Chapter 2
Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa school ng makasalubong ko ang isang lalakeng nakabusangot ang muka at gulo gulo ang buhok. Pero pogi.
Si Grey Majakita.
Sya ang kuya ko!
Tinititigan ko sya mula ulo hanggang paa. Sabay sabi sa isip ko ng 'Kung di lang kita kuya bet kitaaaa! ' With matching tumitiling boses!
"Kyaahhh" Sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kanya.
" Kyahhhhh! Namiss mo ba koooo?!"
Para akong tuta na kakakita lang sa amo nya- Cute na tuta.
"Shut the fuck up. Lumayo ka nga sakin!" Kulang nalang sipain nya ko. Waaaah sweet talaga ni kyahh~
"aawww so sweet!" Nakahawak pako sa dibdib ko na feel na feel ang sinasabi nya saakin.
"Please lang alex. Huling beses na lumapit ka sakin nakipag break sakin girlfriend ko." Mahinahon na sabi ni kyahhh.
Hmp! *Crossarms* Kasalanan ko bang bobita yung jowa nya! Akala ata nun kirida is meh! Fyi kamuka ko kaya si kyah Grey. ^_^
"Kamukang kamuka kita tas pagkakamalan tayong mag on?! Duhhh"
"Yun na nga eh. Anlayo kasi talaga! To be honest muka kang katulong!" Sigaw neto sa muka ko na cute!
"Kung hindi nyo ko pinaalis sa mansio-"
"Kung hindi puro kamalasan ang dala mo hindi ka namin papaalisin." Naglakad na ito papalayo sa akin.
Naiwan akong nakanganga sa ere.
Kasalanan ko ba na pag gising ko sumabog yung oven kasi nakalimutan kong patayin?
Kasalanan ko bang na bangga yung kotse nya kakapagalit sakin habang nag dadrive?
Kasalanan ko ba na tuwing umaga late ang pasok nila kakaantay sakin?
Kasalanan mo nga gaga!
Ikaw konsensya mamaya ka na sumabat sa monologue ko ha!
Andrama mo girl late ka na!
Ay anak ni konsenya naman!
Dali dali akong tumakbo sa second floor para habulin ang first subject ko.
Kaso biglang... Blaggggg!!!
*Stars*
Tumama ako sa matigas na braso.... Ng poging.... Wait! Pogi! Mahihimatay ako. In 3. 2. 1.
At nag dilim na ang lahat......
Rain's POV
Tinatahak ko ang hagdan papuntang second floor para dalhin ang papers ni Ms. Zaragosa.
Nag Lalampaso doon ang isang matandang lalake na aming school Janitor.
"Goodmorning mang kanor"
"Magingat ka rain. Ang landas ng dalawa ay mapag iisa na."
"Mang kanor talaga! Umagang umaga tinatakot mo ko hahaha"
Umakyat nako dahil sa takot na baka kung ano pa ang sabihin nun.
Weird si mang kanor kaya walang kumakausap sa kanya. Pero kinakausap ko pa din. Mabait naman kasi sya, Weird nga lang talaga.
Nung minsan ay sinabi nyang umiwas ako sa bilog tinawanan ko lang sya. Pero ayun habang nag lalaro kami ng basketball natamaan ako sa muka. Dumugo ilong ko.
*Blaaaggg*
What the hell? I mean who the hell is this girl na nakabulagta sa likod ko.
Tatanga tanga. Bumangga ata to sa kakamadali at napalakas dahil sa bilis neto. Tsk tsk tsk. Tanga!
So wala akong choice kundi bitbitin ang kulot na panget na to.
Malas nga naman!
Dinala ko ito sa school clinic at saka iniwan na din para puntahan si Ms. Zaragosa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro