Chapter 11
Chapter 11
Back-off
Habang nagkakasayahan naman silang lahat, nag-excuse naman ako sandali para pumunta lang ng cr. Nakaka-overwhelm 'yong pagtanggap nila sa akin as a part of the team. Nakakatuwa lang dahil sa feedback na binibigay nila sa akin, okay naman daw pala kahit on the spot ang acting ko, may ibubuga naman daw. Nakakahiya lang dahil puro appreaciation ang natatanggap ko.'Yong tipong kalokohan lang, naglevel up at nangyari 'tong hindi ko inaasahan.
Habang naghuhugas ako ng kamay ay napatingin ako sa pinto at pumasok si Louisse. I Smiled at her at gano'n din naman siya sa akin. She's pretty, maputi at maganda ang mga ngiti niya. Nilapitan naman niya ako.
"Hi Maine," aniya.
"Hi din Louisse." Ngiti ko pa sa kanya. Humarap din naman siya sa salamin, naghugas ng kamay. Nakatingin lang ako sa kanya hanggat tingnan niya rin ako.
"Maganda ka nga in person," puna naman nito sa akin.
"Ay, hindi naman." Sabi ko pa sa kanya.
"Pa-humble pa," ngisi nito. Hindi ko na lang din pinansin kung ano 'yong sinabi niya dahil medyo pabulong lang. "By the way, congrats dahil naging part ka nang teleserye na 'to. Kung nababalitaan mo, our show had a high ratings so hindi ko alam kung bababa kapag pinalabas ang episode na kasama ka na." aniya pa.
"Tingin mo? bababa ang ratings kapag kasama ako?" sabi ko pa sa kanya.
She nodded while putting up red lipstick, "yah, and I don't know what should they do kapag inalis ka nila dahil nakasira ka sa teleserye, diba?" aniya.
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "sa tingin ko, hindi naman nila ako ipapasok sa teleseryeng ito kung magiging flop lang din pala ako dito. Saka hindi pa naman lumalabas ang mga episode na kasama ako and I've got good feedbacks galing sa kanila." Tugon ko naman sa kanya.
"Talaga?" ngisi pa niya sa akin. "Good feedbacks talaga?"
Tumanho naman ako, "oo, na okay naman daw pala akong umarte. Hindi trying hard—"
Pero napatigil ako sa pagsasalita ko nang bigla siyang tumawa, "you know, sinasabi lang nila 'yong para hindi ka ma-offend. Ginagandahan lang nila ang feedback nila sayo dahil baguhan ka lang pero for sure, hindi ka naman bebenta." Dugtong niya pa.
Hindi ko na alam kung saan o anong gustong ipahiwatig ni Louisse sa mga sinasabi niya sa akin kaya naman naglakas loob na ako na tanungin kung ano man ang pinupunto niya.
"Sorry Louisse pero hindi ko makuha kung bakit ganyan ang reaksyon mo sa pagpasok ko sa teleserye na 'to?"
"Syempre ako ang bida." Diretsyo nitong sagot sa akin.
"Ah, okay." Simple kong sagot sa kanya.
She laughed, parang asong ulol—di joke. Parang witch lang, 'wag muna maging hard.
"So, if this is your chance na sisikat ka? Please back off. Wala kang spotlight sa pag-aartista. Isa ka lang namang social media's fame. Hanggang doon ka lang."
"Okay," kibit balikat ko pa sa kanya.
"Nang-aasar ka ba?" taas kilay nitong sagot sa akin. Pak na pak ang kulay ng labi niya, kulang na lang ay pumutok sa sobrang pula nito.
Umatras naman ako dahil lumapit siya sa akin. Ayoko nang gulo, and I don't started it.
"Hindi ah," sagot ko naman sa kanya.
Then she rolled her eyes unto me, "okay, better step away from me. 'Wag na 'wag kang magbabalak na kalabanin ako. You don't know me, Maine." She said saka binuksan 'yong gripo at sinahod ang palad at nagulat na lang ako nang isaboy niya sa akin 'yon.
Nakangisi lang itong lumabas ng pinto.
Kulang na lang ay manggigil ako sa ginawa niya. Kumuha ako ng tissue at pinunas sa damit ko at mukha. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya. Hindi ako lumalaban lalo na kapag wala namang sapat na rason 'yong pinaglalaban niya. Wala lang siya sa lugar.
Hinayaan ko na lang na basa 'yong red dress ko. Pagbalik ko sa table ay naupo ako.
"Oh, bakit basa 'yang damit mo?" tanong naman ni Anja sa akin.
Binalingan din ako nina Alden at nang iba pa dahil sa lakas ng boses niya.
Napatingin ako kay Alden nang magsalita ito, "did you do something to her?" tanong nito kay Louisse.
Gusto ko sana sumabat nang magsalita si Louisse, "no, bakit ko naman gagawin 'yon sa kanya?" sagot nito.
"Napalakas lang kasi 'yong bukas ko sa gripo." Sabat ko na.
"Astig pala sa cr ng girls ah, abot braso?" biro pa nito. Binatukan na lang siya ni Alden at bumalik ang lahat sa pagkain.
Hindi na lang din ako kumibo sa tuwing mag-uusap usap sila. Napapangiwi na lang ako kapag magtatawanan sila. Hindi ko na pinansin si Anja sa pangungulit niya sa akin kung ano ba daw talaga nangyari pero hinayaan ko na lang muna ang lahat.
Natapos naman ang lahat at akala namin makakapagpahinga na kami dahil sasabak daw uli kami sa taping kaya naman sumunod ang lahatg sa next location namin.
"Sabay ka na sa akin, Maine." Nakangiti pang-anyaya ni Alden sa akin.
Nilingon ko naman si Anja sa gilid ko, nakangiti siya pero sa iba nakatingin kaya naman binalik ko ang tingin kay Alden.
"Dala kasi—"
"Oo Alden, sasabay si Meng sayo." Tulak pa nito sa akin. Halos bakas ng gulat at taka ang mukha ko sa sinabi niya. Hinawakan naman niya ako sa magkabilang balikat ko, "at Meng, mauuna na ako sa tinutuluyan natin ah? Alden could drive you home."
"Anj—"
At hinarap ako ni Anja kay Alden, "okay daw, Alden. Sige, sabay na kayong dalawa."
"Anja!" saway ko pa sa kanya.
"Ano ka ba, Meng! Bata lang ang peg? Sumama ka na kay Alden, magpapahinga na lang ako sa bahay."
Napabagsak naman ang balikat ko at inarapan ko siya, "ikaw ang matutuluyan sa akin, Anja." Dinilaan lang ako ni Anja habang papunta doon sa sasakyan, "nakakaasar si Anja." I hissed.
"Ah, ayaw mo ba ako kasabay?" napatingin naman ako kay Alden.
"Ay, hindi! Okay lang Tisoy." Ngiti ko pa sa kanya.
"Tara na?" aniya.
"Sige, tara na." nauna naman siyang maglakad papunta sa sasakyan niya. Medyo hindi pa rin ako sanay sa kanya dahil all from the words na sinasabi ni Anja sa akin, 'yong mga pinagku-kwento niya tungkol kay Alden. Feeling ko kilala talaga namin ang isa't isa pero nahihiya ako sa kanya ngayon kasi kahit ano, hindi ko alam eh. May nabasa ako tungkol sa kanya sa magazine pero alam kong hindi 'yon sapat.
"Okay ka lang?" tanong nito sa akin.
Napangiwi naman ako sa kanya sabay na tumango.
Nauna naman ako nang van niya. Hinintay ko naman siya na pumasok din pero binuksan niya ulit 'to.
"Mukha ba akong driver?" hagikgik pa nito sabay kamot sa ulo.
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "ah, hindi naman."
Pansin ko ang pag-iwas niya nang tingin at pagbaling ng pagtawa niya hanggat sa maintindihan ko na kung ano gusto niyang iparating sa akin. Nako naman! Pati ba naman jokes? Nakalimutan ko na ring maka-pick up? Ayon ba ang nadadala nang amnesia. Nakaka-slow.
"Sorry, hehehe." Ngiwi ko habang lumabas sa van niya. Pinagbuksan naman niya ako pinto at nang makapasok naman ako ay sinarado na niya at tumuloy sa kabilang pinto.
Nginitian niya ako nang makapasok siya.
"Tara na!" napatingin kami sa likod nang makita namin si Alexander na sumakay sa likod namin. Napataas siya nang kilay nang makita kaming dalawa na nakatingin sa kanya, "may ginagawa ba kayong dalawa na private?" aniya.
Napansin ko ang reaksyon ni Alden, nanlaki ang mata niya at gustong batukan si Alexander sa sinabi niya.
"Baliw, wala naman." Sagot ko naman sa kanya.
"Edi wala, tara na!" pag-iiba naman niya.
Nakatingin lang ako sa harap nang biglang bumungad sa harap ko si Alden na parang may kinukuha sa gilid ko at napaatras siya at nginiwian ako, "'yong seatbelt kasi,"
"Ah!" matatawa tawa ko pang sabi, "kaya ko naman, salamat." Saka ko ito kinuha at sinuot.
"Mukhang nakikita ko na ang daan sa tamang panahon ah!" singit ni Alexander.
"Baliw!" tawa pa ni Alden. "Manahimik ka na nga lang diyan!"
Tahimik lang naman kami sa biyahe namin. Nakaramdam pa ako nang antok. Mga thirty minutes din nang makarating kami sa location namin. Ginising na lang ako ni Alden pati na rin si Alexander.
"Nandito na tayo," aniya.
"Salamat sa pagsabay." Ngiti ko pa.
"Ah, ako maghahatid sayo mamaya diba?" aniya.
"Ah,"
"Oo diba!" sabat naman ni Alexander.
Tumango na lang din naman ako sa kanya, "sige, mamaya na lang." at sumundo na ako sa mga staff para ayusan ako.
~Alden
Mga ilang minuto ko rin siyang tinitigan. Kahit ilang minuto lang ang lumipas, pakiramdam ko nasa tamang panahon na ako. Ayokong isipin na hindi niya ako nakikilala o natatandaan man lang dahil nangingibabaw sa akin kung paano ko mabubuo 'yong mga araw na sana nakasama ko na siya.
Maine, I can't wait for you to remember me. Wala akong pakelam kung hindi mo ako makilala, masakit isipin pero nakikita ko na mas magiging malapit tayo sa isa't isa. Ramdam ko dahil mahal kita.
ugq[
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro