Chapter 2
(I dedicate this chapter to Ms. Purpleyhan dahil sa kanyang nakakainspire na story.)
Chapter 2
Ang boses ni Miuki na sumisigaw ang huli kong narinig bago dumilim ang buong paligid.
-----
Parang isang nakakatakot na panaginip ang lahat. Bigla na lamang ako napabalikwas. Nakita ko naman si Miuki na nasa gilid ko at mahimbing na natutulog. Napatingin ako sa labas ng bintana. Normal naman ang lahat. Napansin ko ang malakas na pag-ulan mula sa labas ng bintanang kahoy.
"Napakaganda talaga ng ulan. It's looks like a crystal, every drop of it" ang mahinang bulong ko sa aking sarili habang pinapanood ang pagbagsak ng ulan sa maputik na lakaran.
Napansin ko naman na nagigising na si Miuki pero agad ko ring iniiwas ang aking mga mata. Natulala na lamang ako sa sarili kong mga paa at hindi man lang ako makatingin sa kanya.
"Kanina ka pa ba gising?" ang tanong nito. Nang mapansin siguro niya na hindi ako gumagalaw ay nagpatuloy siya sa pagsasalita."Nandito nga pala tayo sa gitna ng gubat," doon ko lang napansin na puro nga puno ang nasa paligid.
"Pero wag kang mag-alala, ligtas tayo dito. Wala namang mga wild animals ang nakatira sa gubat na 'to," ang dagdag niya pa ng mapansin siguro nitong nag-iba ang facial expression ko.
Nang makakuha ng lakas ng loob ay nagsalita ako.
"Anong alam mo tungkol sa akin? Please tell it! Please! Please!" mahinang sabi ko mahihimigan ang magmakaawa ko dito para lang sa kakaonteng detalyeng alam kong alam niya.
"Sorry..." nanghina ang boses nito ng magsalita at napaupo sa iisang kama na narito at napayuko. Binalot naman ng katahimikan ang buong aligid bago ako nakapagsalitang muli.
"Please..." pagmamakaawa ko pa rin dito.
"Hindi ko kayang sabihin lahat ng alam ko dahil wala ka namang maaalala at isa pa kailangan mo ng layuan ang nakaraan mo," ang paliwanag nito. Hindi ko alam kung nahihibang na ba ako pero narinig ko ang pag crack ng boses nito. "Hindi ko na alam kung paano kita poprotektahan pero gagawin ko parin pero sana kapag dumating na yung araw na makita mo ako sa ibang dako, patawarin mo ako. Hindi ko naman kasi alam na ganito ang mangyayare," at tuluyan ng kumawala sa kanya ang luhang pinipigil nito kanina pa. Puro rin ito sugat at galos kaya nilapitan ko agad siya.
"Miuki, alam kong nag-aalala ka sa akin pero hindi mo kailangang gawin 'to sa sarili mo," ang mahinahong sabi ko rito na talaga namang naaawa na sa itsura nito.
Hindi ko maintindihan at lalong hindi ko alam ang totoo. Napakahirap para sakin dahil ilang beses ng may mga bagay na nangyayare sakin na hindi ko maipaliwanag at hindi ko rin masabi minsan kay Miuki dahil hindi naman niya ako paniniwalaan dahil hindi niya naman nakita. Halos iumpog ko na ang ulo ko sa sobrang sakit dahil wala akong alam. Wala akong maintindihan, ang gulo gulo. Isa pa, naaalala ko pang tinawag akong 'Miuki' nung babae na naabutan namin ni Miuki sa apartment. The next thing I knew they are fighting. Ang hindi ko maintindihan bakit gusto niya akong isama sa kanya.
"Wag mo ng masyadong pag-isipin ang utak mo. Tandaan mo hindi kita pababayaan habang buhay pa ako, kakampi mo ako." sabi ni Miuki na busy sa paggamot ng mga sugat at galos nito. "Oo nga pala, habang hindi pa ako nakakahanap ng bagong lilipatan ay pwede naman na dito ka muna tumuloy."
Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba parang ang walang kwenta ko. Ang dapat kong gawin ay makontento lang sa panonood habang ang bestfriend ko ito at halos mamatay dahil sa akin.
"Sabihin mo nga. Saan ba talaga ako nanggaling? Alam kong alam mo kung sino ang pamilya ko. Ano ba silang klase ng tao at kailangan pa nilang magpadala ng isang babaeng sanay na sanay sa martial arts. Totoo bang mahirap tayo? Bakit nila ako hinahabol? Ikaw ba ang dahilan kung bakit laging nawawala ang sumusunod sa akin lagi at tsaka paano mo natutunan ang mga bagay na yun? Sabihin mo naman! Magsalita ka Miuki!" tanong ko dito na hindi na napigilan ang sarili.
There are a lot of questions forming in my mind and wanting to know the truth is killing me.
"Gustong gusto kong sabihin pero sana maintindihan mo ako. Para sayo rin naman ang ginagawa ko," sabi nito at saka ito pumunta malapit sa apoy.
"Miuki, Kailan mo ba iisipin ang sarili mo? Lagi nalang ako e. Ako lang dapat ang napapahamak pero pati ikaw ay nadadamay," sabi ko at saka ako lumabas kahit na naulan pa.
Nagtataka na ako sa pagkatao ko. Ano ba talaga ako?
Sino ba talaga ako
Saan ba ako nanggaling?
Parang pati ang panahon ay hindi nakikiayon sa akin.
"Patawarin mo ako kung nilihim ko sayo ang tunay mong pagkatao. Patawad Miuki sa lahat ng mangyayare at sa lahat ng gagawin ko." sabi ni Miuki mula sa likuran ko at paglingon ko ay hindi ko na ito nakita. Naiwan ding nakabukas ang pintuan. Ramdam na ramdam ko naman ang pagpasok ng malamig na simoy ng hangin. Sinubukan ko itong habulin, ngunit hindi ko ito mahanap sa paligid. Nang maramdaman ko ang sobrang pagkalamig dahil basang-basa na ako ng ulan ay pinasya ko na ring bumalik.
For the second time ay may tumawag nanaman sa akin ng Miuki. Wala sa sariling naglakad akong pabalik sa loob ng bahay. Lumapit ako mula sa kama at nakita ko ang isang papel na may nakasulat. Sulat kamay ito ni Miuki.
'Troubles will come upon you. Let your ears hear it and let your eyes see it. Thank you for your life. I'll treasure it so take care of yourself from your best frienemies.'
-SHIRAN
P.S. Your real name is Miuki Sen. Please be careful. Stay by being Ran, if you still can. I really need to leave but I'll be always around. I'm sorry for everything.
-End of Chapter-
(AN: So ano? Kaya pa ba? Heheheh enjoy. Nireveal na ang unang katotohanan. Ano pa kaya ang mga susunod? abangan...
-Araruuu)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro