako lumabas ng building pero pababa palang ako papunta sa unang floor ng mabingi ako sa sigawan ng mga tao. Napapunta na rin ako sa tinitingnan nila ng makita ko na nakahandusay ang isa naming kaklase at parang naligo ito sa sarili niyang dugo.

Agad akong napaatras at saka ko hinanap sa paligid ang maaaring gumawa nito. Nakita ko ang tatlong lalaki na sabay sabay na nagsipag-alisan. Hmmm... Nakakapagtaka umuulan pero pinagpapawisan sila. Although magkakaiba sila ng way na pupuntahan. Hmmm... Pero pare- pareho silang nanggaling sa banyo.

Tumingin uli ako sa bangkay ng may makita akong isang maliit na bagay bago ko pa mahablot ay may humila na sakin.

"Nakalimutan mo na ba ang trabaho mo!" sabi ni Haruko. Ay nako! Ang gulo ng loko kasasabi lang kahapon na magresign na ako sa contract namin ni Madam tapos ngayon naman ay hinihila ako dahil nakalimutan ko raw ba ang trabaho ko.

"Pero may nakitang patay sa banyo ng girls. ANO BA TIGILAN MO NGA PAG HATAK MO SAKIN!" at pinilit ko parin ang pagtanggal sa kamay niya at tinignan ko siya pero ng lumingon siya narealize ko lang na hindi pala siya si haruko kaya naman nagulat ako. Ibang lalaki ang nakahawak sa akin, alam ko dahil itim ang mga mata niya. Pinilit ko paring tanggalin sa kanya ang kamay ko at sinipa-sipa ko na siya pero wala itong epekto.

"Hintayin mo na siya. Isasama ka na niya!"

-End of Chapter-

(AN:So anong tingin niyo? Sino kaya ang humila kay Miuki? Comment na mga bes! Also, it's a part of the story for someone to die but I'm praying that it will not dwell on your mind. Let peace, love and joy be upon every one of us. Love you =) 

-Araruuu

PS. next time ko nalang idedescribe itsura ni Haruko, Kyo, Yuki at Sir Hiro)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro