Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1


Chapter 1

"Ran, alis na ako. Ikaw na bahala sa bahay? Wag kang basta-basta pupunta kung saan-saan ha?" ang nakangiting bilin ni Miuki.

Antagal narin nung huli kong nakita ang mga ngiting yun ni Miuki. Madalas kasi itong seryoso pero sa tuwing ngingiti ito ay tila ba tumitingin ako sa isang anghel. Her face looks like an angel that you can't trace in her face any bad traits or manner. May maikli lang itong buhok na hindi lalampas sa balikat nito at maliit lang rin ang bilugang mukha nito, may singkit na mata, maliit ngunit matangos na ilong, maninipis at mapulang labi. Makinis rin ang kutis nito na bumagay sa maputi nitong kulay. May taas din itong 5'2 at bagay na bagay dito ang suot na red v-neck shirt at black ripped jeans na may butas lamang sa bandang tuhod nito at nakasuot rin ito ng pares na kulay pulang converse.

"Oo nga pala Miuki! Dalhan mo ulit ako ng babasahin dito, tapos ko na kasi yung inuwi mong libro." sabi ko at lumingon naman siya tsaka niya inayos ang bagpack na dala nito. Papunta ito ngayon sa school na pinapasukan niya, mga ilang metro lang ang layo mula sa bahay namin.

"Oo basta pagbutihin mo ang paglilinis mo." sabi nito bago isinarado ang pinto na hinahawak niya lamang kanina habang sinusuot ang rubber shoes niya.

Day off ko kaya ako ang maiiwan sa bahay ngayon. Ayoko namang pumasok sa mga raket jobs ko dahil tinatamad akong umalis. Iniisip ko pa rin kasi yung huling sinabi ni Minaku na nagkakagulo na sa school? Baka naman napaguidance lang siya or nagfail ang buong class nila sa exam. Hindi ko naman alam kung gaano kalala yun pero nabanggit ni Miuki sa akin noon na mahirap daw maguidance. 

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa aming maliit na dining table at sinimulan ng ligpitin ang mga kalat na naabutan kagabi ni Minaku. Naghugas muna ako ng mga kasangkapan at saka ako nagpunas ng mga kabinet. 

After ng ilang oras ng paglilinis.

'Ano ba 'yan akala ko naman sobrang dali linisin nitong bahay namin kasi maliit lang.' reklamo ko sa sarili ko.

 Napaupo ako pagkatapos kong linisin ang buong apartment. Sobrang nakakapagod kaya naman naisipan ko na pumasok muna sa kwarto ko. Kinuha ko yung kahon na pinaglalagyan ng ipon ko.

'Konte nalang'  nasabi ko sa sarili ko.

At saka ko idinagdag doon ang sinahod ko kahapon na nakalimutan ko pang ilagay. Balak ko kasing bumalik sa pag-aaral at sa tingin ko konte nalang para makapag-enroll ako sa school na pinapasukan ni Miuki. Itatanong ko din kay Miuki kung saan kami pumasok dati para naman hindi na ako mahirapan sa mga requirements.

Nang makarinig ako ng dahan dahang kaluskos mula sa labas ng kwarto ay agad akong kinabahan dahil kaaalis lamang ni Miuki at imposibleng hindi ito tumawag kung dumating na. Nagdahan-dahan akong nagtago sa ilalim ng kama habang hawak hawak ang kahon. Maaari kasi na pagnanakaw ang motibo kaya siya pumasok ng apartment namin.

"Miuki alam kong nandyan ka. Lumabas ka na. Kailan ka pa naging duwag? Sa pagkakaalam ko ay hindi mo alam ang salitang yun." isang malisyosong tinig babae ang nagsalita mula sa labas ng kwarto. Kaya naman napahigpit ang yakap ko sa kahon na hawak ko kasabay ng pagtaas ng mga balahibo sa buong katawan ko. 

Anong kailangan niya kay Miuki? ang isip-isip ko.  

Mga ilang sandali lang ay may narinig akong nagbubukas ng pintuan ng apartment namin.

"Ran!" sigaw ni Miuki ng makapasok sa bahay at binuksan ang pintuan ng kwarto namin. Kaya naman umalis na ako sa ilalim ng kama ko.

"Miuki, nakita mo ba yung babae na nandito? Hinahanap ka niya e. Nakakatakot nga siya." paliwanag ko ng makabitaw sa pagkakayakap niya.

"Hah? Wala namang tao." nagpalingon-lingon pa ito na tila may hinahanap.

E ano yung narinig ko kanina.ang gulong-gulo kong tanong sa isipan ko.

"Alam mo gutom lang yan. Ito bumili ako ng ulam dyan sa kanto." ang sabi ni Miuki. Ngayon ko lang namalayan na tanghalian na pala.

"Bakit nga pala ang aga ng uwi mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Yung isa kasing pagpapart time-an ko sana nanakawan tumawag yung boss ko, wag na daw muna pumasok kasi sinarado na muna nila yung tindahan. Kaya ito maaga ako." sagot niya at naglakad na papuntang kusina.

Nagpapasalamat naman ako dahil kung hindi yun nangyare ay siguro nasa ilalim pa rin ako ng kama at nagtatago habang nagugutom.

"Nga pala hanggang ngayon nalang yung bayad natin sa landlord natin. Hindi na uli ako nagbayad kasi lilipat na tayo" sabi ni Miuki habang sumasandok ng kanin.

"Ay ganun ba? Kaya mo pala ako pinaglinis." sabay pout ko. "Paano pala yung school mo?" ang nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Wag mo na isipin yun. Kinondensed ko na lahat ng mga courses ko, last day ko na ngayon."  and sabi nito at ginulo niya yung buhok ko. "At isa pa, okay lang na naglinis ka at least hindi tayo nakakahiya sa may-ari." sabi niya pa at nagdiretso na ito sa kwarto. Agad ko namang kinuha yung maliit na maleta ko. Ayoko kasi ng maraming dala e. Inilagay ko na lahat ng damit ko na limang t-shirt, dalawang sando, tatlong pantalon at yung iba pa. Nagtataka nga ako sa gamit ko bakit kaya halos kulay dilaw 'to. Favorite ko raw sabi ni Miuki. Grabeng favorite na 'to ang saya saya. Isa lang siguro ang damit ko na may kulay pula yung v neck na niregalo ni Miuki sa akin nung birthday ko. Pero ang pinagtataka ko bakit kaya si Miuki naman lagi namang nakapula. Hay nako magbestfriend nga kami. Matapos ko ayusin ang gamit ko ay agad naman akong lumabas ng kwarto ng maabutan ko na may iba na kaming kasama at nagsusukatan sila ni Miuki ng tingin at saka nagsalita ang babae.

"Long time no see.....Shiran!" diretso lang ang tingin nito kay Miuki. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nitong Shiran kaya naman nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pero lalo akong kinilabutan nung tumingin siya sa direksyon ko. "At kasama mo rin pala si Miuki. A very nice reunion. Natatandaan mo pa ba ang dahilan ng pagkawala ng ala-ala mo?" at saka bigla nalang itong sumugod sa direksyon ko.

Parang tumigil ang oras at nakapokus lang sa babaeng ito ang mga mata ko habang papalapit siya ng papalapit ay bigla nalang sumakit ang ulo ko at napasigaw ako ng malakas. Napatigil naman ito at saka tumawa ng nakakatakot pero wala na dito ang pokus ko, kundi ay nasa utak ko na. Parang isang palabas na patuloy ang pagdagsa ng mga imahe pero ang pinagtataka ko hindi ko kilala ang mga ito at ang huli ko nalang nakita ay kadiliman.

-End of Chapter-

(AN: So kamusta? Nahulaan niyo na ba kung anong nangyayare? Sino nga ba si Shiran? Bakit kaya tinawag na Shiran nung babae si Miuki? At sino kaya yung babae? HAHAHHA ABANGAN...

-Araruuu)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro