Chapter 13
Chapter 13
Dimples
Maaga kaming nagising ni Anja para mag-ikot ikot muna dito sa Batangas, mas excited pa si Anja sa akin dahil makakasama daw namin si Alden. Well, kaya lang naman namin napag-usapan ni Anja na mamasyal muna dahil pagbalik namin ng manila, trabaho rin naman kaagad ang harap namin kaya ngayon we need to be stress free kaya gala on the way kami ngayon.
"Siguro this time, magkakaroon na kayo ng time sa isa't isa." Kilig na kilig na sabi ni Anja.
Inirapan ko siya, kung ano ano kasing iniisip. Nagco-conclude kaagad siya ng mga bagay na malamang hindi naman mangyayari.
"Pero yesterday sa shoot, nagkausap kami kahit sandali." Pagku-kwento ko naman sa kanya. mas naging interesado naman siya makinig sa akin.
Kumapit siya sa mga braso, halatang excited sa kung ano mang sasabihin ko. "Ano na?"
"I said, tell me something about yourself..."
"Tapos?" tanong niya kaagad sa akin.
"And I was surprised when he spit out this thing, he waited for a girl long time ago and this tamang panahon, rarely coming to him." Pagkasabi ko no'n, tinulak niya ako pero mabuti na lang ay hinila niya ako pabalik kaya binatukan ko kaagad siya.
"Putcha! Ikaw na 'yon, Menggay!" pagyugyog niya pa sa mga balikat ko kaya pati ulo ko umaalog na din siya.
Pinatigil ko naman siya dahil nakakaramdam ako ng hilo. "At first, hindi ko masasabing ako nga 'yon pero dahil sa wala nga akong maalala, sa tingin mo ako nga iyon?"
She nodded confidently na may kasama pang ngisi. "Sure na sure ako 'don."
I shrugged, "when will I remember him?" I sighed. Siguro ang tanga tanga ko noong araw na 'yon kung bakit ako naaksidente at nagka-amnesia, "what if An... magpaka-aksidente ulit ako para bumalik na 'yong alaala ko?"
Nakakuha naman ako ng batok sa sinabi ko, "mas tanga ka kung gagawin mo 'yon, Meng. Don't push yourself na alalahanin 'yong mga nawala, diba? It is better for you to create new memories rather than past memories..."
"Dahil?"
She shrugged and shook her head, "wala lang, adik ano? Pero stick with it Meng, maaalala mo rin naman si Alden, maybe 30 years after."
Ako naman ang gumanti ng batok sa sinabi niya. Nagtawanan na lang din kaming dalawa sa mga kabaliwan namin. Mayamaya lang din ay may kumatok sa pinto namin at ako naman ang lumapit sa pinto para pagbuksan kung sino man 'yon and when I open the door, si Alden ang bumungad sa akin.
Ngiti niya ang mga bumungad sa akin, dumaloy ang mga mata ko sa dimples niya at binalik ang tingin sa mata. Deep inside of me, kinikilig ako dahil may kaharap akong isang gwapong lalaki.
"Musta?"
"Ayos lang? Tara na."
He nodded.
"Ayan, nandiyan ka na pala, Alden!" patakbong lapit nito sa pinto. "Tara na, baka gabihin tayo sa pag-uwi eh." Ani Anja.
Lumabas na rin naman kami ng bahay na dala dala 'yong mga gamit namin na nasa na dinala namin. Habang papunta kami sa sasakyan ay napansin ko na parang sumusunod si Alden sa amin o baka pareho lang kami ng pinag-park-an ng kotse? Nang nilingon ko siya, nakatingin siya sa akin na nakangiti kaya binawian ko rin siya ng ngiti hanggat sa makapunta na kami sa sasakyan.
Papasok na sana ako nang mapansin kong nasa likod ko pa rin si Alden, so I look around to see him.
"Sasabay ka sa amin?" taka kong tanong sa kanya, tumango naman siya kaagad. "You'll not use your car?" dagdag ko pa.
Napakamot naman siya sa batok niya at sabay na umiling, "they used my car back to manila."
"Why?" kunot noo ko pang tanong sa kanya.
"Kasi sinabi kong mamasyal muna tayo?" patanong pa niyang sagot sa akin.
"Ay naku Alden at Maine, okay lang 'yan!" napalingon naman kami kay Anja. "Maine, 'wag ka na pakipot. Alden could drive us, diba?" kindat niya pa kay Alden.
Natawa na lang din si Alden sa kanya, "sure, okay lang sa akin basta..." he looks at me, "kasama kita."
"Oy ano 'yon? Di ko narinig!" protesta ni Anja.
"Wala!" tawa pa ni Alden, "tara na," yaya niya.
If I remember him. If I remember what he means to me, may tama nga kaya 'yong sinabi niya sa akin? 'Yong feeling na kikiligin talaga ako at maghahalumpasay? Kasi normal lang sa akin 'yong nangyayari ngayon between me and him, yes I feel the connection pero pati nga ba 'yong sinasabi ni Anja na nararamdaman ko kay Alden, nawala rin because of this?
Pwede ba 'yon? Memories lang naman sa isip ko ang nawala, hindi naman ang puso ko. Siguro nga may effect din. Iniisip ng utak, kaya hindi maramdaman ng puso. Haay.
Alden took the driver seat, papasok na sana ako sa likod pero hinarang ako ni Anja at pinanlakihan pa ng mata. Hindi talaga siya umalis hanggat hindi ako tumutuloy sa harap na katabi ni Alden.
"Anja naman..." pagmamakaawa ko pa.
"Ngayon lang please? Pagbigyan mo na ako." Aniya, mas nagmakaawa siya sa akin.
I sigh sign of giving up from her, alam kong hindi naman siya titigil eh. I know what acted like that, gusto niya bumalik 'yong alaala ko for me to be happy again pero kahit ano rin kasing gawin niya, wala pa rin eh. Baka nga it takes year para bumalik sa akin ang nawawala kong alaala. There's so many question na hindi naman masagot siguro kapag okay na ang lahat, magiging happy na ulit.
Pumasok naman ako sa pinto na katabi ni Alden, I smiled at him nang makapasok ako. Minsan hindi ko rin maintindihan kung bakit na-co-conscious ako sa kanya. 'Yong nakakasama ko naman siya pero kapag nagtatama ang mga mata namin, may something eh.
Siguro 'yon nga 'yong sinasabi nila sa kung anong meron kami dati.
Ano nga bang meron kami dati? Naging kami ba? Hindi ko talaga maaalala. Hindi ko nga alam kung kailan ko siya nakilala, elementary o highschool ba? Even a minimal part of him, kahit blurry version man lang, wala, wala akong matandaan.
Habang nasa kahabaan naman ng biyahe, si Anja na picture ng picture kay Alden habang nagda-drive ito. Natatawa na lang si Alden sa kanya. Before daw kasi, fan na fan siya ni Alden kahit hanggang ngayon naman daw. Hindi daw nakakasawa suportahan dahl magaling siya kahit saan and Alden neverl fail us to amaze him with his talents. Down to earth pa.
I read on the magazine na hindi naman daw talaga ang pag-aartista ang kinahiligan niya but when his parents pursue to do him, nagustuhan na rin niya 'yon. 'Yon lang ang alam ko sa kanya, nakakatawa nga lang dahil parang pangalan niya lang ang alam ko at hindi ang buong pagkatao niya. Natatawa ako sa sarili ko, hindi sa kanya.
Nag-stop over naman kami sa isang gas station para magpa-gas at bumili na rin ng snack sa mini store nito. Naiwan naman sa labas si Alden habang kaming dalawa naman ni Anja ang pumasok sa store para bumili. Habang nagtitingin ako, nakakita na naman ako ng magazine ni Alden.
"Wala ka talagang kasawaan na bumili ng magazine niya ano?" ani Anja.
"Walang makakapigil sa akin," ngisi ko pa. "It's just like knowing him kaya nagbabasa ako ng magazine niya." Sabi ko pa sakanya.
Kumuha naman kami ng isang chichirya, drinks. Nang mapunta kami sa counter ay nawindang ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko, ang nakakagulat pa doon ay tumili pa ito.
"Ay Maine!" sigaw niya.
Napalingon pa ako sa paligid ko kung sino tinutuor niya and no one else but me, napangiwi na lang ako sa kanya nang bigla siyang tumakbong palapit sa akin saka ako niyakap. May ilang tao sa store na nakapansin din, napakunot at ngiwi na lang ako dahil sinimulan na nila akong picturan.
"Anong meron?" tanong ko kay Anja na medyo in-panic na rin dahil isa isa na silang nagsisilapitan sa akin at nagpapa-picture, gora lang naman ako at picture. 'Yong iba na ang higpit ng yakap na may kasama pang kurot, hindi ko na lang pinansin kundi smile all the way lang. "Bayaran mo na kaya?" bulong ko pa sa kanya.
"Kanina pa kaya tapos." Aniya.
Hindi lang kami makalabas dahil pinapaligiran kami ng mga tao, may guard naman pero isa lang pero hindi pa rin sila nagpapaawat kundi gusto pa nila magpapicture sa akin.
"Ay salamat po," ngiti ko pa.
Mayamaya ay nabalot na naman ng sigawan ang store nang magpakita si Alden, agad akong hinawi nito palabas ng store. sinundan naman kami ng iba pero agad niya akong pinagbuksan ng pinto at pinasok sa loob. Agad niya rin namang pinaandar ang sasakyan at umalis.
Nang makahinga ako nang maluwag ay doon lang kami nagtawanan.
"Salamat Tisoy," hagikgik ko pa.
"Wala 'yon, nagtataka lang ako dahil ang tagal niyo yata sa loob 'yon pala pinagkakaguluhan ka na."
"Agad agad?" tawa ko pa.
"Hindi ba halata? They like you, Maine." Aniya. "And also I..." pero hindi na niya tinuloy 'yong sinabi niya at nauwi na lang kami sa tawanan.
More like asahan ko na daw 'yong mga gano'ng eksena dahil bilang artista, minsan iniiwasan na nilang pumunta sa public place para hindi magkaroon ng gulo. Ang hirap din pala ng buhay nila, wala silang freedom kapag gusto nilang gumala dahil anytime pwede silang lapitan. Gano'n din ba sa akin? Parang joke lang 'yong kanina, alam kong kalat na 'yong video compilation ko sa social media account at gano'n ba talaga ako kasikat para dumugin ng mga tao? Kaloka.
Hindi ako na-orient doon, ah!
At nang huminto naman kami sa isang lugar, kailangan na tuloy namin magsuot ng salamin para maiwasan ang gulo except kay Anja na hindi naman kailangan magdisguise pa. As a manager daw, safety daw muna namin ang uunahin niya.
Habang naglalakad naman kaming dalawa, sinusundan lang kami ni Anja sa likod namin.
"Masakit ba?" napatingin sabay kunot ako nang sabihin niya 'yon.
"Huh?" taka kong usal. Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya.
"Nang mahulog ka sa langit?" ngiti pa niya sa akin.
Sinamaan ko naman siay ng tingin at palo sa balikat. Nagulat siya sa ginawa ko sa kanya. "Ano akala mo sa akin, si satan na nahulog sa langit!" irap ko pa sa kanya.
"Ay hindi!" at bigla na lang siyang natawa. "Ginawa mo namang biblical 'yong pick up line ko eh," tawa pa niya.
Napataas kilay na lang ako sa sinabi niya, "ay sorry naman, pick up line pala 'yon."
Napakamot siya sa batok niya, "ulitin natin?" ngiti pa niya, naku, kailan niya kaya mapipigilan na hindi lumabas 'yong dimples niya? Sa tuwing titingin ako sa kanya, hindi mo mapipigilan na mapangiti.
Inilingan ko na lang siya, "'wag na, epic fail eh." Hagikgik ko pa.
Habang pinipigilan naming matawa pa sa kaweirduhan naming dalawa ay biglang may tumamang bola sa paanan ni Alden. Pinulot naman niya ito pero agad namang may tumawag sa atensyon namin.
"Hagis dito kuya!" isang batang lalaki naman sa di kalayuan ang nagwawagayway ng kanyang mga kamay sa ere at hinihintay na ihagis sa kanya ni Alden ang bola. Pero hindi naman ginawa ni Alden na hinagis kundi tumakbo ito palapit at binigay sa batang lalaki, sumunod naman ako. Nang makalapit naman ako, napansin ko ang pagkagulat ng batang lalaki sa amin.
"Kuya Richard?!" aniya.
Tinanggal naman ni Alden 'yong salamin niya at sinalubong na lang siya nang yakap no'ng batang lalaki. As a bonus from him pinirmahan niya 'yong bola nang bata.
"Ate pirmahan mo rin," sabi no'ng bata sa akin. Inaabot nito 'yong pentel sa akin.
"Ako?" turo ko pa sa sarili ko, tinanggal ko naman 'yong salamin ko at nagulat din ang bata nang makita kung sino 'yon.
"Ikaw 'yong sa video!" turo niya pa sa akin.
Natawa nalang din naman ako sa reaksyon niya at pinirmahan ko 'yong bola niya.
"Magboyfriend-girlfriend po kayo?" bigla nitong tanong na dahilan para magkatitigan kaming dalawa ni Alden saka natawa pagkalipas ng ilang segundo.
"Hindi," sabay pa naming sabi sa bata.
"Ay sayang," halata ang dismayadong mukha sa kanya, "bagay pa naman kayong dalawa. Sana kayong dalawa!" aniya, "Mas bagay kayo kuya Richard kaysa kay Ate Louisse." Aniya.
Ginulo na lang ni Alden ang buhok ng bata at nagpaalam na sa aming dalawa.
"Narinig mo 'yon? Bagay daw tayo." Ngisi pa ni Alden.
Tinusok ko na lang 'yong tagiliran niya at natawa na lang din siya.
"Anong meron dito?" patakbong lumapit sa amin si Anja.
"Wala naman," sagot ko sa kanya. "Tara balik na tayo sa sasakyan," sabi ko pa.
Naglalakad na kami pabalik nang maramdaman ko ang kamay ni Alden sa akin, mula sa pagkakayuko ko, nakita ko ang kamay naming dalawa pero hindi ko rin alam bigla ko na lang din inalis ang kamay ko sa kanya at binilisan ang paglalakad.
Ano ba 'tong nararamdaman ko? Naguguluhan na talaga ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro