Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Chapter 23

Stressful day


Umagang umaga pa lang, nakaka-stress na! Nakakaiyak na! Hindi magkaaligaga sa mga ginagawa ko ngayon, late pa ako nagising kanina dahil hindi nag-alarm 'yong phone ko, sinabi ko rink ay Anja na i-set 'yong alarm niya pero hindi pala niya ginawa, kaya ngayon ngarag kaming dalawa kakamadali pero atleast mga 10 minutes late lang kami, ngayon na inaayusan ako nang make-up artist ng magazine brand na 'to. Hindi pa rin ako nabi-brief sa gagawin ko later, at pagkatapos pala nitong photoshoot ko is diretsyo na ako sa conference ng teleserye, how come diba?

Hindi busy diba? Chill chill lang.

"Maine, may tumatawag sa phone mo." sabi ng make-up artists sa akin.

Napadilat naman ako at tiningnan ko 'yong phone ko, kinuha ko naman ito at tiningnan ko kung sino ang tumatawag and it's Alden. Almost 8 pa lang ah, ang aga naman niya napatawag. By 3pm ang start ng conference at hindi ko alam kung ilang oras ang itatagal pero sure na sure na kaming dalawa ni Anja na makakapunta sa event mamaya.

Sinagot ko naman ang tawag ni Alden.

"Oh, Tisoy!"

"Morning Maine, see you mamaya sa conference!" halata sa boses niya 'yong saya. Napangiti na lang ako dahil mukhang good mood siya ngayon, as always naman. Ano kaya histura niya kapag bagong gising?

"See you din!" hagikgik ko pa. Pansin ko naman na napapangiti 'yong nagma-make up sa akin kaya naman iniwasan ko na lang na magpahalata.

"Anong ginagawa mo ngayon?" tanong niya.

"Ah, nandito ako sa photoshoot ng isang magazine, mamaya mag-start na rin kami. Inaayusan pa lang ako eh." Tugon ko naman sa kanya.

"Ah, galingan mo ah? Kita kits na lang mamaya!" aniya pa.

"Thank you, paulit ulit ka ah? Sige, mamaya na lang!" saka koi to binaba at nilapag sa desk sa harap ko.

Napatingin naman ako sa make-up artist ko, nakangiti ang gaga. Napailing na lang din ako sa kanya at napangiti na lang. Pinagpatuloy na rin niya ang pagkukulay sa mukha ko, chos. Sunod naman na ginawa ay ang pag-ayos ng buhok ko. Light lang ang make up pero mukhang fierce kapag nagpose ka talaga. Ganda, pak na pak! Ganoin!

Pagkatapos akong ayusan, may lumapit naman sa akin crew para i-brief ako sa gagawin namin today. First is syempre ang photoshoot at iinterview-hin din nila ako at dahil ako ang cover girl na rin for the next month. Nakaka-excite na nakakababa dahil hindi mo alam kung may bibili ba o tatambay lang ang magazine na 'yon sa bookstore dahil ako ang cover, ay naku, bakit ko ba naisip 'yon? Kaloka.

Dinala na rin ako ng crew sa photoshoot area, nandoon na pala si Anja at busy na kakapicture na kakapicture sa ibang artist at model. Lumapit naman siya sa akin nang makita ako.

"Naku girl, ang ganda mo na." aniya, tuwang tuwa pa. "Ang dami ring papables." At halata na naman sa kanya ang pagpipigil ng kilig, susmaryosep. Busog lusog na naman ang kanyang mga mata.

"Baliw, huwag ka maingay diyan. Palabasin ka pa." ngisi ko pa sa kanya.

Pero inirapan lang din niya ako.

Pumunta na ako sa pwesto ko, white ang background. Mayamaya lang din ay dumating na rin ang photographer, nagkakilalahan naman kami, isa siya sa resident photographer ng magazine na 'to and it was his privilege na ako ang makaka-trabaho, nahiya naman ako doon sa sinabi niya pero hindi ko na lang inintindi dahil kailangan maging maganda ang poise ko.

Tumagal nang dalawang oras ang photoshoot at kailangan ko pa magpalit ng bagong damit para sa next shots. Medyo madami akong susuotin next pero pinagpahinga muna ako at ni-retouch ang make up.

"Tumawag pala kanina sa akin kanina si Alden, Anja." Pagku-kwento ko sa kanya.

"Sa akin din si Alex." Kilig na kilig na sabi niya.

"Oh, talaga?" ngisi ko pa sa kanya. "Tumigil ka nga, Anja. Mukha kang baliw diyan, kilig na kilig?" kiliti ko pa sa kanya sa tagiliran niya, pinalo naman niya ako bilang ganti.

"Baliw!" irap pa niya sa akin, "anong sabi naman ni Alden?"

"Wala..."

"Wala naman pala eh," sabay irap niya. "'Yong sa akin, malaman may pinag-usapan talaga kaming dalawa. 'Yong sayo, nonsense naman pala." Ngisi pa niya sa akin. "Sawa na kasi ako Maine, sawang sawa na ako na ipaalala sayo si Alden..." at nagdrama na naman siya.

Tinaasan ko lang din siya ng kilay, "drama mo."

At tiningnan niya ako, bakas sa mukha niya ang pagkaseryoso, "hindi ako nagbibiro Meng eh, hanggang kailan mo ba papaasahin si Alden?"

Hindi naman ako kumibo.

"Minsan feeling ko ang sakit na for Alden, na kasama ka naman niya pero you had no any idea kung anong naging parte niya sa buhay mo dahil hindi mo siya maalala. Pero he used to be with you, nagbibigay ng bagong alaala for you. Hindi siya sumusuko dahil alam niya na darating din 'yong point na babalik na lahat pero hanggang kailan ba, hanggang kailan mo paghihintayin si Alden?" buntong hininga naman niya.

I patted her shoulder, "kung kaya ko lang Anja, ginawa ko na pero hindi eh. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko, ginagawa ko rin naman ang lahat ah? Hindi ko naman pinaparamdam kay Alden na nale-left out siya pag ako ang kasama niya... sana maintindihan mo rin ako, alam mo 'yon diba? Kaibigan kita. Sa ngayon, hindi ko lang talaga alam... sana may paraan, sana isang untog lang, bumalik na lahat..."

Sa kabila nang kadramahan naming dalawa ay natawa na lang kami nang ma-realize namin na nakuha pa namin magdrama sa oras ng trabaho pero ayun nga, I meant what I said. Kung may magagawa lang ako, naaalala ko na siguro si Alden ngayon.

Bumalik na rin kami sa trabaho pagkatapos ng maikling break.

Pose dito, pose doon. Nakakapagod pero keri naman dahil kailangan talaga nila kumuha ng maraming pictures para mas marami silang pagpipilian kung anong mas babagay. Palit ng damit dito, palit doon. Nakakangalay din ah. Sabay retouch sa akin dahil nagpapawis na ako kahit aircondition ang paligid.

Pagkatapos lumipas ng dalawang oras ulit, kahit alas dose na ay puro trabaho pa rin ang iniisip ng bawat isa. Kahit nagugutom na ako ay inunan ko pa rin ang trabaho. Sinunod naman namin ang interview para sa magazine.

"Okay ka lang, Meng?" tanong sa akin ni Anja. Tumango naman ako at inabutan niya ako ng tubig saka ako uminom.

Nagsimula ang interview pasado ala una na. Naging mabilis naman ang talakayan namin, hindi rin naman personal ang ibang tanong kaya hindi mahirap sagutin pero nang tanungin sa akin kung ano ba sa buhay ko si Alden... natulala lang ako. Hindi nagprocess agad ang utak ko kaya nang itanong ulit sa akin iyon, doon lang ulit ako nakapag-isip nang maayos at ang nasagot ko naman ay isang special friend... hindi na naman nagbigay ng kung anong motibo sa sagot kong iyon.

Mga alas dos na nang matapos ang interview. Tumayo naman ako sa kinauupuan ko.

"Marami salamat, Maine for the interview." Aniya at kinamayan ako.

Ngumiti naman ako, "no prob! Sige mauuna na kami!" sabi ko.

Nakita ko naman si Anja na nagpalit na nang kanyang damit, inabot naman nito sa akin ang dress ko at nagpalit na rin ako. Ba-biyahe pa kami papunta sa conference na alas tres magsisimula. Pagkatapos kong magpalit ay nagpaalam na rin kami sa staff and crew na nakasama namin at dumiretsyo na kami sa parking lot para pumunta sa conference naman.

Anja took the driver's seat.

"Anja, wala ka bang pagkain diyan? Hindi man lang nila ako naalala." I pouted.

"Ay sorry, sa akin kasi binigay 'yong pagkain mo, nasa bag ko kunin mo." napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya at kinuha sa bag niya 'yong paper bag, may lamang burger at fries, inabutan naman niya ako ng bottled water at nakakain naman ako kahit papaano. Nawala ang gutom ko. Ang stress, kaasar!

Nasa kahabaan kami ng edsa papunta sa conference at traffic pa.

2:45 na at ang bagal nang usad ng sasakyan.

Mayamaya lang din ay tumawag sa akin si Alden.

"Maine, nasaan ka na? Nandito na kami, papasok na anng conference."

"Nasa edsa pa kami, traffic. Late na kasi natapos 'yong photoshoot eh, pwede naman atang ma-late 'no?" ngiwi ko pa.

"Oo, pwede 'yan, ingat kayo diyan!"

"Sige Alden, mamaya na lang din." Saka ko binaba ang phone ko.

'Yong tipong pagod na pagod ka na at gusto mo nang mahiga sa kama mo pero hindi mo magawa dahil may mga commitments ka pang pwedeng gawin at puntahan kaya bawal magpa-relax relax lang.

"Maine, gising..." minulat ko naman ang mga mata ko.

Napatingin naman ako sa watch ko and it's 3:30 na. Nagmadali naman kaming dalawa ni Anja na pumunta sa conference and luckily, nakaabot pa naman ako. They greeted me, sinalubong din ako ni Alden.

"Okay ka lang?" he asked.

Tumango naman ako sa kanya at kinuha ang mic na inaabot ng staff sa akin.

"Hello po!" bati ko sa kanila.

Nagpatuloy lang ang conference, masaya dahil puro tawanan at biruan ang nangyari. Kasama rin naman ang ibang cast ng teleserye at nakaka-over whelm na makita ko 'yong ibang bigatiing artista at the same time, nakakahiya dahil kung sino pa 'yong bida, siya pa 'yong late.

Is it too late now to say sorry? Chos.

"Ang tanong ko ay para kay Maine," sabi ng isang reporter, napatingin naman ako sa kanya. "Kung may pagkakataon na manligaw si Richard sayo, may chance ba na sagutin mo siya?"

Maraming kantiyawan ang nangyari bago ako nakasagot sa tanong na 'yon. Si Alden na ngiting ngiti sa tanong. Napangiti na lang din ako at sinabing, "opo, actually malaki ang chances." At doon mas kinilig ang mga tao sa harapan namin.

Ewan ko pero ako rin eh kinilig kahit papaano.

"Kay Maine ulit ang tanong ko," lipat naman ako nang tingin sa isa namang blogger, "maraming nagsasabi na dahil sa aksidente na nangyari sayo noon ay nagkaroon ka nang amnesia, specifically si Richard daw mismo ang hindi mo maalala, totoo po ba 'yon?"

I was about to refuse and not to talk about it pero pinandigan ko na rin ang tanong niya sa akin.

I nodded, "yes, I have still have a amnesia and the gossip was right, hindi ko maalala si Tisoy."

"So, before ka pa pumasok sa showbiz, magkakilala na kayo?" she added.

Tumango ako at hindi na nagsalita.

"Actually, 11 years na kaming magkakilala, we found each other at wala naman akong hinaing sa pagkawala ng alaala ni Maine sa akin. Masaya ako kasi nakakasama ko na siya ngayon." Then he off his mic, nilingon naman niya ako at nginitan.

Napilitan na lang din ako nang ngiti at medyo nahilo ako dahil may kung anong pumapasok sa utak ko. Shinake ko ang ulo ko at umayos na lang nang pagkakaupo.

Natapos ang conference magaala sais na.

"Mauuna na ako, Maine... Anja..." ani Alden at nauna nang umalis sa amin.

Muli naman kaming nagpalit ni Anja nang damit dahil didiretsyo na kami sa event ng alumni homecoming. Parang gi-give up na 'yong katawan ko sa sobrang pagod at siguro after ko magperform later ay pwede na akong makauwi dahil hindi ko na kakayanin kung magtatagal pa ako mamaya. Pagkatapos naman namin magpalit nang damit, si Anja muli ang nag-drive papunta sa St. Benilde.

"Okay ka lang ba, Maine? Pagod ka na eh, 'wag na kaya tayo tumuloy?" aniya.

Inilingan ko naman siya, "inaasahan tayo 'don, Anja. 'Wag naman natin sila paasahin. Isang buwan din naman natin 'tong hinintay eh." Sabi ko pa sa kanya.

Hindi na naman siya umangal kundi nagmaneho na lang siya. Habang nasa biyahe ay nakaidlip naman ako na kahit papaano ay makakatulog ako.

Mga 7:30 na kami nakarating sa event at naabutan namin ito na nagstart na pero may ilan ilan pa ring dumadating kaya sumunod na rin kami papasok sa loob ng hall. Naging agaw pansin kaagad kami nang pumasok kami sa pinto, agad na napunta sa amin ang mga lenses ng camera nila at 'yong iba naman ay tinatawag ako. Hindi ko naman makilala 'yong iba o maaaninag dahil sa dim ng lights, may nag-usher naman sa amin papunta sa table namin.

'Yong mga kasama namin sa table ay hindi magkamayaw at gusto pang humirit ng picture, pinagbigyan ko naman dahil this night is ours. May naririnig din ako na may darating din na mga artista at banda and still don't know kung sino man ang mga 'yon pero excited akong malaman at makita sila.

Naging maganda naman ang daloy ng event, may mga performances at ang astig ng mga banda dahil lahat ay na-e-enjoy ang gabing ito hanggat sa ako naman ang nagperform, dahil hindi naman ako nakapag-practice ng piece ko for this performance kaya naman kumanta na lang ako.

Naka-spotlight ako at ang dilim ng paligid ko, mga ilaw lang ng phone nila ang nakikita ko. Mga sigawan at cheer ng mga kaklase ko noon ang nagpapatense sa akin. Hindi ako na-orient na ang dami palang aattend sa homecoming na ito. Ang saya lang pero after nito uuwi na ako, kailangan ko nang magpahinga.

"Good evening sa inyo lahat, schoolmates! I hope na magustuhan niyo ang kanta ko for everyone..."

"Or baka kay the one!" may isang sumigaw na babae, I try to find to where it come from pero dahil madilim hindi ko alam kung saan. Pero for sure, si Anja 'yon.

The background song started, ang nerve cracking naman nito dahil lahat sila nakatingin sayo.

"The closer I get to you

The more you'll make me see

By giving me all you got

Your love has captured me"

Habang feel na feel ko na ang pagkanta, bigla namang namatay ang background song. I gasped, nagulat ako at hindi lang ako at mayamaya lang biglang bumalik ang background song pero ibang kanta na iyon. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko naman alam kung anong kanta 'yon.

"A dangerous plan, just this time

A stranger's hand clutched in mine

I'll take this chance, so call me blind

I've been waiting all my life

Please don't scar this young heart

Just take my hand"

Hindi familiar sa akin ang kanta pero boses nang lalaki ang kumakanta ngayon, hindi ko alam kung nasaan siya ngayon dahil kalat ang speaker at bawat paligid ay maririnig mo ang boses niya. Tilian naman ang babae dahil sa lamig at ganda ng boses nito.

"I was made for loving you

Even though we may be hopeless hearts just passing through

Every bone screaming (I don't know what we should do)

All I know is, darling, I was made for loving you"

At may tumutok na spotlight sa harapan ko, sa isang tao sa harapan ko. Hindi mismo sa mukha niy nakatutok ang spotlight kundi sa isang papel na nakaharap sa akin na may nakasulat na, "Hello Maine..." I tried to read it while I'm on my mic para malaman nila kung anong meron.

"You're so gorgeous..."

Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinakabahan sa nangyayari.

"Do you remember this?"

Hindi?

"Do you remember our 11 past years?"

Hindi maaari.

"Do you remember the day I saved you from that bike?"

Wait...

"Do you remember how we shared every night using this fansigns?"

Hindi ako makasagot. Wala akong alam. Ang tahimik ng paligid na tipong nakikinig sa nangyayari.

"Do you remember me, Alden Henderson?" and all the crowds get confused and some ay tumili na lang.

"Because all of you, Maine Alvarez... I remember a moment with you."

And when the lights on, lahat nang mata namin ay napunta sa lalaking nakatayo sa harapan at ang iba naman ay nagtilian nang makita siya. I saw him standing there holding a red roses pero bigla akong may naramdaman ay bumagsak na lamang ako sa kinatatayuan, tumama pa ang ulo ko at tuluyang nagblack out ang paningin ko.

Is it true? Alden was made to love me?

----------------

Ito 'yong song na kinanta ni Maine at Alden.

Maine- Closer I Get To You

Alden- I Was Made For Loving You






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro