Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Chapter 16

Hindi ako na-orient!


Still can't accept the fact na magkakaroon ako ng pagbibidahan kong teleserye, well, I'm a bit dismay sa nangyaring malapit na pagtatapos ng teleserye na ginagamapanan ko ngayon. Well for Louisse, siguro kung ako 'yong nasa posisyon niya maiinis din ako, magtatampo ako dahil ang ganda na eh, nasa highlight na nang istorya pero tatapusin na kaagad. Pero wala namang forever sa mga tv shows kaya in the end, may matatapos at matatapos ding show.

Before we headed to the mall para magshopping, kinausap pa ako ni Alden.

Dumiretsyo ako sa CR para magpatuyo ng damit, hindi ko talaga alam kung bakit sinaboy sa akin ni Louisse ang tubig. Nang medyo natuyo-tuyo na din naman, lumapit sa akin si Anja at may binulong.

"Si Alden, nasa labas, mukhang hinihintay ka."

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "akala ko nauna na siya kanina?"

"Akala ko din eh," aniya. "Sige na, puntahan mo na." tulak na naman niya sa akin.

Pinigilan ko naman siya, "basa pa ako oh?" dahilan ko pa.

Inirapan naman niya ako, "para namang hindi niya alam 'yong nangyari?" ikot pa nang mata niya sa akin.

I sighed in defeat. Lumapit ako sa pinto at nakita ko si Alden doon, nakasandal lang siya sa dingding habang ang kaliwang paa ay nakatapak din sa dingding, nawala ang atensyon niya sa phone niya nang mapansin niya ako, binulsa niya iyon at kakaibang ngiti naman ang bumnungad nang harapin niya ako. When he always showing those smiles and his deep dimples, mapapangiti ka na lang. Ang genuine lang kasi ng mga ngiti niya.

"Oh Alden! Akala ko umalis ka na kanina sabi mo," sabi ko sa kanya.

Bahagya naman siyang lumapit, "yeah, may pupuntahan ako mamaya pero gusto lang kitang kumustahin."

"Ah," tango ko pa sa kanya.

"Ah, 'wag ka masyadong magpapadala kay Louisse. Syempre affected din siya sa nalaman niya so be good to her na lang din, hayaan mo na lang siya, lilipas din naman 'yan." Aniya. Napansin naman niya na basa pa rin ang damit ko, "still wet."aniya.

"Okay lang 'yan, kaunti na lang din naman. Matutuyo din 'yan." Ngiti ko pa sa kanya.

"May pupuntahan ba kayo?" tanong naman niya.

"Yes, Alden!" biglang sumingit si Anja mula sa likuran ko, "we go shopping!" her energy is so high! Kaloka. Kanina lang badtrip na badtrip siya kay Louisse pero nang makita niya lang 'yong crush niya.

"Bro," and yes, it was Alex.

Tho dati si Alden ang hinahabol habol niya pero ngayon si Alex na daw. If I remember the word she said a week ago, na ipaguubaya na niya sa akin si Alden para matuloy ang aming forever kuno.

"Hello, Alexander..."hawi pa niya sa buhok niya at nilagay sa likod ng tenga niya.

Alex waved at her, "hi Anja." Then she freak out. Ay naku, pumasok ulit sa loob ng CR, sinara ang pinto at doon nagsisigaw at nilabas ang kilig niya.

Natawa na lang din naman kaming tatlo sa pagsigaw ni Anja.

"I'd like to know her even more," Alexander said.

Deep inside ako naman ang kinilig sa sinabi ni Alex, "magugustuhan niya 'yon!" sabi ko pa.

Natawa na lang din siya.

"Ah, Maine, we have to go, may pupuntahan pa kasi kami ni Alex eh." Aniya.

Tumango naman ako sa kanya, "sige, be safe." Ngiti ko pa sa kanya.

Pero ang kinagulat ko ay ang mabilis na pagyakap niya sa akin. Ang init ng kanyang mga bisig, tila natulala na lang din ako sa ginawa niya at mga salitang kanyang binulong, "I miss you..." those words that make some impact to me.

And when he loses his hug, nagpaalam na silang dalawa at naglakad na palayo sa akin.

After that, lumabas na rin si Anja sa CR pero I'm still in shocked sa ginawa sa akin ni Alden, 'yong bulong niya na 'yong, 'yong kahit three words lang ang sinabi niya parang ang laki na nang impact sa buhay ko pero hindi ko maisaisip at ipasok sa utak kung para saan, siguro... dahil nami-miss na niya 'yong dating ako? Ewan.

Ginulat naman ako ni Anja at napailing nang mapalingon sa kanya.

"Ay umalis na sila?" nguso pa niya.

Tumango naman ako sa kanya, "oo, kakaalis lang. And I have something to tell about Alexander."

"Ay shet! Ano 'yon?" at binitin ko siya hanggat sa makarating kami sa mall.

Nasa forever 21 kami nagtitingin ng mga damit, sapatos na mabibili para magamit for some events na rin. Kebs lang kung mahal, worthy naman eh. At hindi pa rin ako kinukulit ni Anja sa kung ano daw sinabi ni Alex sa akin pero sinabi ko naman sa kanya na sa condo ko na lang sasabihin dahil baka mag-eskandalo pa siya dito, nakakahiya na infairness.

Inabot kami ng isang oras matapos lang ang pamimili namin ng damit at sapatos at mga kung ano anong mga kwintas at bracelet na nagningning sa mga mata ko, chos. Karamihan ay dress, leggings, jeans, shirt. Ayun, 'yong mga pwedeng pang gala at mga damit na pagdadaluhan ko ng events or kung ano man.

Habang nagbabayad kami sa counter, may lumapit sa amin, akala ko kung sino hanggat sa matandaan ko ang mukha niya.

"Ay hello po ma'am!" niyakap ko ito, one of my professors.

"Hindi kita nakilala 'don ah," Puna niya pa, nahiya naman ako sa sinabi niya, kaloka. "Sikat na sikat ka na ngayon, ah!"

"Ay hindi naman po, ma'am." Sagot ko naman sa kanya.

"By the way, nakatanggap ka ba ng invitation sa alumni homecoming?"

Tumango naman ako sa kanya, "opo ma'am, pero—" sasabihin ko sanang magkakaroon ng conflict sa araw na 'yon pero bigla akong siniko ni Anja na 'wag kong sabihin kung ano man ang dapat na itutuloy ko kaya napangiwi na lang ako sa harap ng prof ko sa ngayon.

Hindi lang naman kami siguro ang mga inbitado dito, fresh graduates lang kami sa university syempre masaya kami dahil naimbintahan kami at other batches ay pupunta rin, malamang sa malamang.

"Good kung nakakuha kayong dalawang invitation," ngiti niya naman kay Anja, "Maine, I have a favor." Aniya.

"Ano po 'yon?"

"As one of the organizers sa gaganapin na alumni homecoming, pwedeng gawin mo ulit ang nagpapanalo sayo 4 years ago?"

" 4 years ago?" kunot noo ko pang sabi.

"Baliw, 'yong sa contest na sinalihan mo Meng."

Nagulat naman ako at lumingon ako sa prof ko, "talaga po? Gusto niyo akong magperform?"

She nodded to me, "it was our pleasure kung tatanggapin mo ang favor ko." ngiti pa niya.

Ang hirap tanggihan kahit may conflict, kaya ang sinagot ko na lang ay, "Okay po, I will. Asahan niyo ako." Puno nang kumpiyansa na makakapunta nga sa event, even though not so sure dahil may tatamaan ako sa schedule ko at sana magkaron ng pagbabago at makapunta ako.

"Thank you, Maine. Abangan ko kayong dalawa doon, see you!" she hugged us at umalis na rin.

Nang makaalis naman ang prof namin, binulungan ako ni Anja. "Bakit mo sinabing makakapunta ka, eh hindi ka pa nga sure diba?" aniya.

I rolled my eyes to her, "syempre manager kita, gagawa ka nang paraan para makapunta tayo sa event, diba?" I grinned.

Napasapok pa siya ng ulo niya, "ako pa ang pinasahan mo ng problema mo." iiling iling pa niya. "Pero mas kabahan ka, inaasahan ang performance mo sa event."

Napahinga naman ako ng malalim, "wala na akong kinatatatukan, wala na..." hagikgik ko pa.

"Sabi mo eh," ngisi niya.

"Ma'am, ito na po ang mga bags." Ani ng sales lady at kinuha ko naman ang mga paper bags ko, nakatatlong sapatos din ako at kulang na lang ay umabot sa bente ang mga nabili kong damit, well mas maganda na kung ganito kaysa punahin kang paulit ulit ang damit mo. Haaay.

Palabas na sana kami ng store nang mapansin ko ang isang babaeng kakapasok pa lamang ng store, hindi maalis ang tingin niya sa akin na halos mabali kakalingon, at nang makalabas na kami doon niya lang kami in-approach.

"Maine Mendoza?" bakas sa kanya ang pag-asang totoo ang hinala niya at para na rin hindi siya mapahiya sa paglapit sa akin.

Napalingon pa ako kay Anja at tinanguan niya lang din ako, hinarap ko naman ang babae na nagre-ready ng camera kanyang phone.

Ngumiti ako, "ako nga."

"Pwede pa-picture?"

"Ay go lang," sabi ko pa. Kinuha naman ni Anja ang phone niya at nag-picture siya pero nagbonus pa selfie naman daw.

Lumapit naman sa akin si Anja at bumulong. Pansin ko ang madalas niyang pagbubulong sa akin, nakakakiliti kaya sa tenga.

"Ang dami nang nakakapansin sayo," aniya.

Nilingon ko naman ang paligid ko at ang daming napapatigil sa kanilang paglalakad at napapalingon sa kinatatayuan ko. 'Yong iba na naglakas loob na lumapit sa akin at humirit pa ng yakap, 'yong iba naman hindi nila ma-gets kung sino 'yong tinitingnan nila. Baka namamalikmata lang sila kaya hindi nila nilalapitan kaya naman nagkaroon na kami ng chance ni Anja na umalis sa komosyon ng mga tao at pumasok kami sa loob ng starbucks.

"Kaloka, hindi ko kineri 'yong mga tao." Ani Anja.

Natatawa na lang din ako.

"Anong nakakatawa?" mataray niyang sabi sa akin. "Muntik ka nang pagkaguluhan kanina buti na lang 'yong iba nagdadalawang isip pa." aniya.

"Nakakagulat sila infairness," sabi ko pa.

"Ang adik siguro natin kung nag-stay pa tayo ng matagal doon," aniya. "Sige, order lang ako, ano sayo?" aniya.

"The usual." Ngiti ko pa.

"Okay, got it." Saka siya pumunta ng counter.

Habang busy naman ako nakaka-scroll sa phone ko biglang may lumapit ako sa akin, with his phone.

"Maine," napatingala naman ako to see his face, "pwede magpa-picture?" he asked.

I nod, "sure." Saka siya lumapit sa akin at nag-selfie na kaming dalawa. Nang matapos naman siya, may ilan naman na napapatingin sa akin sabay na kakawayan ako, kinawayan ko din naman sila.

Bumalik din naman kaagad si Anja nang nakangisi, "I saw that." Pansin niya.

"Baliw," tawa ko pa ng mahina. Inabot naman niya sa akin 'yong frappe at uminom. "Alam mo nakakatawa kung tutuusin ang lahat ng 'to." Sabi ko pa sa kanya.

Kinunutan naman niya ako ng noo, "pa'no mo naman nasabi?"

"Ang bilis lang ng pangyayari, ang bilis lang ng panahon." Ngiti ko pa.

She hold my hand, "it was a blessing Maine, deserve mo 'yan."

Hindi pa kami tumatagal ng ilang minuto, may nagsilapitan na naman sa amin. I once one knew na pinalabas na pala ang first episode sa teleserye na nandoon ako. Kaya minsan, napapalingon sila sa akin. Nakakakaba kaya kung anong magiging feedback nila sa akin.

Umalis na lang din kami sa starbucks at napagpasyahang umuwi na lang.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ng pinto ng unit namin, sinalubong kaagad ako ni Anja.

"Oy, akala mo ba nakakalimutan ko na 'yong sinabi mo kanina?"

"Ano 'yon?"

"About kay Alexander."

Napangisi naman ako sa sinabi niya, "nothing important, sinabi lang ni Alexander na gusto ka rin niya makilala, like getting to know each other, oh ayan, okay na?"

Binatukan naman niya ako, "gaga ka, 'yon lang pala! Textmate na kaya kami!"

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, "hindi ako na-orient doon, An-an, ah!" tawa ko pa. "Pero Anja," napaupo ako sa sofa.

"Ano na naman 'yon?"

"Si Alden..."

"Anong meron kay Alden?"

Napabuntong hininga ako, "naging kami ba?"



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro