Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I Wouldn't Mind

'The heart knows what it wants.'

The news flashing on the electronic billboard caught my attention. It's been years since the public last heard about her. Kung ano-anong klase ng hakahaka ang lumabas nang mabalita ang biglaang pag-lie low ni Maia sa showbiz. Pero ni isa sa mga 'to ay walang nakapagkumpirma ng totoong dahilan.

Ibinalik ko ang atensyon sa pagmamaneho. Parang kahapon lang nangyari ang lahat, hindi naman kasi naputol ang komunikasyon naming dalawa. We chat, and emailed each other habang nasa ibang bansa siya. Tuloy-tuloy pa rin siyang nagco-confide sa akin kahit ilang libong milya ang naging layo namin sa isa't isa.

'You will always be my best friend, Aster. Hindi magbabago 'yon.' I gently shook my head when I remembered those words when she first entered showbiz. Yes, I will always be her best friend. Nothing more, nothing less.

I parked my car at my usual spot.

"Good morning, Doc," nakangiting bati sa akin ng clinic attendant kong si Anna.

"Goo—"

"Bakit ngayon ka lang?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, at sumalubong sa akin ang nakangusong mukha ni Nichelle.

Naiiling na nilapitan ko siya saka ginulo ang buhok. "Stop it!"

"Ang aga mo rito, ah. How's Cookie?" I squatted to her level and smiled. Buti na lang talaga at naging kamukha ni Maia ang anak niya.

"She's okay." Masama pa rin ang tingin niya sa akin. "Hindi na ba ako pwede pumunta rito?"

"I didn't say that." Though I should really talk to Maia. Nasanay na yatang laging dito iniiwan si Nichelle kapag may biglaan itong taping or shoot. Nakalimutan yata nitong vet clinic ang opisina ko at hindi daycare.

Inakay ko papuntang opisina si Nichelle. Pagpasok pa lang ay nakita ko na ang mga bags niya pati ang pet cage ng alaga niyang pusa na si Cookie.

"Where's your mommy?" Kinuha ko ang puting coat ko na nakasabit sa likod ng office chair ko.

"Photoshoot. She told me to stay with you muna." I nearly facepalmed by what she said. Bakit ba ako pumayag sa ganitong set-up? Maybe because I can't really say no to Maia. "Can you play with me and Cookie?"

"Sure, Love. But I need to finish all my scheduled appointments today first, okay?" Hindi ko mapigilang ngumiti nang ngumuso siya at padabog na pinuntahan ang pet cage ng alaga.

"Uncle Bear doesn't want to play with us, Cookie," saad ni Nichelle habang kinukuha ang alaga. "Let's make kulit na lang si Anna."

Walang paalam na lumabas siya ng opisina ko. Hindi ko maiwasang mapangiti bago inumpisahang basahin ang mga records ng mga appointments ko ngayon. Ba't ba hindi pa ako nasasanay kapag iniiwan ni Maia ang anak niya rito.

Hindi ko namalayan ang oras nang magsimula ng magdatingan ang mga pasyente ko, hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin si Nichelle. Luckily, she knows how to entertain herself. Nalaman ko kay Anna na nakikipaglaro siya sa mga naghihintay na pasyente ko.

"Uncle Bear..."

"Yes, Love?"

"I'm hungry."

"Sige, kakain tayo mamayang lunch time," sagot ko nang hindi nag-aangat ng tingin.

"But it's lunchtime na!" Nagulat ako nang marinig ang malalakas na yabag niya. Napatingin ako sa digital clock na nasa lamesa ko at napakamot, halos ala una na pala ng hapon. Maia's going to kill me if she found out na ginugutom ko si Nichelle, kahit hindi.

"Okay, okay. Let's go eat." Hinubad ko ang puting coat at kinuha ang bag ko. "Anong gusto mong kainin?"

"I want to have pasta!" Tuwang-tuwang nagtatakbo palabas ng opisina ko si Nichelle. "Oh! Oh! And can we have the ice cream again?"

Natatawang um-oo na lang ako. She's really the mini version of Maia.

Inihabilin ko muna kay Anna ang clinic, pati na rin si Cookie na kasalukuyang kalaro ng alagang aso naming si Sugar.

Napagpasyahan naming kumain sa restaurant na malapit lang sa clinic ko. Walking distance lang iyon. Aliw na aliw ako habang tinitingnang maglakad si Nichelle. She's skipping on her feet. At nang makita niyang malapit na kami ay bigla na lang siyang tumakbo.

"Hurry now, Uncle Bear. I'm hungry." Naiiling na inalalayan ko na lang siya sa pagbukas ng pinto. Napapaisip ako minsan kung talaga bang anim na taon lang ang batang 'to.

Habang kumakain, itinanong ko kay Nichelle ang bagay na matagal nang bumabagabag sa isip ko simula nang mabalitaan kong nagbalik na sila ng Pilipinas.

"Love, ilang buwan lang ang bakasyon ninyo rito?" I can't help but smile when I saw her happily munching her food.

"Mommy said we'll be staying here na for good." Inabot niya ang tissue na nasa tabi ng plato at pinunasan ang nguso. "She also told me to ask you if you can process the transfer to my new school. Busy raw kasi siya."

Nauwi sa ngiwi ang ngiti ko nang marinig ko ang sinabi niya. "She told you that?"

"Yep. And she told me na kapag umangal ka raw ipaalala ko raw sa'yo 'yong promise mo na you will take care of us."

Napayuko ako habang sapo ang ulo. There it was—the guilt-trip trump card. Iyon ang huling alas nina Maia sa akin. Hindi pa rin talaga ito nagbabago. She even made her kid use it against me.

"Anna, ikaw na bahala mag-ayos ng clinic. Paki-cancel na muna mga appointments ko para bukas." Kailangan kong makausap si Maia kaya naman nagpasya na akong personal na ihatid ang anak niya.

"Sige po, Doc. Ingat po."

Inilagay ko sa trunk ng sasakyan ko ang ibang bags ni Nichelle, samantalang inilagay ko naman sa backseat ang pet cage ni Cookie.

"Are we going to make sundo, mommy?"

"Yes, Love." Sinigurado kong naka-seatbelt siya sa backseat bago ako pumunta sa driver's side.

"Are you two together?" Napangiwi ako nang maipit ang kamay ko sa buckle ng seatbelt. Ito 'yong mga pagkakataon na hinihiling kong hindi naging kaugali ni Maia ang anak niya.

"No, Love. We're not together." Pero sana nga kami talaga.

I could still remember the day that she confidently called me her friend.

Ako 'yong tipo ng estudyante na loner, hindi pansinin, samantalang siya naman ay nabibilang sa popular group. Hindi na ako umaasa na mapapansin niya ako dahil marami na siyang kaibigan noon. Pero laking gulat ko nang siya mismo ang lumapit sa akin habang tahimik akong nagbabasa ng libro.

"You looked like you could use a friend."

Simula noon, palagi na niya akong kinukulit. Mula sa paggawa ng projects, assignments, at kung ano-ano pang pabor. Siya 'yong tipong ang hirap hindian, kaya naman kalaunan ay nasanay na rin ako sa presensiya niya. May pagkakataon pang pinagpanggap niya ako bilang boyfriend niya para lang iwasan ang mga manliligaw niya.

Pagtuntong namin ng kolehiyo, na-realize kong hindi na lang kaibigan ang tingin ko sa kanya. Mahal ko na siya.

Sinubukan kong ipakita ang nararamdaman ko sa kanya. I gave her red roses with notes every day. Walang palya. Hanggang sa nakapasok siya sa showbiz, tuloy-tuloy pa rin ako sa pagbibigay sa kanya. Sinabihan ako ng mga kaibigan ko sa university na umamin. Sinubukan ko pero hindi ko nagawa dahil nakita ko siyang kausap si Kaleb—ang masugid niyang manliligaw.

Pagdating namin sa venue ng photoshoot ni Maia ay hindi pa tapos ang shoot nito. Naglibot-libot muna kami ni Nichelle habang naghihintay sa kanya. Nakangiting pinapanood ko si Nichelle habang tuwang tuwa sa mga bulaklak ng garden ng hotel. Naagaw ng mga kulay pulang rosas na malapit sa fountain ang atensyon ko.

"Uncle Bear, I'm tired." Naramdaman ko ang mahinang paghila ni Nichelle sa damit ko. Inakay ko siya pabalik sa lobby ng hotel.

"I'm sorry, Aster. Kanina pa ba kayo?" Kagat-labing labing tanong ni Maia habang hinahaplos ang buhok ng tulog na si Nichelle.

"Kararating lang namin." Nginitian ko siya at inaya papuntang parking lot.

"Paulit-ulit kaming nagsh-shoot dahil baguhan ang kasama ko," paliwanag niya. "Teka, kumain na ba kayo? Pinakain na kasi kami ng client kanina."

"Oo, tapos na."

Hinatid ko sila sa townhouse na pansamantalang tinutuluyan nila, habang hindi pa siya nakakabili ng bahay mula sa perang matatanggap niya sa namayapa niyang ina.

"Ako nang magbubuhat kay Nichelle." Kinuha ko mula sa pagkakakarga niya si Nichelle at hinayaan ko na siyang asikasuhin ang ibang gamit nito.

Diniretso ko na sa kwarto nila ang bata. Tinabihan ko muna ito dahil ayaw nitong bitiwan ang damit ko. Nangingiting hinaplos ko ang buhok nito.

"Ako na lang sana ang naging daddy mo," bulong ko saka hinagkan ang noo nito.

Nagising ako nang makaramdam ng lamig. Hindi ko namalayan na nakatulog din pala ako. Tatayo na sana ako mula sa pagkakahiga pero nakita kong parehas nakapulupot ang braso nina Maia at Nichelle sa baywang ko. Maingat kong inalis ang braso nilang dalawa, pagkatapos ay kinumutan sila. Ayoko sanang iwan sila pero alam ko namang magkikita pa ulit kami bukas. 

Kinabukasan, nagpasya akong dumaan muna ng flower shop. Na-realize ko habang nakatitig kay Nichelle at Maia kagabi na oras na para aminin ko ang nararamdaman ko. I don't want to settle as her best friend anymore. I want to be a part of their life. I want to be that missing piece in their life. 

Tinawagan ko si Maia para sabihing dadalaw ako sa kanila. I sighed in relief when she said that she doesn't have any photoshoots or taping for the day. Mukhang pinagbibigyan ako ni Tadhana sa gusto kong gawin ngayong araw. 

Naabutan ko si Maia na nasa maliit na lawn ng townhouse nila habang nagdidilig ng mga halaman.

"Maia..."

"Uy Aster, akala ko pa naman mamaya ka pa darating. Hindi pa ko nakapaghanda." Pinagbuksan niya ako ng gate at inaya sa may garden set nila. 

"Maganda ka pa rin naman kahit hindi ka nakaayos." Kitang-kita ko ang paglawak ng ngiti niya.

"Kailan ka pa natuto ng mga ganyang banat?" Dumako ang tingin niya sa hawak kong bouquet ng pulang rosas. "Anong meron ba't may pa-flowers ka ngayon?"

"I like you, Maia." Inabot ko sa kanya ang hawak na bouquet ng red roses. 

Kitang-kita ko ang gulat na rumehistro sa mukha niya. "Aster..."

Alangan niyang kinuha ang mga bulaklak mula sa akin. Rinig na rinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko. It's now or never.

"No, scratch that. I loved you since we're in college, Maia. Akala ko kuntento na ako sa pagiging best friend lang, pero hindi pala. Gusto kong maging parte ng buhay ninyo ni Nichelle." I took her free hand and brought it over my chest. "Noon pa man ikaw na ang tinitibok nito, Maia. Ramdam mo ba?"

Dahan-dahan siyang tumango. Kita ko ang paglandas ng luha sa mga pisngi niya. 

"Ikaw ba ang nagbibigay sa akin ng mga pulang rosas noon?"

"Oo."

"Bakit hindi mo sinabi?"

"Akala ko kasi sinagot mo na noon si Kaleb."

Umiling siya. "I thought he's my secret admirer. Little did I know ginamit niya lang ako dahil sikat ako. Nang malaman niyang buntis ako, pinilit niyang akong magpa-abort. Nagkunwari na lang akong pumayag. Sinabi ko kay Mommy na sa States na lang muna ako, alam mo naman..."

Tumango ako. Kaya pala bigla na lang ang desisyon niyang pumunta ng States. I trust her, kaya hindi na ako nag-usisa pa noon.

"I'm sorry." Kung alam ko lang...

"It's okay. Past is past. Isa pa, I'm happy now." Nakangiting hinaplos niya ang pisngi ko. "I love you too, Aster. I've been a mess but you were always there for me—for Nichelle. Thank you for always helping me, kahit na alam kong malaking abala kami sa 'yo."

"I wouldn't mind." Nginitian ko siya bago unti-unting tinawid ang pagitan ng mukha namin. 

I was about to kiss her when I heard a meow. Pagtingin ko ay nasa paanan ni Maia ang alagang pusa ni Nichelle. "Cookie..."

Sinagot lang ako nito ng meow bago naglakad papasok ng bahay. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin si Nichelle na nakatayo sa may bukana at nakatitig sa aming dalawa ng mommy niya. 

Kinindatan lang ako nito saka tumalikod at kumanta ng, "Aster and mommy, standing in our garden, K-I-S-S-I-N-G!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro