Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Chapter 24

Lost memories


~Alden's POV

I thought it was a perfect night to be remembered all of those things, those memories what was lost to her but then, it isn't supposed to be happen. We thought it's just an act of her, no one moves, just staring at her but then, when we try to wake her up, she didn't response and that is the time we panic.

She was pretty then, elegant at her own beauty. She was shocked when she saw me right after and then she fall... and I wasn't there to catch her.

The event is still ongoing, everyone is worrying about Maine. Scared of what happened to her. Natigil ang masayang selebrasyon sa kaganapang iyon. Tumigil sa pagtibok ang puso ko nang dahan dahan siyang bumagsak sa aking paningin, masyado akong malayo para saluhin siya, hindi ko na nagawa.

She's still on her bed, and we're still waiting for her to wake up.

On her 3rd day at the hospital, her friends and families come to visited her. Lahat sila nag-aalala sa kondisyon ni Maine, lalo na ang lola ni Maine na sobra ang pag-aalala sa kanyang apo lalo na't malaman nilang may amnesia ito.

Masakit, hindi ko kaya siyang makita, gusto ko siyang makasama, ang sakit sa puso na makita mo na naman siyang nakahiga doon at ngayon na umaasa kang paggising niya naalala na niya ako. Sana nga pero kahit hindi 'yon mangyari, masigurado ko lang na ligtas siya at maayos na ulit... ayos na rin ako.

Hindi ako mapakali kapag nasa trabaho ako dahil ang utak ko naman ay nasa hospital kung nasaan si Maine, at ayon sa mga doctor din ni Maine ay nasobrahan ito sa pagod at hindi nakakain nang maayos at nawalan na lang nang malay. May bukol din siya sa kanyang ulohan dahil sa malakad na pagtama no'n sa sahig.

Kapag natapos naman ang trabaho ko, babalik kaagad ako sa hospital para kamustahin ang kalagayan ni Maine pero wala pa ring pagbabago, nakakalungkot isipin dahil lahat kami umaasa na magigising na siya.

Umalis ang magulang ni Maine dahil bibili daw sila nang pagkain for Maine. 'Yong lola naman ni Maine, natutulog sa sofa, na lubos na nag-aalala sa kanyang apo. Kung paano niya halikan sa noo at tumulo ang luha niya sa kanyang mga mata, mararamdaman mo talaga kung gaano niya kamahal ang apo niya. Nasa school naman 'yong ibang kapatid ni Maine na siguro kapag kinagabihan na ay sila naman ang pupunta dito para dalawin ang kapatid.

I tried to reach her hand and close it tight to mine, and kiss it. Sa tagal nang panahon na hinintay ko, hindi ko inakala na marami pa palang pagdadaanan ang inaasam ko na tamang panahon. Masyadong mabigat, mahirap kung tutuusin pero alam ko naman na kakayanin ko rin ito, basta kasama ko si Maine... walang susuko.

"I miss you, Maine..."

Mayamaya lang ay napatingin ako sa pintuan dahil bumukas ito, anino nito ang una kong nakita hanggat sa nakita ko kung sino ang pumasok sa pinto.

"Anong ginagawa mo dito, Louisse?" tanong ko sa kanya.

"Masama na bang dalawin si Maine? As far as I concern, co-artist ko siya at kahit hindi maganda ang status naming dalawa, she's still a good person." She said, "oo nga pala, I have something for her." she handed over the basket of fruits.

"Louisse!" napatingin naman kami sa pinto at nakita namin si Anja, "anong ginagawa mo dito?" bakas sa mukha niya ang gulat at pagtataka.

"I just visited your friend." She smiled.

Tinanguan ko naman si Anja at umalis naman siya para hindi na makaabala pa.

"Is she okay?" I look at Louisse and shook my head, "I hope she'll be well soon." She said.

"Are you sincere or sarcasm?" I raised my brow.

She rolled her eyes, "yes I am sincere, Richard." She sighed, "okay from now on, mark my word. Hindi ko na kayo guguluhin, I just wanted to see her fine pero mukhang tinataboy mo naman ako."

"So you're leaving?"

"Ano pa bang gagawin ko dito? Alam kong hindi mo naman kakayanin ang atmosphere kung nandito ako..." aniya, "tell her if she woke up, binisita ko siya. Kahit 'yon lang Mr. Howerdson." Aniya.

I nodded then she leave.

Louisse is a good friend, ewan ko lang dahil biglang nagbago ang attitude niya towards people, I hope it's not because of Maine pero sure ako na meron kahit papaano pero I hope she said those words from her heart at hindi pakitang tao lang.

"Maganda rin pala siya sa personal, ano hijo?" napalingon naman ako sa likuran ko nang makita ko ang lola ni Maine na nakaupo na ngayon sa sofa.

Nagmano naman ako sa kanya at nginitian.

"Bakit umalis kaagad siya?" aniya.

"Marami po 'yong ginagawa eh, nagmamadali na rin. Pero nagbigay siya nang prutas." Sabi ko pa sa kanya.

"Napakabait na babae pero wala nang mas babait pa sa apo ko, ano Alden..."

Medyo nabigla naman ako nang tawagin niya ako sa totoo kong pangalan.

"Mabait po talaga si Maine," ngiti ko pa sa kanya.

Tinitigan naman ako nito sa aking mga mata, "alam mo ba hijo, noon laging may kinukwento sa akin ang apo ko tungkol sa lalaking nakakausap niya sa harap ng terrace niya, tuwang tuwa siya kapag kinukwento niya sa akin 'yon. Mabait naman daw kasi 'yong lalaking nakakausap niya, gwapo rin daw... katulad mo hijo." Aniya.

Napangiti na lang ako, "lola, paano kaya kung sabihin kong ako 'yong lalaking iyon?"

"Kung pwede lang ano?" hagikgik pa ni lola.

Natawa na lang din naman ako, "pero lola seryoso po, ako po 'yong lalaking 'yon. Hindi ko alam na nakukwento pala ako ni Maine sa inyo, sa katunayan hindi niya pa ako kilala noon, sa pagiging artista ko, hindi niya ako kilala at doon sa mga pag-uusap na pareho pala naming hinahanap ang isa't isa..."

"Talaga hijo? Kung gano'n bakit hindi ka naman agad nagpakilala sa apo ko?"

Napahugot naman ako nang malalim na hininga, "naunahan po ako ng takot, iniisip ko kasi noon na kapag nagkita na kami ay hindi na niya ako papansin o kikilalanin pa pero dumating 'yong araw na 'yon, dumating 'yong araw na magtama ang mga mata namin. 'Yon nga lang, ang daming naging hadlang para marating namin kung ano ba ang dapat kaya hanggang ngayon umaasa pa rin ako sa tamang panahon na pinangako ko..."

Nagulat naman ako nang niyakap ako ni lola at umalis muli, "isa lang ang ibigsabihin niyan, hijo, mahal ka nang apo ko. Sa ngayon na hindi ka niya makilala, hintayin mo lang darating din tayo diyan at kapag handa na ang mga puso niyong umibig muli, doon niyo na ihanda ang sarili niyo sa relasyong iyon. Alam mo Alden, mabait ka, lahat ginagawa mo kaya alam kong nasa mabuting kamay ang apo ko... sana maging kayo." Ngiti pa ni lola.

Natawa na lang din ako sa sinabi ni lola.

Sumapit ang kinagabihan, sama sama na ang pamilya Alvarez sa loob ng kwarto ni Maine, lumabas muna ako panandali para magpahangin.

Ang daming pagsubok, ang daming kailangang hakbangin para lang matapos mo ang isang bagay na 'yon pero kahit kailan hindi ko naisip na sumuko na lang dahil alam ko sa dulo ay may magandang mangyayari rin.

Tama si lola, darating din naman tayo doon. Huwag na lang natin madaliin ang lahat.

Naging madali sana ang lahat kung una pa lang, nagpakilala na ako, lumapit na ako sa kanya pero hindi ko kaagad naisip 'yon dahil iniisip ko na magiging komplikado ang lahat kapag nangyari 'yon, na mas gugulo ang pangyayari kung mag-iisa muli ang mundo naming ginagalawan at kahit ngayon na hindi na niya pa rin ako maalala, at least ay nakakasama ko siya, nakakabuo kami ng bagong memorya na makakaalala sa magagandang pagsasama namin.

"Musta na ang pards ko," akbay pa sa akin ni Alex.

Inalis ko 'yong akbay niya at napailing na lang din sa kanya, "hindi pa rin siya gumigising."

"Nasa taman—" siniko ko naman siya.

"Alex, walang tamang panahon diyan, gigising si Maine mamaya, kinabukasan o sa susunod na araw. Hindi pwedeng paghintayin tayo."

"Dahil sawa ka na?" aniya.

Natahimik naman ako sa sinabi niya.

Napangisi naman siya, "tama nga ako, sawa ka na maghintay. Sa loob ba naman kasi ng ilang taon na paghihintay, ganito pa ba aasahan mo? Syempre, hindi diba?" tapik pa niya sa balikat ko, "gigising din naman si Maine, alam natin 'yan." Aniya.

Napatango na lang din ako sa kanya.

"Alden!" napatingin naman ako sa tumawag sa akin, nakita ko si Anja na palapit sa amin na humahangos ng hininga. "Tara sa kwarto, gising na si Maine!"

Nagkatinginan naman kami ni Alex, "sabi ko sayo eh." Usal ko at tumakbo kaming tatlo papunta sa kwarto ni Maine, may mga nakapalibot na nurse at doctor para i-check ang kanyang kalagayan, pinanatili naman kami sa labas hanggat maaari upang hindi kami makagulo sa loob.

Kinakabahan ako, nagising na si Maine pero ano naman kayang mangyayari sa kanya ngayon?

Mga ilang minuto pa ang tumagal ng paghihintay namin nang lumabas na ang mga nurse at doctor, nilapitan naman ng doctor ang magulang ni Maine.

"She's awake now, she's okay now." Said the doctor, halos hindi naman maaalis sa amin ang mga ngiti dahil sa balita nang doctor sa amin, "nagkaroon ba nang incident ng amnesia ang pasyente?" tanong ng doctor.

"Opo," sagot naming tatlo nila Maine at Anja.

"I hope she'll okay now," he said and leave us.

Nauna namang pumasok ang mga pamilya ni Maine, 'yong mga sigawa nila nila at mga tuwa. Nagpaiwan pa kami sa labas dahil mukhang hindi pa ako handa na harapin siya ulit nang gising siya pero kailangan na.

"Pasok na tayo?" tanong ni Anja.

Tumango naman ako, nauna silang pumasok at nahuli naman ako. Hindi ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko, ewan ko, sa kaba ba... ewan, hindi ko mapaliwanag!

"Nasaan si Alden?" agad naman napalingon ako sa kinaroroonan ni Maine. 'Yong pagtawag niya sa pangalan ko, nakakabigla.

"Maine..."

"Naaalala na kita... Alden, 11 years."




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro