Chapter 4
Chapter 4
Interview
~Maine
"I was afraid this time would come. I wasn't prepared to face this kind-" binatukan ako ni Anj dahil kay aga-aga ang ingay ingay ko daw.
"Ang drama ng kanta mo, bwisit!" irap pa niya sa akin. "Saka tingnan mo, viral ka na talaga girl. Hindi ko in-expect na mafi-feature ka pa sa isang show, ha?" aniya.
Inirapan ko naman siya, "ewan ko sayo, An-an, natuwa lang din lang sila kaya ganyan." Sabi ko pa sa kanya. "Sige na, alis na tayo, may work pa ako."
"Bawal ba mag-stay dito?" tanong niya pa sa akin.
Inilingan ko naman siya, "bawal, may multo dito. She'll haunt you!" dahil sa OA na pananakot ko sa kanya dali dali naman niyang kinuha 'yong bag niya at nauna pang lumabas nang unit ko. Natawa na lang din naman ako sa kanya at sinarado ko na rin ang unit ko pababa sa first floor. Paglabas namin ng first floor, nagulat pa 'yong iba na bumungad paglabas namin, 'yong iba nanlaki pa ang mga mata, 'yong iba napanganga at napangiwi na lang ako sa reaksyon nila.
Anyare?
Tuloy tuloy naman kaming lumabas ng unit. Normal naman ang lahat sa akin, si Anja lang talaga 'to kung ano anong pinagsasabi sa akin. Kesyo napalabas daw sa isang show ang mga video compilation ko at sign na daw 'yon na sisikat na ako. Gusto ko siya sampalin nang realidad na hindi naman mangyayari 'yon.
Trip lang 'yon, okay? Puno ng kalokohan.
We parted our ways, sa iba na kasi sumakay si Anja pauwi sa bahay nila at sumakay naman ako ng bus. Naalala ko na naman tuloy 'yong moment na pagmamadali ko. Nakakahiya lalo na kay manong. Kaiyak!
Ilang saglit lang din naman ay nakarating na rin ako sa trabaho ko. Parang gusto kong magtago kanina dahil nakatingin silang lahat sa akin kaya nang madaanan ko ang receptionist ay tinawag ako 'don.
"Ikaw naman Maine, hindi mo kami in-orient na magiging sikat ka pala!" aniya sabay hagikgik pa.
Napangiwi na lang din naman ako sa sinabi niya, "naku, hindi po ako 'yon, ito? Itong mukhang 'to? Kalat 'to, hindi nag-iisa." Sabi ko pa sa kanila.
"Para ka ngang virus eh." Aniya pa.
Napakunot pa ako sa sinabi niya. Bumabanat ba si ateng receptionist? "Ang bilis mo maglakat ng kasiyahan."
"Ah," sabay ngiwi. "Sige po, mauuna na ako. Hehehe." Para akong ewan dahil kung ano anong pinagsasabi nila sa akin. Mga baliw na ata. Nakuha pa akong ikumpara ni ate sa virus. Pumunta naman ako sa department ko at nagpahinga, oo wala naman akong masyadong ginagawa eh. Chill chill lang!
Dumating ang lunch, syempre break time naming lahat kaya iwas trabaho muna kahit panandalian lang. Sa canteen lang ako ng building kumain, mag-isa lang kumain dahil 'yong mga close ko talaga ay nag-resign na at nag-trabaho sa ibang bansa, gara diba!
Habang kumakain naman ako ay may lumapit sa akin na babae.
"Miss Alvarez!" bati pa nito sa akin. "Glad you're here, may ibabalita lang po ako sa iyo." Sabi pa nito sa akin.
Napakunot noo naman ako sa kanya, ang laki rin kasi ng ngiti niya. Parang kakainin niya ako ng buhay anytime. "May tumawag po kasing tv network inviting you for a tv guesting."
At nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, napainom kaagad ako ng tubig sa sinabi niya. "Seryoso ba 'yan? Kaloka ka ate, binibigla mo ako!"
"Hindi," hagikgik pa niya. Ay naku ate, naku mo pang maging maghinhin. "Saka seryoso po talaga." Aniya.
Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa kanya. Mas lalo lang akong napangiwi sa sinabi niya. "Paano kung malaman ni boss 'yan?" tanong ko pa.
"Ay naku Miss Alvarez, alam na ni sir 'yan, actually siya po kaagad ang sinabihan ko niyan at alam niya rin about sa video mo. Ano po? Are you willing to accept the invitation po or not? Pwede naman pong tumanggi if ever."
"Ha, eh..."
"Pero sayang naman po kung ide-decline niyo 'yong offer nila, interview lang naman daw po about sa video niyo na ginawa then 'yon na 'yon. Realtalk po, nakakatuwa at nakakaaliw ka talaga sa video mo, hindi kami na-orient na magkakaroon kami nang co-worker na magiging viral." Palo pa ni ate sa balikat ko. Ay feeling close na si ate.
"Ay hehehe, gano'n ba?"
Napatakip na lang ako ng mukha ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Mas lalong hindi ako na-orient, hindi ko inakala na magiging ganito pala ang epekto sa mga kasamahan ko at isipin pa na kalat pala ito sa social media accounts ko. Oh no, ano nang gagawin ko?
"Miss Alvarez, are you accepting it?"
"Ah..."
"Sige ma'am, sasabihin ko pong tinanggap niyo."
"Ah-" hindi na ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya.
"Daanan mo na lang sa receptionist ang details, thank you Miss Alvarez." She smiled.
"Ah, sige, thank you rin." Saka siya umalis.
Tinapos ko na rin 'yong pagkain ko. Parang ayoko na tuloy lumabas ng bahay. Anyare ba? Wala pa rin akong kaalam-alam sa nangyayari ngayon. Viral nga ba talaga? Kasi after kong buksan ang fb ko at makita ang sandamukal na notifications ay hindi na ulit ako nagbukas. Si Anja na lang ang taga balita sa akin.
Paalis n asana ako ng table ko nang biglang may mga officemates kong nagsilapitan sa akin. Hindi ko sila kilala at mukhang sa ibang department sila nakadestino kaya hindi ko sila mamukhaan.
"Maine, pwede pa-picture kami?" tanong naman ng isang babae.
"Kailangan ba talaga?" ngiwi ko pa.
"Please?" hindi ako sinagot sa tanong ko kaya pinagbigyan ko na. Hindi ko alam kung anong nangyayari at niyayakap pa nila ako. Shet? What in the world in this? Nasaan na ba ako? Pagkatapos no'n ay mabilis akong umalis sa canteen at pumunta na lang sa department at nagtrabaho.
Tinawagan ko naman si Anja dahil hindi pa naman tapos ang break. At halos mabasag naman ang ear drums ko dahil hindi sa tili niya. I-grab ko na daw 'yong opportunity na 'yon pero dahil wala na naman akong kawala, ewan ko ba sa receptionist girl na 'yon kung bakit in-accept, wala naman akong sinabing oo pero kung si Anja man daw iyon, o-oo daw siya kaagad.
Hindi pa daw ba ako aware sa kasikatan ko?
Ako sikat? Saan banda? Kaasar si Anja. Lakas ng pangarap.
****
After a long hours, natapos din ang araw ngayon. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad palabas ng building nang tawagin ako nang babae kaninang lumapit sa akin na nasa receptionist.
"Miss Alvarez, kinalimutan mo na." aniya.
Lumapit naman ako sa kanya, "ano po ba 'yon?" tanong ko pa. Nakatulog kasi ako, sorry na! Ang stress kasi eh.
"Here, Miss Alvarez," she handed over a piece of paper at nang tiningnan ko naman iyon, phone number lang naman at ang pangalan ng tv show. "In case po na hindi sila tumawag this coming days sayo, try to reach them. I gave your phone number naman to them so asahan mo ang tawag mula sa kanila. I'm happy for you, Miss Maine Alvarez."
"Ah, okay."
"If ever Miss Alvarez na maging instant artist aka? Aalis ka na ba dito?"
"Posible ba talaga mangyari 'yon? Gaya nga ng sabi, its just an interview so stick with it." I smiled. "At thank you na rin for the effort."
"Miss Alvarez, bagay kayo ni Richard!" napalingon naman ako sa kanya.
"Huh?"
"Wala lang, echos ko lang."
"Ah," ngiwi ko pa sa kanya. "Sige, mauna na ako, thank you ah."
Napabuntong hininga na lang akong lumabas ng building at naghintay ng masasakyan. Wala namang mangyayari, interview lang din naman 'yon. Magiging normal naman ulit ang lahat.
~Alden
"Do it, Richard..." bulong ni Louisse sa akin. Alam kong acting lang ito pero wala naman sa script na hahalikan ko siya kaya hindi ko gagawin 'yon pero parang nanigas ang buong katawan ko nang halikan niya ako. Sumunod na lang din ako sa daloy ng senaryo hanggang sa mag-cut an gaming director.
Halos gulat ako nang umalis ang pagkakalapat ng mga labi niya sa akin. Nakangiti siya sa akin pero hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yon.
"Wala sa script 'yon, Louisse." Sabi ko sa kanya. Umalis ako sa kinatatayuan at siya namang sinundan ako, hinawakan niya pa ako sa braso ko pero inalis ko 'yon.
"Para mas realistic naman ang dating diba?"
Napailing na lang din ako, "mas maganda kasi kung sumunod ka na lang sa script na binigay sayo."
"So ikaw pa ang nagagalit Richard?"
Nilingon ko siya, "sorry Louisse, pagod lang ako, I need to rest."
"Lagi ka namang pagod eh, don't worry, if magkaroon ng kissing scene sa script, maghahanap na ako nang ka-double ko." at iniwanan na niya ako.
I don't get the point of Louisse, wala naman kasi sa script 'yon. Hindi naman sa ayaw ko pero kasi kung kailangan naman sa script, I will do it pero hindi eh. Siya mismo ang gumawa. Ayoko rin naman maging dahilan ito ng pag-aaway namin ni Louisse dahil ito ang naging big break namin, ayokong sirain ang tiwala niya sa akin, at syempre sana gano'n din siya sa akin.
"Alden, okay ka lang?" inakbayan ako ni Alexander.
"Okay lang." tipid kong sagot.
"Mukhang hindi." Aniya. "Halata sayo na nagulat ka sa ginawa ni Louisse kanina. Mukhang may binulong rin siya sayo ah? Buti na lang nakidala ka sa ginawa niya dahil pwedeng ipaulit ni direk ang scene na 'yon." aniya.
"Ewan ko sayo Alex, maiwan na nga kita." Tapik ko pa sa kanya.
"Richard!" paalis na ako nang tawagin ako ni direk. Nginitian ko naman siya nang lapitan niya ako pero agad niya akong niyakap, "good job, mas magandang scene ang nabigay niyo ni Louisse ngayon so asahan niyo na tataas pa ang ratings natin ngayon. Good job, Richard, pagpatuloy mo lang." aniya saka umalis.
"Sabi ko sayo, ang kiss ang nagdala." Sabi pa ni Alex.
Tumuloy na lang din naman ako sa tent at nagpahinga. Pinanood ko na lang sa phone ko 'yong mga videos ni Maine. Hindi nakakasawa, nakakatuwa lang siya. Pero napapaisip ako lagi sa mga panahon na sana nakakasama ko siya, nakakausap at kung ano ano pa pero siguro hindi pa iyon ang tadhana. Masaya ako ngayon kung meron siya. Naaalala niya pa kaya ako? O baka tuluyan na akong kinalimutan ni Maine?
"Alden, may nagtext sa akin na in-accept daw ni Meng 'yon interview para sa isang tv show! Makikita mo na si Meng!" sabi ni Alexander.
"Tingin mo magkikita talaga kami?"
"Bakit ayaw mo ba?" taka niya.
Napakibit balikat na lang ako, "ewan ko," buntong hininga ko pa. "Sabihan mo ako kung kailan at saan, pupuntahan natin si Maine."
"Go ako diyan, Alden!" aniya.
Ito na talaga Maine, malapit na talaga.
h
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro