Chapter 3
Chapter 3
Viral video
~Maine
I was preparing myself. Leche, late na ako sa work. Nagmadali naman akong asikasuhin ang sarili ko, inayos ang mga gamit kong. Pinaglalagay ko na ang bawat makita ko na gamit kong nakakalat kaya matapos kong mag-ayos ay tagatak naman ako sa pawis ko, nagmadali naman akong pumasok ng elevator at bumaba. Dali dali naman akong palabas nang mapansin ko ang bawat tao na parang chill chill lang. Parang hindi sila naghahabol ng oras and when I check the time, 7:15 na. Male-late na ako!
Nag-abang naman ako sa bus station pero nakakaloka lang dahil mag-e-eight na at wala pa ring bus na dumadaan.
Hindi pa kasi ako nakakabili ng bagong phone, mamaya ko pa kukunin ang sahod ko na pambili ko ng bago kong phone. Mayamaya lang ay may naupo sa tabi at nagbasa lang ng dyaryo. Lumapit naman ako para magtanong.
"Manong, wala pa po bang dumadaan na bus dito?" tanong ko pa.
Abala pa rin ito sa pagbabasa niya nang dyaryo, "wala pa."
"Ah, anong oras po kayo darating?"
"9 pa, hija."
"Po?!" dahil sa gulat ko sa sinabi niya, napatingin na siya sa akin. Sinuri pa ako ni manong mula ulo hanggang paa.
"Ano bang kailangan mo hija?" tanong pa nito sa akin.
"Papasok po sa work, wala pa po bang dumarating na bus dito?" kumakabog na 'yong dibdib ko sa sobrang kaba. Ewan ko na lang kung anong madadatnan ko pagdating sa office. Kaiyak!
Kinunutan naman ako ng noo nito, "wala pa hija dahil linggo ngayon, alas nueve talaga ang dating ng mga bus dito." Aniya.
"Po?" natanga ako bigla eh.
"Linggo ngayon, may pasok kayo sa work?" tanong pa nito sa akin.
"Linggo po?"
"Wala ka bang kalendaryo, hija?" tanong pa nito sa akin. Napangiwi na lang din ako sa kanya. "Teka kamukha mo 'yong sa ano..."
Napataas naman ako ng kilay sa sinabi ni manong, "saan po?"
"Sa ano."
Napatango na lang din po ako, "baka nga po, sige po mauuna na po ako, salamat po." Saka ako naglakad pabalik ng condo. Pinunatahan ko pa 'yong receptionist kung anong araw ngayon, linggo nga. Nanlumo ako bigla dahil ang bilis bilis ko pa magkikilos tapos linggo pala. Ang hirap ng walang phone huhuhu. Yayayain ko later si Anja para makabili ng new phone. Leche naman kasi 'yong lalaking dumukot ng phone ko, iyong iyo na 'yan huhu.
Wala naman akong magawa kaya bumalik na lang din ako sa tulog ko.
Dalawang oras nang magising ulit ako, nagugutom ako kaya bumaba ako para pumunta sa starbucks para magkalaman ang tiyan ko. Wala na rin si Kenniel dito isang taon na, nalipat kasi siya ng ibang branch dahil malakas daw ang hatak niya sa customers kaya nilipat naman siya sa ibang branch. Wala na tuloy akong maka-kwentuhan.
As usual, lagi akong nakaupo dito sa usual seat kung saan laging nakaupo si Alexander. Nakaka-miss din kausap 'yon, ano na kayang ginagawa nila ngayon ni Alexander ngayon at ni Alden? Sa tatlong taon na nakalipas, wala na akong balita sa kanila. Hindi rin naman kasi ako nanonood ng tv madalas kaya hindi ko alam kung anong meron sa kanila.
Mukhang wala na rin naman siyang balak. May balak pa nga ba?
Palabas na ako ng starbucks na may napansin akong ibang grupo na nag-uusap at 'yong iba pa eh tinuturo ako. Napapalingon pa ako sa likod ko kung sino ba tinuturo nila kaya napapakunot noo na lang ako sa tuwing sa akin sia nakaturo.
Ano bang meron? Kaloka.
Bumalik na lang din ako sa condo ko, naghanda na para umalis. I called Anja. Kakagising lang din ng gaga. Niyaya ko siya na mag-mall kami dahil bibili ako ng phone. New phone. Sana naman hindi na mawala 'to, sayang 'yong mga naging kalokohan ko doon. Ang dami ko pa namang trip doon, para akong baliw na ewan. Laughtrip.
Pagkatapos ko naman mag-ayos ay umalis na ako. Magkikita na lang kami ni Anja sa mall. Mga isang oras nang makarating ako sa mall ay pumunta kaagad ako sa meeting place namin at nakita ko naman kaagad siya.
"Kanina pa kita tinatawa-"
"Tanga lang Anja? Kaya nga niyaya kita kasi bibili ako ng phone diba?" ngisi ko pa.
She rolled her eyes, "sabi ko nga," aniya. "tara na nga." Aniya.
Pumunta naman kami sa mga telecom. Nakabili rin naman kaagad ako. Kaya pagkatapos ay dumiretsyo na kami sa kainan dahil di pa daw kumakain si Anja. Tingnan mo 'to, mukhang pagkain talaga.
"Meng bakit di ka na lang magtayo ng sarili mong restaurant? Ang bigatin nga ng ojt mo, bakit di mo i-push?" tanong naman niya sa akin.
"Siguro next time na lang, ano ka ba!" sagot ko naman sa kanya.
Tumuloy naman kami sa pagkain. Abala rin ako sa pagda-download ng kung ano anong apps. Wala ring laman ang contacts ko, syempre kabisado ko ba numbers nila? Hell no.
"OMG! Meng!" aniya. Gulat na gulat habang nakatingin sa phone niya.
"Ano ba 'yon? Nakakaba ka naman." Tugon ko sa kanya.
"Ngayon ko lang napanood ito!" at hinarap niya sa mukha ko, nilayo ko naman ito ng kaunti at nakita ko ang video compilation ko sa isang application. "Shet! Hindi ko expect na kaya mong gumawa ng ganito ah!"
"Trip lang 'yan." Ngisi ko pa sa kanya.
"Trip lang pero naka-million views?" aniya.
Napatigil naman ako sa sinabi niya, "utot mo."
"See it in yourself." Sabi pa niya sa akin.
"Oo saglit lang matatapos na ang download nito." Sabi ko sa kanya habang hinihintay ko na matapos ang download ng fb ko.
"Wala ka talagang idea 'no?"
Napailing naman ako, "wala dahil sa phone lang ako nakakapag-fb, tamad ako magbukas ng laptop. Saka utot talaga kung makaka-million 'yon!"
"Dalian mo na kasi," pagpupumilit pa niya.
"Okay, ito na nga!" irap ko pa sa kanya.
Nang matapos ay nag-log in na ako. Hindi ako makapaniwala na halos sumabog ang notification ko pati na rin friend request and even my messages. At nang pindutin ko naman iyon ay doon lahat naka-notif sa video na in-upload ko. And when I clicked it, halos mapanganga na lang ako sa reaction at feedback ng mga tao sa ginawa ko.
I never saw it coming. Who could have thought na aabot pala ng million views ang mga trip kong videos lang?
"Ano naniniwala ka na?" ngisi pa sa akin ni Anja.
Inilingan ko naman siya at agad niyang pinitik ang ilong ko, binawian ko naman siya ng palo dahil ang sakit. "Gaga ka, ang sakit. Saka malay mo auto-views lang pala nangyari." Sabi ko pa.
"Gaga, walang gano'n! Bakit ba kasi ayaw mong tanggapin na maka-million views ka diyan? At nakakaloka ka dahil ang lakas ng trip mo sa mga videos ah!"
"Nagagawa ng bored," buntong hininga ko pa. "Hayaan na nga natin 'yan, masaya na kung naka-million views ako. Ano bang mapapala ko diyan? I gave happiness lang naman, 'yon lang! Lakas trip eh." Hagikgik ko pa.
"Malay mo instant celebrity ka kaagad kagay no'ng iba na galing sa social media." Aniya.
"Oh tapos? Anong gagawin ko?"
"If ever, grab the opportunity." Aniya.
"Ewan ko sayo, An-an."
Pagkatapos naman namin kumain ay napagtrip-an ko na 'yong app ko sa phone ko kaya dinadamay ko na rin siya. Mga ilang oras din kami nagtagal sa mall, paikot ikot lang kami kaya nang inabot na nang pagod ay nagpasya na kaming umuwi. Sabi pa ni Anja na kung pwede makitulog daw muna sa unit ko, nakakamiss din daw! Dahil wala rin naman akong kasama kaya gora na rin dahil day-off rin naman niya kinabukasan sa work kaya no need na pumasok.
"Haay, hindi ka ba nagbabalak na lumipat pa?" tanong ni Anja na nasa terrace ngayon.
"Bakit mo naman natanong 'yan?" sagot ko sa kanya mula sa sala.
"Wala lang, hindi mo ba nami-miss si Alden?" tanong pa niya.
"Sakto lang."
"Dapat hinahanap mo siya." Napatingin naman ako kay Anja na palapit na sa akin at tinabihan ako sa sofa. "Alam mo simula nang mangyari 'yon, feeling ko laging may kulang sayo. Minsan lutang ka, mahal mo ba talaga si Alden, Maine dahil kung hindi akin na lang siya."
Hindi ko alam kung seryoso siya nang tawagin niya ako nang Maine o nagbibiro pa rin siya.
Natameme na lang din naman ako sa tanong niya.
"Tama nga ako, ang hirap nang sitwasyon mo Meng. 'Yong akala mong hopeless ka na't lahat lahat na pinapaasa ka lang niya noon 'yon pala hindi mo lang alam na siya na pala 'yon. Masakit diba? Alam kong kaya mo 'yan. Ikaw pa ba? Sikat ka na eh."
"Chura mo." tinulak ko naman siya.
"Pero seryoso, sikat ka na."
"Ewan ko sayo, Anja!" iniwan ko siya sa sala at tumungo naman ako sa kwarto. Kung ano anong pinagsasabi. Wala akong pake kung kalat man 'yang video compilation ko. Ano ngayon kung tuwang-tuwa sila sakin? Atleast I can be proud of na kahit papangitin ko ang mukha ko, ganda pa rin! Chos!
~Alden
I watched her video every night before I sleep. Hindi ko alam pero nakakagaan lang sa pakiramdam, kahit hindi niya boses 'yong nasa video. Tuwang tuwa pa rin ako. Parang nakakausap ko siya, ang lakas lakas ng loob ko dahil hindi naman niya alam na pinapanood ko ito ngayon.
Ang sarap niya lang titigan.
"Alden, matunaw si Meng."
"Maine." Pagtatama ko ulit sa kanya.
"Ewan ko sayo," sabay hagis sa akin ng unan. "Pero nakakatuwa ano? Kahit na may nangyari sa inyo noon, ang saya pa rin niya. O di kaya, nakalimutan ka na niya?"
"Paano mo naman nasabi 'yan?"
He shrugged, "sa tingin ko lang, tingnan mo, viral na siya ngayon. At sa tingin mo, magkakaroon kaya siya ng chance na makapasok sa showbiz?"
I shrugged, "ewan ko."
"Handa ka na bang harapin siya? 'Yong hindi ka na tatakbo kapag nakita mo siya? Gusto nga kita suntukin noon Alden eh. Harap-harapan na, nagkatitigan na kayo ni Maine pero mas pinili mo ang tumakbo, so gay dude." Aniya.
"Ewan ko rin sayo, Alul!" ngisi ko pa sa kanya.
Maagang natapos ang taping namin ngayon kaya nakauwi din ako kaagad. Mabuti nga dahil hindi ko kasama sa mga scenes si Louisse dahil kung gano'n, kukulitin na naman niya ako. Minsan pa nga eh dadalaw na lang bigla sa bahay kaya minsan takot akong matulog mag-isa dito sa condo eh, baka mamaya bumulaga na lang si Louisse.
At dahil sa pagkakaaliw ko sa panonod ng video ni Maine. I accidentally clicked the like button, agad ko naman itong binawi. Sana hindi niya nakita. Sa dami ba naman nang nanonood, hindi niya 'yong malalaman.
Wrong move Alden.
"Alden! Alden!" atat na atat ni Alexander sa akin. "Dalian mo! Panoorin mo 'to!"
Dali dali naman akong lumabas ng kwarto at tumuloy sa sala.
"Tingnan mo, na-feature na kaagad si Meng!" turo niya sat v.
Halos nabato naman ako dahil fini-feature na si Maine sa isang segment ng isang show. At sinabi pa ng host na someday, ma-meet nila ang person behind that viral person.
Tinapik naman ni Alexander ang balikat ko, "sabi ko sayo, magkikita ulit kayo ni Meng. Tamang panahon right? Baka ito na 'yon."
Hindi ko siya pinansin kundi pinanood ko lang siya sa tv. Ganoon kabilis lumakad ang viral video niya kaya ngayon nafe-feature na siya.
Tamang panahon? Ito na ba 'yon?
Maine? Magkakaharap na kaya ulit tayo?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro