Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Chapter 14

New memories?


Before we go back to Manila before the night comes, nag-stop over kami sa isang beach resort, hindi ko alam kung anong meron kay Alden kung bakit dumaan pa kami dito. Naiwan lang kasi kami sa loob ng sasakyan at siya lang ang umalis mag-isa.

"Is there any sign na masasabi kong close talaga kami ni Alden noon?" tanong k okay Anja, out of nowhere. Bigla na lang din kasi ako napaisip dahil sa kakahintay sa kanya.

"Hindi pa ba sapat ang mga nakikita mo ngayon sa kanya?" kunot noo naman na sagot sa akin ni Anja.

Napanguso naman ako, "hindi kasi ako sigurado kung hanggang saan nga ba tutungo ang lahat ng ito eh. I felt so sad kapag naiisip ko na alam ni Alden na meron kaming past na siyang hindi ko naman alam dahil may amnesia. Minsan kapag matutulog na ako, tulalang nakatingin sa kisame at lilipad na lang ang isip at pilit na gustong alalahanin ang mga alaalang nawala.

"Ilang taon ko na bang kilala si Alden?" tanong ko kay Anja.

"Sa katunayan, sampung taon na." simple niyang sagot sa akin.

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya, "gano'n na pala katagal." Buntong hininga ko pa.

"Oo gano'n na siya katagal naghihintay sayo..." sa sinabi ni Anja. Umayos na lang ako nang pagkakaupo ko at pinigilan na hindi maiyak. Nakakaaawa ako sa totoo lang, kung kailan nandito na ang lahat, masaya na sila para sa akin pero hindi ko naman maintindihan ang lahat dahil sa pagkawala ng memorya ko.

Memorya o, memorya... kailan ka ba babalik sa utak ko?

"Maine, okay ka lang?" napalingon kaagad ako sa kanan ko at nasa tabi ko na si Alden, dahan dahan naman akong tumango sa kanya saka niya ako nginitian pero mayamaya lang ay nilapit niya ang mga kamay niya sa mukha ko at naramdaman ko ang pagpahid niya nang, hindi luha... muta lang.

"Ay salamat," ngiwi ko pa sa kanya.

"Namumula mata mo, may sour eyes ka ba?" nakangisi niyang tanong sa akin.

"Ay wala," iling ko pa.

"Napuwing lang 'yan Alden," hagikgik naman ni Anja sa likuran namin.

Nakangiti lang din si Alden, now showing na naman ang dimples niya na mas malalim pa sa pacific ocean.

"Uwi na tayo," aniya. Tumango naman ako saka niya ini-start ang sasakyan at pinatakbo na ito.

Habang nasa kahabaan ng biyahe kami pabalik ng maynila. Nakatulog naman kami sa biyahe habang si Alden naman ay nagmamaneho.

Mga thirty minutes din ang nakalipas ng maramdaman kong parang hindi na kami umaandar. Pagdilat ko nang mata ko, madilim na ang kapaligiran at napansin kong hindi kong wala sa driver seat si Alden at nakataas ang harapan ng sasakyan, ginising ko naman si Anja dahil sa kung anong nangyayari.

"Ano ba Meng..." iritado niyang sabi matching palo niya pa sa akin.

"Umayos ka nga," ganti ko sa kanya. "Tingnan mo, anyare?" at nang mapansin niya rin na nasa gilid kami ng kalsada ay napalabas na kami ng sasakyan.

Nilapitan namin si Alden, nang mapansin naman niya kami ay nagulat pa ito.

"Gising na pala kayo," aniya.

"Anong nangyari?" taka kong tanong sa kanya, tinuro naman niya gamit ang nguso niya 'yong harapan ng sasakyan na umuusok.

"Overheat." Sagot niya sa amin.

"Matatagalan pa ba tayo niyan?" tanong ni Anja.

Umiling naman si Alden, "hindi naman, saglit lang 'yan. Palamigin lang natin saglit saka pwede na tayong umalis ulit." Aniya.

Nakahinga naman kami ng maluwag dahil sa sinabi niya. Napansin kasi namin 'yong ibang sasakyan na binababa 'yong mga bintana nila at pasimpleng pi-picture, 'yong iba hindi naman kami nakilala kaya ayos lang.

"Nagugutom na ba kayo? Ibibili ko kayo." Pag-presenta naman ni Alden.

"Ay 'wag na, Alden." Sabi naman ni Anja.

"Oo nga, dumugin ka pa 'don." Paalala ko pa sa kanya.

"Hindi, okay lang talaga, bibili ako ha?"

Tiningnan ako ni Alden pero binaling ko naman ang tingin ko kay Anja at nagkibit balikat lang ito, "ikaw bahala." Aniya.

"Sige, wait niyo lang ako." Aniya at naglakad palapit sa store.

Pumasok na lang ulit kami ni Anja sa loob ng sasakyan para doon na lang siya hintayin.

"Kita mo, ang effort niya pagdating sayo. Gagawin niya lahat, mapasaya ka lang." sabi ni Anja habang nagi-scroll sa kanyang phone.

"Talaga?" nguso ko pa. "Pano kung gutom lang din siya?"

"Ay naku Maine, kung alam mo lang na gustong gusto ko na alalahanin mo siya pero 'yong wala akong magawa at hayaan na lang pero ngayon, 'wag mong hahayaan na masaktan si Alden kahit sa simpleng gestures mo." aniya.

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "anong ibigsabihin mo don?"

"Tingnan mo naman 'to, sa loob ng sampung taon na hinintay ni Alden na magkita at magkasama kayo, syempre alam mo 'yon, hindi niya hinahayaan na wala pa 'yong chance na makasama ka, na pagsilbihan ka kahit hindi mo siya maalala, tinatanggap ka pa rin niya, kaya alam mo masakita din para sa akin kahit maliit na bagay, Alden felt rejected by you."

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.

Pilit ko siyang inisiip. Pinipilit kong balikan kung ano man ang dapat, bwisit na amnesia na 'to! Bakit pa kasi nangyari lahat diba?

'Yong feeling na hindi mo maaalala kung paano siya naging mahalaga sa buhay mo, pumasok at ganito kaimportante. Ngayon na clueless ako, lutang kung hanggan saan dadako ang lahat ng iniisip ko.

Ayokong mag-end up na nasaktan ko si Alden dahil hindi ko siya maalala. Ayokong masaktan ang taong sincere naman sa mga ginagawa niya.

Ako lang 'tong dapat kaawaan. May mga bagay talaga dapat na kailangang kalimutan pero nararamdaman ko na, si Alden hindi dapat kalimutan.

Mula palang sa nangungusap niyang mga mata, nararamdaman ko na kung ano ang gusto niyang ipahiwatig.

Mayamaya lang din ay dumating na si Alden dala dala ang mga binili niya na nakalagay sa paperbag.

"Sorry kung natagalan ako," aniya at inabot isa isa sa amin ang mga binili niya.

"Pawis ka oh," puna ko at kinuha ko naman 'yong tissue sa tabi ko at pinunas ko sa noo niya.

"Salamat," ngiti pa ni Alden sa akin. Kahit sa maliit na bagay na ginawa ko sa kanya, napangiti ko siya.

"Salamat dito ah," sabi ko pa sa kanya.

"Natagalan nga ako eh, dami kasi nakapila." Aniya.

"Ang bilis mo lang kaya," aniko pa.

Natawa na lang din naman siya, "tara na," saka niya in-start 'yong sasakyan.

"Hindi mo kakainin 'yong sayo?" tanong ko pa.

"Okay lang 'yan, habang nasa biyahe, pwede namang kumain." ngisi pa niya.

Napatango na lang din ako.

Nasa kahabaan kami ng highway, madilim nag paligid kaya ingat na ingat magmaneho si Alden lalo na't mga kasama niya pa ay babae at narinig ko pang bulong niya ay ang... taong mahal niya. Hindi na lang ako nagbigay ng reaksyon sa sinabi niya 'yon, alam kong bulong pero narinig ko pa rin.

Kinalabit naman ako ni Anja mula sa likod at nang nagsalita nang walang boses, "pakainin mo na." basa ko sa bibig niya.

Sinimangutan ko naman siya. Pero sinimulan na niya akong kilitiin na gayong napapansin na rin kaming dalawa ni Alden.

I rolled my eyes to Anja, as always I'm the first giving up on our fight. I look at Alden naman.

"Gutom ka na ba Alden?" tanong ko sa kanya.

"Medyo." Aniya.

Nilingon ko naman ulit si Anja at nag-sign na siya na gawin ko na daw. Gawin ang ano?

Ang subuan ng pagkain si Alden.

"Eat ka na," inabot ko sa kanya 'yong burger na binili niya at kanya naman itong kinuha.

"Salamat, Meng."

"Ay ano daw?!" reak kaagad ni Anja. "Meng na daw! Tapos Tisoy! Wooooh!" parang baliw siya na chini-cheer kung sino man, naglulundag sa upuan kahit na inaawat ko na. Natatawa na lang din kami sa kababawan ni Naunang nauwi si Alden, syempre Anja.

Tisoy ang tawag ko sa kanya, at first time kong marinig na sabihin niya ang nickname ko na Meng. First time nga ba? O matagal na, nakalimutan ko lang?

"Doon ka pa rin ba sa makati nakatira?" tanong ni Alden sa akin.

Tumango naman ako kanya, "oo." tipid kong sagot.

Sa mga kwento sa akin ni Anja, nasa iisang condominium lang daw kami ni Alden noon and that time, hindi ko pa siya kilala, not even his existence.

Naunang nauwi si Alden sa amin dahil nga kotse namin ang gamit ko, siya na ang nauna. Tuwang tuwa tuloy si Anja nang malaman kung saang condo nakatira si Alden. Lumipat naman ako ng pwesto sa driver seat at si Anja na lumipat katabi ko.

"Ingat kayo, lalo na ikaw Maine, dahan dahan lang sa pagmamaneho."

"Ay shet, kinikilig ako!" pagpipigil ni Anja sa gilid.

Natawa na lang din si Alden sa kanya.

Sinundan ko naman ng tingin na pumasok si Alden sa building at nagulat ako nang bigla akong tusukin ni Anja sa tagiliran ako.

"Ano ba!" saway ko naman sa kanya.

"Gaga, anong ngiti 'yan? Inlove ka na? OMG! Tamang Panahon is real." Kulang na lang ay halumpasay sa kilig si Anja sa ginagawa niya. Nababaliw na talaga ang babaeng ito. Saka niya ako niyugyog ng niyugyog saka ko pinatigil ulit siya, "this is the start of everything, Meng! If you lose your memories about him, this is the start to create one. Alam kong nararamdaman mo na."

"Nararamdaman ang?"

"Kilig." Diretsyo niya 'yong sinabi saka nagwala na naman siya.

Ini-start ko na lang din ulit 'yong sasakyan pagkatapos humupa ng kabaliwan ni Anja. Naging mabilis lang din naman ang biyahe namin at nakarating na kami sa condo. Pagdaan naman namin sa reception ay tinawag ako ng babaeng nasa receptionist.

"Ano po 'yon?"

May kinuha muna ito sa kumpol kumpol na papers at inabot sa akin ang isang envelope, "ma'am may naghatid po ng invitation niyo."

"Kailan pa 'to?" tanong ko.

"3 days ago pa po," aniya.

"Para saan?" tanong ko pa.

"Ay ma'am wala pong sinabi, ang sabi lang pakibigay na lang daw po sa inyo." Aniya.

"Ah, sige salamat!" saka kami tumungo sa elevator.

Sinuri ko naman 'yong white envelope na binigay sa akin at doon ko lang din napansin na dalawa palang magkadikit iyon, nakita ko ang pangalan ko na Maine Alvarez at 'yon isa naman ay for Anja.

"Oh, sayo pala 'yan girl, eh." Abot ko naman sa kanya.

"Para saan ba 'to?" taka niyang tanong.

Nang tumungtong na sa floor namin ang elevator ay lumabas na kami at tinungo ang daan papunta sa unit namin. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ng unit ay agad na naming binuksan ang envelope, sabay na sabay pa kaming nagkatinginan nang mabasa namin kung anong nakasulat mismo doon.

"Kyaah!" nagkayakapan kaming dalawa dahil sa tuwa.

"May alumni homecoming tayo!" tuwang tuwa pa na sabi ni Anja.

"Buti naisipan nila na isama tayo," sabi ko naman. Though sa isang buwan pa naman ang event pero excited na kaming dalawa.

"Syempre, artista ka, isasama ka talaga." Aniya.

"Eh paano naman kung hindi? Makakakuha kaya ulit tayo ng invitation?" sabi ko pa.

"Oo naman, ikaw kaya 'yong nag-champion noon sa contest, remember?" taas baba pa niya nang kilay niya.

"Sabagay," sabi ko pa. "Ano na kaya hitsura nila ngayon? Ano?"

"Meng naman, syempre mukha pa ring tao!" sabay batok. Agad ko naman siyang ginantihan.

Binasa ko ulit 'yong invitation, may nabasa pa ako na special guests? With s talaga, sino sino naman kaya 'yon? Hmm, nakaka-curious ah. Excited na talaga ako sa event na 'to.

"Meng, Meng..." tawag sa akin ni Anja.

"Ano 'yon?" lumapit ako sa kanya at hinarap niya bigla sa akin 'yong phone niya, napalayo ang ulo ko para tingnan nang mabuti. "Oh, anong meron diyan?"

"Meng... sayang..."

n




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro