Prologue
SHE'S NOT paying attention to her bellydance instructor that's why she doesn't know what steps she's doing.
“Ms. Leoncio! What are you doing? You're not paying attention in my class since we started today!” galit na puna sa kanya ni Mrs. Harem, ang kanilang bellydance instructor.
Well, it's been a month since she enrolled in a bellydance class and she's enjoying it. Bukod sa ballet at tumugtog ng classical instruments, ito rin ang isa sa pinapangarap niyang matutunan. Ang kaso medyo lutang siya ngayon dahil pinagtataguan na naman siya ni Quintavilla. That jerk!
“Ah? S-Sorry po, Mrs. Harem. Kulang po kasi ako sa tulog, may tinapos po kasi akong photoshoot kagabi,” she came up with an alibi for her to save her self from humiliation. Halos pagtinginan na kasi siya ng mga kaklase niya na pareho rin niyang galing sa elite society at mayayamang angkan.
“Next time na hindi mo pa ayusin ang steps mo at hindi ka pa magpo-focus sa klase ko then you better drop out,” saad ng instructor nila na nasa mid-40’s na. But even though she's in her 40’s, her skin and body still looks younger than her age. At ganito ang goal niya sa buhay. To look young and fresh until she reached hundredth of her age.
“Yes, Ma'am,” matamlay niyang sagot sa ginang.
“Again! Repeat the steps from the top! Everybody,” hindi na nito pinansin ang naging sagot niya at muling bumalik sa pagtuturo.
When the darbuka starts to play they all begin to sway their hips and do the steps which is tinuro ng kanilang instructor. Pinilit niyang sumabay sa mga kaklase para hindi na naman siya mapagalitan and thankfully she survived.
“Great! All of you are improving, ladies! Let's call it a day and see you again next meeting,” after three rounds of doing the choreography, their instructor finally dismissed them.
“Thank you, Ma'am.” “See you again next meeting Ma'am!” “G'bye, Mrs. Harem!” halu-halong pagpapaalam sa instructor ang maririnig sa loob ng dance studio habang kanya kanyang ligpit ng mga gamit ang lahat bago tuloyang magsialisan.
And Margot quickly dressed up and fixed her things, making her the first one to get out of the studio. Agad siyang sumakay sa kanyang kotse at pinasibad iyon. Kailangan niya talagang bilisan dahil kung hindi — hindi na naman niya maaabotan si Quintavilla sa bahay nito. She needs to talk to him. Pero ang kumag, pinagtataguan lang naman siya!
“M-Ma'am Margot?!” utal na bulalas ng kasambahay ni Onix pagkapasok na pagkapasok niya sa living room ng bahay ng binata. “Naku! W-Wala pa po si Sir Onix, Ma'am. Bumalik na lang po kayo sa susunod na araw,” pagkausap sa kanya ng matanda at humarang pa sa kanyang dadaanan.
“No! I'll wait for him until he showed up!” angal niya na may halong diin sa kanyang sinabi. Diretso niyang tinungo ang sofa at naupo roon.
“Ma'am… Pasensiya na po pero hindi talaga puwede, mapapagalitan po ako ni Sir,” pilit siyang itinataboy ng matandang kasambahay ni Onix.
“At bakit hindi? Hihintayin ko lang naman siya, wala akong gagawin na kahit ano. So chill ka lang, manang, okay?” mataray niyang turan sabay higa sa sofa at pikit ng kanyang mga mata. Walang puwedeng pumigil sa kanya na makausap ngayon ang binata. Kung kailangan niyang maghintay ng isang linggo, kahit sabihing walang ligo siya nun, ay gagawin niya.
“Pero, Ma'am…” mukhang nawalan na ng pag-asa ang kasambahay na maitaboy siya paalis dahil wala na siyang narinig na litanya pa mula rito. And she smiled triumphantly.
Nang maramdamang wala na sa paligid ang panirang kasambahay ay agad siyang tumayo at tinungo ang ikalawang palapag. Maraming beses na siyang nakapunta dito sa bahay ni Onix mula pa noong highschool siya dahil magbestfriend ang binata at ng Kuya niya. Nakabisado na nga niya ang bawat parte at sulok ng pamamahay ng binata kaya alam na niya ang pasikot sikot dito.
When she reached the hallway to Onix's bedroom, she suddenly hear footsteps coming behind her. Dahil sa sobrang gulat ay hindi niya nakita ang basang parte ng sahig, she stepped on it and she was about to land on the floor. But thankfully someone saved her just in time.
“Goodness gracious…” she muttered under her breath.
Pagkatapos makabawi sa pagkagulat ay agad niyang nilingon ang kung sinumang sumagip sa kanya mula sa muntikan ng pagkakatama ng puwetan niya sa sahig. And to her surprise, it was Onix Quintavilla! She doesn't know what to feel right now, if maiinis ba siya o magpapasalamat. Maiinis dahil sinabi ng kasambahay nito na wala ito ngayon pero heto at magkayakap pa sila. O magpapasalamat dahil iniligtas siya nito kahit papaano, her precious butt was saved from falling into that fvcking wet floor which may cause her a major butt pain.
“Bwiset ka!” hindi napigilan ng sarili niya ang inis at napabitaw siya sa pagkakayakap nito at umayos siya ng pagkakatayo. Hinarap niya ito at humalukipkip siya, just to let him know that she's very annoyed. “You're hiding from me, again!” pagsasabi niya dito ng hinanakit.
“What are you talking about?” maang na tanong nito.
“Don't you dare lie to me, Quintavilla! Ang sabi ng Nanny mo e wala ka dito sa bahay mo but here you are! Face to face pa sa akin.”
“Well, k-kadarating ko lang,” she can sense that he's lying. “At kung ang ipinunta mo dito ay tungkol dun sa aksidenteng pagkahalik ko sa'yo sa club, p'wes you better forget about it. Don't act like you wasn't kissed by bunch of men out —” but then he started insulting her. Halos gusto na niyang lamunin siya ng lupa dahil sa sobrang pang-iinsulto nito sa kung anong klase siyang babae. So, ganito ba ang tingin nito sa kanya? A playgirl na kung kani-kanino lang nagpapahalik?
Her hand seemed to have its own will, it immediately went on Onix's cheek and slapped him. Pero kahit na ibinuhos na niya ang lahat ng inis at galit niya sa pagsampal dito ay hindi pa rin napagaan nun ang nararamdaman niya.
“How dare you! You don't have any rights to judge me because you don't know me at all. Ganoon ba? Ganoon ba ang tingin mo sa akin? Isang babae na kung kani-kaninong lalaki lang magpapahalik?” ang luha niya ay awtomatikong kumawala sa kanyang mga mata habang nagsasalita siya't ipinagtatanggol ang sarili. No, hindi siya yung tipo ng babae na magpapaapi kahit pa sa lalaking mahal niya. “P'wes nagkakamali ka sa akalang iyan! Because that night! When you came near me on the dance floor inside that fvcking club where I thought all my fantasies will soon come true! Then you kissed me! That kiss was my first! And you know what, I was saving it for you all of my life! Pero ito? Ito lang ang maririnig ko sa'yo! Walanghiya ka! P-ta ka!” she can't help it but cursed him. Pero hanggang doon na lang ang kinaya niya dahil hindi na niya kaya pang sampalin o saktan ito ng pisikalan. Wala e, mahal niya.
“H-Hey, Margot. I-I'm sorry. I w-was a jerk —” he was trying to explain but she's tired hearing all his explanations and rejections.
“Yes! You are a total jerk! And fvck you to hell!” sabad niya sabay lakad at nilagpasan ito. Pero huminto siya ng malapit na siya sa hagdan. “I know that you know from the very start that you're the only man I love. And I never surrendered until now. But I guess I should stop from here already, ‘cause I had enough,” she stated with finality in her voice.
“Margot!” he called her and he grabbed her arm to stop her from walking away. “I-I am very sorry.”
That's what he only said before letting go of her. Masakit! Sobrang nasaktan siya! Ang akala niya pipigilan siya nito pero hindi pala. Ano pa nga ba ang dapat niyang asahan dito? Mula pa noong umamin siyang may gusto siya dito hanggang sa mahal na niya ito ay puro na lang rejections ang natatanggap niya mula rito. At mukhang kailangan na niyang isuko ang pagmamahal na ito ngayon! Wala rin namang patutungohan at mukhang siya lang ang patuloy na nasasaktan at sumusugal.
She wiped her tears and held her head up high. Pigil ang mga luha niya habang naglalakad siya pababa sa unang palapag hanggang sa makasakay siya sa kanyang kotse. Pinaharurot niya agad paalis ang kanyang sasakyan diretso sa bahay ng Kuya niya.
“Kuya Landon!” tawag niya sa kapatid habang nagdo-doorbell sa labas ng malaking gate ng pamamahay nito.
After some time the great wall of Landon Leoncio opened up finally. Bumalik siya sa loob ng sasakyan niya at nagmaneho papasok sa loob ng bahay ng kanyang kapatid. Ipinarada niya muna sa garahe ang kanyang kotse atsaka lumapit sa Kuya niya na hinihintay siya sa front door.
“What? Why are you crying? What happened?” nag-aalalang tanong sa kanya ng kapatid sabay kulong ng mukha niya sa mga palad nito.
“Landon broke my heart, Kuya!” pagsusumbong niya na parang siya pa rin ang 8 years old na baby sister nito na palaging iyakin at sumbongera.
“He always break your heart, Bratty. So what's the difference now?” pero imbes na palubagin ng kapatid niya ang kanyang nararamdaman ay mas inaasar pa siya nito. Mukhang mali siya ng tinakbuhan ngayong kailangan niya ng taong masasandalan.
“No! He broke it this time! It's not just rejections anymore,” sumbong niya na may kasamang dabog.
“You bratty! You deserve it,” patuloy pa rin ito sa pang-aasar sa kanya at kinurot din nito ang magkabila niyang pisngi. “Para magising ka sa katotohanan na never kang mamahalin ni Quintavilla.”
Pumalahaw siya ng iyak dahil sa huling sinabi ng kapatid. She ran inside his house, upstairs, and into her room. Yes, his Kuya build her a room in his house and she did the same. She also made a room for her Kuya in her house.
She locked herself in her room sabay talukbong ng kumot at iniyak lang niya ang sakit na nararamdaman habang yakap yakap ang isang unan. Her heart was breaking into pieces, it's too much this time, it feels like she can't handle it. Onix Quintavilla. Why can't he love her? What's wrong with her? Is something missing with her? Or wasn't she his taste or kind of woman?
Mas lalong lumakas ang pagngawa niya habang patuloy na dumadaloy ang kung anu anong isipin, agam agam at insecurities sa utak niya. And it's all about Onix!
No Margot! Stop it! You should stop pursuing his love! You can never have it. Or beg for it.
A MONTH after deciding to give up on Onix, Margot finally accepted a fashion magazine’s offer to be their ambassador and to start her modeling career in England. She knows now that this is what's good and better for her. Since she's a spoiled brat and she has nothing to do because she was born filthy rich, even if she doesn't work for a living.
She never finished her studies in college and pursue her dream to become an interior designer. She's too lazy going to school anymore and from then she only do modeling and be an internet celebrity. Just like the Jenner-Kardashian sisters. And she also does the stalking and chasing Onix Quintavilla all her damn life. But she's trying very hard not to think about him anymore.
“Are you sure you'll be okay there, baby?” puno ng pag-aalalang tanong sa kanya ng Mommy niya.
“Yes, Mom. I can learn how to live alone finally, so don't you worry,” sagot niya sa ina sabay yakap dito bago siya bumaling sa ama na kanina pa tahimik. “Dad?” untag niya dito.
“You really want to do this?” he asked her again the same question he was asking her before they got here in airport.
“I am definitely doing this, Dad. Look! I'm 21 years old already, I am not a baby anymore.”
“You're still our Baby Margot,” naiiyak na wika ng Mommy niya sabay hila pabalik uli sa tabi nito at niyakap siya ng mahigpit.
“Mom! Stop it! Nakakahiya, pinagtitinginan tayo o,” saway niya dito pero hindi siya nito pinakinggan. Just as she thought.
Pero ilang minuto lang ang lumipas at tinawag na ang kanyang flight. Kahit gusto niya pang tumagal ang yakapan nilang mag-ina ay hindi na puwede. She have to go.
“I have to go, Mom,” anunsiyo niya atsaka bumitaw sa yakap nito. Pigil ang mga luhang nginitian niya ang mga magulang. May lungkot at tampo din siyang nararamdaman dahil hindi sumipot ang Kuya niya para man lang magpaalam.
“Take care of yourself, honey. Eat on time and don't stress yourself too much,” bilin ng kanyang ama at tinulongan pa siya nitong ayusin ang mga baggage niya.
“Margot, anak! Huwag ka pang mag-aasawa anak ha! Hintayin mo munang mauna si Landon!” and she was leaving for her flight when her Mom called her again and shouted. Jusko! Bakit kailangan pang ipagsigawan ng Mommy niya ang bilin nitong iyon? She could have just told her earlier. Pero kahit na ganun, ngumiti pa rin siya sa ina sabay kaway dito. And after that she continued leaving for her flight.
Mabibilis ang mga hakbang na hinabol niya ang kanyang flight at baka makaalis na ang eroplano. It's a good thing she has her long legs to catch up. Ngunit habang naglalakad siya ay nagdadasal din siya na sana tama ang naging desisyon niya sa pagkakataong ito. She's praying that England will help her heal her broken heart and moved on.
***
My dear bipolar bears,
I know na inaabangan pa ninyo ang My First Love's Son pero magkakaroon muna ng kaunting update ang DTSOF. 😊😊😊 Sana nagustohan ninyo. Atsaka sorry sa grammatical and typographical errors. Hinay hinay muna ang UD ko dito, kasi nangako akong tatapusin ko muna ang MFLS. 😁😊
P.S. Pakihabaan po sana ang inyong pasensiya. Hindi ko pa po kasi kayang imanage ng maayos ang oras ko. Atsaka napepressure at stress din kasi ako sa school. Ayun, salamat ng marami sa inyo. ❤
Goddess Bipolar 👑
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro