The Letter
Dear Timothy,
Mahal kita. Dalawang salita lang iyan, pero nabubuhol ang dila ko sa tuwing ikaw ang kaharap upang ipagtapat ang pagmamahal kong walang lugar diyan sa puso mong kinakalawang. Pero kilala kita, Tim. Ang taas ng standard mo sa babae. Oo nga naman, sino ba naman ako para mag-assume na mamahalin mo, 'di ba? Hindi mo nga sinagot 'yong muse sa klase natin na pang Miss Universe ang beauty, e. Ako pa kaya? Pero libre namang mangarap
Mahal kita. Dalawang salita na hanggang sa papel mo lang makikita. Hoy, ginawan ko ng F-L-A-M-E-S ang pangalan nating dalawa, tapos LOVERS ang kinalabasan. Pwede na akong mamatay sa sobrang tuwa, pero napagtanto kong magtapat muna para naman makita kitang umiyak sa puntod ko. Sinayang mo ba naman ang nag-iisang dyosa ng Cebu. Sino ang hindi magluluksa, 'di ba? Please lang, huwag mong kalimutang dalhin ang paboritong kong scented candle. Deal? Deal.
At alam mo bang nakangiti ka ngayon sa harap ko? Of course, hindi mo alam. Abala ka kasi, kaya mas lalo akong naiinis. May ibang nagpapangiti na kasi sa 'yo.
Kung alam mo lang na mahal kita, masisilayan ko pa kaya ang mala-anghel mong ngiti, Tim?
Makakasama pa kaya kitang gumala kahit saan at kumain ng street foods? Hindi na siguro, 'no?
Pero baliktarin man ang mundo, mahal kita, iyon ang mahalaga.
Your future lover,
V
Tweet your thoughts and use #IWYALetter on Instagram, Facebook, or X.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro