Chapter 1
Chapter 1
Those 3 years
3 years past were everything seems to be fine and happy. Oo for me, naging masaya naman ako this past few years. Though hindi ko pa rin maaalis sa sarili ko 'yong feeling na nasayangan ka sa chance na 'yon pero life goes on nga naman, hindi naman ako nawawalan ng pag-asa na magkita ulit kami. Biglaan man ang pagkikita namin pero na-assure ko na sa sarili ko na hindi lang trip ang lahat. Na kumbaga, pinaglalaruan ka ng tadhana dahil hindi. Mukhang 'yong biglaan na pagkikita namin, may reason behind on it pero hindi ko lang alam kung ano 'yon.
Nasa tamang panahon nga ang lahat, matuto lang tayong maghintay dahil lahat ng chances darating din naman 'yan. Kasi kung minamadali mo ang lahat, maaaring mawala agad at hindi mo man lang na-secure 'yong moment na 'yon.
Hindi man lang nagtagal ng ilang minuto. Tapos agad. Ang sakit diba?
Oo nga pala, graduate na ako. Syempre with the course I took up, HRM. Nag-ojt ako sa ibang bansa, sa isang restaurant. Sabi pa nga ng parents ko na mag-stay na lang ako doon at doon na lang daw ako maghanap ng trabaho pero ayoko. Sarili ko mismo ang tutol sa sinabi nila.
Mas gusto ko dito. Nakakasama ko sila. Nakikita ko ang mga kaibigan ko. Masaya, 'yon lang.
Sa tatlong taon, wala na akong balita sa kanya. Hindi na kami nagkikita. Sa condo ko pa rin naman ako nagi-stay pero 'yon nga, lumipat sila tatlong taon na, matapos ang hindi inaasahang pagkikita namin kaya si Anja, nagbabalak na lumipat pero sabi ko 'wag na dahil mas malaki naman ang mini mansion nila kaysa sa unit na balak niyang lipatan saka wala na naman siyang aabangan dito. Wala na. Umalis na. Hindi na nagpakitang muli.
Office break namin kaya nakatambay ako sa coffee shop, sa loob lang din ng building na pinagta-trabahuan ko. As usual, lagi kong nagiging tambayan ang mga ganitong lugar. Relaxing na at mabango pa ang paligid.
I was browsing some pages on the magazines I read nang mapunta ang pahina sa lalaking may dimples sa kaliwang pisngi.
And it was Alden.
Still sikat pa rin pala siya. Mas kinikilala na siya ngayon bilang isang actor. Dati lamang ay isa siyang model at commercials pero nagayon halos nagpapaiyak, nagpapakilig at nagpapatawa na siya sa mga manonood. Hindi pa ako nakakapanood ni isa ng mga palabas niya, ayoko kasing makita na masaya na pala siya na wala ako.
Yeah, sino ba naman kasi ako? I'm just Maine Alvarez. Waiting for his Tamang Panahon. Saka mukhang masaya naman siya sa career niya ngayon, siguro wala siyang doubt ngayon sa nangyari sa amin. Syempre, career first before anyone, gano'n ba 'yon? Ewan.
Nakakatawa lang kung tutuusin dahil noon wala akong idea sa kanya. He's using his screen name Richard Howerdson and that makes everyone know him being Richard kaya noon wala akong pakelam sa kanya, kahit na sikat siya, pake ko ba? And when everything sums up na si Richardc pala ay si Alden, naiiyak na lang din ako na natatawa dahil hindi man lang sumagi sa isip ko na pwedeng maging isa lang isa.
Maaari naman kasi 'yong dimples na magkapareho sa iba. Na kahit sino pwedeng magkaroon kaya ang naging palatandaan ko sa kanya is 'yong scar niya beside his eyes. Iyon, iyon ang alam ko sa kanya kaya kahit nandiyan na si Richard, hindi ko iniisip na siya si Alden dahil alam kong imposible pero nakakagulat kung tutuusin na 'yong binubully noon, siya na ang tinitingala ng mga tao.
He's down to earth, mabait, magalang, mapagmahal at bonus na lang sa kanya ang pagiging pogi. Alden is perfect human being. Kung isa akong damsel in distress, si Alden na siguro ang knight in shining armor ko.
Masaya siya, I can see on his smiles. Lalo na sa dimples niya na mapapangiti ka rin.
Ang dami palang pinagbago sa features niya. Three years ago, I saw some pictures of Alden on their unit at slim siya no'ng highschool days niya at nandoon pa rin ang peklat niya. Yeah, totoy na totoy siya pero hindi ko akalain na makikita ko siya ngayon na ubod ng gwapo.
Iba na ang dating ng isang Alden.
Ano kayang ginagawa niya ngayon? Ano kayang nararamdaman niya ngayon? Nakangiti rin kaya siya gaya ko? Masaya kaya siya ngayon? Paano ba ulit tayo magkikita? Gagawa na ba ako ng paraan para hatakin ko na ang tamang panahon para sa atin o hayaan kong dumating ito sa atin?
Kung iisipin na parang ang labong mangyari na nang lahat. Na nasa taas ka, nandito lang ako, nakatingala sayo.
"Maine, okay ka lang?" napatingala naman ako nang tawagin ang pangalan ko. At may naramdaman naman akong tumulo sa kamay ko kaya nang tingnan ko 'yon, umiiyak ba ako? I wipe my tears at tiningnan ko siya.
I smiled, "oo, okay lang ako."
"Pero umiiyak ka? Hindi kailanman naging okay ang pagluha."
"Eh pa'no 'yong tears of joy?" protesta ko pa sa kanya.
"Joy? Nasan ang joy na sinasabi mo? You're staring at Richard's picture then you suddenly cry. Why?"
I shook my head and look away, "ano ka ba girl, pwedeng napuwing lang okay?"
I heard her sigh, "okay, sabi mo eh." Aniya at umalis na.
Bakit ba nangyayari 'to sa akin? Whenever I think of him, naluluha na lang ako. Kahit na alam kong may rason naman kung bakit siya lumayo na lang bigla sa akin. Hindi ko na kailangan alamin pa 'yon. Sa loob ng tatlong taon, sa tuwing maaalala ko siya, naluluha na lang ako. Hindi naman big deal sa akin, hindi naman ako nasaktan.
Hindi ko inisiip na niloko niya ako na kung ano ano pang ginawa niya para lang makausap ako pero masaya nga ako dahil gumawa siya ng paraan para magkausap kami kahit hindi ko alam na siya na pala 'yon. Masaya ako sa nangyari na 'yon, siguro hindi pa rin ako nakakamove-on sa pangyayaring 'yon.
I stood up at tumungo ako sa cr para mag-retouch. Medyo namumula-mula ang mata ko, you're 20 now Maine. Alam kong makakaya mo naman ang lahat. Pagkatapos ko ay lumabas na ako at tumungo na sa HR department. Wala naman akong ginagawa kundi kung ano-ano na lang nilaro ko sa phone ko. Tago rin naman ang pwesto at hindi gaanong hagip ng cctv kaya pwedeng gawin kung anong trip ko.
Mayamaya lang din ay may tumatawag sa phone ko and when I check it, si Anja pala.
"Napatawag ka Anja?" bungad ko sa kanya.
"Ay wala muna bang hello?" aniya sa kabilang linya. Ang arte, leche.
"Oh, hello, Anja?" I roll my eyes.
"Ayan, hello din Meng!"
"Oh? Ano bang sasabihin mo?"
"Kain tayo later, I mean Friday naman kaya sa labas tayo kain." Aniya.
I sighed, "na naman? Kahapon lang tayo lumabas tayo ngayon ulit?"
"Iba naman kasi 'yong kahapon at may iku-kwento ako sayo." Aniya.
"Okay, fine, kita na lang tayo later."
"Sige, bye! See yah!" at binaba na niya ang phone.
Napahikab naman ako nang binaba ko ang phone ko. Hinarap ko na rin naman 'yong mga kailangan ko pang gawin. Hindi naman gaanong ma-trabaho, keri lang. Sabi nga nila dapat nag-apply na daw ako sa isang restaurant para instant chef pero ayoko muna nang ma-trabaho, chill chill lang muna after I spend my four years sa course ko. Chill lang muna sa trabaho ko.
About Anja, she's a receptionist sa isang hotel sa Makati. Malapit lang din naman sa kanila kaya push na push niya 'yon dahil malaki rin naman daw ang sahod nila doon. Bilang lang din kasi sa amin ang nakapag-ojt sa ibang bansa at kabilang ako doon, masaya at nakakahome-sick lang at isa pa, kilala pala doon si Richard kaya kapag pag-uusapan nila 'yon, umiiwas na lang ako ng topic.
Hindi naman nila alam kung anong meron sa amin kaya wala silang idea.
Matapos kong gawin ang ilang papers ay naglaro na lang din ako phone ko na kung ano anong app. Download nito, download niyan. Kung anong ma-trip-an, go lang! At 'yong iba naman ay pinost ko online, wala lang trip ko lang, pake ba?
After a long hours, natapos din ang work ko. Nag-retouch lang ako saglit sa cr, lipstick at konting pulbo lang naman. Simple lang talaga ako, walang arte. Kaya kong lumabas at mag-gala-gala sa kung saan na walang patong na make up ang mukha. Ano bang pake nila kung hindi ako naka-make up? Makakabawas ganda ba? Hindi naman diba? Natural na kasi.
Hinintay ko naman si Anja sa mall sa pasay. Doon na lang daw kasi kami maggagala. Habang nasa biyahe, nakasandal ang ulo sa bintana habang nakatingin sa view sa paligid. Aircon ang bus kaya yakap yakap ko ang sarili ko. Nang madaanan namin ang billboard ni Alden, alam kong maraming napalingon na mata sa billboard niya. Head turner naman kasi talaga ang kapogian ni Alden. Natural din, hindi nagbago noong high school days niya. Nawala lang 'yong peklat niya sa tabi ng mata.
Tanong na lagi sumasagi sa isip ko, paano nangyari 'yon?
May tumabi sa akin sa bus, lalaki kaya umayos ako nang pagkakaupo. Nakatingin pa rin ako sa bintana, minamasdan naman ang padilim na kalangitan. Ang bilis lang ng panahon, sobrang bilis lang dahil hindi ko inakala sa sobrang bilis maaari palang marami ding magbago.
Mga thirty minutes nang makarating ako sa meeting place namin at nakita ko kaagad si Anja na parang gaga na ewan.
"Anja!" patakbo siyang niyakap niya ako.
Nabigla pa ako dahil ang higpit ng yakap niya sa akin, "akala ko kung anong nangyari sayo." Aniya.
Natatawa naman akong nilayo siya sa pagkakayakap sa akin, "ano bang nangyari sayo? Para kang ewan."
"Tinatawagan kasi kita, bakit hindi ka sumasagot? Laging out of coverage ang sagot sa akin." aniya.
Napakunot at nagtaka naman ako sa sinabi niya, "ikaw? Tumatawag? Bakit parang wala naman?"
"Sige nga, tingnan mo phone mo." aniya.
I searched my phone on my bag pero biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko nang hagilapin ko ito pero wala, even my wallet.
"Nadukutan ako, An-an." Tulala kong sabi sa kanya.
"What? Saan?" aniya.
Inisip ko naman at doon kaagad pumasok sa isip ko ang lalaking aligaga sa tabi ko kanina sa bus. Napasapo na lang ako dahil hindi ko kaagad naisip 'yon. "Ang casual naman kasi ng dating niya, hindi ko akalain na madurukot pala 'yon! Mabuti na lang hindi doon nakalay ang atms ko."
"Ano lang nakuha mo?" aniya.
"Phone at 'yong laman ng wallet ko na pera."
"Magkano naman 'yon? Pa'no na ang Friday night natin?"
I sighed, "you'll treat me, malapit na rin naman ang payday so, ikaw na muna. Malaki naman ang sahod mo. Libre mo na ako, dahil kasi sayo nadukutan pa ako!" sabi ko pa sa kanya.
"Ay sinisi mo pa ako, ano ba kasing ginagawa mo? Tulog ka or iniisip mo na naman si Richard aka Alden ng buhay mo."
"Shut up, Anja." Irap ko pa sa kanya.
"Anyway, tara na nga." Aniya at naglakad na kami papunta sa kung saan man kami kakain today.
Habang kumakain na kami ay nag-usap usap lang kami. Alam na daw niya kung saan nakatira ngayon si Alexander and she wanted to come over to his condo pero binawalan ko siya. Eh ayoko eh. Gusto ni Anja si Alexander ngayon na dati kay Richard daw siya pero nang malaman niyang hopeless naman daw siya do'n, pipiliin na lang niya si Alexander para mas malaki ang chance.
Sabi kasi niya, mas bagay daw kami ni Alden. Mas may future kaming dalawa.
Ngayon pa nga lang, hopeless na mangyari ang mga sinasabi niya, na malulungkot ka na lang bigla dahil hindi mo alam kung hanggang kailan mo hihintayin ang tamang panahon.
"Hindi ka pa rin sumusuko ah, tatag mo kay Alden." Aniya.
"Siya na naman kasi ang nagsabi noon, hindi pa iyon ang tamang panahon kaya ngayon umaaasa ako na one of these days, it will happen."
"Sabagay, pero alam mo ba, may nalilink kay Alden ngayon, syempre artista rin. Maputi, maganda at magka-vibes sila. Do you think na mafa-fall si Alden sa kanya?"
"Sino ba 'yon?
"Louisse ang pangalan ng ka-love team niya. Baka si Louisse ang tamang panahon ni Alden at hindi ikaw? Masakit umasa Meng."
Napabuntong hininga na lang din naman ako sa sinabi niya.
"Acting-an lang naman sila eh, totoo ako, totoo 'yong nararamdaman ko sa kanya at hindi kasama sa script and if ever it will happen na maging sila. Edi okay, I'll quit waiting for his tamang panahon."
"Tama ka Meng, don't waste your time. Malay mo nandiyan na ang forever mo, bulag ka lang."
Napailing na lang din ako sa sinabi niya at binalik ang tuon ko sa pagkain ko.
Kailan ko pa ba hihintayin 'yong tamang panahon? Kapag sumuko na ako tapos doon darating? Wow ha, 'wag naman sana. Kasi ngayon pa lang sa mga sinasabi ni Anja, nalulungkot na ako sa magiging resulta ng lahat ng ito.
Pero tiwala lang, alam kong hindi permanente ang lahat.
Babalik ka rin sa akin.
k} S
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro