Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Chapter 2

Loveteam


~Alden

Break time namin sa shooting kaya nagpahinga muna ako sa tent ko. Kulang na kulang na ang tulog ko pero kailangan kong gawin 'to. Papikit na sana ang mga mata ko nang biglang pumasok si Louisse sa loob ng tent. Pinatong ko na lang ang braso ko sa mata ko at natulog na lang pero naramdaman ko bigla ang pagtabi ni Louisse.

"Louisse, magpapahinga ako." Sabi ko sa kanya.

"Gano'n ba? Yayayain sana kita kumain dahil may niluto ako, mamaya na lang. Pahinga ka lang." aniya at tumayo at siguro lumabas na rin ng tent.

Louisse is my loveteam sa isang teleserye na nagiging patok naman sa mga manonood. Louisse is such a great girl. Maputi siya at maganda, mabait din pero siguro hanggang on-screen loveteam lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya at hindi true to life na inaasahan nila. Oo, maganda si Louisse, every man's dream is just like her pero para sa akin, I don't see the way they see her. Kaibigan lang talaga.

Saka wala naman akong against sa kanya, pagod lang talaga ako kaya gusto ko magpahinga.

Mga thirty minutes lang din nang makatulog ako ay nagising na lang din ako sa hagikgikan ng mga kasama ko sa loob ng tent.

"Shh, 'wag ka maingay, magising si Richard." Rinig kong bulong pa ng isa.

"Baliw tulog naman eh," sagot naman ng isa kaya naman naupo na ako at nginitian sila.

"Kamusta?" ngisi ko pa.

"Ay, sorry, nagising ka ba namin?" tanong naman sa akin.

Umiling naman ako, "hindi naman, konti lang." tawa ko pa. "Ano ba kasi 'yang pinapanood niyo?" taka ko pang tanong sa kanila.

Nagtawanan naman sila bago nila ako sagutin, "laughtrip kasi 'yong video no'ng babae sa compilation ng videos niya. Nakakaloka!" tawa pa nila.

"Sige nga, patingin nga." Sabi ko naman.

Inabot naman nila sa akin ang phone at ini-start nila ang video. At nang mapanood ko ito, napakunot noo na lang din naman ako habang pinapanood ko siya. A compilation of her funny videos pero kahit ni isa hindi ako natawa, hindi, hindi naman sa hindi natawa. Nagulat lang ako dahil nagiging viral ang video compilation niya. Still she's the girl I'm waiting for.

Hindi pa rin siya nagbabago.

Pagkatapos ng video ay binalik ko naman sa kanila ng phone. Nagtaka na lang na lang ako sa reaksyon nila dahil parang nag-aabang sila ng reaksyon mula sa akin.

"Sir? Hindi ka ba natawa? O hindi lang talaga katawa-tawa 'yon for you?" tanong naman nito sa akin.

The I laughed, "no, nakakatuwa siya, mukhang baliw."

"Oo nga sir," at nagtawanan sila at muling pinanood ang video.

Hindi ko naman kasi inaasahan 'yong napanood ko. Nagulat ako. Nagulat ako na si Maine pala ang nasa video at kung ano anong facial expressions ang ginagawa and dubbed the voice on that app. Napangiti na lang din ako, hindi ko alam na may gano'n pala siyang personality.

Kung tutuusin nga, wala akong alam masyado sa kanya eh. All I know is her name, Maine Alvarez hindi ko nga alam kung may second name pa siya o wala. Masyadong matagal na ang sampung taon para sa aming dalawa. Kung ang tatlong taon na nakalipas ay nagkausap man kami, parang wala lang din iyon dahil hindi ko naman siya nakakasama. Nasasayang lang 'yong pagkakataon ko na makasama siya pero 'yon na nga eh, hindi pa iyon ang tamang panahon.

Hindi ko rin alam kung ano nga bang kahulugan mismo para sa akin ng tamang panahon basta iniisip ko lang na nandoon na lahat ng pagkakataon na hindi dapat aksayahin pa. Na kahit anong mangyari, nakatadhana na ang lahat na mangyari and if will happen sooner or later, hindi ko na papalagpasin ang pagkakataon.

Masyado lang akong naduwag noon kaya nagpakalayo-layo ako at hindi nagpakilala sa kanya. Kasi noon, pinilit kong alisin sa kanya 'yong nararamdaman dahil alam ko naman na hindi naman siya gano'n sa akin.

May aasahan ba ako?

Kinuha ko naman 'yong phone ko at doon ko pinanood ng paulit ulit 'yong video ni Maine. Still simple lang siyang babae, medyo kalog at nakakatawa. Hindi ko pa siya nakakasama ng matagal except doon sa biglaang date namin na kahit isang beses hindi ako nagsalita dahil ayokong malaman niya na ako si Richard no'n.

Ewan ko nga kay Maine kung bakit hindi niya man lang ako nakilala noon, the first time I bump to her sa labas ng condominium. Yeah, I remember those moment dahil nagkatitigan kaming dalawa noon. Well, I have this shades of mine pero napatigil talaga ako noon. The moment na mababangga siya noon ng motor, same as the thing na muntik na mangyari noon. Then I stalked her, oo inalam ko talaga kung sino siya. She had a resemblance of Maine kaya nang masigurado ko iyon at magkaharap lang din ang unit namin, I got the chance to talked to her using papers, fansign ika nga.

At nang mangyari ang event noon, I hugged her tight. Walang nakakaalam kung ano nga bang dahilan kung bakit ko siya niyakap noon. rinig ko ang tilian, sigawan at palakpakan ng mga tao pero naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ni Maine. Akala ko nga, alam na niya sa puntong iyon pero hindi pa pala.

Hanggat sa dumating ang puntong, hinabol niya ako. Hanggat sa magkita kami mismo sa unit ko. Kahit gusto ko siyang yakapin, lapitan hindi ko magawa dahil binabalot ako ng takot at kaba ko kaya nagawa ko na lang ay umalis.

Hindi ko nga alam kung galit ba siya sa akin o ano? Kaya ngayon, hindi ko na lang 'yong iniisip at trabaho na lang ang pinagkakaabalahan ko. I know there comes a time na magkakaharap ulit kami.

Siguro isa rin sa mga dahilan ni Maine kung bakit hindi niya ako nakilala dahil sa peklat ko noon. Oo iyon ang peklat kung saan nasagi ng bike ang gilid ng mata ko at nagpagulong gulong ako, tulo ng tulo ang dugo no'n kaya nagawa ko na lang ay tumakbo. Lumipas ang buwan, taon ay naging peklat na lang siya. Hindi na masakit pero doon ko lang ko naaalala kung paano ko naligtas si Maine eh kaya sinasabi ko ring lucky charm ko iyon kahit na nasaktan ako nang mangyari iyon. Gano'n naman diba? Kailangan mo munang masaktan bago mo ma-realize na may ikakaganda pa pala ang lahat kapag natuto kang masaktan.

At ang dahilan ngayon kung bakit wala na ang peklat sa mukha ko? That's when I enter to be a model. Okay na daw, gwapo na, may talent na pero panira lang daw sa mukah ko 'yong peklat ko. Ayoko pa sanang patanggal pero iyon din ang gusto nang magha-handle sa akin na manager, in-operahan ang peklat ko at nawala ito. Sabi ko sa sarili ko noon, mas okay na wala na ang peklat ko dahil baka sakali na makita niya man ako kung saan, hindi na niya ako makilala.

Hindi niya makikilala si Alden, at kikilalanin nila si Richard.

"Richard! Kailangan ka na sa set!" sigaw naman ng isang staff.

"Sige, lalabas na ako." Tumayo na naman ako, habang naglalakad naman ako ay minae-make up-an ako dahil halatang bagong gising daw ako.

Pumunta naman ako sa pwesto ko at nandoon na rin si Louisse, nakatingin at nakangiti sa akin.

"How's the rest?" aniya.

I shrugged, "bitin pa." ngisi ko.

"Game ka na ha?" aniya.

"Oo naman."

"Ready! 1, 2, 3 action."

****

Natapos naman ang shooting namin ngayong araw na inabot ng madaling araw. Sanay na rin naman ako sa ganitong schedule ko, bawal naman ako mag-inarte dahil trabaho 'to and I love what I'm doing today. Goal ko lang naman si makapagpasaya ng mga tao eh.

"Richard!" tawag ni Louisse sa akin.

I look at her, "yup?"

"Sama ka? Bar tayo?" aniya.

Umiling naman ako sa kanya, "siguro next time na lang Louisse, kailangan ko bumawi ng tulog eh."

"Sus, one time lang naman! Please?" aniya.

Aangal pa sana ako sa kanya pero hinila na niya ako palabas ng tent. Sumakay naman ang ilan sa van ko at sinundan ko na lang din ang kotse niya kung saan magpunta. Gusto ko sanang lumiko at umuwi na lang pero may mga kasama din ako sa van na kasama ni Louisse. Ilang saglit lang din naman ay nakarating na kami sa bar na sinasabi ni Louisse. Napatungo na lang din ako dahil okay naamn for people like us ang bar na 'to, hindi masyadong crowded.

Pinapatagay nila pero hindi ako umiinom. Kahit si Louisse hindi rin naman umiinom. Nandito lang talaga siya para magsaya.

"Alam mo Richard, pwede naman nating gawin na true to life na 'yong loveteam natin eh." Aniya at ininom niya 'yong iced tea niya.

Napakunot noo naman ako sa kanya, "w-what do you mean, Louisse?"

"I can be your girlfriend, Richard."

"Is that serious Louisse?"

She nodded, "yes, naman, Richard? Ayaw mo ba sa akin? Or just a friend lang talaga ako for you?" aniya.

Napailing naman ako sa kanya, "hindi naman sa gano'n, Louisse-"

"Ay naku, Louisse stop running after Richard, may iba na siyang mahal." Napatingin naman ako kay Alexander na nagsalita, oo kasama siya, kaibigan ko rin siya sa teleserye na ginagawa namin.

"Sino?" tanong ni Louisse.

"She's came from Richards past and be his future wife."

Louisse rolled her eyes, "who's her?" aniya.

"Alam mo Alexander, just shut up your mouth. Lasing ka na." sabi ko sa kanya. "Sorry, Louisse, iuuwi ko muna 'to si Alexander, next time na lang ulit."

"Pero-"

"Bye, Louisse." Kaway naman ni Alexander.

Pagkalabas naman namin ng bar ay binatukan ko si Alexander habang papasok ng van ko. Pero atleast dahil sa kanya nakaalis ako doon, lalo na kay Louisse.

"Bakit ka naman nambabatok?!"

"Bakit mo naman kasi sinabi 'yong tungkol kay Maine." Sabi ko sa kanya habang minamaneho na ang sasakyan ko.

"Ayaw mo 'yon? Saka hindi naman kilala ni Louisse si Maine eh, saka anong pakelam niya 'don?" ani naman ni Alexander.

"Tingnan mo'to," inabot ko naman sa kanya 'yong phone ko at pinakita ko 'yong video na viral ni Maine. "Sa tingin mo hindi malalaman ni Louisse ang tungkol diyan?" tanong ko pa sa kanya.

Pero hindi ako nakakuha ng sagot sa kanya dahil tawa siya nang tawa. Lasing na nga ang lalaking 'to.

"Laughtrip si Meng!"

"Meng?" tanong ko pa sa kanya.

"That's what they call her, Meng!" aniya. "Panoorin mo, kahit kailan talaga laughtrip si Meng! Kahit no'ng nagkakausap pa kami, hindi mo maiiwasan na hindi matawa sa mga biglaang jokes niya." Aniya.

Napabuntong hininga na lang ako. Buti pa si Alexander, nakasama na si Meng samantalahang ako hindi pa.

"How many times did you watch this video, pre? Kakaiba pala talaga si Meng ano." Aniya.

"Several, saka 'wag mo nga tatawagin na Meng si Maine. Hindi kayo close." Ngisi ko pa.

"Pero sinabi niya sa akin noon na masaya daw siya na nagkaroon ng 'kaibigan' na model." Napailing na lang ako sa sinabi niya. "Kaya okay lang na Meng, siguro akong patok na patok talaga 'tong video na 'to, tingnan mo oh! Malapitna mag-million views. Kakaiba talaga si Meng."

"It's Maine."

"Ewan ko sayo, pre. Gisingin mo na lang ako pag nasa bahay na ako."

"Ewan ko rin sayo." Ngisi ko pa.

Habang nasa biyahe pauwi, ang dami kong naiisip. Ang dami ko nga talagang na-miss na moment with Maine. Si Alexander na ilang beses na nakasama si Maine pero ako ito, lumapit lang sa kanya noon, hindi ko pa magawa.

Ano kayang ginagawa ni Maine ngayon?

"Nandito na tayo sa condo." Sabi ko kay Alexander.

Magkasama pa rin kami sa iisang unit, minsan umuuwi din ako sa bahay namin para mas makapagpahinga dahil uwian ko lang naman ito kapag hindi ko na talaga kaya pagka-galing ng trabaho.

"Alden, hanapin mo na si Maine, 'wag mong hayaan na maging masaya siya sa piling ng iba..." aniya at tumuloy sa kwarto.

Napabuntong hininga na lang din naman ako. Kung gano'n, saan ko naman kaya siya hahanapin? Ang laki laki ng mundo pero gaya nga nang dati, hindi namin inaasahan na magkikita kaming dalawa.

Pero ngayon, ako ang gagawa ng paraan para magkita ulit kami.

Hintayin mo ko, Maine.

Darating na ang tamang panahon.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro