Chapter 15
Chapter 15
Maine's Career
Anja's face was covered by disappointment. Hindi ko alam kung bakit biglang naglaho 'yong good mood niya kanina when we knew about the coming alumni homecoming, and I'm sure I will be happy to see their faces again, ano na kayang ganap nila ngayon?
"An-an, ano ba kasi 'yon?" pangungulit ko pa sa kanya, hindi niya ako pinansin kundi nagbalik balik lang ang tingin niya sa phone niya at invitation na nakuha namin. "Ano ba kasi 'yon?" naiirita ko nang sabi sa kanya, sabay kamot sa ulo.
"Sayang..." at isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Inirapan ko na lang siya dahil kung ano man 'yong bumabagabag sa kanya. "Akala ko magiging masaya na tayo... pero hindi pala."
"Tayo?" taas kilay kong tanong sa kanya, saka dahan dahan niya akong tinanguan. "Ano ba kasing meron?" tanong ko pa ulit sa kanya, ilang beses ko pa kaya tatanungin sa kanya 'yon? Kaloka.
Hinarap naman niya sa akin ang screen ng phone niya, nilayo ko ito para mabasa ko nang maigi pero agad naman niyang nilayo sa akin. I just glared at her.
"Pa'no ba naman kasi Meng, may taping ka from Monday-Friday tapos dito sa schedule mo natamaan 'yong date nang event," nguso pa niya.
"Patingin nga," inagaw ko naman sa kanya 'yon.
Binasa ko naman 'yong nakasulat, mga schedule nga ang nakasulat sa notes ng phone niya, napakunot naman ako nang tiningnan ko siya, "how are you so sure na legit 'tong schedules na 'to? And interview pa talaga ang natapat, ha?" sabi ko pa sa kanya.
Tumango naman siya sa akin, "I got this from the staffs, syempre as your manager, ako 'yong binigyan ng schedules mo and I don't know what can we do sa araw na 'yon." aniya.
"Saturday evening naman 'yon, ah?" protesta ko pa sa kanya.
And she nod, "yes, pero 'yon ang naka-sched eh, wala tayong magagawa. Kung maaga naman matapos ang interview mo no'n, makakapunta tayo sa alumni homecoming."
Napabuntong hininga na lang din ako sa kanya. Nararamdaman ko na tuloy 'yong sentiments ni Anja na mukhang hindi pa kami matutuloy sa alumni homecoming na 'yon. Tama nga sila, kapag masyado mong in-expect yong isang bagay na sasaya ka, in the end masasaktan ka lang kapag nalaman mong hindi pala kayo meant to be.
"Ay Anja!" tawag ko pa sa kanya, "as my manager, ikaw ang gumawa ng paraan para makapunta tayo sa event."
She glared at me while I'm grinning, "pinandigan mo talaga, ah?" ngisi pa niya.
"Self-proclaim ka naman eh, kaya gora na rin." Hagikgik ko pa. "So, ano palang gagawin natin bukas, may schedule ba ako bukas, taping or ano?"
She scan her phone at tumango naman ito, "magkakaroon ng meeting ang set of directors kasama ang mga cast kaya pupunta ka doon." Ngiti pa niya sa kanya.
"And after that?"
She shook her head, "wala na, uwi na tayo."
"Uwi agad? Hindi man lang tayo gagala? Gusto ko bumili ng new dress, basta damit!" sabi ko pa sa kanya.
"Edi gora din!" aniya.
--*--
Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Anja dahil mamayang saglit lang din ay pupunta kami sa meeting ng teleserye namin, hindi ko alam kung ano na naman pag-uusapan o gagawin mamaya, wala naman ako idea, nakikinig lang naman ako at susundin kung anong gagawin.
I make a coffee of mine, tinatamad na kasi akong bumaba para pumunta sa starbucks lalo na ngayon na lagi na lang madami at punuan. Dinala ko ang tasa ko papuntang terrace, so refreshing lagi ang hangin dito. Nakatanaw lang ako sa ibaba nang may tumawag ng pangalan ko, hinahanap ko naman kung sino 'yon and I find the girl on her terrace just right in front of my unit.
She waved at me, "hello Maine,"
I smiled then, "hello!"
If I remember, she was the girl na lagi akong tinatarayan noon pero ngayon, ang bait bait na niya sa akin. She used to be my friend pero dahil lagi din siyang busy, hindi rin kami nagkakilala masyado. We usually greet everytime we saw each other sa terrace, hanggang 'don na lang 'yon.
And after that, nagpaalam na siya sa akin at pumasok na ulit sa loob ng unit niya. I was about to take a sip on my coffee pero lumamig kaagad, kaya nilapag ko na sa table sa tabi ko. Napangalumbaba na lang ako habang tinatanaw ang paligid.
Napaigtad ako nang biglang tusukin ni Anja ang tagiliran ko, hinabol ko naman siya ng palo dahil kapag nagkataon, malaglag pa ako sa taas ng building na 'to sa gulat. Kaloka, si Anja.
"Uyy, may nami-miss siya." Panunukso niya pa sa akin.
Napakunot noo lang ako sa kanya, and I never get any word she said. "Anong nami-miss?"
She rolled her eyes after, "wala, wala ka naman kasing naaalala kaya hindi mo siya nami-miss pero siya, miss na miss na niya 'yong dating ikaw." Aniya pa.
Ngayon napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya, "how come na nagbago ako at ang dating ako, I don't get."
She pointed her finger sa noo ko at tinulak ang ulo ko, "kasi nga wala kang maalala." Ngisi pa niya. "Ay, mag-ayos ka na nga, ma-late pa tayo sa meeting eh." Aniya.
Pumanik na si Anja sa kwarto, binalik ko naman ang tingin ko sa terrace, anong pwedeng ma-miss ko dito? At sino naman 'yong tinutukoy ni Anja? Gano'n nga ba kalala 'yong amnesia kaya kahit 'yong mga ganitong senaryo walang pumapasok sa utak ko, kahit alugin ko, wala man lang. Parte nga ba si Alden kaya wala akong maalala? Hmm, ang dami ko nang katanungan pero alam kong ako lang din naman ang makakakuha ng sagot sa mga tanong ko.
Sumunod naman ako kay Anja na nagpalita ng damit, mga kalahating oras kami nagtagal sa kwarto para lang pumili ng maisusuot, magmake-up sa salitan namin.
"Ayan, ang simple perfect mo na tingnan." Puri pa niya sa akin.
Natawa naman ako sa kanya, "kailangan ba talaga pagandahin pa ako, meeting lang 'yong pupuntahan natin."
"Ang arte mo talaga, light make-up na nga lang nilagay ko sayo!" palo pa niya sa akin.
We laughed as we left the unit, mabuti na lang dito sa condo na natirhan namin, specifically ko ay madalas na pag-check in ng mga artista and more 'yong mga bigatin, alam mo na mayayaman kaya minsan kahit dumaan ka na sa harap nila, nevermind ka lang nila, minsan may lalapit pero minimal lang naman.
Papunta na sana kami nang parking pero nang mapadaan kami sa receptionist ay tinawag ako nang babae, lumapit naman kami sa kanya.
"Miss Maine, may naghihintay po sa inyo sa labas." Kinikilig pa niyang sabi.
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Anja at sabay na sinabi na, "sino?"
"Morning ladies," sabay naman kaming napalingon ni Anja sa lalaking nagsalita, at nanlaki naman ang mata ko nang makita kong palapit sa amin si Alden sa amin.Nakipagbeso naman kami sa kanya at hindi ko na maaalis sa sarili ko 'yong at mapatanong na 'Anong ginagawa niya dito?'
"Hindi ako na-orient dito, Anja." Bulong ko sa kanya.
"Opps, sorry, hindi ko talaga siya sinabi sayo." Hagikgik niya pa sa gilid ko. "Ahm, guys, Alden, tara na sa sasakyan mo." dagdag pa ni Anja.
"Ang gwapo mo ngayon," ngiti ko pa.
Natawa naman siya ng mahina, "ikaw rin, maganda ka...as always." Aniya.
Naramdaman ko ulit 'yong pagsiko sa akin ni Anja kaya alam ko na kung ano na naman ang iniisip niya. Pwede ko nang masabihan na pusher si Anja, hindi literal pero kung maka-push ng feelings ng isang tao, todo-todo at lagi niyang pinipilit na meron naman daw talaga.
Gaya nga nakasayan, ako ang katabi ni Alden sa front seat at si Anja naman ang nasa likod namin. Sa mga galawan ni Anja, mahahalata mong may binabalak lalo na't nakataas ang phone niya at nakatutok sa amin, pinipicturan niya kami, huhu, anong meron Anja? Ang sama mo sa akin.
"Seatbealt, Meng..."
"Uyy, Meng daw!" nagwawalang sabi ni Anja, with matching palo pa sa upuan sa tabi niya.
Nahihiya tuloy ako sa kanya kaya napangiwi na lang ako, natawa na lang din si Alden. Ang weirdo talaga ng babaeng 'to.
mga kalahating oras ang naging biyahe namin papunta sa tv network na kung saan gaganapin ang meeting namin, nagulat ako nang may mga nag-aabang sa labas na mga tao.
"Ako muna lalabas," aniya, hinayaan ko muna siya na lumabas, tumuloy siya sa tabing pinto ko at pinagbuksan naman ako at may binulong na, "'wag kang lalayo sa akin, baka mahatak ka nila." Aniya.
Tango na lang din ang nasagot ko sa kanya. Sumunod na lang din naman sa amin si Anja na nasa likod namin na umaawat sa mga wild na fans, hindi ko alam kung kanino sila wild, kay Alden o sa akin? May ibang fans na muntik na akong hablutin at makalmot kaya nang makapasok na kami ng glass door, agad akong tinanong ni Alden.
"Okay ka lang ba?" aniya.
Napangiwi ako, "oo, okay lang."
Pero nang mapansin ko ang sa braso niya ay may namumula kalmot ang bumubungad doon, "ikaw oh, may kalmot ka."
Nilagay naman niya sa likod niya ang braso niya nginitian lang ako, "okay lang 'yan, malayo naman 'yan sa bituka."
"Ay shet, on the way to forever na sila!"
Napakunot noo na lang ako nakatingin kay Anja habang patuloy siya sa paghagikgik niya.
Tumuloy naman kaming tatlo sa meeting room namin, nauuna lang kaming dalawa ni Anja na maglakad na kasunod si Alden. Hindi pa rin matigil si Anja sa kakaasar sa akin at masyadong pa-obvious, hindi ko na lang din siya pinansin at nang makarating naman kami sa meeting room ay sinalubong naman kami ng ibang staff ay tinuro sa mga mauupuan namin.
Kasunod lang din naman na pumasok si Louisse, agad kong napansin ang matatalas na tingin nito sa akin hanggat sa napunta kay Alden at napalitan nang pagpapa-cute niya. Kaasar, maganda niya, kamusta naman ang ugali? Isawsaw na 'yan sa chlorine, kaloka.
Binulungan naman ako ni Anja, "'wag mo na lang pansinin Meng, tandaan mo may shopping pa tayo mamaya." Pagpapaala naman niya.
Dumating na rin naman ang ibang mga staff and at mga set of directors. Lahat din ng cast ay present, nakakahiya lang makiupo dahil mga kilalang artista na 'yong kasama ko tapos bigla akong mahihilera? Hello? Sino naman ako? Pero wala akong magagawa, malaking opportunity ang binigay sa akin at ayokong sayangin ang pagkakataon.
"Magkakaroon ng pagbabago sa story natin," pangunguna ng director namin. "Kung ano man 'yong, magugulat na lang kayo kapag nabasa niyo na ang script kapag binigay sa inyo. "he paused. "Hindi lang 'yon ang punto ng meeting na 'to, kundi..." lahat kinakabahan sa susunod na sasabihin ng director.
Parang mas kinakabahan pa ako sa mga artistang kasama ko.
"We need to end the teleserye in two months."
Lahat kami ay napabuntong hininga at 'yong iba ay napuno nang panghihinayan ang mukha at halo halong nararamdaman mula sa nabalitaan nila. Kahit ako, hindi ko mapaliwanag na sa kakasimula pa lamang ng career ko, may magtatapos kaagad na teleserye, how come with that?
"Kasalanan ni Maine 'to, eh!" nagulat ang lahat, mismo ako nang tumayo si Louisse habang dinuduro-duro ako, lahat ng atensyon napunta sa kanya. Buong pagtatakas lang ang bumalot sa akin dahil sa reaksyon niya. Hanggat sa may kinuha siyang baso ng tubig at sinaboy sa akin. Muntik pa akong malunod dahil sa ginawa niya, inawat nila si Louisse at pinili kong hindi na lang lumaban at manahimik na lang. Yumuko ako, ayoko mapunta sa akin ang mga atensyon nila.
"Dapat kasi hindi niyo na pinasok 'yang babaeng 'yan eh, tapos ito mababalitaan ko na matatapos na ang teleserye ko?" galit na galit na pahayag niya, "syempre bababa ang ratings dahil papasok 'yan kaya tinapos na right?" she smirked. "Dapat kasi hindi niyo na kinuha 'yan." Ang bitter niya.
"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Alden na siya namang pinupunasan ako, basang basa kasi 'yong damit at braso ko.
Tumango naman ako sa kanya.
"Stop it, Louisse." Ani direk. "Actually kaya magtatapos ang teleserye na 'to dahil they find new artist to replace you, your acting and your attitude." Halos salubong na ang kilay ni Louisse sa mga sinasabi ni direk, 'yong iba kulang na lang ay matawa. "And when a teleserye ends, comes a new and it is for Maine Alvarez." Tumingin sa akin si direk. Natahimik pa ang lahat bago na-realize ang sinabi ni direk at nagsipalakpakan silang lahat.
"A-ako po?"
Tumango si direk, "oo, and your partner is Alden."
"Talaga po?" halata sa boses ni Alden ang galak, napatingin naman ito sa akin at nagulat na lang ako nang yakapin niya ako.
Biglang nagdabog si Louisse at nag-walk out sa meeting room. Umalis din si Alden sa pagkakayakap sa akin nang ma-realize na sa harap nang maraming tao pa talaga niya nagawa 'yon.
"B-bakit po ako?" tanong ko pa kay direk.
"You're new, I find something new to you. Wala kang arte, baguhan ka lang pero natural ka na't lahat lahat. Ngayon pa lang, Maine binabati na kita."
I couldn't explain what happiness this could be, akala ko magtatapos na pero hindi pala.
"This is your chance na mas lalong makilala pa si Alden," bulong sa akin ni Maine. "Atlast tuloy ang shopping," hagikgik pa niya.
Napatingin naman ako kay Alden, bakas sa mga mata niya ang kaligayahan.
"Masaya ka ba?" tanong niya sa akin.
Tumango ako, "oo naman, kasama kita, eh." Then he pinched my nose.
Alden... MaiDen? Nakakakaba pero exciting.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro