Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Chapter 10

Kaba


"Cut! Focus, Richard!" sigaw ng director sa akin.

"Sorry, direk." Pagpaumanhin ko naman.

"Ayusin mo na Richard, ayokong habulin ang oras, okay?" medyo beastmode na si direk kaya kailangan ko na talaga ayusin pero kasi, I easily get distracted dahil...

Maine patted me on my shoulder, "relax ka lang, Tisoy." She said and smiled.

Ewan ko pero napangiti at kung anong naramdaman ko sa dibdib ko. Her touch on mine, parang hindi ako makapaniwala na sa haba ng panahon, nakakasama ko na siya. At saka 'yong feeling na gusto mo na umulit ng umulit dahil ayaw mong umalis si Maine sa harap mo at siya lagi ang makakasama mo. This moment is need to be treasure.

"Go na tayo," ngiti ko pa.

Nagroll na ulit si direk. Ilang beses na kaming pauulit-ulit to make the perfect scene at dahil sa pangchi-cheer sa akin ni Maine. Makakaya namin 'to.

"Miss nalaglag panyo mo." pulot ko naman at inabot sa kanya.

On a cue na dahan dahan siyang lumingon sa akin. Tila nagslow-motion ang lahat sa paningin ko. Naging blur dang paligid at sa kanya lang nakasentro ang mga mata ko. Ang mga mata niya na kusang nangungusap. Hindi ko maipaliwanag. Kakaibang ganda talaga ang tinataglay ni Maine.

"Oh, thank you..." and our hands touch each other. Nagkatitigan kaming dalawa. "You are?"

I smiled, ito na talaga! "Miko," at inabot ko naman ang kamay ko.

"Anna," at nakipagkamay siya sa akin. "I have to go, thank you ulit." At saka siya umalis.

"Cut!" sigaw ng director, "very good Richard, parang totoo kung makatingin ka kay Maine," napakamot na lang ako sa ulo ko dahil totoo naman 'yon lahat eh, when I look at Maine. Nakangiti lang siya, she never loses her smile, ang ganda niya kahit saang anggulo. "Okay, next scene, Louisse papasok ka na! Okay 1, 2...3. Action!"

"Miko!" tumalikod naman ako para harapin si Louisse. At nagulat ako nang biglang sinalubong niya ako ng yakap.

"Cut! What was that Richard? Ang epic ng reaction mo, ulitin natin!" sabi naman ni direk.

Napabuntong hininga naman ako. Sino ba naman kasing hindi magugulat kapag gano'n ang ibubungad ni Louisse diba? Hindi ako na-orient 'don.

"Ulit ulitin lang natin Richard, mas gusto ko 'to kaysa sa inyo ni Maine." Ngisi pa niya.

"Ayoko nang patagalin 'to, Louisse, marami pang scene na gagawin." Ngisi ko naman sa kanya.

Inirapan na lang niya ako at bumalik sa pwesto niya sa simula. Tumalikod ulit ako at nang magtagpo ang mga mata namin ni Maine, napaiwas kaagad ako nang tingin pero pansin ko ang paghagikgik niya. Kaasar! Ano 'yon?

Mabilis na rin namang natapos ang scene namin ni Louisse. Ginawa na rin namin ang mga susunod na scene, habang wala pa naman ako sa scene at si Maine ay susunod na rin, nilapitan ko naman siya.

"Kaya mo pa ba?" tanong ko sa kanya.

Tinawanan lang naman ako nito, "oo naman, medyo nakaka-haggard lang pala." Hagikgik pa niya. "Pero keri lang."

"Ganda mo pa rin kahit pagod ka na,"

"Ay ngayon mo lang ba nalaman?" pinalo pa niya ako sa braso niya. "Ay sorry feeling close lang." aniya na parang nahiya bigla.

"Ay hindi, 'no!" sabi ko naman sa kanya. "Wala ka naman dapat ikahiya sa akin eh."

Nginitian lang naman niya ako.

"Pwede din ba kitang tawaging Meng?"

Napatingin naman siya sa akin na medyo nagtataka at sinabing, "oo naman, bakit?"

"Ah eh, kasi," buntong ko pa. Napansin ko rin ang pagtawa niya nang mahina. "Madalas kasing tawag sayo ni Alexader ay Meng kaya ngayon nagpapaalam akong pwede din ba kitang tawagin no'n?"

She smirked, "ay ano ka ba Tisoy, di mo na kailangan magpaalam pa sa akin. Though 'yong mga tumatawag sa akin ng Meng or Menggay is malapit talaga sa akin..."

"And...?"

"And now you're one of them." Ngiti pa niya.

Yayakap na sana ako sa kanya nang biglang humarang si Anja sa pagitan naming dalawa, "sorry Alden, kailangan na si Maine sa next scene." At nag-make face siya sa akin na 'wag ko muna daw magawa-gawa 'yon.

Galawang breezy pa more!

Napakamot na lang ako sa batok ko, "sige, see you mamaya sa dinner." Sabi ko pa sa kanilang dalawa at bumalik na lang sa loob ng tent. Naabutan ko naman si Alex na naglalaro sa phone niya, inabot ko naman 'yong unan na malapit sa akin at hinagis iyon sa kanya at parang parang ewan na biglang sumigaw.

"Shit ka bro, natalo tuloy ako!" asar niyang sabi sa akin.

Natawa na lang din akong lumapit sa akin, "papagalitan ka ni direk, ang ingay mo." ngisi ko pa.

"Baliw ka kasi!" tulak pa nito ng braso niya sa akin.

"Biro lang, may kwento lang ako sayo."

"Oh ano na naman 'yan? Tungkol na naman kay Meng?"

Napangisi na lang ako sa sinabi niya at nilingon niya naman at inilingan.

"Sabi na nga ba eh, masaya ka kasi nakakasama mo siya ngayon pero don't get easy to it Alden. 'Wag mong gawing tambayan ang panahon ngayon, alam mo naman na hindi permanente ang lahat ngayon. Tandaan mo, hindi ka naaalala ni Meng at kung ano man ang alam niya sayo ngayon 'yon ay kung ano ang nakikita niya sayo ngayon. Siguro nga, hinahayaan pa natin kung anong sunod na mangyayari pero Alden isipin mo rin kung ano pwedeng mangyari bukas."

Napakunot noo na lang din ako sa sinabi niya, "saan ka humuhugot, Alex?"

Ngisihan niya lang ako, "sabi ko nga diba, kahit ilang buwan ko nakakasama si Meng noon, alam ko pa rin 'yong mga nararamdaman niya noon. 'Yong will niya na mahanap ka niya and when the time comes na maalala ka na niya, ano na kayang mangyayari?" aniya.

I shrugged, "pero diba, before the accident. Ramdam ko na sabik na sabik din siyang makita ako, gano'n din naman ako eh. Alam ko 'yon, Alex."

Kinibitbalikatan niya lang ako, "then it wasn't the right time, Alden."

"Hanggang kailan ko nga kaya hihintayin ang tamang panahon?" buntong hininga ko pa.

"Malay mo, it will never be happen."

Binatukan ko naman siya, "everything happens for a reason and I know there will come a time na magiging tama na ang lahat. Na nasa tamang panahon na kaming dalawa."

"Ang lalim mo Alden pero isipin mo na lang na malayo-layo pa ang tamang panahon." Aniya at bumalik sa paglalaro ng phone niya. "'Wag ka nang mag-isip isip diyan, par. I-cherish mo na lang muna 'yong moment na nakakasama mo siya." Aniya.

Tama nga naman si Alex, may maganda namang rason kung bakit nangyari 'to, ito na 'yong time na makikilala ko pa siya ng lubusan pero 'yon nga nakakalungkot lang dahil hindi niya ako natatandaan and this is the perfect time para makilala niya kung sino nga ba talaga ako sa buhay niya.

~Maine's POV

Inabot kami ng alas nueve para lang matapos 'yong scene ngayong araw. Medyo nakakaba lang kapag naka-roll na ang mga camera, minsan nawawala ako sa dialogue ko at adlib na lang minsan and I was congratulate by our director dahil for being a first timer daw ay isa na ako sa mga mabilis niyang kuhaan. And I'm thankful for that.

Pagkababa namin ni Anja ng kotse ay pumasok na kami ng restaurant at tinungo ang seats kung saan nandoon na ang iba kong mga kasama. They waved at us at lumapit na kami sa kanila.

"Dumating na ba sina Maine?" napatingin naman ako sa lalaking bumanggit ng pangalan ko and when I look at him, napangiti na lang ako. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makita ako sa harapan niya, nagpakita tuloy ang napakalalim niyang dimples. "Andiyan ka na pala," ngiti pa niya sa akin.

"Kakarating ko lang din," sabi ko naman sa kanya.

"Ay Meng, kanina ka pa kasi hinihintay niyan eh." Sabat naman ni Alex.

"Ako, hindi ba?" napalingon naman ako sa nagsalita at si Louisse na kadarating lang. "Joke lang!" peace sign niya pa.

Napangiwi na lang din ako sa kanya.

We started our dinner. Nagkwentuhan na rin sa mga sunod na gagawin. At sabi pa ni direk na after ng teleseryeng ito ay may kasunod daw agad ako. Para daw kasing professional pero I don't see myself sa sinasabi nila. Pero nakaka-overwhelm kung 'yon ang tingin nila sa akin and it means, nagagawa ko nang tama ang trabaho ko.

Siguro mas mamahalin ko pa 'to.

"By the way, Richard," napatingin naman lahat kay direk at kay Tisoy na rin. "Do you mind courting Maine?" muntik na akong mabilaukan sa sinabi ni direk. Halos 'yong mga katabi ko ay natahimik pero napalitan naman kaagad ng kantyawan ng simulan ni Alexander.

"Wala diba, Richard?" ani naman ni Louisse.

"'Wag ka muna maingay Louisse, si Richard ang tinatanong ko." tugon ni direk sa kanya. Basag siya doon ah! Sabat pa more!

At maging ako ay nag-aabang ng isasagot niya. Bahagya pa siyang napalingon sa akin at huminga ng malalim, "if there's a chance, why not?" ngisi pa niya.

Ako naman ang binalingan ng asra ng mga kasama ko. Pansin na pansin ko ang matatalim na tingin ni Louisse pero hindi ko na lang siya tiningnan.

"Ano sagot, girl?" siko pa ni Anja sa akin.

Napalunok pa ako ng laway bago sumagot, "I want to know him more,"

"Ayos! Forever na 'to!" sigaw naman ng ibang co-actors ko.

Nahiya naman ako bigla. Napatingin naman kay Alden at nakangiti lang siya. Alam kong ang babaw no'n pero 'yon naman talaga eh. It starts with getting to know each other.

Kung may naaalala lang kasi ako hanggang ngayon tungkol sa kanya, bakit hindi pa ngayon? Chos!



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro