CHAPTER 9
(EDITED)
-Mia's POV-
Hayyst. Kung ano-ano tuloy na isip ko kanina. Kung ano-ano na rin tuloy na sabi kong kabaliwan.
Tanjena kase yun eh. May pa hawak-hawak pang nalalaman. Pwede namang kumanta ng walang hawak diba? Ang tongeks ko rin eh. Di ko man lang tinanggal. Hayshh.
Sa sinabi ko kanina. Hindi po ako yun. May masamang espiritu lang talagang sumanib sa akin nun. Kadiri naman. Kala naman kung sinong gwapo. Di ako mahuhulog sa kanya. Wahahahah. Never ever!!
Pagkatapos namin kanina. Hinila ko na si Raine kahit di pa ako nakakausap ni tito. Hindi ko na makayang magstay dun. Lalo na't andun ang mga magkakaybigan na kinaiinisan ko.
Di pa ako nagbibihis simula kanina. Na una nang umuwi si Raine. Pinauwi ko na. Sabi ko bukas na kame maguusap. Nandito ako sa park. Napaka dilim na. Wala nang naglalaro nang bball. Ni wala na kahit isang tao.
~****~
Naka-tunganga lang ako. Di ko alam kung bakit ko pa rin naiisip yung mga kahihiyan ko kanina. Ayaw ko na tuloy mag-practice bukass. Hmmm... kung gumawa kaya ako nang excuse bukas? Para maka-ligtas ako sa kahihiyan. Kahit bukas lang...
May kumakalabit sa akin ng dahilan sa aking pagkagulat.
"Ay, Ge-" gulat kong sabi. Sheyt. Muntik ko nang masabi name ni Gerald. Takte naman eh. Busettt.
"Ineng bat nandito ka pa?" sabi nang isang matandang kumakalabit sa akin kanina.
"Uhmm. Wala po." nakangiti kong sabi. "Nagpapalamig lang po ako. Gusto ko lang po madama ang simoy nang hangin." dag dag ko pa.
"Nagpapalamig pero naka-tulala. Ano iniisip mo ineng. Pero bago yan... Maari bang maki inom sa tubig na hawak mo. Nauuhaw ako eh" sabi ni lola. Wow ah. Makikinig na nga lang makikihingi pa. Hayyst. Anyare na sa earth. Pero dahil mabait ako. Wahahahah di obvious noh. Nag-bigay na lang ako kay lola.
"Eto po la." nakangiti kong sabi.
Kinuha niya na na parang uhaw na uhaw talaga. San kaya galing toh si lola? Di siya familiar sa akin dito sa village namin. Lahat ng matanda rito, kilala ko. Bakit siya... parang ngayon ko lang nakita.
"Salamat iha, naglakbay kase akong mag-isa. Pabigat na kase ako sa mga anak ko. Meron na kase silang sariling buhay." sabi ni lola. Ahhh.. kaya naman pala. Kala ko fairy si lola e. Wahahahah. Cinderella lang ang peg. Yan na papala ko sa pagbabasa ng watty. Naiisip kong ganun buhay ko.
"Ahh. Okie po. Lola, may tanong ako. May kaybigan po kase akong may naka banggaan na lalaki. Ang gwapo-gwapo raw nang lalaki. Naging curious siya rito kaya inisip niyang alamin ang kanyang pangalan. Bagama't pag nakikita niya ito. Yung lalaki, Laging ngumingiti sa kaybigan ko. Hindi maintindihan nang kaybigan ko, kung bakit ang bilis nang tibok nang kanyang puso. Imposible namang pong nahulog na ang kanyang nadarama datapwa't isang stranger ang lalaki. Ni hindi niya kilala pero ambilis nang kanyang nadarama." mahabang salaysayin ko kay lola. Naka-tingin lang toh sa akin at nakikinig.
"Eh hija, baka yang kaybigan mong iyan. Ay nahuhulog na sa lalaking iyon." sabi ni Lola.
What?!?! Imposibleng nahuhulog ako. Ni hindi ko nga ito kaybigan eh. At ang alam ko lang sa kanya ay ang kanyang pangalan at pagiging isang tropa ni Aiden. Yun na yun.
"Lola, parang ang komplikado naman nun. Pangalan lang ang alam niya doon at isang tropa ng kanyang kaybigan." sabi ko. Ewan. Pero isang imposibleng nahuhulog na ang aking nadarama e.
"Hija. May mga bagay na... hindi mo maaasahang mangyari. Mararamdaman mo na lang ito nang walang kaalam-alam. Yung bigla-bigla na lang papasok siya sa isip mo tapos tinatanong mo sarili mong 'bakit ko siya inaalala?!' Hindi pa naman ito tunay na pagmamahal ngunit unti unti mo na siyang mamahalin pag-inamin mo na sa sarili mong mahal mo na talaga siya." sabi ni lola. Wait.. bakit 'mo'!??! Eh kaybigan ko yung sinabihan ko a.
"Ahh Lola, tanong ko lang. Bakit mo ang ginagamit mo? Diba po kaybigan ko po ang sinasabi ko sa inyo?" Pekeng tawa ko kay lola. Seriously!?! Bat ang galing magisip ni lola.
"Hija. Kahit gumamit ka pa ng kaybigan. Kung alam mo at damang-dama mo yung kwinikwento mo sa akin. Madali ko nang mahalata ang ganyan." naka-ngiting sabi ni lola.
Oh Sheyt!!! Ganito na ba ako kahalata??? Huhuhuh... hayst. Tinataksil ako nang earth.
"Oh Hija. Aalis na ako ah. May pupuntahan pa si lola. Eto oh.." sabi ni lola habang may kinukuha sa dala niyang bag.
Wow. Di ko toh napansin a. May dala pala si lola. Hay nako Mia. Ang shunga shunga mo naman kahit kailan.
"Eto... sayo na ito. Akin toh nung kabataan ko pa. Maayos na maayos pa yan hija. Ingatan mo yan. Pag pinatugtog mo ito. Mga problema mo ay gagaan at mawawala." sabi ni lola sa akin.
WOW ISANG ANTIQUE NA GUITARA. PERO KULAY... PURPLE NA HINALUAN NANG KUNTING PINK. WAHHH FAVORITE COLORS KOOO!!!
"Wow La!!! Ang ganda!! Paborito ko tong mga kulay na ito." sabi ko tapos tinatry ko ito ipa-tono.
"Pasalamat ko na rin yan kase mabait kang bata. O siya hija. Paalam na. Umuwi ka na rin dahil gabi na. Paalam." sabi ni lola.
"Sige po. Paalam. Salamat sa guita---" di ko na naituloy magsalita dahil nawala na si lola!!
Ba't ang bilis niya maglakad??? Wait... baka nga fairy siya?? Hayst. Nababaliw na nga ata talaga ako. Pati mga isang kathang isip. Naiisip ko. Hayst Tongeks. Pero kung fairy talaga siya. Diba... wish ang bibigay niya? Bakit guitara? Ayts. Ewan na lang
~****~
Nasa bahay na ako. Chinarge ko yung phone ko kase dead bat na. Nag-pahinga lang ako saglit at naligo na.
Bumaba ako para gawan ng pagkain si mama. Mukhang nag-saing na si ateh. Naghihintay na lang sila sa akin para magluto.
Nag-luto ako nang home made chicken burger patty. Gusto kase namin na home made kaysa sa mga binibili.
Tinawag ko na sila mama para kumain. Si ateh Angela na ang maghuhugas. Kaya pagkatapos namin.
Pinabalik ko na si mama sa kanyang kwarto. Tinanong ko siya kung ano gusto niya.
Gusto raw ni mama ng malamig. Katulad ng ice cream.
Naglilihi si mama sa ice cream. Ubos na ice cream namin sa ref kaya wala akong nagawa kundi bumili na lang sa 7/11.
"Ateh, aalis lang ako. Naglilihi si mama ng ice cream. Gusto niya raw ng malamig katulad ng ice cream." sabi ko sa kanya.
"Sige uwi ka agad." sabi ni ateh.
Aalis na sana ako kaso nakalimutan ko phone ko. Kaya dali dali akong tumakbo sa kwarto.
100% na. Ambilis talaga magfull charge neto. Bumaba na ako at umalis muli.
Nag-bike na lang ako para mas mabilis. Meron namang basket sa bike ko kaya madali ko mabibit bit ang maraming ice cream.
Nandito na ako sa 7/11. Bumili na ako nang ice cream. Di ko alam kung ano pipiliin kooo. Paborito ko lahat e. Kaya binili ko ang ibat ibang flavors. 5 gallons lang binili ko.
Pupunta na sana ako sa cashier. Kaso nakita ko ang slurpee. Namiss ko toh kaya bibili ako. Halo halo flavor na pinaghalo ko rin ng coca cola. Pumunta na akong cashier para bayaran.
Mukhang mahihirapan akong magdala. Masyadong marami hawak ko. Magoone hand na naman ako kase hawak ko yung slurpee.
Deym. Di ko man lang naisip. Katakawan kase iniral ko eh. Sarap kase ng mga foods. Di ko mapigilan. Hwahaahah.
Lumabas na ako sa 7/11. Hirap na hirap ako kung pano ito lahat dadalhin. Mabigat ang mga ice cream. Kaya maaout of balance ako. Hayysh. Bala na nga.
Nagawa ko namang magbike. Kaso ito. Hirap na hirap pa rin. Nang pagilid na ako para dumaan sa short cut street. Nahulog ako.
Sheytt!!! Ang saket saket na nang siko ko. Buti na lang at naka pants ako kaya di nasugatan tuhod ko. Pero... yung siko ko may gas gas.
Nailigtas ko yung ice cream at ang slurpee ko. Mukhang maglalakad na lang ako.
Hirap akong tumayo kase nakaipit ang paa ko sa bike.
Sheytt. Ang saket.
"Tulonggg. Tulong po." sigaw ko. Sana may makarinig.
"Tulungan niyo po ako. Nakikiusap po ako." sigaw ko muli. Tila walang nakarinig kaya tinignan ko na lang siko ko.
Nakaramdam ako na may humawak sa balikat ko. Natakot ako sa paghawak nito.
Tinignan ko kung sino ang humawak. Si...
Si....
Gerald
Tanjena!!! Bat siya pa! Pwede namang ibang tao or kaya babae. Bat siya pa. Hayshh. No choice. Siya lang naka-rinig. At tsaka nilalamig na rin ako. Di ako naka-pagdala nang jacket.
"Oh??? Ano nang yari sayo? May sugat ka ba?" sabi nito. Di ko tinignan ang kanyang expresyon ngunit bakas sa kanyang tono ang puno nang pagalala.
"Ahh eehh. N-natumba lang ako sa out of balance sa bike. M-marami kase akong dala. Tapos di ko magalaw paa ko. Naipit s-sa bike." pautal utal kong sabi. Ayaw ko tumingin sa kanyang mukha.
"Teka tulungan ko tanggalin yung bike." sabi niya at tumayo sa pagkaluhod niya kanina.
"T-teka. Dahan dahan lang ah. Masaket kase eh." sabi ko. Kase mukhang napilayan paa ko.
"Ahh ganun ba. Sige, Dadahanin ko." sabi niya.
Dahan-dahan niya naman ito ginawa. May kirot sa paa ngunit na wala na agad. Tinulungan niya akong tumayo. Nag-lahad siya sa akin nang kamay. Tinignan ko muna ito bago ko tanggapin.
"Ahh.. salamat pala." sabi ko at nag-iiwas pa rin nang tingin.
"Sige una na ako." sabi ko at tinuro ko kung saan ako dadaan. Kinuha ko muna yung mga ice cream at slurpee.
Sumakay na uli ako sa bike ngunit... hinawakan niya iyon.
Lumingon ako na naka kunot ang aking noo.
"T-tulungan na lang kita. Dala ko bike ko doon. Uuwi na rin naman ako e." sabi niya na hindi siya makatingin.
"Hindi n--" di ko na tapos salita ko kase bigla niya hinati ang ice cream sa basket ko kaya dalawa na lang akin. Kinuha niya yung tatlo at nagsimula na siya magbike.
Bakit ganun yun? Di pa nga ako pumapayag eh. Papayag pa lang. Wahahhaahah. Hinayaan ko na lang siya. Di na masyadong mahirap kase balance na yung bigat nang ice cream. One hand pa rin ako kase iniinom ko pa slurpee ko.
Nakita ko siya lumingon sa akin at mabilis na nagbike. What was that?
Di ko na lang pinansin... Nandito na kame sa bahay ko. Binigay niya na sa akin yung mga ice cream.
"Salamat" sabi ko na nahihiya ako tumingin.
"Lagyan mo yan ng alcohol pagtapos mo hugasan yang sugat mo." sabi niya at mabilis na sumakay sa bike at pinaandar ito.
Napansin niya pala yung gasgas ko. Di na siya masaket kase yung lamig ng baso nang slurpee ko. Pinadama ko sa may sugat kong gasgas.
Bumalik na ako sa bahay at inilagay na yung ice cream sa ref. Pumunta na ako sa cr para hugasan na yung sugat. Takot ako maglagay nang alcohol. Pero no choice ako. Para mamatay ang germs nito. Kelangan lagyan nang alcohol.
Nilagyan ko na ito. At napaka hapdi! Ang hapdi nang siko ko. Hinayaan ko na lang ito. Ilang sandali. Nawala na ang kirot sa siko ko.
Nag-lagay na ako nang ice cream sa bowl para kumain si mama. Kumuha na rin ako nang sa akin.
Bahala na si ateh kumuha nang sa kanya. Ayaw na ayaw kong pumasok sa kwarto niya. Tch.
Ibinigay ko na yung bowl na puno ng ice cream kay mama at pumasok na ako sa kwarto.
Binuksan ko ang FB ko. May notif agad ang nagpop out sa phone ko.
1 friend request.
Gerald Luiz Eric Salazar.
*****
Chapter 9 is updated. Hope you like it!!! Please vote and follow me. Thank you guys for all my readers and silent readers. Also thank you for voting it and following me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro