Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Chapter 5

Unexpected things


~Maine

Kinakabahan. Ayan ang nararamdaman ko ngayon. Ngayon na kasi gaganapin 'yong interview ko for that tv show na ipapalabas naman this weekend din kaya kailangan nang madaliin. Sinundo kami ng van na magdadala sa amin sa place kung saan man gagawin ang interview. Actually, the next morning nang sabihin sa akin no'ng sa receptionist ang about dito, tinawagan ulit nila ako for further details. Hindi na naman ako makahindi dahil alam nilang um-oo na ako ayon sa sinagot sa kanila ng taga-receptionist.

Hindi ko alam kung anong mga itatanong nila sa akin, hindi pa ako nao-orient promise basta tungkol daw most of it sa mga videos ko na naging viral. Kasama ko si Anja dahil hindi ko naman kaya kung mag-isa lang ako, kinakabahan ako. Nakakatense pala. Hindi na rin ako pinapasok sa trabaho dahil alam naman nila kung anong gagawin ko ngayon, si Anja syempre day-off niya kaya nakasama rin siya.

Nakatulog pa ako sa biyahe. Kinakabahan talaga ako. Hindi ko naman kasi alam kung anong mangyayari mamaya baka mamaya mapahiya lang ako at pagtawanan na lang nila ako. Ayoko naman mangyari 'yon pero hopefully ay magawa ko naman ng maayos kung ano man iyon.

Mga isa't kalahating oras ang naging biyahe nang makarating kami sat v network na iyon. Dinala naman kaagad kami ng mga staff sa dressing room para daw makapag-ayos ayos pa kaming dalawa. May mga nakasalubong kaming mga artista, 'yong iba nginingitian ko, nginingitian din naman nila ako. Ang gorgeous nilang lahat lalo na kapag may makakasalubong kang gwapo na artista, pakalapalan na lang ng mukha. Pa-picture agad!

Naiwan naman kaming dalawa ni Anja sa loob ng dressing room.

"Kinakabahan ako, An-an." Sabi ko sa kanya.

"Ay ano ka ba! 'Wag ka nang kabahan, nawawala 'yong poise mo eh!" sabi pa niya sa akin.

"Eh kasi naman."

"Easy ka lang, inhale exhale." Aniya.

Huminga naman ako nang malalim at dahan dahang pinakawalan. Paulit ulit kong ginagawa 'yon.

"Paano ba nila nakita 'yong videos ko? Nakakaloka talaga! Di ako na-orient na mapupunta pala ang lahat dito."

"I guess it's your blessing." Ani Anja. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. "Sino ba kasing babae ang magpo-post ng kalokohan niya sa social media account tapso takot pala maging viral? Isipin mo na lang kasi, kung hindi mo nagawa 'yon, siguro wala ka sa position mo ngayon."

"Ano ba kasing meron sa akin? Anja, this is just an interview. 'Wag mo na palakihin pa, ang echos mo kasi."

"Anong echos don? Nagsasabi lang ako ng totoo, eh." Aniya.

Inirapan ko na lang din naman siya at bigla namang pumasok sa utak ko 'yong sinabi ko noong mga nakaraang taon sa starbucks nab aka pagdating nang araw, maging superstar din ako? Ito na ba 'yon? Kaloka! Superstar agad? Hindi pa pwedeng nakita lang nila na entertain sila sa video ko at gusto nila ako interview-hin. Ang baliw kasi ni Anja eh, kung ano-anong pinagsasabi.

Mayamaya lang ay biglang bumukas ang pinto ng dressing room. Napatingin naman kaming dalawa ni Anja sa kanya.

"Miss Maine Alvarez?" tanong nito sa akin.

I nodded, "yes po."

"Halika, aayusan kita." Aniya.

"Ah! Make up artist po kayo?" biglang tanong naman ni Anja.

Tumingin naman sa kanya, "yes, I'm patty." He said. Lumingon naman ulit ito sa akin, "sige na Maine, start na tayo." Aniya.

Pinaupo naman ako sa upuan at hinarap sa salamin, syempre. Kahit papaano ay nag-ayos naman ako bago umalis, kaso light make up nga lang. 'Yon din ang ginawa niya, kinulot niya ng unti ang ibabang buhok ko at inayos ang make up ko.

"I already watch your video Maine, nakakatuwa ka." Hagikgik pa nito.

Napangiwi naman ako sa kanya, "ay gano'n po ba? Hehehe."

"Oo, pakalat kalat kasi sa timeline ko 'yon then nang macurious ako kasi ang daming natutuwa kaya nang panoorin ko, halos nangalay 'yong panga ko sa kakatawa. You're a great comedian." Aniya. "Walang halong biro." Aniya.

Nahiya naman bigla sa sinabi niya, "ay naku, trip lang naman po 'yon eh. Kaya nga nagulat ako bakit nangyayari 'to ngayon eh." Sabi ko pa sa kanya.

"Trip na naging viral? Ibang klase 'yon ah!" ngiti pa nito sa akin. At nang matapos naman niya akong ayusan, "okay girl, perfect ka na! Sana kapag sumikat ka, ako kunin mong make up artist mo ah? Kahit ano basta ikaw." Sabi pa nito sa akin. "Prepare yourself later ha? Nationwide television ipapabalas 'yong interview mo."

Natanga naman ako sa sinabi niya, "t-talaga po?"

"Oo, gano'n. kaya ngayon, chill ka lang! Relax, tatawagin ka na lang ng staff mamaya, ha?" tumango naman ako. "Sige, maiwan ko muna kayong dalawa." Aniya.

Naghintay naman kami ng ilang minuto ni Anja hanggat sa dumating na ang staff para ihatid kami sa studio kung saan gaganapin ang interview ko. Nakasunod lang kami sa staff hanggat sa makapasok na kami sa studio. Sinalubong naman kami ng host o 'yong mag-iinterview sa akin.

Medyo nahiya pa ako dahil hindi naman ako sanay na makipag-usap sa mga kilalang personalidad.

Nakangiti lang ako sa kanya at nagsimula na itong magtanong sa akin. Sa una ay ang dadali pa nang mga tanong niya sa akin hangga sa parang nawawala na ako at hindi ko na alam kung anong mga isasagot ko sa kanya. napapangiwi at tatawa na lang tuloy ako bigla kapag walang naisasagot sa kanya. Kahiya, omg.

Sagot lang ng sagot Meng, maie-edit naman nila 'yan.

"Miss Maine, bakit pumasok sa isip mo na gumawa ng gano'n videos tapos ang resulta pa eh naging viral sa mga social media. Anong say mo doon?"

"Ahm, actually ginawa ko lang po 'yong video na 'yon dahil wala akong magawa no'n sa work ko at bored na bored na ako kaya nag-try ako nang mga applications sa phone ko. Trip lang po lahat ng ginawa ko pati ang pagpost sa fb ko, trip lang 'yon pero hindi ko akalain na magiging gano'n ang feedback ng tao sa video ko."

"Trip lang pero naging nationwide viral Maine."

"Oo nga po eh," ngiwi pa more Meng!

"So if you get the chance na pumasok sa showbiz, tutuloy ka ba o hindi?" ay shete anong tanong ba 'to? Hindi ako na-orient.

"Well, if my chance why not po? Pero mukhang imposible naman po eh."

"Hindi imposible ang mga ganyang bagay kung may makita man silang potential sayo, Maine." Aniya.

"Talaga po? Sana." Nangangalay na 'yong panga ko, promise.

Tanong pa ng tanong ang host, sagot naman ako ng sagot minsan nawawala na sa tanong 'yong mga sinasagot ko kaya humahaba ng humahaba. Si Anja naman busy sa pagvideo sa amin. Actually, madaming nanonood saming dalawa, 'yong staff ng host at syempre 'yong iba pa.

Nang matapos naman ang interview. They asked for a picture, gora lang naman ng gora hanggat sa magsawa sila at nang imbitahan nila kami sa lunch kaya naman okay na rin sa aming dalawa ni Anja iyon. Pwede daw kami mag-ikot ikot o manood ng mga tapings or liveshow.

Nakakatuwa lang dahil hindi kami nao-op ni Anja sa hapag-kainan, sila pa 'yong nage-entertain sa amin at kinukulit nila ako kapag kinuha daw akong artists ng tv network na 'to dahil it's an opportunity na daw 'yon at baka maka-partner pa ako ng mga sikat na artista.

Sinisiko naman ako ni Anja tuwing kinukulit nila ako. Parang ang laki naman kasi no'n for me eh. Parang hindi ko naman kakayanin and I don't think na bagay ako sa pwestong iyon. Pero kung magdilang anghel man sila, why not? If I get the chance, go for the gold na. Wala namang mawawala sa akin diba? Pero bakit iniisip ko 'to? Ibigsabihin gusto ko rin? Kaloka.

Bago naman umalis ay biglang may lumapit sa aking staff.

"Miss Maine, may gusto pong kumuha na teleserye sa inyo." Aniya.

Nagulat naman ako bigla sa sinabi niya, "ako? Ako? Wait, ako?" hindi ko makapaniwalang sabi sa kanila.

Tumango naman ito sa akin, "yes Miss Maine, tatawagan ka na lang po nila at susunduin kapag okay na." aniya.

"Agad agad? Wala bang workshop?" tanong ko pa.

"Hindi ko po alam pero wait ka na lang po sa tawag nila, sige po Miss Maine, thank you." At saka tumalikod at may kinausap na na ibang tao.

Lumapit naman sa akin si Anja, "anong meron?" ata niyang tanong sa akin.

"Isasali daw ako sa isang teleserye, you know? Hindi ko alam kung bakit."

"Yes!" at bigla akong niyakap ni Anja. Napatingin pa 'yong iba sa paligid namin at natawa na lang din. Nagtatalon talon pa si Anja sa tuwa. Hindi ko alam kung bakit. Nang umalis naman siya sa pagkakayakap sa akin, kinunutan ko lang siya ng noo. "I'm so happy for you!" aniya.

"Happy? Teka, hindi pa 'yon sure okay?"

"Pero kinausap kana, hindi pa ba?" ngisi pa niya sa akin. "Let should celebrate, Meng!" aniya.

Napaisip pa ako sa sinabi niya.

"Ay kaasar 'to, libre ko!"

At doon naman ako napangiti sa sinabi niya, "gora ako diyan!"

Inirapan naman niya ako.

Before we leave ay may mga humabol pa na nagpapicture sa akin. Hindi naman ako umangal dahil natutuwa ako sa mga ngiti nila. Habang palabas na kami ni Anja, halos siya pa 'yong excited na excited sa akin. Ewan ko, ang unexpected lang kasi ng lahat na hindi ko akalain na may ganito palang mangyayari sa akin ngayon.

Nang makalabas na kami ng building, kinalabit ako ni Anja. Napakunot noo naman ako dahil biglang nag-iba ang expression ng mukha niya. And when I look at the same direction where she looking at, nabato ako sa kinatatayuan ko.

"Alden..." all I said was his name.

"Maine..." aniya.

Nasa kabilang kalsada while I'm the other side. Nagkatitigan kami. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang makita ko siya muli. Gano'n pa rin siya, hindi nagbabago. Kasama niya si Alexander, nakakatuwa nang makita ulit siya pero na-stuck ang mga mata ko kay Alden.

"You found me again," hahakbon na sana ako nang bigla siyang sumigaw.

"Maine, stop!" and when he said those words.

It's too late, too late for me to remember who he was to me.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro