Chapter 21
Chapter 21
Bisita
~Alden's POV
After I ended her call, nasayangan na naman ako sa pagkakataon na 'yon. Kung kailan makakasama ko ulit siya, saka naman ako nagkasakit. Mag-aayos na sana ako kanina nang maramdaman kong hindi na okay 'yong pakiramdam ko, hindi ko rin kakayanin. Hindi rin mae-enjoy ni Maine ang presence ko kapag nagkataon. 'Yong feeling na excited ka na, makakasama mo na ulit siya sa wakas pero biglang binawi, ano, na miss Colombia lang? Tss.
I was texting Alex kanina pa, hindi man lang nagrereply sa akin at kapag tinatawagan ko naman, he didn't take up his phone. Tapos na kaya 'yong event nila ni Maine? I tried to reach Maine too, texting her pero wala ring reply even Anja. Ano bang meron, o nagdinner silang tatlo? Kaasar naman oh!
"ALDEN!" nagulat ako habang nanonood ng tv nang biglang bumulaga si Alex na kakapasok pa lamang ng pinto ng unit. With his attire from his event earlier, swabe pa rin! Syempre mana sa akin, saan pa ba diba?
"Why didn't you even bother to reply?" bungad ko sa kanya, nakakumot ako. Nilalamig dahil hindi pa rin ganoon kaganda ang pakiramdam ko, namumutla na ewan.
He smirked, nang palapit siya sa akin ay dadaganan pa sana niya ako pero hindi niya rin tinuloy, kita na wala akong energy, walang gana kumain, dadaganan pa? Hayup! Tinawanan na lang din naman niya ako, hindi pa rin sinasagot ang tanong ko.
"Alam mo pards, tama na 'yan, I have something special for you..." aniya.
Napatingin naman ako sa kanya sabay kunot noo, gabing gabi na nakukuha pang mangtrip. Magtataklob na sana ako nang kumot ko nang magsalita muli si Alexander.
"Visitors... come in..." he commanded.
Salubong lang ang kilay ko sa sinabi niya, nakatingin ako sa pinto inaantay kung sino mang papasok sa pintong iyon at ilang saglit lamang ay halos mapanganga ako nang makilala ko kung sino ang bisitang tinutukoy ni Alex, nang makapasok siya nang tuluyan. Lumibot ang mga mata niya sa paligid ng bahay hanggat sa tumama ang mga mata niya sa direksyon ko. Nagulat pa ito nang makita ako at napangiti na lang.
Gustong-gusto ko na magtaklob ng kumot dahil sa histura ko ngayon. Nakakahiya! Hindi ako na-orient. Bwisit ka Alexander, kaya ka ba hindi nagrereply?
Sumunod na pumasok si Anja, ang laki agad nang ngiti niya sabay na kumaway sa akin. napangiwi na lang din naman ako.
Lumapit naman sila sa akin at naupo sila sa sofa malapit sa akin, hindi ko alam kung bakit parang titig na titig sila sa akin kaya naman nang lingunin ko sila. Hindi nga ako nagkamali, mga nakangiti.
"Bakit ganyan kayo makangiti?" kunot noo ko pang tanong sa kanila.
"Wala lang," ani Anja. "ang gwapo mo pa rin pala kapag may sakit." Hagikgik pa niya.
"Sana nga hindi na lang, eh, para natuloy 'yong dinner namin ni Maine." Sabi ko naman.
"Now you know, Den, kung bakit walang reply?" ngisi pa niya sa akin, inilingan ko na lang din naman siya. Hindi na rin kasi mawala 'yong ngiti ko, hindi ko inaasahan na pupunta sila ngayon dito. "Oh, saglit lang, 'yong mga binili pa namin, babalik ako sa sasakyan." Ani Alex at nagmadaling lumabas ng pinto.
Bumaling naman ako kay Maine, nililibot niya lang 'yong paningin niya sa paligid ng unit namin. Medyo malaki lang 'to nang kaunti sa nakaraang condo namin.
"Maine," tawag ko sa kanya, napalingon naman kaagad siya sa akin. "How's the event?"
She shrugged, "ayun, successful naman medyo over crowded lang kanina dahil hindi namin in-expect 'yong dami nang tao kaya natagalan kami makalabas." Aniya.
"At least you're safe now," ngiti ko pa sa kanya.
"Mabuti nga eh," aniya. "Pero ikaw, okay na ba pakiramdam mo, did you take medicines already?" I like how she cares, sunod sunod ang tanong niya.
I nodded to her, "pero mainit pa rin ako eh." Sabi ko naman sa kanya.
Tumungo naman siya, "tingnan nga natin." Aniya, nagulat naman ako ng bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Nilapat niya ang ibabaw ng kamay sa leeg ko at pinakiramdaman naman ako, "mainit ka pa nga," ngisi pa niya. "Mabuti na lang we bought some soup, nasabi kasi ni Alexander na kanina ka pang umaga nilalagnat."
Napangiti naman ako somehow sa sinabi niya, kahit hindi niya ako maaalala. Ramdam ko na parang ang tagal na naming nagkakasama, na kilalang kilala na niya ako nang lubusan pero sa pagkakataon ngayon, hindi ko alam kung hanggang saan tatakbo ang mga pangyayaring ito.
"Pagaling ka ha?" she said.
Tumango naman ako, "syempre naman." Ngiti ko pa sa kanya.
"Alden, ano ba gusto mo?" napatingin naman ako kay Anja. "Yakapsule or kisspirin?"
Napaisip naman ako, "both pwede?" then we laughed.
"Both daw Meng!" sabi ni Anja kay Maine.
"Uyy, hindi joke lang!" tawa ko pa.
Pero nagulat ako nang lumapit siya sa akin at niyakap ako bago siya sa umalis sa aking mga hagkan ay hinalikan niya ako sa aking pisngi. Mas lalo siguro ako nag-iinit ngayon sa ginawa niya pero seryoso, napagaan ni Maine ang pakiramdam ko.
Bumalik naman si Alexander dala ang dalawang paper bag na may dalang pagkain. Binaba naman niya iyon sa harapan namin, sa may glass table. Si Maine naman ang nagasikaso at inabot inabot ang mga pagkain namin pero isa na namang nakakagulat para sa akin nang lumapit siya sa akin hawak hawak ang isang bowl.
"Susubuan kita," pagpresenta naman niya.
"Ay shet, kinikilig na naman ako dito oh!" hagikgik ni Anja.
"Gusto mo ako rin subuan kita, Anja?" napalingon naman kami kay Alex, natahimik na lang din si Anja at halatang namumula sa sinabi ni Alex. Tinamaan din ang babaeng to, sa kaibigan ko. Pero don't worry, kilala ko si Alex.
"Okay lang ako Maine, kaya ko naman." Sabi ko pa sa kanya, nakakahiya naman kasi, diba?
"Sige na, pagbigyan mo na ako." Aniya.
"Sige na pards, hayaan mo na si Maine." Ani Alex.
"Pa'no ka?" tanong ko sa kanya.
Nginitian niya lang naman ako, "okay lang ako, hindi pa naman ako gutom." Aniya.
Sa bawat pagsubo ko nang kutsara maririnig ko ang hagikgikan ni Anja sa gilid ko pero hindi na lang din naman pinapansin, hanggat sa maubos ko naman ang soup na 'yon. Ibang klase talaga kapag may nag-aalaga sayo, baby na baby ang datingan.
Hindi na rin naman sila nagtagal, pinuntahan lang daw talaga nila ako para kamustahin saka kumain nang sama sama na sana sa labas mangyayari pero siguro pagkagising ko nito, maayos na pakiramdam ko dahil si Maine lang, sapat na.
"Saan ba CR dito?" tanong ni Maine.
"Doon, diretsyo ka lang tapos liko ka sa kaliwa." Sabi ko naman sa kanya.
"Sige, salamat." Pumunta naman siya nang CR. Naiwan naman si Anja sa sala na nag-aayos.
"Salamat sa pagpunta niyo Anja ah, hindi ko in-expect 'to."
"Hindi rin namin in-expect na magkakasakit ka," pabiro pa niyang sabi. "Sobrang hectic din naman kasi ng sched mo eh." Aniya.
Sabagay, kailangan lang talaga nang pahinga pero minsan nauubos nang oras ang para sa pahinga ko sana pero wala eh, kailangan gawin ang kung ano man ang dapat.
"Ang tagal naman ni Maine!" banas na sabi ni Anja, nagkakamot na nang ulo.
Sinubukan ko namang tumayo at sundan si Maine, pinigilan pa ako ni Anja dahil baka hindi ko kaya. Hindi naman ako lumpo para hindi makatayo kaya hindi niya ako napigilan, patungo na sana ako sa CR nang makita ko siya sa tabi ng desk drawers, she was staring right in front of those picture frames.
Nang mapansin naman niya ang presensya ko ay napatingin siya sa akin.
"Alden, andiyan ka pala." Aniya. Lumapit naman ako sa kanya. "Nagtataka lang ako, sino 'to?" kinuha niya 'yong picture frame kung saan iyon din ang mismong nakita niya ilang taon ang nakalipas.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko, paano kung? Tss, hindi naman niya 'yon naaalala kaya hindi rin siguro.
"Ah, ako 'yan, matagal na 'yan kaya medyo malayo pa histura ko diyan." Sagot ko na lang sa kanya.
"Ikaw 'to?" sabi niya na parang hindi pa makapaniwala.
Napakunot noo naman ako, "bakit, Maine?"
"Para kasing nakita ko na 'to noon pa, matagal na, tapos sinabi mong ikaw 'to..." napatingin naman siya sa akin. "Alden Henderson, ilang taon na ba tayo magkakilala?"
Napabuntong hininga naman ako sa tanong niya sa akin, medyo nakakagulat din nang banggitin niya ang buo kong pangalan. "almost 11 years na rin, Maine."
Napaiwas naman siya nang tingin sa akin, "Alden, pasensya na kung hindi pa kita maalala. Ginagawa ko naman ang lah—" hindi ko na siya pinatapos magsalita at niyakap ko na lamang siya nang mahigpit.
"Handa akong maghintay Maine Alvarez, alam kong nasa tamang panahon ang lahat." Bulong ko sa kanya, umalis din kaagad ako nang pagkakayakap sa kanya dahil baka mahawa pa siya sa akin. At ayoko naman mangyari 'yon.
"Hihintayin ko rin ang tamang panahon na 'yon, Alden."
Sabay nating hihintayin ang tamang panahon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro