Chapter 25
Chapter 25
His reasons
~Alden's POV
It's felt surreal to think of what happened, to think that Maine remembered who I was to her. Mahigpit ang mga yakap ko sa kanya nang banggitin niya ang pangalan ko, kusang tumulo ang mga luha ko dahil sa galak na nararamdaman ko. Nakakagulat, hindi pa ako makapaniwala noon pero nang sabihin niya ang totoo kong pangalan doon ko napagtanto na naaalala na niya ako. Na bumalik na ang mga alaala niya.
Naging isang malaking pagsubok para sa aming dalawa ang dumating na siyang naging dahilan para mas pagtibayin pa namin kung anong relasyon ang meron sa aming dalawa, bumubuti na rin ang kalagayan ni Maine. Lahat kami masaya sa naging resulta, masaya kami dahil bumabalik na muli 'yong natural na ngiti ni Maine.
Bumalik na naman ulit sa normal ang lahat, tila walang nangyari. Naalala ko na naman 'yong mga panahon na nakilala ko siya, kinilala hanggang sa ngayon na sobrang lapit na namin sa isa't isa. Sa totoo nga lang, ang dami kong ginawa para lang makilala si Maine nang lubusan, when we we're in elementary, I always being bullied and whenever she saw me, she always ignored pero hindi 'don nagtapos ang pag-aasam ko na mapalapit sa kanya.
That's there's a time that I tried to save her and it all started.
Nakauwi na si Maine sa condo niya, her families are at there, para na rin mabantayan nila si Maine at iwas trabaho muna, nalaman din naman nila direk ang good news kay Maine and they were expecting more good expectation sa career ni Maine.
Maine is a good person, wala kang masasabi sa kanya.
Dalawa kami ni Alexander na papunta sa condo ni Maine ngayon, bibisitahin namin siya. Hindi ko alam pero simula nang bumalik ang mga alaala niya, mas naging madali para sa akin ang lahat. Na parang ang gaan na nang pakiramdam ko na hindi na ako mag-iisip nang malalim para lang hintayin ang tamang panahon na 'yon... siguro ngayon, ito na 'yong panahon na 'yon.
Dumating na rin sa wakas.
Mga ilang saglit lang din nang makarating kami sa condo. I've always cherish this place, kung hindi dahil dito, hindi ko sana makikita at makikila si Maine noon. 'Yon 'yong panahon na natatakot pa akong sabihin sa kanya kung sino nga ba talaga ako pero ngayon, wala nang dapat pang itago dahil wala naman na dapat.
Maayos na ang lahat para sa aming dalawa.
Tinapik naman ako ni Alex sa balikat, "dalian natin pards, hinihintay na siguro tayo ni Meng." Aniya.
Tumango na lang din naman ako sa kanya at dali dali naman kaming pumasok sa elevator ng building b at pinindot ang buton ng floor ng unit ni Maine. Napahugot ako nang malalim dahil makikita ko na muli si Maine. Nakakatawa lang dahil sa tuwing magkikita kami ni Maine, lagi kong sinasabi sa sarili ko n asana maalala na niya ako pero dahil alam kong hindi naman mangyayari 'yon, inisiip ko na lang kapag kasama ko siya, natatandaan niya ako kaya minsan hindi mabigat sa pakiramdam ko na kasama siya.
Hindi ko inisip kahit kailan na kapag kasama ko siya, na lumayo, 'wag siyang kausapin dahil hindi naman niya ako nakakausap ako pero mas nag-udyok 'yong sitwasyon namin noon para mas makilala namin ang bawat isa. Mas nakilala ko si Maine Alvarez, sa panahong hindi niya ako matandaan pero masaya dahil kasa-kasama ko siya.
Nang bumukas ang pinto ng elevator ay pinuntahan kaagad namin ang unit ni Maine. Natatandaan ko pa noon, na sa tuwing wala si Maine sa kanyang unit... nag-iiwan ako ng mga kung ano sa harapan ng pintuan niya, mga ilang beses ko lang 'yon nagawa dahil inisip ko na baka nakakahalata na siya.
At 'yong pag-uusap namin sa pamamagitan ng papel? Isa sa mga best moments ko noong nandoon pa ako nakatira sa unit ko, na na-miss ko naman noong lumipat na ako. Sa simpleng pag-uusap na 'yon, sa mga palitan namin ng mensahe, at doon ko rin nalaman na hinahanap pala niya ako. Akala ko noon kilala na niya ako dahil lumalabas na din naman ako sa commercials at tv at mga magazines noon pero nagulat ako dahil hindi pala niya ako kilala noon. Ilang taon makalipas noong nagpunta sila sa isang clothing event at kasama ako doon, akala ko magkikita na kami noon pero hindi pa pala.
Tila may humahadlang sa amin para magkita pero sarili lang din pala namin ang nagiging pader para magkita kaming dalawa. Ang daming memorya kung tutuusin na magagandang alaala na masarap balik-balikan pero mas magandang itago ang mga memoryang kami mismo ang magkasama, hinding hindi ko makakalimutan kung paano nabuo ang pagkakaibigan namin ni Maine.
Nang makatapat naman kami sa pinto ng unit ni Maine, ako na ang kumatok at saglit na naghintay nang bumukas ang pinto. Unang bumungad sa amin si Maine, 'yong mga ngiti niya na hindi naaalis sa mga labi niya. Sinalubong niya ako nang kanyang mga yakap, kinulong ko rin siya sa mahihigpit kong yakap. Matagal ko nang gusto 'tong gawin sa kanya kaya lang may pumipigil sa akin pero ngayon, masaya akong nagagawa ko na 'to ngayon.
"Alden..." banggit niya sa pangalan ko.
"Maine..."
Umalis naman siya sa pagkakayakap ko at hinawakan sa magkabilang pisngi ko, "ikaw na nga talaga 'to, akala ko panaginip lang ang lahat no'ng makita kita pero ngayon, magkasama na tayong dalawa..." at muli naman niya akong niyakap.
Naramdaman ko naman ang pag-init ng paligid ng mata ko at tuluyang tumulo ang mga luha ko sa pagpikit ko. Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko para pigilan na hindi maluha pero hindi ko talaga magawa eh, sa labing isang taon ba naman na hinintay ko, ito na 'yon eh! Na-achieve ko na rin.
"Tsk, tama na iyakan, pasok na tayo sa loob please?" napatingin naman kami kay Alex at natawa na lang din.
Pinunasan naman ni Maine ang mga luha ko, "hindi bagay sayo umiiyak pero ang pogi mo pa rin." Ngiti pa niya.
Kinurot ko na lang din ang pisngi niya at inakbayan at pumasok na sa loob ng unit ni Maine. Nandito rin ang ibang pamilya ni Maine, 'yong mga kapatid niya ay nasa school. Lumapit naman ako sa lola ni Maine at nagmano.
"Ang gwapo mo talaga hijo," aniya.
"Salamat po la." Ngiti ko pa sa kanya.
"Lola, nakilala mo na pala si Alden?" ani ni Maine.
"Oo naman, apo, habang nasa hospital ka, hindi ka nito iniwan kaya kinakausap ko rin siya tungkol sayo at mas nakilala ko naman ang lalalking mapapangasawa ng aking apo."
"Lola naman!" saway ni Maine. Napangisi na lang din ako sa kanilang dalawa. Napangiwi na lang din naman sa akin si Maine. Kaya kami nandito sa condo ni Maine dahil niyaya kami magdinner, hindi naman kami tumanggi dahil kilala naman namin ang pamilyang Alvarez at malaking parte si Maine sa buhay ko.
Tumuloy naman kaming dalawa ni Maine sa terrace ng unit niya, malamig ang simoy ng hangin pero hindi namin iyon ininda.
"Naaalala mo pa ba?" tanong ko sa kanya. Nasa railings lang kami, nakatanaw sa paligid.
Nilingon naman ako ni Maine at dahan dahan na tumango sa akin, 'yong mga ngiti niya na nagdadala na naman nang mga alaala sa akin. "Kung noon na wala akong masagot sayo, wala akong maalala sa kung anong meron man tayo, ang dami dami kong tanong pero ngayon naalala ko na lahat, alam ko na ang sagot..."
"Ano?"
"Ikaw..."
Napakunot naman ako sa sinabi niya, "a-ako?"
Tumango naman siya sa akin, "oo ikaw ang naging sagot para maging makabuluhan ang buhay ko. Sa totoo lang, hindi naman ako masyadong palakaibigan na tao, minsan nawawalan pa ako nang hope pero no'ng dumating ka sa buhay ko, there's this point na binago mo. Ikaw mismo ang nagbago sa buhay ko..."
"Alam mo isa na lang ang hindi nagbabago sayo." Sabi ko pa sa kanya.
"Ano naman 'yon?" kunot noo niyang tanong sa akin.
"Apelyido mo." ngiti ko pa.
Agad na namuo ang ngiti niya sa kanyang mga labi at pinagkikiliti ako. Natigil lang siya nang gaganti sana ako, napansin ko rin naman ang biglang pagiging tahimik ni Maine nang sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
"May problema ba, Maine?" tanong ko sa kanya.
Muli naman niyang inangat ang kanyang ulo at tumingin sa akin, "bakit nga ba ang hilig mong takbuhan ako noon? Hindi mo man lang ako pinakinggan sa sasabihin ko..."
"Gusto mong malaman?"
She nodded.
"Noon pa lamang, elementary days? Natatandaan mo pa ba 'yong araw na niligtas kita sa bisikleta na babangga sayo?" tumango naman muli siya sa akin. "'Yon 'yong araw na naglakas loob akong lapitan ka para maligtas ka lang kahit na masaktan ako, gagawin ko para lang sayo."
"Kaya ba nakita kita noon na dumudugo ang gilid ng mata mo?"
"Oo," ani ko. "Kaya nagkaroon ako nang peklat sa gilid ng mata noon pero kung mapapansin mo naman ngayon na wala na ito dahil pinaopera 'yon, bago ako pumasok bilang isang model, pinatanggal ng manager ko ang peklat sa tabi ng mata ko kaya ito, maayos na siya muli."
"Kaya pala hindi kita makilala noon dahil ang palatandaan ko sa isang Alden Henderson ay ang kanyang peklat kaya kapag nakikita hindi pumapasok sa isip ko na si Richard Howerdson ay ikaw dahil alam kong may peklat ang taong hinahanap ko, nagkamali pa ako..." buntong hininga pa niya. "Pero bakit no'ng makita ko ang litrato mo noon sa unit mo at malaman kong iisa lang pala kayo, bakit mo ko tinakbuhan? Bakit hindi mo man lang ako kinausap para kausapin?"
Napahugot naman ako nang malalim ng hininga dahil hindi ko in-expect na itatanong sa akin ni Maine iyon.
"Alam mo Maine, noon pa lang may dahilan na ako kung bakit ako lumayo at hindi na muling nagpakita. Umalis kami sa lugar natin dati dahil sa mama ko, nalaman namin na hindi maganda ang kalagayan niya kaya tumira na kami kasama siya at ngayon na wala na siya, alam kong kasama na siya ni Lord." Ngiti ko pa saka bumuntong hininga, "pero Maine, hindi ibigsabihin noong tumakbo ako, hindi ka mahalaga sa akin dahil iniwanan kita, natakot kasi ako kasi akala mo magagalit ka sa akin dahil pinaikot ikot pa kita kaya nagpakalayo layo muli ako kaya no'ng makita kita, alam mo sabik na sabik akong yakapin ka pero sa hindi inaasahan, 'yon nga..."
Niyakap naman ako ni Maine, "pasensya na kung wala akong gaanong alam sayo pero mas gusto pa kitang makilala Alden, sa tagal ng panahon na sa una nating pagkakasalamuha hanggang ngayon, ang dami nang nangyari at hindi magbabago 'yong mga sayang binigay mo sa akin at kung anong buhay meron ako ngayon."
I smiled, "alam ko deserve mo naman kung anong meron ka ngayon, eh." Ngisi ko pa sa kanya.
Piningot naman niya ang ilong ko kaya umiwas ako, "salamat dahil dumating ka sa buhay ko."
"Gano'n din naman ako, Maine, hinding hindi magbabago ang nararamdaman ko para sayo..."
"Siguro nga kahit anong gawin ng panahon sa atin, tayo pa rin ang gagawa nang paraan para magkasama. Walang hahadlang sa ating dalawa, tayo pa rin hanggang sa huli... alam mo 'yan."
Tinitigan ko naman siya sa kanyang mga mata, "tama nga siguro ako, nasa tamang panahon na tayong dalawa dahil ito 'yong araw na pinakahihintay ko, nating dalawa na dumatin dahil ako at ikaw ay para sa isa't isa at nabuhay ako para mahalin ka, Maine Alvarez..."
Muli niya akong niyakap, sa pagkakataong ito ay mahigpit na sa inaakala ko. "Kasi nga kaya tayo pinagtapo dahil para tayo sa isa't isa..."
Mayamaya lamang ay may tumawag sa pangalan ni Maine, ang lola nito.
Nagkatinginan pa kaming dalawa dahil may bisita daw ito ngayon, sabay naman naming tinungo ang pintuan. Pagkabukas ko nang pintuan ay bumungad sa akin sa akin ang isang staff ng hotel na may dalang bouquet.
"For Maine Alvarez po," aniya. Nagtatakang kinuha naman ni Maine ang bulaklak at may bonus pang chocolate.
"Kanino po galing?" tanong ni Maine.
"Hindi po sinabi ang pangalan pero sa inyo daw po talaga 'yan." Aniya at umalis siya.
Nang tiningnan naman ni Maine ang bulaklak ay may sulat ito, tiningnan naman niya iyon at binasa.
"Hello Maine Alvarez, hope to see you soon!" –unknown
Nakakunot na tiningnan ako ni Maine, "hindi naman siguro ikaw 'to 'no?"
Umiling ako, "hindi... may kilala ka bang magpapadala niyan sayo?"
Napaisip naman si Maine, "kung hindi ikaw, malamang... isang tao lang din na malapit sa akin 'yon." Aniya at napangisi na lang, "kilala ko na!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro