Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 01

Chapter 01

The flowers, necklace, smartwatch, just because letters, hoodies and the other stuff that I bought for him, he threw away. Napatitig nalang ako sa mga 'yon na kasalukuyang nasa loob ng basurahan.

"Ayoko na, Aizaye." mariing sambit nito, ang tono ay tila ba isa akong istranghero.

Gano'n nalang kadali? Alam ko namang hindi pa kami gano'n katagal pero isang buwan nalang ay isang taon na kami, anong nangyari?

"Shyn," tumingin ako sakaniya kahit pa nanunubig na ang aking mga mata dahil sa luha.

Lumingon siya ng may inis na mababakas sakaniyng mukha, nangangatal man ang bibig ay pinilit kong magsalita. "Is it necessary to throw those things that I gave you? W-What happened? Can't we fix that, come on Shyn..." halos nagmamakaawang sambit ko ang tingin ay diretso pa rin sa mata ng lalaking kaharap ko.

"Aizaye-"

"Aily, love, baby... 'Yon ang tawag mo saakin, Shyn." mariing sambit ko.

Bumuntong hininga siya at tumayo kaya dagli kong hinablot ang kaniyang kamay na mabilis niya namang iniiwas. "We're done, Aizaye. Please stop texting me, I don't wanna see you---"



Nagising ako sa tatlong magkakasunod na katok, hula ko ay kuya ko ang may kagagawan. Kaagad na kumunot ang noo ko ng mapagtanto na napanaginipan ko na naman ang pang-iiwan saakin ng naunang boyfriend ko.

"Aish, kadiri, sa dinami-rami nga naman ng mapapa-naginipan oh. Badtrip."

Nakabusangot akong bumangon at pumasok sa banyo ng sariling kwarto. Ito ang first day ko as grade twelve student, syempre ayoko namang ma-late.

Nang lumabas ako ng kwarto ay nakabihis na ako dala ang gait na mga dadalhin sa school.

"Good morning señorita, here's a sunny side up for you."

"Ayoko ng hilaw ang pula ng itlog kuya, lagi mong kinakalimutan." naiinis na sambit ko at naupo na sa hapag.

"Sa susunod Zainhy hayaan mo siyang magluto." sambit ni mama na nakaupo sa kabilang side ng mesa.

Napairap nalang ako sa sarili ko, kahit kailan talaga ay hindi na kami nagkasundo. Daig pa namin ang aso't-pusa, napakadalang magka-isa sa mga bagay-bagay.

"Oh," napalingon ako sa bunso naming si Bri nang kuhain niya sa plato ko ang nilutong itlog ni kuya.

Pinagmasdan ko siyang ihiwalay ang lutong puti ng itlog sa malasadong pula nito, kapagkuwan ay gano'n din ang ginawa niya sa itlog na nasa plato niya. Muli siyang tumayo nang ilagay niya sa plato ko ang mga puti ng itlog.

A smile formed on my lips because of her thoughtfulness , she's just seven years old but she's really good at observing her surroundings.

"Wahh, thank youu Bri. Can I have a kiss?" panglalambing ko.

Ngumiti siya, "No ate, I'm a big girl na po for a kiss." sambit nito habang umiiling-iling.

Aba, hindi sa paningin ko ano. Tumayo ako at lumapit sa kinauupuan niya para pupugin siya ng halik sa pisngi na siyang dahilan upang humagikgik siya.

"Ate!"

"You're still a baby girl in Ate's eyes Leinzye Bri." sambit ko habang niyayakap-yakap ang bunso namin.

We were having a good time when someone entered the dining room.

"Good morning Tita, kumusta po?" agad namang maangiti si mama na akala mo ay anak niya ang bumati sakaniya.

"Aga ah, hindi ikaw 'yan." pang-aasar ko at naupo na para magsimulang kumain.

Umupo na rin si Daryn, ang nag-iisang kaibigan kong lalaki. Halos lahat kasi ay natatarayan saakin ni hindi ko nga matandaan kung paano ko ba siya naging kaibigan.

"Syempre, grade  twelve na tayo, we should be more resp--" sinubuan ko siya ng kanin at itlog.

"Aizaye Lyu!" hindi ko pinansin ang inis na sita ni mama.

"Kumain ka nalang, daming ebas."

Nang matapos mag-agahan ay agad na rin kaming nagpaalam paalis. Wala akong imik hanggang sa makasakay sa kotse na dala ni Daryn.

"Oh bakit nakabusangot ka? Nagchat ba ang ex mo at nakikipagbalikan sa'yo?" pang-aasar niya habang ikinakabit ang seatbelt.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Worse than that, nagb-beg daw akong bumalik si Shyn like what the heck?" muryong sambit ko.

Mas mabuti pa yatang hindi k nalang sinabi dahil hanggang makarating kami sa school ay inaasar niya ako.

Bumuntong hininga ako bago binuksan ang pinto ng kotse, handa ng lumabas. "Mananahimik ka o isusumbong kita kay tito na itinakas mo na namang itong kotse niya?" ngisi ko bago bumaba.

One thing about Daryn is that he can annoy me and teases me every time but once  i tease him back he wouldn't dare to continue teasing me.

"Zaye!" mula sa malayo ay agad kong namukhaan ang isa pang kaibigan ko.

"Jerryne!" mas binilisan ko ang lakad patungo sakaniya.

"Aizaye, hintay!"

Hindi ko pinansin si Daryn at dire-diretsong naglakad patungo kay Jerryne at dahil tutok ang mga mata ko sakaniya ay hindi ko napansin ang papasalubong saakin dahilan upang magkabungguan kami.

"Sorry!" I apologized as I lowered my head. She didn't say anything and walked past me, mukhang nagmamadali.

"She looks familiar." I whispered as I was eyeing her back, she looked a lot masculine to be a girl though.

"Eula 'te, kaklase natin jusko ka. You should really pay some attention to our classmates." sambit ni Jerryne na narinig pala ang bulong ko.

"Hindi kasi tumitingin sa dinaraanan," sambit ni Daryn na tuluyan na nga kaming naabutan.

Dahil wala na rin namang hinihintay ay dumiretso na kaming tatlo sa room namin. Sobrang dami ng students ngayong taon, ang ilan ay hula kong mga first year junior highschool dahil sa type ng necktie na suot nila.

"Finally, nakaupo na. Napaka-raming students ngayon 'no?" sambit ni Jerryne ng tuluyan kaming makaupo pagdating sa room.

"True ka diyan, hindi naman gano'n ka-popular ang schol natin pero ang daming bagong mukha."

Naupo sa tabi ko si Daryn. "Malamang baka malalapit lang bahay nila rito."

Hindi na rin ako nakasagot at tuluyan ng dumating ang teacher namin para sa umagang 'yon. Dahil first day of school pa lang ay halos introduce youself lang ang nangyari.

Tumayo ako sa aking upuan ng ako na ang magpapakilala. "Hello everyone, I am Aizaye Lyu De Villa and I know some of you are already familiar with me but I am not hehe." ngumiti ako at pinaghwak ang dalawang kamay bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"I hope you can be patient with me and I'm open to friendship, like seriously don't be intimidated by me I am more crazy than you think." biro ko na ikinatawa ng ilan.

"Oh, that's you the one who painted an amazing art last year. Why don't you pursue art school, hija?" sambit ni Ma'am Lin bago pa man ako makaupo.

nahihiya akong ngumiti, hindi alam ang isasagot alam ko kasi na once na malaman ni Mama 'to ay mas lalo niya akong pag-iinitan.

"Not sure po if kaya, Ma'am." sagot ko nalang at tuluyan nang naupo.
                                                                          
"Naks naman, ginalingan ba naman ih." pang-aasar ni Jerryne na tinawanan ko lang.

Lunch time came, sabay-sabay kaming tatlo na pumunta sa canteen para kumain. Pagkarating doon ay nagitla ako nang ipaghugot ako ng upuan ni Daryn, wala siyang ibang sinabi at iminuwestrang maupo nalang ako.

Napalunok ako at pilit ikinalma ang sarili. I do have a crush on him since we were in grade 10 and he doesn't have any idea about it. Wala rin akong balak ipaalam at crush lang naman.

Nagpresinta na rin siyang mag-oorder ng kakainin namin kaya nagkatinginan nalang kami ni Jerryne. Nang makaalis siya ay tinapik ako ni Je.

"What was that?"

"Je, 'wag ma-issue, it's normal were friends." natatawang ani ko.

"Friends ka diyan, sa'yo lang ang hinugot na upuan so hindi ako friend?" nang-aasar pang sambit niya.

Natawa nalang ako dahil natanaw ko na agad si Daryn dala-dala ang order namin. Hindi pa kasi gano'n karami ang tao sa canteen kaya siguro ang bili niyang makabili.

Sabay-sabay kaming kumain at halos mabilis din natapos, akala mo talaga mga napagod e puro introduce yourself pa lang naman ang ginawa sa ibang sub namin.

"Busogg." napapahimas pa sa tiyang sabi ni Jerryne.

Sinimulan kong ligpitin ang kinainan namin, naging habit ko na kasi 'to lalo na kapag sa labas ako kumakain.

"Huwag mo ng ligpitin, may magliligpit din naman niyan mamaya." puna saakin ni Daryn, sinusubukang pigilan ako.

"Sus, this is the least we can do to help them 'no." sagot ko at hindi nagapigil sa lalaki.

"But it's their job, Aizaye." sabat naman ni Je while applying her liptint.

Hindi ko sila pinansin at ilang sandali lang ay natapos ko ng ligpitin ang mga pinagkainan.

"Hindi ikaw 'yan Aizaye." pang-aasar ni Daryn, inirapan ko siya ako palagi ang bunot jusko.

"Kumusta pala Aizaye? Nagparamdam na ba si Papa mo?" napatingin ako kay Jerryne na nagb-blush on.

Hindi ko alam ang isasagot.

Dahil ang totoo, pitong taon na akong walang balita sa sariling ama ko.

Pagkatapos niya kaming iwan...

Naglaho nalang siya na parang bula, na para bang wala siyang pamilya. But here I am waiting for his comeback. I know he has his reasons. Sana...

"A-Ano--" napatigil ako sa paggawa ng palusot ng may humarang na ube cookie sa pagitan namin ni Jerryne.

Napatingala ako sa taong may hawak no'n. Eula?

Kumunot ang noo ko, "Excuse me?" naguguluhang sambit ko.

"Here. I bought too much." she said like it was nothing, na para bang matagal na kaming close. She's kinda confusing.

"Why don't you eat it later? I mean right after P.E class."

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay ro'n ang ube cookie na nakapackaging pa. "Then you eat it, katamad magdala." sambit nito bago tuluyang umalis.

Naiwan akong puno pa rin ng katanungan, alam kong matagal ko na siyang kaklase pero ngayon lang uli niya ako ing-approach after ko siya maging ka-group last year. Kaya siguro hindi ko siya masyadong nakilala kanina dahil medyo nagbago ang physical appearance niya, mas naging halata ang sexuality niya.

"Hayaan mo na, fav mo naman 'yan 'di ba?" doon ako natauhan at napatingin kay Je na tapos ng mag-ayos ng sarili.

Nagkibit balikat nalang ako at kinain na ang cookie, I really like ube cookie here in canteen, sakto kasi ang lasa ng flavor at hindi gano'n katamis.

❄️

Class time. May ilang teacher na nag-intro na sa subjects na hawak nila at ang masasabi ko? Mas luluwa ang utak ko sa math, totoo nga ang sabi nila stem ang isa sa pinakamahirap na strand.

Mabuti nalang at tig-one hour lang sila, hindi ko na talaga alam kung paano pa pagkakasyahin sa utak ko ang mga intro.

P.E na rin at pangalawa sa last sub namin sa araw na 'to ginulat nga lang kami at pinag-bihis into p.e uniform dahil magv-volleyball daw kami.

"Shocks first day pa lang ah? bakit may pa-volleyball na." naiiyak na sambit ko.

Tinawanan naman ako ni Jerryne. "Maaga kasi ang intrams at events natin sa school dahil sa dami ng students ngayong taon."

Wala na akong nagawa. Sa dinami-rami ng subject namin, P.E talaga ang pinaka-ayaw ko. It's my weakness, sports.

We were divided into two teams, pinaglalaro kami ni Ma'am kahit daw wala kaming alam ay ayos lang, in this way she can see kung sino ang mga may alam na sa volleyball.

"Goodluck, Aizaye!" sigaw ni Daryn na papatakbo na sa team niya, ihiniwalay kasi ang laro ng lalaki sa babae.

"Kaya ko 'to shocks, kapag hindi iwasan nalang ang bola." bulong ko sa sarili habang naghahanda sa paparating na serve ng kaklase.

Saglit akong lumunok at handa ng sauhin ang bola nang maramdaman ko ang matigas na bagay na tumama sa ulo ko. Agad na nandilim ang paningin ko and the last thing I knew they were all around me, asking if I'm okay...


"You okay? Nagugutom ka ba or what?" boses kaagad ni Daryn ang bumungad saakin.

Napahawak nalang ako  likod ng ulo ko, hanggang ngayon ay ramdam ko ang sakit ng pagtama saakin ng kung ano.

"Gaano ako katagal na walang malay? Nag-lesson na ba si Ma'am?" sunod-sunod na tanong ko.

"Shh I'll get you something to eat. Excuse ka naman sa last class so you don't have to worry." aniya bago tumayo at nag-paalm na bibili ng makakain ko.

Kasalukuyan akong kumukuha ng tubig sa tabing side table ng kamang kinauupuan ko ng may bumungad sa mukha ko na ube cookie. "Ang bilis mo, you also got my fav—" napatigil ako ng hindi pamilyar ang kamay na may hawak ng cookie.

Kailan pa nagmukhang makinis ang kamay ni Daryn?

Doon na ako napatingala, napalunok ako ng magtama ang paningin naming dalawa. What is she doing here?

"Sit still, put this on the back of your head." kinuha niya ang kamay ko at inihawak sa ice pack na para bang hindi ko alam kung paano gawin 'yon.

Wala akong imik hanggang sa dahan-dahang dumampi ang ice pack sa likod ng ulo ko, binitawan na niya ang kamay ko at inilapag ang cookie sa side table.

"Take a rest, don't bother to come to class just rest." masungit na ani nito bago tuluyang umalis.

Kahit nakaalis na siya ay hindi ko pa rin nagawang magsalita o magpasalamat man lang.

I am still dumbfounded because of her actions because last time I checked I only have two friends, Jerryne and the other one is my crush, Daryn..

❄️

This chapter is dedicated to Meleah Laureano.

I hope y'all like this chap, feel free to comment some of your concerns or chat/message me the criticism in your mind, I would love to know about it. Thank you, and take care, see yah on chapter 2!

Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro