Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Chapter 22

Hectic schedule


~Maine's POV

Malapit na ang conference para sa teleserye namin nina Alden at malapit na rin ang event for the alumni homecoming sa university namin which is conflict sa schedule namin, and still I don't know kung makakadalo kaming dalawa ni Anja dahil wala pa daw siyang time para makausap ang staffs ng magsasagawa ng conference pero dahil sa sabado na 'yon and it only takes two days from now, kailangan na talaga ni Anja na gawan 'yon ng paraan.

I just wanted to go sa event kasi sa university tapos nag-promise pa ako sa isang prof namin na magpe-perform doon like what did I do few years ago and still up now, hindi ko pa rin napa-practice kung anong gagawin ko ngayon pero if I have to do a thing, pwedeng kumanta na lang? Chos.

"Meng, what should I wear?" napalingon naman ako kay Anja, galing sa loob ng kwarto. Hawak hawak niya sa hanger 'yong dalawang dress, 'yong sa right hand niya na kulay pula at 'yong isa na kulay dark violet.

Paulit ulit niyang pinatong sa kanya 'yong dress kung anong mas bagay sa kanya, "nagamit mo na 'yang mga 'yan, diba?"

She rolled her eyes, "isang beses pa lang naman saka ang ganda naman kasi. Ano, ano ba mas maganda dito sakin?"

I shrugged then shake my head, "wala."

She glare at me, "ang supportive mo talaga." Irap pa niya sa akin.

"Saan mo ba gagamitin 'yan?" mataray ko pang tanong sa kanya.

She rolled her eyes, "like duhh, syempre sa alumni homecoming." Aniya.

Napatayo naman ako sa kinauupuan ko at lumapit ako sa kanya, kinuha ko naman sa kanya 'yong dalawang dress at nilupo ko sa braso ko, "so sure ka na makakapunta diyan at hindi mo man lang naisip na may conference pa diba?" sabi ko pa sa kanya.

Ngisihan niya lang ako at inagaw sa akin 'yong mga damit niya, "bukas Meng, samahan mo ako sa office para kausapin 'yong ibang staffs, okay?"

"Okay, bahala ka..." pabalik na ako nang sala at nilingon ko muli siya, "nga pala, walang bagay sayo diyan sa mga dress na 'yan." Pang-aasar ko pa.

I heard her grunt. Gusto ko magpahinga dahil kakauwi lang din namin from taping, last 1 month na lang din for that teleserye at mas nagiging intense ang kaganapan lalo na't pumasok ang karakter ko doon, I always saw my name sa trending list kaya naman nakaka-overwhelm dahil sa support nila sa akin, minsan hindi na ako makalabas ng mag-isa sa daan dahil may lalapit at lalapit sayo pero noon lang, kahit magmukha akong baliw sa daan, wala silang pakelam pero ngayon they will capture every moment of you.

Habang naglilipat ako nang channel nang biglang hinagisan ako ni Anja nang shoulder bag, sinimangutan ko naman siya dahil tumama mismo sa mukha ko 'yong bag.

"Bakit ba, An-an!" asar kong tugon sa kanya.

"Tumayo ka na diyan, aalis tayo." Aniya.

Umupo naman ako, "saan naman tayo pupunta?" taka kong tanong sa kanya.

"Bibili tayo ng masusuot natin sa event, dali na." pagmamadali pa niya sa akin.

"Mamaya dumugin na naman tayo!" sabi ko pa sa kanya.

"Hayaan mo na!" sabi naman niya.

Hindi na naman ako umangal sa kanya dahil pipilit at pipilitin niya ako na pumunta kami ng mall para mamili ng damit. Actually, kaya hindi ko iniisip ang mga 'yan dahil nga sa conference, alam kong medyo magtatagal din 'yon kahit papaano kaya hindi ko na inisip 'yon, kung maaari ngang kitain ko na 'yong prof na nagsabi sa akin na kung pwedeng mag-back out sa performance ko ginawa ko na pero ngayon, mukhang may magagawa naman si Anja na paraan kaya gorang gora siya.

Di na naman ako masyadong nag-ayos, mas maganda na 'yon para hindi rin nila ako marecognize na ako si Maine Alvarez, chos! We took the elevator to the 1st floor then we head to the parking lot. Ako na ang nagprisinta na magdrive for Anja. We decided na sa hindi masyadong crowded kami pumunta na mall dahil doon mas makakapaglibot libot pa kami ni Anja kaysa naman sa madaming tao, hindi ka naman makakapaglibot, siksikan pa.

We reached the mall by thirty minutes, may ibang guards na nakilala kami pero hindi namin pinahalata at 'wag na nila kaming samahan dahil baka mas pagkaguluhan kami and we're happy to see na hindi pa masyadong matao ang mall na 'to. Sa forever 21 kami kaagad tumungo, kung ano anong dresses ang pinagpipili namin ni Anja. Dahil hindi pa sapat kay Anja ang pamimili namin ng ilang dress sa forever 21 kaya kung saan saang store pa kami nagpunta.

Nagpahinga naman kami sa usual tambayan namin na starbucks, and I was shock when we saw Louisse entered the store. Naka-shades siya, naka-short maong at sleeves.

Napansin rin niya kaagad ang presensya namin kaya naman nilapitan niya kami, nakiupo sa table namin.

"Wow, so nice to see you here girls." She smirked.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong sa kanya ni Anja.

She laugh, "sa tingin mo ba bawal na ako mag-mall at kung makatanong ka akala mo pagmamay-ari mo 'to, ang liit ng utak mo." sabi naman nito sa kaibigan ko.

"Edi umalis ka dito sa table namin," mataray na sabi ni Anja.

"Anja, tama na..." pagpigil ko naman sa kanya, nilingon ko naman si Louisse, "please, may iba namang upuan kaya doon ka na lang." sabi ko naman sa kanya.

Tinaasan niya lang ako ng kilay, "and who dares to be with you? To be seated with you? Ang boring boring niyo kaya." Aniya, si Anja na aambangan na sana si Louisse pero pinigilan ko na siya, "wala akong time for you, for your nonsense chitchat and your cheap bags." She said.

At nagkaroon pa pala siya ng time para suriin ang mga binili namin, ah?

"And a reminder Maine Alvarez," she says. I look at her frowning. "Richard is still mine, and mine alone." And then she leave the place.

Napailing at buntong hininga na lang ako nang humupa na ang tensyon sa paligid namin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Louisse at nakiupo pa talaga sa amin and she said na wala siyang time for us pero nakiupo talaga siya. Ang adik lang. Buti na lang hindi siya gumawa ng eskandalo dahil ayokong madawit sa anumang issue, kung personal man ang away namin ni Louisse sa amin na lang 'yon, ayoko nang palawakin pa na tipong buong bansa, alam ang nangyayari sa aming dalawa. Nakakahibang kaya 'yon!

Umalis na rin naman kami ni Anja ng mall at umuwi na pabalik ng condo.

Sinukat naman namin muli isa isa ang mga pinamili naming mga dress na gagamitin for conference at sa event. Medyo napadami ang bili namin pero ayos na 'to, kung may biglaang event man o pupuntahan ay may magagamit ako. I usually love wearing my old clothes lalo na kapag may sentimentary value na ang mga damit na 'yon.

Mayamaya lang ay biglang may tumawag sa akin.

"Oh, direk bakit po?" tanong ko pa.

"May tumawag sa akin from some magazine brand, kinukuha ka nila. I gave your manager's number, tatawagan ka daw nila ngayon o mamaya." Aniya.

Medyo na-lighten up naman ako sa binalita ni direk.

"Meng!" biglang tawag ni Anja sa akin, "may tumatawag sa akin ngayon, come here!" aniya.

"Ay direk, tumatawag na po sila. Thank you po!" at agad ko naman iyong binaba.

Lumapit naman ako kay Anja at siya naman ang kumausap. At nang matapos naman ay hindi ko alam kung masaya o malungkot siya sa balita, or both?

"Anong sabi?" tanong ko pa sa kanya.

"Kinukuha kang cover girl sa isang magazine brand and you'll have your photo shoot this coming Saturday morning before you press conference." Aniya.

Napasapo na lang din naman ako sa noo ko, "hindi mo ba sinabing pwedeng i-postponed 'yong photo shoot?"

Napailing naman siya sa akin, "hindi eh, don't worry ako nang bahala, dito." Aniya. Napaupo na lang ako sa sofa, grabeng hectic naman ng sched pero sure akong kakayanin ko 'yan. "Aalis ako." Aniya, kinuha ang bag sa glass table.

"Saan ka naman pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Pupunta ako sa office, kakausapin ko na sila for your time sa conference, okay?"

"Sige, go lang!" at nagmadali naman siyang lumabas ng pinto.

Napabuntong hininga na lang din ako at dahil sa pagod, nakatulog na lang.

I see a blurry face in front of me, he slowly touching my hands.

"Maine..."




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro