Chapter 18
Chapter 18
Remembering One's
~Alden's POV
I'm still fortunate to be with Maine kahit hindi niya ako naaalala, kahit hindi niya ako matandaan pero whenever I saw her, lalo na kapag nagkakasama kami there's a part of her na pinipilit niyang alalahanin ako sa buhay niya, kung sino nga ba talaga ako. You know, even though she doesn't remember me, pinapakisamahan niya ako. Hindi pa rin natatalo ng nararamdaman ang iniisip.
Pero nababahala lang ako sa mga ginagawa ni Louisse, lalo na noong nakaraang taping namin, she hurted Maine really hard. Namumula 'yong mga kalmot ni Louisse kay Maine. At first akala ko totohanan ang nangyayari, pinapanood lang kasi ng lahat silang dalawa na magpagulong-gulong sa sahig habang nagsasabunutan kaya naman sumugod ako para awatin sila and it turns out na scripted pala kaya walang pumipigil but when I talk to Maine, tinotoo dawn i Louisse ang pananakit nito, kaya hindi na siya nagalinlangan na gumanti pa.
Well, hindi ko rin naman in-expect 'yong teleserye naming dalawa ni Maine, mas excited ako ngayon dahil 'yong babaeng hinintay ko sa napakatagal na panahon, makakasama ko na. Okay lang naman sa akin na kahit hindi niya ako maalala, nakakasama ko naman siya pero nandoon pa rin 'yong panghihinayang at pagkakataon na magkasama na kami pero walang nangyayari.
~Maine's POV
Anja and I spend our weekend sa eastwood, wala lang. bonding lang naming dalawa and I texted my bestfriends na sina Des at Klass to join with us. As we waited them na dumating, nag-stay naman kami sa loob ng starbucks para hintayin silang dalawa, hindi naman kami makalabas dahil sabi ni Anja na matakaw ako sa mga mata ngayon lalo na't lumalabas na ako sa tv ngayon. Minsan matatakot ka na lang kapag lalapit sila sayo dahil parang kakainin ka nila sa sobrang tuwa.
Mayamaya lang ay may napansin kaming nagkakagulo sa labas at nang bumukas ng glass door ng starbucks, nakita ko sina Alexander at Alden doon, may mga ibang tao na napatingin sa direksyon nila, 'yong iba na mabilis na naglabas ng mga phone nila para makapag-pa-picture with Alden pero nagulat ako nang mapunta sa amin ang atensyon ni Alexander. Naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit ni Anja sa kamay ko. Tinuro naman ni Alexander kung nasaan kami kay Alden kaya napangiti nang makita kami, gayundin lumapit silang dalawa kahit may naglalapitan na sa kanilang mga tao.
Pinahupa naman ng guards ang tensyon sa mga tao kaya naging mahinahon na rin ang lahat.
"Nandito pala kayo," ani Alexander at kumuha nang upuan sa tabing table at naupo. Gano'n din naman si Alden at tinabi ang upuan sa akin, napahawi naman ako ng buhok at nilagay sa likod ng tenga ko. Shet, ano bang ginagawa nila dito?
"Anong ginagawa niyo dito sa eastwood?" tanong ko naman sa kanila.
"Ah, ito kasi si Alden, sinusund—" siniko naman siya ni Alden na tumama sa kanyang tiyan at napatigil na lang ito, ngumiti naman si Alden nang nakakaloko.
"Wala namasyal lang kami, hindi naman namin in-expect na madami rin pala tao ngayon dito." Ani Alden.
"Weekend kasi kaya marami," sabat ni Anja sabay inom sa kanyang frappe.
"Kayo, anong ginagawa niyo dito?" tanong naman ni Alexander sa amin.
"Mamasyal din, saka kikitain namin 'yong mga bestfriend niya." Turo pa ni Anja sa akin.
"Ah," tango pa ni Alexander.
"Pwede kaming sumama?" aniya, nakahalf-smile pa ito at nag-aabang ng sagot sa aming dalawa ni Anja.
Nagkatingin kami ni Anja, may nabuong kakaibang mga ngiti sa labi namin kaya sabay namin hinarap ang dalawa at sabay ding sinabi ang, "oo naman!" natawa na lang kaming apat.
Medyo problemado rin ang dalawa kung paano kami makakalabas dito gayong may mga taong nag-aabang na sa kanila sa labas, I suggested kung pwede kaming dumaan sa back door ng starbucks and guards said yes kaya ligtas na rin kaming makakalabas but for now, still waiting for my two bestfriend na halos hindi ko na rin nakakasama. Busy sa work, busy sa boyfriends!
Umorder naman si Alden kaya naiwan kaming tatlo sa table, ilang saglit lang ay may narinig kaming kumakatok sa paligid namin kaya nang lingunin namin ang glass window sa likod namin ay nakita namin ang isang babae na kumakaway sa amin—hindi ko alam kung kanino sa aming tatlo. Pero napansin ko ang phone niya na nagfa-flash ng pangalan ko, 'I love you Maine'.
I smiled to her and waved. At halos maghalumpasay na siya sa sobrang kilig niya. Ramdam ko naman siya, the fangirls feels? Hanggang ngayon naman, hinding hindi nawawala 'yon sa akin.
Pagbaling ko naman sa mga kasama ko, biglang may nag-approach naman sa akin.
I smile to them.
"Pwede pa-picture kami Maine?" she asked.
I nodded, "sure." Lumapit naman sila sa akin at nagselfie, medyo nakakangalay lang ngumiti dahil walo silang lumapit at nagpapicture. Pansin ko naman ang pagtawa ni Alexander sa harapan ko kaya naiilang din ako minsan.
Ilang saglit lang din nang bumalik sa table namin si Alden dala dala ang mga frappe na binili niya for him and for Alexander ay siya naman ang dinumog ng kanyang mga fangirls, 'yong tipong kulang na lang mabusuan si Alden nang hininga sa sobrang yakap nila kay Alden.
"Respeto naman oh, nandito ang future girlfriend." And Anja cough, papansin lang. Pinalo ko siya, si Alexander na pinapanood lang ang mga nangyayari, masyado na ata siyang nae-entertain ano.
Nang umalis naman ang mga babaeng grupo na 'yon dahil lumapit na ang mga guards para paalisin sila. Nasa bandang dulo na nga kami nakapwesto pero pinipilit pa rin nilang lumapit sa table namin, nakaharang na nga 'yong mga guard. 'Yong iba na pasimple kumuha ng pictures, stolen shot pa more!
"Bakit ba Alexander? Kanina ka pa nagpipigil ng tawa diyan?" taas kilay ko pa sa kanya.
"Wala lang, I find it funny," aniya. Nakatingin lang kami sa kanya at inaabangan ang susunod na sasabihin, pa-cute din 'to ano! "Dati no'ng hindi mo pa alam na artista ako, nagugulat ka na lang na may lumalapit at nagpapa-picture sa akin tapos ngayon, ang bilis nga naman ng panahon, nasayo na ang spotlight." Aniya.
Napangisi naman ako sa sinabi niya, "baliw, hindi 'no." napalingon naman ako kay Alden.
"Well, nasa tamang panahon kasi ang lahat."
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Alden. That word, tamang panahon. Everytime I heard or see that word, merong kung anong nagpapahiwatig 'yon sa akin, hindi ko lang alam kung ano.
Ilang minuto lang din ang nakalipas nang mapansin kong may mga hinaharang ang mga guards na dalawang babae, tiningnan ko naman ito nang mabuti hanggat sa makilala ko ang mga ito.
"Hello, manong guard? Bestfriend namin 'yon oh! Si Maine!" sabi pa ni Klass.
"Oo nga kuya guard, ano bang kasalanan namin!" ay jusko, Des. 'Wag dito.
Tumayo na ako para lapitan sila.
"Oy Maine!" tinawag nila ako, napunta naman sa akin ang atensyon ng guard.
"Kilala niyo po sila Ma'am?"
Tumango naman ako guard, nakaharang pa kasi ang mga kamay niya na mistulang ayaw patuluyin ang dalawa. "Oo, bestfriends ko 'yan." Sabi ko.
Nang okay na, bumwelo pa si Klass, "sabi sayo eh, bestfriend namin 'yan."
"Muntik na muntik na akong umiyak," sabi ni Des.
"Mga baliw talaga kayo," usal ko saka ko sila dimamba ng yakap. Halos dalawang taon na rin kami hindi nagkita, well before we enter college nagkikita pa namin kami, nagkakasama pero habang tumatagal hindi na, wala nang time sa bonding kaya si Anja na lagi ang nakakasama ko, everywhere I go.
"Sikat ka na!" ani Klass.
"Gaga, hindi." Hagikgik ko pa.
"Never kong na-imagine na magkakaroon ako nang bestfriend na artista," natulala na lang kaming dalawa ni Klass sa sinabi ni Des dahil ang seryoso niya masyado?
"Tara na sa table, papakilala ko kayo sa mga kaibigan ko." sabi ko.
"Artista rin?" tanong ni Klass.
Tumango naman ako, "kaya tara na, kanina pa rin nila kayo hinihintay."
Nauna pa sa akin ang dalawa at nang makapunta naman kami sa table namin, halos mabato naman sila sa kinatatayuan nila nang makita nila sa harapan nila si Alden at Alexander.
"Sila?" sabay na sabi ng dalawa.
Tumango naman ako, "oo, sila nga."
At nagtitili naman ang dalawa, natawa na lang din sina Alexander at Alden sa reaksyon ng dalawa, nakilala na rin nila si Anja na siyang nagpakilalang manager ko. Natatawa talaga ako dahil pinanindigan na niya 'yon. Nabalot kami ng tawanan, 'yong dalawa naman lalo na si Klass, hindi natigil ang pakikipagpicture kay Alden.
Kaya kapag napapatingin si Alden sa akin, kinikindatan ko na lang siya.
Dahil medyo crowded na rin sa loob ng starbucks ay napagpasyahan na rin naming lumabas mula sa back door ng store, 'yong mga umaasa na lalabas kami sa front door ng store, nandoon pa rin sila naghihintay and suggestion na rin ni Alden 'yon para sa safety naming lahat.
Pero 'yong akala namin na makakalusot na kami sa mga tao ay hindi pa pala, sinundan nila kami sa kung saan kami magpunta and atlast nang makahanap naman kami ng place na hindi masyadong crowded at iilan lang din ang tao at 'yong iba na hindi naman kami pinapansin ay gora na kaming anim.
Pumasok na lang kami ng isang restaurant at doon na lang nagpalipas ng oras. Nagkaroon naman kami ng bonding time ng mga bestfriend ko, nakakatuwa lang na makita ko silang dalawa. Gusto daw nilang sumama sa taping kung pwede lang, napatingin naman ako sa mga kasama ko 'yon daw ay kung pwede sa staff at kung kukuha ng extra pwede naman daw sila.
Nagkwento naman si Klass, ayon may boyfriend na pala siya and waiting for the engagement. Sinabi ko pa na invited kami sa kasal, tapos bigla siyang nagbiro nang, "ako rin ha? Sa kasal niyo ni Alden." Aniya.
Napangiwi naman ako sa sinabi niya, napansin ko naman ang pagsiko sa kanya ni Des. Bahagya naman akong napatingin kay Alden, maliit na ngiti lamang ang suot nang kanyang mga labi. Minsan, hindi ko pa rin ma-gets kung bakit ako naiilang, 'yong parang may mali kapag si Alden at ako ang sinasama sa isang usapan. Hindi nga kasi ako aware sa kung anong meron kami dati kaya clueless ako sa mga binibitawan nilang salita.
"By the way, Meng, ano 'yong kumakalat na tsismis na merong away sa inyo ni Louisse? 'Yong partner ni Alden sa teleserye nila?" tanong naman ni Des.
Napatingin naman ako kay Alden saka binalik sa kanya, "anong away? Wala ah, saka bakit ka nagpapaniwala sa mga tsismis na 'yan."
She shrugged, "wala lang, naririnig at nababasa ko lang naman kasi." Aniya.
Napatango na lang din ako sa sinabi niya.
"Pero Meng!" tawag ni Klass sa akin, "natatandaan mo pa ba 'yong moment na muntik ka nang mabangga pero may sumagip sayo."
Napakunot lang ako sa sinabi niya, hindi ko alam pero parang bumigat bigla ang ulo ko, huminga ako nang malalim.
"Maine, okay ka lang?" hinawakan ni Alden ang kamay ko pero agad koi tong iniwas.
Hinawakan ko naman ang ulo ko, ngayon ko lang 'to naramdaman...
"Bike? Alden?" and after that, nagblanko lahat ng paningin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro