Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Chapter 19

This is it? Or not?


~Alden's POV

Maine was hurried to the nearest clinic we reached. Lahat kami nataranta, nag-panic nang mawalan siya nang malay, hindi tuloy namin natapos 'yong pagkain namin pero hindi na 'yon ang problema, si Maine ang iniisip naming lahat. We're the still at the outside of the emergency room, waiting for the doctor to come out. Hindi lang ako ang nag-aalala kay Maine, pati na rin ang mga kaibigan niya.

Pero ang mas lalong nagpapagulo sa isip ko nang sabihin niya 'yong mga salitang 'yong bago siya mawalan ng malay. Naaalala na nga ba ni Maine ang lahat? Nagulat din ako nang sabihin niya 'yon, bike at ang totoo kong pangalan dahil ang lagi naman niyang tawag sa akin ay Tisoy nitong mga nakaraang araw kaya nagulat ako.

"May naaalala na ba si Meng?" tanong ng kaibigan ni Maine na si Klass.

Napabuntong hininga naman si Anja, "hindi pa eh." Aniya.

Siniko naman ni Desiree ang kaibigan nito, "sabi ko sayo, 'wag ka magsasalita! Alam mo naman eh." Aniya.

"Ibigsabihin, kasalanan ko?" kulang na lang ay umiyak si Klass sa mga sinasabi niya.

"Ay naku, 'wag niyo na isipin 'yon. Hindi naman siguro dahil 'don 'yon." aniya.

Pero ano 'yong mga salitang sinabi niya? Wala lang din 'yon? Hindi ko maintindihan.

Makalipas ang ilang minuto ng paghihintay ay lumabas na ang doctor at ilang nurse sa room at saka naman kami lumapit sa kanya.

"Maine is safe so don't worry, na-over fatigue lang siya siguro sa sobrang daming ginagawa kaya hindi kinaya ang katawan. Tell her to spend time to rest and take vitamins, mamaya babalikan ko siya kapag nagising na siya. Ngayon pwede na kayong pumasok sa loob."

Sunod sunod naman kaming pumasok sa loob and we saw Maine na nakahiga sa hospital bed at nagpapahinga. We didn't notice na sobra na pala ang exposure niya sa trabaho niya kaya inabot siya nang fatigue pero atleast, nakahinga naman kami ng maluwag after namin malaman na maayos na ang kalagayan ni Maine.

Atleast maayos na ang lagay ng taong mahal ko.

Nauna nang magpaalam sina Desiree at Klass dahil gagabihin na daw sila at hindi na nila mahihintay pa na magising si Maine, next time na bonding na lang daw ulit. Natira na lang din naman kaming apat, hindi na naman daw kailangan ilipat si Maine sa private dahil early this evening ay pwede na raw ito makalabas.

"Anja, napapansin mo ba si Maine at hindi natin namalayan na na over-fatigue na pala 'to," ani Alexander.

Napailing naman si Anja, "hindi ko napapansin, nakakapagpahinga naman siya pero hindi na gano'n ka-normal tulad dati pero nakakabawi naman siya 'yon nga lang binabawi din kaagad at kinakain ng pagod sa trabaho." Aniya.

Napabuntong hininga na lang kaming lahat.

For a first time na katulad ni Maine sa showbiz, mape-pressure ka talaga na gagawin mo lahat ng sinasabi nila, kailangan walang palya para hindi ka nila pahiyaan kaya siguro napagod si Maine at binuhos ang sarili sa trabaho at doon naman namin nakita kung paano niya pinapahalagahan ang trabaho niya.

"Pero may tanong ako," they looked at me, "narinig niyo ba 'yong sinabi niya before she pass out?"

"Sabi ko na at mapapansin mo 'yon," ngisi pa ni Alexander.

"Bakit? Anong meron 'don?" tanong ni Anja.

I lift my shoulder, "kasi that's the first time we met, the first time I saved her, 'yon 'yong araw na hinding hindi ko makakalimutam."

"Ah!" namilog ang mga bibig ni Anja, "naaalala ko na, nakwento na niya sa akin 'yon, ilang beses ba? At ikaw nga 'yon, Alden and it means... naalala ka na niya?" tanong nito sa akin.

I shrugged, "'yon din nga sana ang gusto kong itanong eh."

"Sana, sana, sana..." ani Alex na nagdadasal kuno.

Nagtawanan na lang kami at nag-stay pa at hinihintay na magising si Maine.

Pasado ala sais nang bumili kami ni Alexander ng makakain at pagbalik naman namin ay mahimbing pa rin itong natutulog. Maganda 'yon, para mabawi na niya ang tulog niya. Kahit ako, kinukulang ako sa tulog pero dahil nasasanay na ako sa araw araw ay nakakayanan ko naman. Kahit gumising nang madaling araw, umalis nang madaling araw at umuwi ng madaling araw. Saya diba?

Mayamaya lang ay nagkatinginan kami ng marinig naming magsalita si Maine.

"Alden..."

"Naaalala ka na kaya niya?" tanong sa akin ni Anja.

I have no response. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, ayoko namang umasa.

At ilang saglit lang din naman ay kanya nang minulat ang mga mata niya, agad kaming naglapitan sa kanya. "Anong ginagawa ko dito?" aniya, sabay hapo sa kanyang ulo.

"May masakit ba sayo?" tanong ni Anja.

"Wala naman..." inikot niya ang paningin niya, "anong ginagawa ko dito?" aniya. Napatingin naman siya sa amin pero agad na binalik ang tingin kay Anja.

"Na-over fatigue ka, Meng, sobra ka daw sa pagod kaya kailangan mo nang sobrang pahinga."

Napahugot na lang ng malalim na hininga si Maine.

"Maine..." tawag ko sa kanya.

Napalingon naman siya sa akin, "naaalala mo na ba ako?"

Ilang segundo siya napatigil at tinaasan ako ng kilay, saka tumawa nang mahina. "Oo naman, Tisoy!"

Napangiwi na lamang ako sa kanya.

Still she doesn't recognize my existence.

When will do I wait?

"Okay ka lang 'yan par, nasa tamang panahon ang lahat." Bulong ni Alex.

Kung pwede ko lang hatakin ang tamang panahon at ibalik ang mga nawalang alaala ni Maine, matagal ko nang nagawa.

Nami-miss ko na siya, sobra.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro