Chapter 6
Chapter 6
It's just an Accident
~Alden
"Maine, stop!" when I said those words. It is too late. It's too late for us. Napatakbo agad ako kung nasaan siya ngayon. Hindi ko mapigilan, ang bilis at ang lalim ng kabog ng dibdib ko nang lapitan ko siya. Inangat ko ang ulo nito at niyakap ko na lang siya. Nakapikit ang kanyang mga mata at duguan ang kanyang ulo. "Tumawag na kayo ng tulong!" sigaw ko sa kanila.
Maraming lumapit, maraming naki-isyoso. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Kung kailan nagkaharap at nagkita kami, saka naman hindi nangyari ang inaasahan ko.
"A-alden..." ani Anja. Hindi ko na lang ito pinansin kundi binuhat ko na. Sinakay ko sa kotse at ako mismo ang nagdala sa kanya sa hospital.
Mabilis naman kaming nakarating sa hospital at dinala sa emergency room si Maine. Naghintay na lang kami sa labas nito. Nilapitan naman ako nang dalawa.
"Alden, magiging okay din si Meng." Ani Alexander.
Napailing ako sa sinabi niya, "paano kung hindi? Paano kung hindi na mangyari ang tamang panahon para sa aming dalawa?"
"Alden 'wag ka munang magsalita ng ganyan, hindi pa huli ang lahat." Sabi ni Anja na hindi rin mapakali. "Don't worry, bago tayo umalis kanina, papunta na rin ang mga pulis doon at ang nakabanggang motor sa kanya." aniya.
Wala akong pakelam kung umiiyak ako. Wala akong pake kung bakit ako nagkakaganito. Syempre, mahal ko 'yon eh! Talagang magpapanic ako. Sa tagal ba naman ng panahon na hinintay ko, dito rin pala mauuwi ang lahat? Anong klaseng buhay 'to?! Lintik na motor kasi 'yon, hindi man lang tinitingnan ang daanan at nahagip si Maine at dahil don, nagpagulong-gulong si Maine hanggang sa tumama ang ulo sa may gather.
Kung sana malapit lang ako sa kanya para ilayo siya at ako ang masaktan pero hindi eh, hindi ko nagawa. Kung tumakbo ako palapit sa kanya, naligtas ko ulit sana siya pero hindi. Nagbago ang takbo ng panahon pero hinding hindi magbabago kung anong nararamdaman ko sa kanya.
Please Maine, 'wag kang susuko. Maraming nagmamahal sayo. Isa na ako 'don.
Lumipas ang oras, hindi pa rin gano'n kaganda ang kutob ko dahil sa ngayon ay wala pa rin kaming balita kung anong nangyari kay Maine. Hindi ako mapakali. Gusto kong pasukin na lang sa loob para makita siya mismo pero hindi eh. Natatakot ako na baka... baka... hindi na mangyari ang tamang panahon naming dalawa.
Inabutan naman ako ni Alex ng tubig at ininom ko 'yon.
"Magiging okay lang si Meng, Alden. Tiwala ka lang." tapik pa niya sa balikat ko.
Napabuntong hininga na lang din naman. Si Anja na hindi mapigilan ang pag-iyak. Kung kailan nandoon na, siya naman ang lumayo. Akala ko 'yon na eh, hindi maalis sa isip ko ang sinabi niya bago mangyari 'yon.
'You found me again,' ibigsabihin lang no'n, hinintay niya din ako. Tiwala ako na kaming dalawa ay para sa isa't isa kaya nananalig ako na hindi pa nagtatapos ang lahat. Hindi dito napuputol ang forever naming dalawa.
Wala pa nga, hindi pa nga nagsisimula, matatapos na kaagad? Hindi pwede 'yon.
Mayamaya lang ay may lumabas na mga doctor at nurses sa loob ng emergency room. Napatayo kaagad ako at napalapit sa doctor. Medyo nagulat pa ang doctor nang makita ako, siguro hindi niya inaasahan na nandito ako, syempre para kay Maine, kahit ano man 'yan, nandito lang ako.
"Mr Richard, kasama niyo po ba ang pasyente?" tanong nito sa akin.
Tumango naman ako pati na rin ang mga kasama ko, "opo doc, kamusta na po si Maine?"
"Magaling na siya, nagpapahinga na lang ang pasyente pero nagkaroon ng tama ang bandang ulo niya at maraming dugo ang nawala pero okay na ang lahat, hintayin na lang nating magising ang pasyente at malalaman natin kung anong resulta. Pwede na kayo pumasok sa loob." Aniya.
"Salamat po."
Pumasok naman kaming tatlo sa loob at nakita namin si Maine. Hindi ako makapaniwala na sa ganitong sitwasyon ko pa siya makikita. Nilapitan koi to at hinawakan ang mga kamay. Matagal ko nang gustong hawakan at maramdaman ang lambot ng kanyang mga kamay at ngayon, nangyari na pero kailangan mong gumising Maine.
"Maine, sorry..."
"Alden, wala kang kasalanan..." ani Alex.
"Oo nga, aksidente ang lahat. Hindi naman natin ginusto ang nangyari eh." Sabi naman ni Anja.
"Pero hindi sana siya tatawid kung wala ako doon." Buntong hininga ko pa. "Kung sana, hindi na ako nagpakita sa kanya. Hindi sana mangyayari 'to."
"Alden naman! Hindi mo naman kasalanan 'yon eh, hindi rin kasalanan ni Meng 'yon! Dapat nga maging masaya ka dahil ligtas si Meng." Usal pa ni Alex.
"Tama si Alexander, Richard, you should be happy that Maine is okay, I'm sure she will wake up soon at magkakausap rin kayong dalawa."
Hindi na ako nakapagsalita dahil nag-uunahan na naman ang mga luha ko na tumulo at hinalikan na lamang ang mga kamay ni Maine. Matagal ko na sanang ginawa pero natatakot lang ako kaya ngayon labis kong pinagsisisihan lahat ng kaduwagan ko. Sana noon pa lang, ginawa ko na. Sana noon pa lang nilakasan ko na ang loob ko.
Ngayon, hindi ko na talaga alam sa sarili ko kung may tamang panahon nga ba o wala.
Nilipat na sa private room si Maine. Alam na ring ng mga magulang ni Maine ang nangyari sa kanya dahil tinawagan ni Anja ito pero hindi sila makakaluwas dahil maraming ginagawa at hindi pwedeng iwanan ang lola at kung isama man nila ay baka mapagod naman ito pero nang malaman naman nilang ligtas na ito at nagpapahinga doon sila napanatag. Kahit ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko hanggat walang nakukuhang impormasyon sa doctor na okay na ba o hindi.
Pero ngayon, okay na si Maine. May benda ang kanyang ulo dahil sa pagkakatama niya sa gather. Hinding hindi ko makakalimutan ang pangyayari na 'to, sobrang sakit. Akala iyon na, akala ko lang pala.
"Alden may papabili ka ba?" tanong ni Alex.
"Kahit ano na lang." tugon ko naman sa kanya.
"Ikaw Anja? May papabili ka ba?"
"Kahit ano na lang din." Ngiti pa nito.
"May nabibili bang kahit ano?" kamot pa nito sa batok. Kahit papaano, nabawasan 'yong kadramahan namin kanina na halos hikbi at mga titig na lang ang nangyayari sa paligid. "Bahala kayo ah, kahit ano na lang bibilhin ko." aniya saka lumabas ng pinto.
Nang kaming dalawa na lang ni Anja ang naiwan sa loob. Kinausap naman niya ako.
"Alam mo hindi bagay sayo ang malungkot, nawawala kasi 'yong dimples mo eh." Biro p pa nito sa akin.
Napangisi na lang ako sa kanya, "salamat nga pala sa pagpapasama mo sa akin dito eh." Ngiti ko pa sa kanya.
"Ay ikaw pa ba? Mahal ka ni Meng eh, syempre hindi na ako tatang—" at natigil naman siya sa pagsasalita niya. "Ah 'yon nga, si Meng kasi 'yan eh."
"Ano nga palang ginawa niyo doon kanina?" tanong ko pa.
"Meng had an interview tapos 'yon." kibit balikat pa niya.
"Alam kong may interview si Maine kaya nga nagpunta kami pero natagalan kami dahil may taping kanina kaya ayun, akala ko pa naman makakausap ko na siya." Buntong hininga ko pa. "Hindi pa pala."
"Bukod pala sa interview, in-offer-an din si Meng sa isang teleserye."
Nabuhay naman ako bigla sa sinabi niya.
"Anong teleserye?"
Kibit balikat naman niya, "'yon lang, hindi ko alam, hindi rin niya alam kung ano dahil sinabi lang na isasama siya sa isang teleserye." Aniya.
"Nakakatuwa si Maine, alam mo gabi gabi ko pinapanood 'yong video niya."
"Gano'n ka rin pala." Aniya.
"Huh?" taka kong usal sa kanya.
Ngumiti naman siya, "tuwing gigising si Maine, tumutuloy minsan siya sa terrace at inaantay kung nandoon ka ba o di kaya umaasa siyang magkikita na kayo."
"Doon pa rin pala siya nakatira."
"Oo, sabi pa nga niya, hindi siya aalis doon hanggat hindi ka bumabalik."
"Paano na lang kung hindi ako bumalik?"
Tinaasan naman niya ako ng kilay, "weh? Kaya mong tiisin na hindi bumalik kay Meng?"
Napangisi naman ako sa sinabi niya, "syempre hindi, babalik at babalik ako para kay Maine."
"Mahal mo ba siya?" napatingin naman ako sa kanya dahil sa mga tanong niya, "kasi ikaw, mahal ka niya kaya nga siyang umaasa na bumalik ka sa kanya in one day."
"Alam mo Anja, matagal na. Bata pa lang ako, nakikita ko na siya noon. Sa isip ko pa lang sinasabi noon na gusto ko siya hanggat sa tumagal tagal at hanggang ngayon, hindi maaalis si Maine sa puso't isip ko. Si Maine lang ang nag-iisang babae na hindi ko kinalimutan sa haba ng panahon."
"Nakakatuwa naman, destiny talaga kayo ano?"
"Sana..." ngiti ko pa.
"Sana magising na si Meng para magkausap na kayong dalawa." Aniya.
"Sana nga..."
Ilang saglit ay dumating na rin si Alexander na may dala dalang mga pagkain. Kumain naman kaming tatlo. Kapag may mga papasok na nurse para i-check ang dextrose ni Maine ay nagugulat pa sila nang makita ako, 'yong iba nagpapa-picture, 'yong iba naman ay pigil kilig na lang.
Dahil sa pagod galing sa taping ay nakatulog ako. Nagising lang ako nang maramdaman kong gumagalaw ang mga kamay ni Maine kaya dali dali ko namang tinawag sila Anja at Alex at nang tuluyan nitong imulat ang mga mata.
"Maine..." natulala na lang ako nang masilayan ko ang mga mata niya.
"Meng, gising ka na!"
"Nasaan ako?" iyon kaagad ang tanong niya. Nagkatinginan pa kaming tatlo at binalik ang tingin kay Maine.
"Nasa hospital ka Meng, naaksidente ka kanina." Ani Anja sa kanya. Napalingon naman ito sa akin at dumaloy iyon sa kamay kong nakahawak sa kanyang mga kamay, agad niya iyong tinanggal sa pagkakahawak at bumalik ang tingin kay Anja.
"Anja, umuwi na tayo." Aniya.
"Meng, magpahinga ka muna. Kailangan mo muna 'yon bago ka umuwi." Aniya.
"Tama si Anja, Maine, magpahinga ka muna." At napalingon naman sa akin si Maine. Nagkatitigan kaming dalawa. 'Yong mga mata niya, hinding hindi ko pwedeng makalimutan 'to. Inabot ko ang kanyang mga kamay pero agad niya itong hinawi.
"Sino ka ba? Bakit ka nandito?" napakunot ako sa sinabi niya.
"Ah! Meng, si Alden 'yan!"
"Oo Maine, ako 'to si Alden!"
"Alden?" napailing pa ito. "Wala akong matandaan na Alden, sorry hindi talaga kita kilala." At pagkasabi niya no'n. Kusang tumulo ang mga luha ko.
"Teka, tatawag ako ng doctor." At lumabas naman si Alex.
"'Wag ka nga magbiro Meng, hindi mo natatandaan si Alden? For about ten years siya lang ang nasa isip mo." ani pa ni Anja. Pati siya, hindi niya makuha kung anong nangyayari kay Maine.
"Talaga? Ten years? 'Wag ka ngang magbiro, Anja. Wala akong kilala na Alden."
Napatingin naman si Anja sa akin.
"Paano nangyari 'to?"
"Excuse me, anong nangyayari?" biglang dating ng doctor.
Sinabi naman namin sa doctor ang lahat kung anong nangyari. Nang bumalik naman sa pagtulog si Maine ay doon niya lang sinabi ang lahat.
"May Lacunar Amnesia ang pasyente. Nangyayari lang ito kapag nadamage ang utak at sa pangyayaring ito ngayon, sorry Alden dahil ang Lacunar Amnesia ay ang pagkakataon na mawala ang mga alaala sa particular na bagay at ikaw mismo ang hindi niya maalala."
Lacunar amnesia is the loss of memory about one specific event. It is a type of amnesia that leaves a lacuna (a gap) in the record of memory.
Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok. Hindi pwedeng mangyari 'to.
"Ano po pwede naming gawin para mabalik ang alaala niya sa akin?"
"It takes time Alden or maybe kung mangyari man ang gano'ng aksident ulit sa kanya, mayayari na bumalik ang alaala niya sayo. Pero sa ngayon, 'wag niyo munang pilitin na alalahanin ang mga bagay na nakalimutan niya. Hintayin niyong siya ang magbalik nito." Aniya.
Umalis ang doctor at naiwan akong hindi ko alam ang gagawin. Tiningnan ko si Maine. Napapikit na lamang ako.
Hindi pa nga ito ang tamang panahon para sa aming dalawa.
"Maine, maghihintay ako para sa ating dalawa... hihintayin kita."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro