Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Chapter 12

Tell me something


~Maine's POV

All of the scenes were taking is smooth to finish it early. Ayun, nakaka-enjoy lang umarte kahit na medyo hindi pa ako sanay pero I get myself comfortable kapag lagi akong nakakakuha ng positive feedbacks from them and I don't let myself down dahil lang sa negative but then ginagawa ko 'yong motivation para lumabas 'yong pagka-eager ko sa pag-arte even though it's not my thing pero sa araw araw ba naman, nakakasanayan ko na rin.

Minsan nakakailang take ako dahil nabubulol ako minsan, and sometimes I get distracted kapag si Alden ang ka-eksena ko. Yes, I'm still on the stage of knowing him, inaalala ko pa kung sino nga ba talaga siya sa akin.I still even read the magazine na feature siya pero mukhang wala rin naman masyadong info dahil puro showbizness ang karamihang topics doon pero I was interested kapag si Anja ang nagku-kwento sa akin. Binibitin pa niya nga ako kasi ayaw niya daw masira 'yong moment na 'yon. 'Yong tipong, ako mismo ang aalam at maghahanap ng mga nawawalang memorya ko sakanya.

Halos isang linggo na rin kami dito, and what I've known is pinakita na sa abangan ang pagkikita namin ni Alden.

I like the storyline and much about my character o role sa teleseryeng iyon. Isang turista na lumipad sa ibang bansa to find her destiny and her destiny find her. Nakilala niya 'yong character ni Alden. She like him, then gano'n din sa role ni Alden pero mas pinili ng character ko na umiwas dahil may girlfriend ito pero the thing is, whenever they met, parang kung anong naglalapit sa kanila. Na feeling ko in-reality ang nangyayari sa aming dalawa. That's why, our character will bloom a loveteam, na mistulang magiging ka-love triangle nilang dalawa. And the question to that, sino nga ba ang pipiliin ng character ni Alden and what would I do para hindi gumulo ang relasyon ng dalawa. So much interesting kaya nga minsan parang natural lang ang lahat.

Napansin ko naman si Anja na palapit sa akin at tumabi saka niya ako siniko. Siniko ko rin naman siya at natawa na lang din ako.

"Laki ng ngiti mo diyan, ah?" pansin niya pala 'yon? Masyado bang obvious, sorry naman.

"Hindi ah," tanggi ko pa sa kanya sabay taas ng kilay.

"Uyy, tama na deny!" this time, tinusok naman niya ang tagiliran ko. Muntik na akong mapasigaw at makagulo sa mga nage-eksena pero mabuti na lang napigilan ko. Gagantihan kona sana siya nang lumayo, "'wag mo na kasi, deny. Kitang kita naman eh." She grinned.

Napailing na lang ako kakangiti sa sinabi niya. Hahampasin ko sana siya pero agad siyang tumakbo at may tinuro-turo sa bandang likod ko and when I look around, I saw Alden na palapit sa akin.

Binalik ko kaagad ang tingin kay Anja pero wala na kaagad siya doon. Napahugot pa ako nang hininga bago humarap ulit kay Alden, so I look at him and show a smile.

"Next na pala scene natin." aniya sabay ngiti. Nanigas na naman ako sa kinatatayuan ko nang magpakita na naman ang dimples niya. Ang attractive ni Alden, kahit anong view, gwapo siya. Walang tapon sa kanya. 'Yong mga ngiti na kusang naglalabas ng dimples, 'yong mga mata niyang titig sayo hanggat sa matunaw ka, 'yong mapupula niyang labi na tila gusto mong hawakan but then, "Maine?"

Napailing naman kaagad ako nang banggitin niya 'yon, "ah, bakit?"

Pero tinawanan niya lang ako. I never know what to react, hindi ko alam kung anong mararamdam ko sa mga tawa niya where the fact is hindi ko siya maalala pero ito siya ngayon kaharap ko, parang walang nangyari pero still, I don't know him very well.

"Tell me something about yourself, Tisoy." Ngiti ko pa sa kanya.

Natigil siya sa pagtawa at namuo naman ang mga kunot sa kanyang noo, diretsyo ang titig sa akin na parang nabingi sa sinabi ko. Alam kong naintindihan niya 'yon kaya siya natahimik. "A-ah, bakit?" tanong niya.

I shrugged, "gusto lang kita maaalala."

"Baka masaktan ka lang kung—"

"Ha?" na-ewan ako sa sinagot sa sinagot niya.

Pero nagulat ako nang bigla siyang tumawa at inakbayan na lang ako. First, hindi ako sanay na may umaakbay sa akin pero I find him comfortable lalo na kapag naririnig ko 'yong mga tawa niya. We take few steps, tahimik kaming dalawa. Inalis na niya rin 'yong pagkakaakbay sa akin dahil nakakahiya daw.

"Paano ko ba sisimulan?" kamot niya pa sa batok niya.

"Tell me something about yourself, ahm, what's your name?" hagikgik ko pa. "Basta, it's okay kung private."

"Hindi, okay lang!" aniya.

Bumalik naman kami sa paglalakad. Medyo matagal pa naman kami sa susunod na scene dahil nakakailangan take na si Louisse hindi pa rin niya ma-perfect kahit na pinapagalitan na siya ni direk.

"Okay, Alden—"

"Henderson."

"... is my name." natulala lang siya dahil sa sinabi ko. "Akala ko ba hindi mo ko—"

"Basta, sige na, go na, tuloy mo lang." ngiti ko pa sa kanya.

"'Yon nga, Alden Henderson ang totoo kong pangalan. 25 years old na ako, bestfriend ko si Alexander. And I have a girl waiting for so long." He paused, napatingin naman ako sa kanya at nagulat ako nang nakatingin siya sa akin pero agad niyang iniwas 'yong tingin sa akin at nag-unat ng braso. "By the way, nasa tamang panahon naman ang lahat at magkakasama naman kami."

"Anong pangalan niya?"

"Huh?" bakas sa mukha ni Alden ang pagkagulat nang tanungin ko sa kanya iyon. Well, I don't know if it's me or now. Masamang manigurado?

"Sino 'yong tinutukoy mo?" I flash a smile to him.

"Ah, kasi..."

"Maine! Richard! Kanina ko pa kayo hinahanap! Kayo na ang susunod!" sigaw ng crew sa amin, medyo beastmode na rin si ateng. Sorry naman, nag-enjoy din akong kasama si Alden eh.

"Tayo na?" tanong ko.

"Oo..." he paused, "tayo na... tara na!" napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Seryoso niyang binitawan ang mga salitang iyon hanggat sa hawakan niya ang kamay ko at sabay kaming tumakbo pabalik sa set.

Nang makarating naman kami sa set, inayusan kami saglit dahil pinagpawisan kami sa pagtakbo at sinalang sa camera. Hindi tuloy maalis sa utak ko 'yong sinabi niya, paulit ulit ko siyang naririnig. Hindi ko alam pero may ibang epekto si Alden sa akin ngayon.

"Uyy, ayos ka lang?" tanong niya sa akin nang mag-cut si direk dahil nagkamali ako.

Tumango naman ako sa kanya, "sorry." Ngiwi ko pa sa kanya.

Inulit pa namin ang eksena pero hindi talaga ako makapag-concentrate lalo na sa part na magkakatitigan kaming dalawa.

"Ano ba Maine!" lumapit sa akin ang director, napayuko na lang ako. Nakakahiya, "titigan mo lang si Richard sa mga mata niya, ngayon ka pa mahihiya? May ilangan effect ba? Kayo ba? Umamin kayo!" pansin ko ang paglapit niya kay Alden, "Richard?"

"Ay hindi po, pero sana..." I heard the last word he said kaya napaangat ang ulo ko pero bigla akong napatingin kay Louisse at tinaasan lang ako ng kilay at saka nagwalk-out.

Nilapitan naman ulit ako ni direk, "Maine, alam kong baguhan ka pa lang sa ganito, hindi kita pini-pressure okay? Last shoot na rin naman natin 'to today at babalik na tayo sa manila next week. So don't feel pressure, madali lang naman diba?"

Dahan dahan naman akong tumango sa kanya.

"Oh, good! Tara na, go, go balik na!"

Muli naman akong nilapitan ni Alden at hinawakan sa magkabilang balikat ko, "sure ka, masama ba pakiramdam mo?" tanong niya pa sa akin.

Inilingan ko naman siya at nginitian, "hindi okay lang ako, nawawala lang talaga ako!"

Napatango na lang din siya sa akin at bumalik na kami sa eksena.

After the intense staring contest, chos. Natapos din ang eksenang iyon. I pat his shoulder for making the scene very well pero nagulat ako dahil niyakap niya ako and Anja saw the moment. Nang makaalis naman si Alden ay siya namang lapit nito.

"Gaga ka girl! Nakita ko 'yon!" kantyaw niya pa sa akin.

Inilingan ko na lang din siyan.

"Ano?"

"Anong ano?" taka kong tanong sa kanya. Ang laki laki nang ngiti niya na sabik na sabik sa kung ano mang sasabihin. Kinukuha rin si Anja na extra sa ilang scene at ayun, no'ng nakaraan lang, tumawag sa opisina nila at sinabing magre-resign na siya dahil magiging manager ko na daw siya and look at her, tuwang tuwa naman sa nangyayari.

"Ay ate, 'wag ka na magdeny!" kiniliti na naman niya ako. "Kita ko 'yong mga ngiti mo no'n, ano naaalala mo na ba siya?"

Na-gets ko lang siya nang sabihin niya 'yon.

"Ano? Masarap bang yumakap?" tumango naman ako sa kanye at niyugyog na niya ako, akala ko matatanggal na 'yong ulo ko sa katawan eh. Parang may lindol, kaloka! "Ano, naalala mo na ba siya?"

Bumagsak naman ang balikat ko sa sinabi niya.

"Ay, alam ko na, 'wag mo nang sabihin." Aniya, halata ko ang pagkadismaya sa mukha niya. "Tara na sa tent, mag-ayos ka na." aniya.

Tumuloy naman kami sa tent at nag-ayos para magpahinga na sa tinutuluyan namin. Nang matapos naman ako ay narinig ko bigla si Louisse na dumadada kaya nang tingnan ko siya, hawak niya ang magazine na dala dala ko.

"Sinong may-ari ng mga magazine na 'to?" tanong naman niya.

"Sa akin." tipid kong sagot sa kanya. Lumapit naman ako sa kanya para kunin ang magazine na 'yon.

"At kailan ka pa naging interesado kay Richard?" mataray na tanong nito sa akin. Niyakap niya 'yong limang magazine sa dibdib niya at mukhang wala pang balak na ibalik sa akin.

"Bakit masama bang magbasa ng mga magazine na featured si Richard?" mataray ko ring tanong sa kanya.

"Sinasabi ko na nga ba eh, may gusto ka kay Richard."

No response.

"Ngayon tatahimik ka? Ibigsabihin totoo—ouch!" napasigaw siya nang biglang agawin ni Anja sa kanya ang mga magazine. Inabot naman sa akin ito ni Anja nang makuha niya.

"Inggit ka 'no?"

"Mga bwisit!" at nagwalk out ito. Natawa na lang 'yong ibang nasa loob ng tent at ang glam team ni Louisse ay sumunod na lang sa kanya sa paglabas.

Hinarap ko naman si Anja. "Sana hindi mo na lang ginawa 'yon."

Tinaasan naman niya ako ng kilay, "ayokong inaapi-api ka Meng dahil baguhan ka, manager mo ako. Pagtatanggol kita kahit anong mangyari." Kampante nitong sagot sa akin at niyakap.

"Panindigan mo 'yan ha." Ngisi ko pa sa kanya.

Pagkatapos naman namin mag-pack up ay lumabas na rin kami ng tent at nagulat ako nang bumungad sa amin si Richard.

"Anong nangyari kanina?" tanong nito sa amin.

"Ah, wala naman." Ngiti ko pa sa kanya.

"May ginawa daw sayo si Louisse eh." Aniya pa.

"Ah, wala 'yon," tapik ko sa balikat niya. "Mauuna na kami, Tisoy!"

"Wait!"naramdaman ko naman ang paghabol nito sa kamay ko, napatingin naman muli ako sa kanya, "magiikot pa kayo dito sa batangas?" tanong naman nito sa amin.

Napatingin naman ako kay Anja pero kibit balikat lang siya, nilingon ko naman si Alden, "oo baka bukas tapos babalik na nang manila." Sabi ko naman sa kanya.

"Pwedeng sumama?" tanong naman nito.

Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Anja.

"Oo Alden, gora lang."

"Sige, bukas na lang!" aniya at nauna nang umalis.

"Bakit mo pa sinama?" asar kong tanong sa kanya.

"Kala ko ba gusto mo siyang maalala? Now it's the time para makilala mo siya nnag lubusan, maybe nawala nga 'yong mga alaala mo noon sa kanya and this time to create new memories with him, diba?"

Tumango na lang ako sa kanya biglang pagsang-ayon, "edi wow," tawa ko pa.

Pumanik na kami sa sasakyan at si Anja na ang nag-drive ng sasakyan. Habang nasa kahabaan nang daan, bumalik na naman sa isipan ko 'yong mga sinabi ni Alden sa akin kanina.

He stills wait for that girl... and that girl he's talking about is me?

Pero anong gagawin ko kung hindi ko siya maalala? Ayokong isipin na nasasaktan ko siya dahil siguro kapag naalala ko naman ang lahat, magiging masaya ulit na babalik na sa normal ang lahat.

Na 'yong sinasabi niyang tamang panahon ay matuloy na.

Sana nga pero hanggang kailan pa?



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro