Chapter 17
Chapter 17
True to life?
There still a question bugging me in, naging kami nga ba ni Alden? After what he said those words, parang may kirot sa akin. 'Yong pagbitaw niya nang mga salitang 'yon, damang dama ko pero hindi ko alam kung bakit? May amnesia ako, specific, Lacunar Amnesia. Nagbasa ako ng articles tungkol sa types of amnesia na 'yon, at nakakalungkot lang isipin na 'yong naging mahalagang parte pa sa buhay ko ang nawala. It said, loss memory about one specific event and that si Alden. All about him, I loss all of my memory about him.
Nakakalungkot, hindi ko magawang makitungo sa kanya ng maayos dahil meron sa sarili ko na, nakakaya niyang makipag-usap sa akin kahit hindi ko siya matandaan. Noong una akala ko madali lang tanggapin 'yon, na okay lang kahit mawala at hayaan na lang pero ito ako ngayon, sabik na sabik na maalala kung ano man ang mga alaalang nawala ko.
Kung may naaalala man ako, 'yon ang mga alaala ko na hindi kabilang si Alden. 'Yong hindi siya naging parte ng okasyong iyon, ng moment na 'yon and I felt half of me were loss.
Everytime Anja telling me something about Alden, um-oo na lang ako minsan, nakiki-ride sa mga sinasabi niya sa akin kahit na hindi ako nakaka-relate, sinasabi ko na lang na oo, oo nage-gets ko siya pero ito na, dumating na ako sa puntong gustong-gusto ko na, ano nga kayang meron kami ni Alden noon? Nakakatawa dahil ako mismo, atat na atat na bumalik ang mga alaala ko.
Nasa-set kami ngayon ng teleserye, minor lang naman ang role ko dito pero dahil sa magiging love interest ako ni Alden, doon magblo-bloom 'yong getting to know each other namin, as I read on the script, mawawalan ng interest si Alden kay Louisse because on the circumstances na mangyayari kaya, noong nagpunta sila sa Batangas for some vacation, doon na mangyayari ang lahat at ang nakakatuwa lang ay nakakakuha ako ng feedback 'yon nga lang, pinagbabawalan nila ako na tumingin sa social media accounts ko dahil malamang kalat na ang mga bashers ko.
Lalo na sa loveteam ng LouiDen.
"Ayan girl, pretty ka na." sabi ng make-up artist ko, nakangiti lang ako. "Diba, simple lang? Pero kabog ang ganda mo." aniya.
Masyado na niya akong napuri, "salamat sayo." Ngiti ko pa.
"Alam mo, natutuwa ako sayo." Aniya.
Napakunot naman ako saka bahagyang natawa sa sinabi niya, "pa'no mo naman nasabi?" hagikgik ko pa.
"Kitang kita naman kung gaano kabilis ang pagsikat mo pero still humble ka pa rin, I saw some pictures na kumakalat sa twitter at nakita ka sa mall ba 'yon? Aware ka na sikat ka na?" tanong naman niya sa akin.
I laugh a little to him, "hindi naman, siguro it's a chance lang na naging mabilis ang pagpasok ko sa showbiz and I'm thankful for it, at 'yong sikat? Never kong inisip 'yon dahil mukhang imposible naman."
"Sus," hagikgik pa niya. "Baka one time, isa ka na sa mga phenomenal at matalo mo na si Louisse." Biro pa niya.
Natawa na lang at napailing sa sinabi niya. Bago pa lang ako sa industriyang ito at hindi ko pa alam kung anong sunod na mangyayari sa akin, yay or nay? Baka paggising koi sang araw, they hated me for crashing their ultimate loveteams at doon ako maging flop, pero kebs lang! Ayoko na nang negatives, i-enjoy ko na lang 'tong experience ko.
"Maine, tawag ka na!" tawag sa akin ni Anja na pumasok sa tent para tawagin lang ako.
"Thank you ulit, Rem." I smiled.
He patted my shoulder, "basta ikaw! Galingan mo girl," todo cheer niya.
Lumabas na rin naman ako ng tent. Sinalubong naman ako ng ilang staffs at tinungo sa set, hindi na ako nagulat nang si Louisse ang makakasama ko sa scene na 'to. Gaya ng nakasulat sa script, ito ang magiging tapatan namin ugnay sa pagiging malapit sa akin ni Alden. Parang true to life na ata 'tong ginagawa namin, ah?
Tinaasan niya lang ako ng kilay nang makalapit ako, kinausap naman ako ni direk sa blocking ko at sa mga gagawin ko saka siya sumunod kay Louisse para kausapin ito. Mayamaya lang din ay umayos na kami at ni-roll na ang camera.
She started her lines, "hindi ko inaasahan na makikita ka dito sa manila," she rolled her eyes. "Oo nga pala, kaya ka nandito dahil sinusundan mo ang boyfriend mo." panunudyo pa niya.
Napangisi naman ako sa sinabi niya, "talaga? 'Yon talaga ang inisip mo?" I flips my hair, "akala ko pa naman mahinhin, mabait ang so-called girlfriend niya tapos malalaman kong magpaka-satan din," ngisi ko pa.
Lalapit pa sana siya sana sa akin then I step backward.
"Bakit ka umaatras? Are you afraid of me?" she smirks, "why are you here? Sinusundan mo ba boyfriend ko?"
"Hindi mo ba naisip na nagpunta ako dito dahil dito sa manila nakatira ang relatives ko, wala ka bang utak? Oo nga pala," I laughed, "maputi ka lang, maganda ka lang, wala ka palang utak."
"How dare you!" the she slapped me, halos matanggal ang ulo ko sa lakas ng pagkakasampal niya, ready-ng ready na ako na i-fake ang pagkakasampal pero this is real, ramdam na ramdam ko ang pagkalapat ng kamay niya.
Napahawak ako sa pisngi, infairness, masakit!
"Sino ka para saktan ako? Sa katunayan, hindi ako ang lumalapit sa tinatawag mong boyfriend kundi siya kaya 'wag na 'wag mo kong pag-iisipan na sinusulot ko 'yang boyfriend dahil sa una pa lang, siya ang may gusto sa akin!" sigaw ko sa kanya, saka ko siya ginantihan, magkabilang pisngi parang damang dama!
Mas nagulat naman siya sa pagganti ko, it weren't written on the script pero mas maganda kung dadagdagan diba?
Mas tumalim ang tingin niya sa akin pero nanatili lang akong mahinahon. Masakit pa rin ang pagkakasampal niya sa akin, for sure namumula na 'to ngayon.
"Wow, ha? For sure, meron ka ring pagtingin sa kanya! Aminin mo!"
Napangisi naman ako sa sinabi niya, "masama ba? Lalo na't nilalamig ang relasyon niyo!"
"Stupid, girl!" at doon na siya sumugod dahilan para mahiga ako sa lupa habang hawak hawak ang buhok, hindi niya ito binitawan, gayong hinila ko na rin ang buhok niya. Mukhang totohanan na ang nangyayari kaya gumaganti na rin ako sa kanya. Pumaibabaw naman ako sa kanya at siya naman ang nawalan ng lakas para gumanti.
Kailan ba kami icu-cut ng director?
"Tigil niyo 'yan! Louisse! Maine!" sa paglapit ni Alden sa amin, nakalmot ako ni Louisse sa balikat ko. "Ano bang ginagawa niyo?" napatingin naman kaming dalawa sa kanya.
"Ikaw! Anong ginagawa mo dito?" tanong pa ni Louisse sa kanya.
"Ha?" taka niyang tanong.
"Cut!" at doon lang ako nakatayo sa sinabi ni direk, napansin ko ang pagkagulat at awkwardness ni Alden sa nangyayari, lumapit naman si direk kay Alden, "anong ginagawa mo? Ang ganda na nang scene eh, parang true to life na!" iiling iling pa na sabi ni direk.
Napabuntong hininga na lang si Alden, "sorry po, akala ko kasi nag-aaway talaga sila."
"Then patingin mo 'yang mata mo Alden, nabubulag ka na." ani Louisse at umalis na kinatatayuan niya at bumalik sa loob ng kanyang tent, malayo sa tent namin.
Inayos ko naman ang gulo gulo kong buhok, nilapitan naman ako ni Alden at hinawakan ang braso ko.
"She did this?" he asked.
I took a deep breath and nodded to him, inalis ko naman ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Okay ka lang ba?"
"Oo, okay lang ako. Masyado niya lang tinotoo." Sabi ko pa.
Tumatakbong lumapit naman sa akin si Anja at biglang ma nilapit na malamig sa pisngi ko pero agad ko napalayo dahil ang hapdi.
"Masakit?" tanong pa niya sa akin.
"Namumula ba?" tanong ko naman sa kanya.
Tumango naman siya sa akin, "gamitin mo na 'to, para mawala 'yong hapdi." Aniya. Kinuha ko naman 'yon at dinadampi-dampi sa pisngi.
"I'll talk to Louisse," napatingin naman kami kay Alden.
Umiling naman ako, "'wag na Alden." Sabi ko pa sa kanya.
But before he answer, umalis na siya ulit. Bumalik na lang ulit kami ni Anja sa tent. Yeah it was a good scene pero hindi ko in-expect na masasaktan ako sa ginawa ni Louisse sa akin.
"Anja, punta lang ako CR." Paalam ko sa kanya at nauna na siya sa tent.
Hindi ko naman balak mag-CR kundi tumungo ako sa tent kung nasaan si Louisse. Before I let myself enter the tent, narinig ko ang boses ni Alden, though hindi ko masyadong maintindihan kung anong sinasabi niya pero mayamaya paglabas niya ay nagulat siya nang makita niya ako.
"Maine," aniya. "Hindi ko na alam kung paano siya kakausapin, hindi ko rin alam kung bakit nagbago bigla ang ugali ni Louisse, kaya ngayon hayaan mo na lang siya."
"Hindi, gusto ko siyang kausapin."
"Pero baka saktan ka lang niya ulit."
Pero nginitian ko na lang din siya at pumasok sa loob ng tent ni Louisse. Bumungad sa akin ang mga tingin ng mga tao sa loob at si Louisse ay tinarayan lang ako.
"Anong ginagawa mo dito? Alam mo naman hindi ka allowed na pumasok sa tent ko." aniya, hindi niya nilingon kundi nakatuon lang sa salamin.
"Bakit mo tinotoo?" tanong ko sa kanya. Hindi na ako lumapit masyado sa kanya, dumistansya na ako.
Nakataas ang kilay nang harapin niya ako sabay tumawa, kulang na lang ay makita ang ngala-ngala sa kakatawa niya, nang matigil naman siya, "syempre, it has to be more realistic!" aniya.
"Pero nakakasakit ka na kasi eh," usal ko pa.
"Kulang pa nga 'yan, kung hindi ka lang dumating hindi pa sana matatapos ang teleserye ko, ngayon na minamadali na dahil pumasok ka. Sino kayang hindi maiinis 'don? Lumabas ka na 'don! Hindi naman kita kailangan kausapin!" napabuntong hininga na lang din ako sa sinabi niya.
Tumalikod na ako at palabas na sana ng tent nang tawagin niya ako ulit, "At isa pa pala," muli ko siyang hinarap. "'wag na 'wag mong aagawin sa akin si Richard, akin lang siya."
"Sa pagkakaalam ko," I paused. "Una siyang naging akin kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako niyan, thank you for the conversation Louisse." Nginitian ko siya at lumabas na nang tent niya.
Nakakagigil pero hinayaan ko na lang na maging mahinahon dahil hindi naman ako nakikipag-away. Pagkalabas ko ng tent ay bumungad sa akin si Alden.
"Ano—"
"I know you heard all of it," ngisi ko pa. "Mauna na ako sa tent." Ngiti ko pa sa kanya at tumuloy na ako sa tent.
Napabuntong hininga na lang ako bago ako pumasok sa tent, hindi ko makuha kung bakit gano'n na lang ang mga sinasabi ni Louisse sa akin pero I just have to accept na kahit kailan never niya akong magugustuhan? Hanggang kailan nga ba?
At hanggang kailan ko rin hahanapin 'yong mga alaala kong nawala?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro