Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Alex Pov//

"Ano nangyare sayo at muka kang ginahasa?"  Tanong ni kamatayan este auntie habang nag babalasa ng baraha.

"Kumare ang imahinasyon mo anlayo ng nararating! Muka bang may magtatangka sa pamangkin mo?" Sabay sabay silang nagtawanan.

Pakyu. Matalo ka sana.

Di ko nalang sila pinansin at umakyat na lamang ako sa aking kwarto.

Pasalampak akong humiga sa aking kama at ang aking mga mata ay nasa kisame nakatungo.

Inaalala mo nanaman si papa na yummy!

"Ughhh! Konsensya kelangan ko ng peace of mind!!!" Pagsaway ko sa aking konsensya at sabay hampas ng unan sa ulo ko.

Aishhh. Sino ba talaga yun?

/ F L A S H B A C K/

"Ya-yya yummy... ma yummy talagang masasamang loob. Hehehe?"  Kamot ulo na sagot ko sa Papa na yummy!! Pogi talaga nya! Kyahhhh anakan moko~

Ngunit isa sa pumukaw ng pansin ko, ang kanyang malalamig na mata. Wala itong buhay kung titignan. Masyadong blangko ang ekspresyon nya.

"Magingat ka." Wala emosyon na aniya sa aking harapan. Napakalapit ng kanyang muka. Tila ba'y isang kilalang tao na sya sa aking buhay ngunit di ko mawari kung sino siya.

Naiwan akong tulala sa kawalan.

Gusto kong magpasalamat.

Gusto kong tanungin ang pangalan niya.

Gusto ko pang pag-aralan ang bawat parte ng muka niya.

Kaso hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

Hindi ko alam ang nararandaman ko.

Takot...

Kaba...

At ang hindi ko maintindihan ay nasasaktan ako.

Ngunit bakit?

Sino ka ba papa na Yummy?

/E N D OF F L A S H B A C K/

Pano kung hindi sya dumating.

Buhay pa kaya ako?

Salamat.

Bumangon ako at agad hinanap ang bigay ni Daddy na Kwintas.

"Daddy I need you. I badly Miss you daddy" Pagkausap ko sa kwintas.

"Sabi mo daddy mag wo-work ka lang. " Dahan dahan pumatak ang mga luha ko na hindi ko malaman bat ako naiiyak ng ganito.

"Daddy kelangan ka na nang little princess mo."

'Kung sana wala ka hanggang ngayon may mommy kami!'

'Alex ang bahay nasunog.'

'Napakatanga mo alex! Napakatanga.'

'Papatayin mo ba si Mark ha?!  Chlorine yan hindi juice! Bobo!'

'Isa lang ang dala mo sa bahay na to.'

'Kamalasan. Alex bago pa kami mapahamak lahat please lang umalis ka na.'

Mga katagang nagpapa alala sa akin kung bakit ako nahiwalay sa pamilya ko.

Ang masakit ay nagmula pa sa mga taong pinagiikutan ng mundo ko.

Patuloy paring pinapamuka sa akin ng buhay na talo ako. Bokya. Walang kwenta.

Hindi ko namamalayan nakatulog na ako ng lunod sa mga luha....

Third person's POV//

Fantasya de palasyo

"Sissss!" Sigaw ng isang dalagang naka kulay asul.

"Seana anong meron?" Sagot naman neto.

"Ang alaga mo sisss!"Natatarantang sagot ni Seana.

"A-anong nangyare?" Hindi ma-ipinta ang muka ng dalaga.

Hindi na nakasagot Si Seana sapagkat dumating ang isang babaeng napaka gara ng kasuotan..

Nakalutang ito sa ere habang ang laylayan ng kanyang kasuotan ay mga paru-paru.

Isang napakagandang nilalang.

"Gardenia, Ang tamang panahon ay sumapit na"  Malumanay na pagaanunsyo ng magandang dalaga..

"M-mahal na D-diyosa" Dali dali itong yumuko upang magbigay galang.

"Tulungan mo siya gardenia. Malaki ang tiwala ko saiyo" Binigyan ng Dyosa si gardenia ng malapad na ngiti.

"Maraming salamat mahal na diyosa. Hindi ko po kayo bibiguin" Ngumiti ito bago umalis.

"Magiingat ka kaibigan. Nawa'y maitama mo ang iyong pagkakamali." Aniya ni Seana.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro