Chapter 8
Chapter 8
Tisoy
"Are you resigning Maine?" her officemate asked her.
She smiled, "yes, alam kong naka-ilang buwan na rin ako dito sa work ko pero syempre masaya ako na napunta ako dito pero 'yon kasi ang sabi sa akin ng staff, If I have work, mag-resign na daw ako dahil makakaabala pa 'yon sa schedule ng taping o kahit ano man." Sagot naman sa kanya ni Maine.
"Ay good for you naman pala, good luck sa career mo! Unexpected and instant celebrity ka kaagad!" aniya at saka niyakap si Maine.
Napailing at natawa na lang sa kanya ang ka-trabaho nito, "ano ka ba, instant ka diyan?" hagikgik ko pa.
"Ay naku, for sure, mas lalo kang sisikat."
Napangisi naman ako sa sinabi niya, "sikat agad? Kaloka ka be, sige na, may meeting kasi mamaya with the staff."
"Ay sige, ingat ka!"
Pero bago pa magpaalaam si Maine sa kanyang mga ka-trabaho ay humirit pa ito nang group picture at saka umalis na. Naglakad naman sila palabas ng building dahil hinihintay na sila ng service papunta sa meeting na pupuntahan nila for the teleserye. Hindi rin makapaniwala si Maine na dahil sa kanyang video, kukunin siya at isasama pa sa top rating na teleserye. Pero hindi naman niya iniisip 'yong negative vibes dahil kung sinali siya, may nakitang potential sa kanya.
"I'm so happy for you Meng."
Napangiti na lang si Maine sa sinabi ni Anja sa kanya. Tumuloy naman silang dalawa sa van. Kahit kasi may nangyari na kay Maine, never nitong inisip iyon. Mas pinagtuunan niya nang pansin 'yong kung paano siya tatanggapin ng mga tao sa gagawin niyang teleserye. Hindi naman niya naisip at inaasahan na mapapasama siya kaagad sa ganyang teleserye pero kung 'yon naman ang will for her, gagawin niya dahil iyon ang nakatadhana sa kanya.
"Makakasama daw natin sa meeting si Al—Ah, Richard pala." Ani Anja kay Meng.
Nilingon naman siya ni Maine, "good."
"Hindi mo talaga siya naaalala?" biglang tanong naman sa kanya ni Anja. 'Yong mukha ni Anja na umaaasang sana oo ang isagot niya. Kunot noo lamang ang nakuha niya Maine at saka niya ito inilingan. "Haay..."
Hinawakan naman ni Maine sa balikat si Anja, "ano ba kasing meron sa kanya? kahit ano kasing sabihin niyo, pangalan man niya o kung ano man wala akong matandaan eh."
"Kasi nga may amnesia ka." Ani Anja.
"May magagawa pa ba ako?" sagot naman sa kanya ni Maine. "Kung nakalimutan ko siya, siguro iyon ang way para tuluyan ko siyang makalimutan diba? Kung sino man siya sa buhay ko, hayaan na lang natin. At saka bakit hindi na lang natin hayaan na siya ang lumapit sa akin?" aniya.
"Kung may amnesia ka nga talaga, hindi kita pipilitin, hindi ko ipipilit na ipaalala sayo kung sino, ano siya sa buhay mo pero ito lang ang tatandaan mo sa mga sasabihin ko. Mahal ka niya." Sa sinabi ni Anja tila parang wala lang kay Maine 'yon, parang pumasok sa kanang tenga at lumabas sa kabilang tenga. Wala siyang naramdaman o kahit ano man sa sinabi nito. Kasi nga, hindi niya ito matandaan.
She didn't remember Alden, even in the small things he did.
Mga ilang minuto lang din nang makarating ang service nina Anja at Maine sa building kung saan magkakaroon sila ng meeting. For the first timer na gaya ni Maine ay excited siya sa new work na kanyang papasukin, hindi lang naka-upo, kaharap ang computer kundi mag-a-acting na siya. Nagugulat na lang ang iba dahil ni hindi man siya sumalang sa workshop at on the spot agad siyang kinuha for a major role sa teleseryeng iyon.
Dinala naman ng mga staff and crew sina Anja ang Maine sa meeting room. Pagkapasok nina Maine ay una niya kaagad napansin si Alden at bakas naman sa mukha ni Alden ang lungkot ng iwasan siya ng tingin nito. Nakipag-beso ito sa mga tao sa loob at nang kay Alden na ay nakipagkamay na lang ito.
Siniko pa siya ni Anja nang nang makaupo na silang dalawa, na kaharap ni Alden si Maine. "Bakit kinamayan mo lang? Umasa tuloy 'yong tao." Bulong pa ni Anja.
"Baliw, ayos lang 'yan."
Napangisi na lang din naman sa kanya si Maine at dumating na rin naman ang ibang staff. Hindi naman nakadating sa meeting si Louisse dahil may kailangan iton puntahan, isang prior commitment na bawal niyang palagpasin kundi mawawala naman sa kanya.
"So, before we start the meeting. We would like to welcome Maine Alvarez to our family." Ani ng director sa kanila, "I hope Maine na mag-enjoy ka at mamahalin mo ang trabaho mong ito." Aniya.
Hindi naman nawala ang ngiti ni Maine sa harap ng staff. Halos kahit kasi simple lang ang dating niya ngayon, hindi mo maikakaila na kagandahan nga talaga ang babaeng ito. Simple kung manamit, mag-ayos sa sarili pero kapag siya na mismo ang nagdala, mag-iiba ang tingin mo sa isang babae na katulad niya.
Sa isip nga ni Alden, ibang iba si Maine kay Louisse. May nakita si Alden kay Maine na never niyang nakita kay Louisse. Dahil si Maine lang ang kaya niyang hanap-hanapin magpakailanman.
Naging usap-usapan sa meeting nila ang magiging pagpasok ni Maine sa teleserye. Kasama na daw talaga sa script ang magiging role nito pero they can't find the right person to do that role, hindi fit para sa kanila and Maine is the right person to act the role. Ang stranger turns to love interest ni Alden. Hindi naman kinakabahan si Maine sa mga gagawin niya, medyo alanganin lang din kung hindi siya magugustuhan or kaya maging flop ang pagpasok niya rito.
"Alam mo Maine, don't be such a nega, alam mo, may talent ka. Kahit mag-wacky faces ka pa diyan, kahit wala kang workshop. Masasanay ka rin naman and don't think about the negative feedback, isipin mo na magiging way 'yon para maging maganda ang kalalabasan ng acting mo. At syempre, si Richard pa 'yong makakasama mo." sabi ng director sa kanya.
Napatango na lang din naman siya, "ah, si Tisoy."
"Tisoy?" sabat naman ni Alden.
Napailing na lang at natawa na lang si Maine, "wala, half-american ka diba?" napatango naman si Alden kay Maine, "tapos ang puti mo pa, wala lang, tisoy lang. Bagay naman diba?"
"Pero mas bagay kung Bae ang itatawag mo sa kanya." sabat naman ni Anja.
Tinaasan naman siya ng kilay ni Maine at napangisi, "baliw ka, Anja." Aniya.
"Oh, sige balik na tayo."
Mas nagkaroon naman si Maine ng confident para gawin ang kanyang role sa teleseryeng ito. Baguhan siya kaya kailangan niyang sanayin 'yong sarili niya. Ilang saglit lang din nang matapos ang kanilang meeting, paalis na sana sina Anja at Maine nang lapitan sila ni Alden.
"Maine..." hawak nito sa braso ng babae.
Parang kung anong bagay ang nagpaatras kay Maine nang magdikit ang mga balat nila kaya naman hindi niya na lang iyon pinahalata at nilingon si Alden. "Bakit Tisoy?"
"Kumusta ka na?"
Tiningnan pa ni Maine si Anja at binalik ulit ang tingin kay Alden, "okay lang ako, ikaw?"
"Okay lang din ako, nakita na kita eh."
"Ah..." napatungo na lang din naman si Maine. "Sige, mauuna na kami Tisoy or Richard, whatever, see you na lang sa taping."
"Hindi mo pa rin ba ako naaalala?" pahabol nitong tugon kay Maine.
Pero agad naman niya itong binigyan ng iling saka tuluyang lumabas ng pinto. Napabuntong hininga na lang din naman si Alden dahil mukhang hindi pa nakaka-recover si Maine sa pagaalala sa kanya. Parang ang sakit kasi isipin na magkaharap na nga kayo, nagkikita na kayong dalawa pero hindi mo naman magawang kausapin siya ng masinsinan dahil hindi ka naman niya makilala.
Parang feeling ni Alden na nakalimutan na talaga siya.
Na nasayang ang mga pagkakataon na nakasama niya ito noong nakalipas na tatlong taon. Na sana noon pa lang, hindi na siya natakot na magpakalayo pero hindi naman niya ginusto 'yon eh. Ginawa niya 'yon para sa pamilya niya. He sacrifices the one he love para sa kanyang pamilya dahil para sa kanya, mas mahalaga ang pamilya at alam naman niyang one day darating din ang time na magkikita ulit sila and Alden didn't go wrong with that, nagkita nga sila pero hindi sila pinagkilala at pinaglapit ng tadhana.
"Okay lang 'yan Alden, kaya mo pa naman maghintay ng ilang taon diba?" biro pa ni Alex sa kanya.
Inalis naman nito ang pagkakaakbay ng kaibigan, "sapat na ang ilang taon na paghihintay ko, kung nasa tamang panahon na nga ba lahat bakit hindi pa ako gumawa ng paraan para maalala niya ako, diba?"
"'Yan ang tiwala lang! Kahit hindi ka maalala ni Meng, siguro one day, pagkagising niya, isipin mo na, ikaw kaagad ang hahanapin niya."
Napangiti na lang din si Alden, "sana nga mangyari na 'yon."
"Oo nga, pero baka nasa tamang panahon pa ang lahat, 'no?" aniya.
"Pa'no mo nasabi?" takang tanong ni Alden.
"Isipin mo 'yon, sinabi mo sa akin noon na nasa tamang panahon ang lahat para magkita kayo."
"Pero nagkita na kami."
"Oo nga, nagkita na kayo pero hindi ka naman niya maalala, ibigsabihin lang no'n na hindi pa ito ang tamang panahon para sa inyong dalawa. Na siguro kapag naalala ka na ni Meng, doon mo na masasabing nasa tamang panahon ka na."
Napakamot naman ng batok si Alden, "paano naman ako maaalala ni Maine, diba? Ngayon pa lang, feeling ko iniiwasan na niya ako."
Tinapik ni Alex ang balikat niya, "Alden, nasa tamang panahon ang lahat." Ngisi pa nito.
Napailing na lang din si Alden sa kaibigan, "ewan ko sayo, ang dami mong dada."
"Totoo naman kasi!" pilit pa nito.
Hindi na siya pinansin ni Alden kundi tumungo na ito palabas ng pinto pero pagkabukas pa lamang nila ng pinto ay bumungad si Louisse. Nagulat pa ang ilang staff na natira sa loob at syempre sila Alden at Alex nang makita si Louisse.
"Oh, ba't parang nagulat kayong dalawa?" nakangiti pang tanong ni Louisse.
"Diba nasa event ka nang ine-endorse mo?" tanong pa ni Alex sa kanya.
"Ay, maaga kasing natapos kaya dumiretsyo na ako dito." Aniya and when she look around, napataas kilay na lang ito. "So, tapos na pala ang meeting? Parang ang bilis naman." Aniya.
"Kanina pa kasi nagsimula." Sagot naman ni Alden.
"Oh, gano'n ba, so nagpunta si Maine?" aniya.
"Yes, and she leave early." Sagot naman ni Alex.
"Ay, sayang naman. Siya nga ang pinunta ko dito eh."
"Then you should go home now."
"Pinapaalis mo na ba ako Richard?" taas kilay pa ni Louisse sa kanya. "Okay, I'll go." Aniya.
Umalis na rin naman ang magkaibigan pero sinundan sila ni Louisse hanggat sa elevator. Si Louisse na daldal nang daldal at siang dalawang magkaibigan na asar na asar na sa kanya. At pagkalabas naman nila ng elevator ay mabilis na nahagip ng mata ni Alden si Maine na nasa loob ng canteen. Napatingin din naman kaagad ito kay Alex para malaman kung anong meron.
Nakuha naman kaagad ni Alex iyon.
"Ah, Louisse, gusto mo libre kita?"
"Ah, talaga? Sige!" mabilis na pagsang-ayon ni Louisse. "Tara na, Richard."
"Ah, saglit lang, dadaan lang ako ng cr. Alex, mauna na kayo." Aniya.
"Tara na, L." nauna naman ang dalawa habang binabantayan ni Alden si Maine at si Anja sa loob ng canteen. Nang masigurado naman na hindi na makikita ni Louisse si Maine ay sumunod na rin ito pero bago pa 'yon ay nahagip ng bawat isa ang mga titig.
Si Alden na titig na titig. Si Maine na umiwas na lang.
Napailing na lang si Alden. Naiintindihan naman niya ang sitwasyon, nalulungkot lang siya dahil sa nasasayang na pagkakataon. Nang makalabas naman ito.
"Alex, uwi na tayo."
"Wait, akala ko ba lalabas tayo?" takang tanong ni Louisse.
"Next time na lang L, kailangan ng energy para sa next taping." Palusot naman ni Alex. "Bye!" at tumakbo na papunta kanilang van at naiwan si Louisse na asar na asar sa dalawa
Nang makasakay naman ito sa van, pansin naman ni Alex na parang walang gana ang kaibigan.
"Nakita ka ba niya?" tanong nito.
Tumango si Alden.
"Hayaan mo Alden, ikaw na rin naman nagsabi no'n eh. Darating din ang tamang panahon para sa inyong dalawa. Ang kailangan mo lang maghintay, hintayin na makilala ka ulit ni Maine." Aniya.
Napabuntong hininga na lamang si Alden at pinaandar na muli ang sasakyan.
Tama si Alex, hindi pa nga ito ang tamang panahon, Maine.
L
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro