Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

P R O L O G U E

P R O L O G U E

~Maine

Please don't be in love with someone else; please don't have somebody waiting on you.

Kahit pala sabihin kong nakita ko na siya, na nakilala ko na kung sino nga ba talaga siay doon naman ako nanghinayang sa pagkakataon na magkakausap pa kami ng magtagal. Na masusulit ko na ang bawat oras at mapapasalamatan ko na siya, na noon ko pa sana ginawa.

Pero mukhang tinadhana nga ang lahat na hindi pa kami handa na magkausap, na makilala pa ang bawat isa. Ang hirap tanggapin dahil inakala kong wala nang pag-asa na mahanap ko pa si Alden, na kahit kailan hindi na siya magpapakita sa akin dahil alam kong hinihintay pa rin niya 'yong tamang panahon na 'yon.

Kaya kinagulat ko nang malaman kong si Richard, Bae pala ay iisa at isa Alden pala iyon. Nakakatanga lang dahil no'ng umpisa pa lang hindi ko na inisip na baka si Alden iyon. Na may mga resemblance sila sa isa't isa pero ang inisip ko ay imposible na mangyari 'yon kaya nasaktan ako nang malaman kong iisa lang pala sila.

Pero hindi ko sinasabing nasaktan ako dahil niloko at pinaglaruan ako ni Alden. Naiintindihan ko siya, hindi pa siya handang harapin ako. Naiiyak ako ako dahil 'yon an 'yong chance na 'yon eh, nawala na lang bigla.

Hanggang saan ko pa nga ba hihintaying ang tamang panahon kung ngayon pa lang hindi ko alam kung mangyayari pa ba 'yon.


~Alden

It's hurt for me to leave her. To dump her just like that pero hindi ko naman ginawa 'yon para saktan siya. Ang hirap para sa akin, matagal ko na siyang nakita, nakakausap pero hindi ko pa rin magawang ipakilala ang sarili ko sa kanya dahil natatakot ako na baka layuan niya ako pagnagkataon.

Laging bumabalik 'yong alaala ko no'ng niligtas ko siya noon, noong tinulak ko siya para ako ang madali ng bisekleta. Her tears fall from her eyes and blood beside my tears, nakatingin lang siya sa akin habang ako ay tumakbo.

I was afraid to tell her that I liked her, that I missed her.

Lumayo ako sa kanya noon dahil may mga rason na kailangan kong sundin, hanggat sa malayo ako sa kanya. Pinilit kong kalimutan siya at nagawa ko 'yon, ngunit bumalik nang makita ko siyang muntik nang mabangga ng motor.

Parang déjà vu ang nangyari, she didn't even know na ako na 'yon, na pinahiwatig ko na na nandito ulit ako para sayo pero sa pagkakataon na 'yon, natakot na akong harapin ka. Nagtatago, lumalayo para lang hindi ka makita pero sa huling pagkakataon doon lumabas ang lahat.

Hindi ko rin alam kung hanggang saan ko hihintayin ang tamang panahon, kung handa na nga ba ako?

Handa na nga ba akong harapin si Maine?

Siguro darating na ang tamang panahon at magkikita rin kami. Hindi na ako magtatago, hindi na ako lalayo sa kanya pero paano ko hahanapin ang isang tao na hindi ko na rin alam kung saan hahagilapin?

Lumayo ka na rin ba Maine?

Ayaw mo na rin ba akong makita?

Kasi kung ngayon, ako ang handang sumugal para hatakin ang tamang panahon para sa ating dalawa. Handa na ako, Maine.

Handa na ako para sa ating dalawa.

Maghintay ka lang.

Darating din ako.

Asahan mo.

No cliffhanging, I wouldn't run away, I wouldn't let myself hid from you because I was made for loving you. And we're MaiDen for each other.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro