Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Chapter 20

Event


~Maine's POV

One month after I've been entered the world of showbiz, I didn't expect the outcome or 'yong feedback nila sa akin dahil for the first timer, pupunain ka talaga nila on your flaws and such. Kung pangit ka umarte, hindi ka kagandahan, hindi ka nakakasabay sa mga ibang artista, maba-bash at mababa-bash ka rin. Pero I learn the art of snob for all of their negative thoughts about me, kebs lang naman kung gano'n ang tingin nila sa akin per I saw myself as a successful as a beginner.

Sa isang buwan na nakalipas, naging hectic na rin ang schedule ko. 'Yong minsan ka na lang din makasingit ka sa gusto mong gawin pero still I can find some way para magrelax-relax, ie-enjoy ko lang dapat ang career na 'to at hindi ilalagay sa ulo, because if I do, siguro masyado nang mataas ang tingin ko sa sarili ko.

I don't find myself as an actress talaga, I love to make wacky faces, contort some facial expressions that make people laugh. In just my simple gestures, napapangiti ko sila. Parang buo na ako, buo na 'yong araw ko kapag nagagawa ko 'yon.

"Menggay!" tawag sa akin ni Anja, lumabas naman ako ng kwarto ko at tumuloy sa sala. Sinalubong naman niya ako, "the usual frappe for you." Aniya.

Kinuha ko naman 'yong frappe ko sa kanya at naglakad naman ako papunta sa terrace, sinundan din naman niya ako.

Tumambay naman ako sa railings at tinabihan naman ako ni Anja.

"Meng," she said, I look at her frowned. "Bakit ka laging tumatambay dito?" tanong naman niya sa akin.

Bahagya naman akong natawa sa sinabi niya at tinaasan ng kilay, "because it is the only place sa condo ko na pwedeng pagtambayan?" patanong ko ring sagot sa akin.

She rolled her eyes to me, kung ayaw kasing mapilosopo, 'wag magtanong ng obvious. "Okay, do you remember some moments you shared dito sa terrace, every morning, evening and midnight..." she said.

I think for a minutes, inaalala ko kung meron man dapat. So when I look at her, I just shake my head and said, "wala, An-an eh."

She patted my shoulder, "you still don't remember a thing. Pero it's just all about Alden... you and him."

"Ah..." tango ko na lang si kanya.

Magdadalawang buwan na din simula nang mawala ang memorya ko patungkol kay Alden. 'Yong kahit pilit na pinapaalala ni Anja sa akin kung ano nga ba talaga si Alden sa buhay ko pero hindi ko siya maalala, kaya gumagawa rin ako nang paraan para makilala siya. I get to know him better, nagkakasama naman kaming dalawa at medyo may kadalasan na 'yon kaya may alam na ako kahit papaano sa kanya.

"Malapit na pala 'yong event," sabi ko kay Anja. "And still, conflict pa rin ang schedule natin." I sighed.

"Gagawa ako ng paraan Meng para makapunta tayo, 'yong dadaluhan natin that day is conference for your teleserye, kailangan mo talaga pumunta doon dahil ikaw ang bida doon and syempre si Alden... pero ako? Okay lang kahit hindi pumunta sa conference, hindi naman ako kasama sa cast." Aniya.

Binatukan ko naman siya, "manager kita, kaya panindigan mo." ngisi ko pa sa kanya.

"Tss, saka siguro hindi naman magtatagala ng conference na 'yon..." aniya. "Sabihin na lang natin sa staffs before na medyo agahan ang conference para makaabot tayo sa event, okay?"

I shrugged, "bahala ka, manager kita."

Inirapan naman niya ako at umalis sa tabi ko, "akin na lang si Alden mo." aniya.

Hindi naman ako sumagot sa kanya.

Aalis kami mamaya para sa isang commitment na kailangan daluhan. Isang endorsement 'yon, kailangan talaga namin pumunta dahil ako ang new ambassador ng product nila. Mamayang hapon pa naman 'yon kaya makakapagliwaliw pa kahit papaano.

Bumalik naman ako sa sala, bigla namang nag-ring ang phone ko sa table near the sofa. Kinuha ko naman iyon at sinagot ang tawag.

"Oh, Alden! Napatawag ka?" bungad ko naman sa kanya.

A few seconds pa bago ito sumagot sa akin, "ah, gusto lang sana kita yayain ng dinner mamaya." Aniya.

Napakunot naman ako sa sinabi niya, "ah, may a-attend-an kasi akong mall for the a new open store sa kumuhang endorser sa akin kaya—"

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nang magsalita siya ulit, "after that event, pwede?"

Wala naman akong magagawa kaya sinabi kong, "sure, pero kasama natin si Anja."

Natawa naman ito sa kabilang linya, "sige, see you mamaya."

Nang binaba ko naman iyon, lumapit naman si Anja sa akin. Bakas sa mukha ni Anja ang pang-aasar. "Sino 'yon? Bakit may pa-sure sure ka pa diyan?"

I rolled my eyes to her, "wala, it's just Alden." Sagot ko sa kanya.

"Anong sabi?" tanong pa niya.

Minsan wala ka na talagang matatago kay Anja dahil sa palatanong ito pero wala namang masama, she knows more about him.

"He wanted a... date?"

"Seriously?" gulat niyang sabi with her eyes open, kaloka talaga ang reaksyon ni Anja. Minsan matatawa ka na lang talaga pero normal na sa kanya ang gestures na gano'n.

I nodded, "pero don't worry kasama ka naman." Ngisi ko pa.

Aabutin sana niya ako ng batok kaso nakaiwas ako sa kanya.

--*--

Hinihintay ko na lang si Anja para maka-alis na kami. Pa-vip talaga, eh. Mga ilang minuto ko pa siya hinintay at wala namang pagbabago sa damit na sinuot niya kanina na sabi niya magpapalit daw siya dahil hindi bagay for the event tonight.

Dumiretsyo naman kami sa kotse para tumuloy sa mall around Makati.

And the funny thing is, Alden reminded me every hour. Para daw hindi ko makalimutan 'yong date kuno namin mamaya. I always wanted to know him, to bring back what was lost. Kahit pilitin kong ibalik, kahit iuntog ko na ang ulo ko—joke lang, I'm still craving for those memory.

Nakakasabik na, hindi ko alam kung anong mga memorya ang nawala sa akin. Tila parang nasa new world ako sa tuwing iku-kwento nila sa akin 'yong mga 'yon, hindi ako familiar. Never na sumagi sa isip ko 'yon, kahit panaginip lang. Hindi.

Pero one time... I still the remember the day I fainted, bago mag-blanko ang mga paningin ko... sa mga sinabi noon ni Klass, may kung anong blurry vision ang namumuo sa utak ko saka na lang ako nahihilo at bumibigat ang ulo at hanggang doon na lang 'yon. I don't see a thing, I don't remember anything.

Ilang saglit lang din naman nang makarating na kami sa mall. Halos manlaki ang mata ko, pagkalabas namin ng parking lot. May mga naka-antabay nang mga guards sa amin. Hindi ko alam kung bakit, nandiyan kaagad sila at masyadong guwardiyado naman ata?

"Bakit ang dami niyo po?" tanong ko sa isang guard.

"Maraming tao sa loob, baka masaktan kayo." Aniya.

Hindi na lang ako kumibo. Hinawakan ko lang si Anja dahil kinakabahan ako sa susunod na mangyayari, pagkapasok pa lang namin ng mall, sa ibang entrance sa may likod para hindi masyadong agaw sa eksena ay nagulat nga ako nang biglang tumambad sa amin ang mga tao na naghihintay sa amin.

Hindi magkamayaw sa kanilang pagsigaw, pagkaway.

"Kumawa ka naman, sabay ngiti." Bulong sa akin ni Anja.

Masyado akong na-amaze sa crowd. Hindi ko ine-expect na ganito ang magiging salubong nila sa amin. Pagkatapos ng ilang lakaran ay nakarating na kami sa store kung saan kabilang ako sa new ambassador, and I was shock when I saw Alexander standing near to me.

"I didn't see it coming, ikaw pala 'yong sinasabi na new ambassador din." Sabi ko sa kanya, saka ko siya bineso.

"Hindi ko rin inakala na ikaw pala 'yon." aniya.

Nagkaroon nang ilang salita and then the ribbong cutting. Picture-picture kami. May binigay pa silang souvenirs para sa amin, naging mabilis lang naman ang takbo ng event, pinagsalita kami nang kaunti at ayun na. Palabas na kami ng store pero pinakalma muna 'yong mga tao sa labas, baka abutin kami ng mall hours dito.

"May date daw kayo ni pards?" tanong naman niya sa akin.

Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya. Paano naman niya nalaman? Siguro, sinabi ni Alden. Ano pa ba?

Tumango naman ako sa kanya, "yes pero kasama naman si Anja..."

"Edi sama din ako!" aniya, ngiting ngiti.

Napakunot naman ako sa sinabit, "baka layasan ka lang ni Alden."

He pat my shoulders, "hindi 'yan, tiwala lang." aniya.

Pinasok muna kami sa loob ng storage room para mawala 'yong mga tao. Hindi kasi sila umaalis hanggat nakikita nila kami kaya ang sinasabi nila, umalis na kami at sa ibang daan na dumaan. Sana naniwala sila.

"Hindi ko in-expect na ang daming tao, ah." Sabi ko pa.

"Ikaw pa ba?" ngisi pa niya. "Kilala ka na eh, tapos nakakatuwa ka pa kaya ang dami agad nahumaling sayo." Aniya.

"Hindi rin ah,"

"At hindi ka talaga aware sa kasikatan mo, ano? Siguro, hindi pa lang 'yan ang mga tao na humahanga sayo. Marami pa 'yan." Aniya.

"Hindi ko naman kasi inisiip 'yong kasikatan eh, first of all hindi ko naman in-expect na mangyayari 'to eh."

Kibit balikat naman niya, "sabagay."

Mayamaya lang ay nakatanggap ako nang text message from Alden. Bumagsak ang balikat ko sa nabasa ko sa text niya sa akin.

"Ano nandiyan na daw si Alden?" aniya.

Umiling naman ako, "hindi na daw muna matutuloy, masama daw ang pakiramdam niya."

Napasapo naman ng noo si Alexander, "oo nga pala, kaninang umaga pa lang sinisinat na 'yon," iling pa niya. "Siguro hindi mapakali sa date niyo kaya lumala." Tawa pa niya.

Napabuntong hininga na lang din ako.

Sayang, sayang ang opportunity.

May next time pa naman.

"Okay lang 'yan Meng, bisitahin mo na lang kaya?" ani Anja.

Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya at napangisi na lang.

Pwede rin. Good job, Anja. Manager talaga kita.

?4



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro