CHAPTER 6
(EDITED)
-
Mia's POV-
Nasa bahay na kami at di pa rin ma-sink in ang sinabi ni mama.
Buntis siya...
Mag-kakaroon na naman ako ng bagong kapatid...
Dahil hindi ko pa rin matanggap ang sinabi ni mama. Naisipan kong i-chat si Gerald gamit ang dummy account ko.
Buti na lang at online siya kaya madali ko na lang siya ma-chat.
-Sa Chat-
Me: Hello!
Gerald: Hi!
Me: Ano ginagawa mo?
Gerald: Kausap ka habang naglalaro nang PSP.
Bigla akong namula dahil sa sinabi niya. Ako lang ba kausap niya? Seriously?!?!
Me: Ako lang ba kausap mo? Hahaha Baka nakakaistorbo ako. Sige maglaro ka na lang.
Gerald: Hahahaha oo ikaw lang kausap ko. At tsaka di mo naman ako nai-istorbo
Bumilis ang tibok ng puso. Di ko alam kung bakit ganito. Ayaw kong maramdaman ang ganitong sitwasyon. Pero di ko mapigilan!!!
Ngumingiti na rin pala ako magisa.
No. No no no. Walang ibig sabihin nito. Nakakatawa lang. At assuming lang talaga ako!
Hindi ako kinikilig. Imposibleng kiligin ako. Kaya wala lang talaga toh.
Me: Wews. Hahahahaha anong oras na sa inyo?
Gerald: 3:30 p.m. Sainyo?
Me: Ahhh. 2:30 p.m. pa lang sa amin eh.
Hinanap ko pa talaga yan sa google bago ako maka sagot.
Gerald: Ahhh...
Yan ang ayaw ko sa mga sagot nila eh. Yung mga:
Ahh
Ok
Ge
K
Likezone
Seenzone
Takte yang mga taong ganyan eh. Nawala tuloy yung tuwa ko sa sagot niya. Hayysstt.
Me: Geh, Bye na muna.
Gerald: gege. Bye.
Gerald: 👍
Naibato ko na lang ang hawak kong cellphone sa kama at humiga na lang sa kama.
Hayyyssttt. Ano bang kamalasan sa buhay ko?!?! Bakit lagi na lang ganto ang buhay. Yaw ko na tuloy sa Earth.
Umidlip na lang ako para ipagpahinga ito. Ang saket na kase sa ulo sa mga narinig ko.
****
Nagising na ako at tinignan ko ang oras. 4:50 p.m. Magiisang oras na pala akong natutulog. Bumangon na ako para lumabas at mag-bike na lang. Tatawagin ko na rin si Raine sa bahay nila para mag biking kami.
Nakita ko si mama na nakahiga. Pero naka-tulala sa bintana.
Pinuntahan ko muna si mama para tignan kung okay lang siya.
"Ma, okay ka lang? Aalis lang ako saglit. Matulog ka na muna" sabi ko.
Tumango lang siya sa akin at ipinikit na ang mata niya.
Umalis na ako ng bahay at nag-simula na magbike.
Dahil sanay na akong magbike. Kaya ko na magno hands ng ilang minuto. Pinuntahan ko na si Raine. Nakita ko siya nasa labas nang hardin nila. Agad niya naman ako nakita at pinapasok sa loob.
"Hi po! Tita... pwede po ba kame magbike ni Raine?" bati at tanong ko kay tita. Mukhang wala si tito. Nasa work siguro.
"Sige iha." Nakangiting pagsang-ayon ni Tita..
"Sasama ako" biglang singit ng kung sinong nilalang na bigla-biglang lumilitaw. Charrr. Hahahaha. Kuya ni Raine ang nag-salita.
Umamin na to sa akin dati na may gusto ito sa akin. Sabi ko... kuya lang ang tingin ko.
Tatlong taon ang agwat namin ni kuya. Kaya uhmmm... ewan. Basta. Hahahahah. Kuya lang talaga tingin ko sa kanya. Pero minsan di na ako nagkukuya kasi sabi naman niya para di masyadong matanda siya sa paningin ko.
"Kuya!!! Kami na lang ni Mia." Maktol na sabi ni Raine.
"Diba sabi mo Raine tutulungan mo koh? Asan na yun?" sabi ni Kuya Lloyd at tinaasan si Raine ng kilay.
O~ok? Anong tulong yan???
"Eeehh... wala eh. Di ka naman niya gusto. Study first muna. Sabi mo nga sa akin bawal eh. Kay Mia pa kaya. Psh." sabi ni Raine kay kuya Lloyd
Aba't wow. Di ko alam yun ah. Tutulungan??? Hmmmm, Raine... nakuu. Tong kaybigan ko talaga, Baliw na talaga.
"Hoy kuya!! Diba nga bawal kase kuya lang tingin ko sayo." sabi ko kay Lloyd.
Heh! Bahala siya dyan. Di ko siya papasamahin samin.
"Tita oh, Si kuya Lloyd. Sasama... Eh si Raine lang naman ang niyayaya ko." sumbong ko kay tita Anna.
"Wag ka ng sumama Lloyd. Yaan mo na yang dalawang yan. Gusto mo lang namang kasama si Mia e. Hindi bantayan si Raine." nabibirong sabi ni tita Anna.
Wahahahaha!!! Namumula na si Lloyd kaya lahat kame tumawa na ng malakas.
"Oh siya una na kayo, Baka may masabi pa ako ditong ayaw marinig ni Lloyd" dagdag ni tita.
"M-ma!!!!" sigaw ni Lloyd. Wahahaha. Tumakbo na kame palabas ng hardin nila Raine at baka umusok na ang ilong ni Lloyd. Hahahah. Nakakatuwa talaga mukha niya.
Nag-bike na kame ni Raine habang tumatawa. Kase di pa rin kame nakakamove on sa nangyari. Hahahahah.
Oh By the way, Di ko nga pa pala na papakilala full name ni Kuya Lloyd at ni tita at tito pati na ang magulang ko.
Mother ni Raine si tita Anna Regine Ramirez.
Father ni Raine si tito Adrian Cole Ramirez.
Kuya ni Raine si kuya or minsan Lloyd lang talaga ay Anderson Lloyd Ramirez. Kaming close niya lang ang tumatawag sa kanyang Lloyd.
Mama ko naman ay si Rianne Thelia deGuzman. Bestfriend ni mama si tita Anna since preschool sila. Pero minsan na lang nakakabonding kase inaalagaan nila ang mga anak nila. Isa na ako doon
Papa ko ay si Kevin Nathaniel deGuzman. Yes, kay papa nila kinuha ang name kong Nathalie.
Tumigil muna kame sa may fishball stand para kumain na. Nagugutom na kase kami eh.
"So... wala ng bagong chat after nang kahapon na-pinakita mo?" sabi niya sa akin.
Tumango ako as a lie. Ayaw ko sabihin na kausap ko ulit siya kanina. Baka sabihin na naman niyang may gusto ako kay Gerald. Eww. No way. Imposibleng mahulog ako sa isang stranger na ngayon ko lang nakilala.
"I-try mo kayang i-add siya sa totoong account mo. Malay mo... maging close kayo." sabi ni Raine sabay inom ng gulamang palamig niya.
Argggh... parang ang hirap. Natotorpe ata ak-- Wait!!! Maling salita ata sinasabi ko ah. Torpe??? Ako??? Psh. No way. Haystt. Baliw na ako.
Ay!! Lagi pala akong abnormal. Wahahahah. Na-sobrahan lang ngayon.
"Okay, Try ko lang. Isip ako nang tyempo." sabi ko sa kanya at nagpa-tuloy kumain ng fishball ko.
Umupo muna kami sa may playground at masayang pinapanuod ang mga batang naglalaro.
May lumapit sa amin, Si tito Jhun.
O-oh... Dejavu! Parang nangyari na to somewhere.
"Hija, ikaw ang magiging muse nang liga ah." nakangiting sabe ni Tito Jhun.
Wait!!! Parang alam ko talaga toh. Uhmmm kelan ba yun??? 'De ja vu'. Haystt ewan. Parang nangyari na talaga e. Sa panaginip ko siguroo... Hayy ewan nababaliw na ako.
"Uhmmm... ayaw ko po e. Nakakahiya po kase. Si Raine na lang po yung gawin niyong muse" pagtanggi ko at pangiti ngit kong sabi kay tito Jhun habang nakatingin kay Raine.
"Huh!?!? Eh. Ayaw ko!!" sabi ni Raine
"Hija, hindi pede si Raine e. Kelangan raw kase yung magaling sumayaw at kumanta." sabi ni tito Jhun.
"Eeeh... tito. Nakakahiya po kaya. Sa school nga ayaw ko maging muse sa mga liga pa kaya." sabi ko kay tito kase ayaw ko talaga.
"Kailangan mo kong tulungan... ikaw lang ang alam kong magandang dilag para maging muse. Baka asarin ako at sabihan ng walang kwenta ng tito Paulo mo." pagmamakaawa ni tito Jhun.
"Uhmm... hayystt sige po. Pero baka di po pumayag si mama." sabi ko na nagaalinlangan.
"Sus, walang problema yan. Papayag yan. Kumpare ko papa mo. Salamat Mia!!!" Nakangiting sabi ni tito.
"Pero... matanong ko lang tito. Sino magiging escort ko?" tanong ko kay tito.
"Uhmm.. baka di mo pa siya kilala. Isa sa Tropa nila Aiden. Kilala mo ba si Gerald Luiz Eric Salazar?" tanong ni tito Jhun.
"Gerald Luiz Eric Salazar"
"Gerald Luiz Eric Salazar"
"Gerald Luiz Eric Salazar"
"Gerald Luiz Eric Salazar"
"Gerald Luiz Eric Salazar"
Paulit ulit ang pangalan na yan sa aking utak...
BAKIT SIYA PA?!? BAKIT SI GERALD LUIZ ERIC SALAZAR PA?!?!
****
Happy Birthday to me!!! Thanks sa lahat nang bumati sa akin. Sana magustohan niyo story ko. Chap 6 updated!!! Vote and Comment po!!! Again... sa lahat nang mga bumati. Maraming maraming maraming salamat po. Sa mga silent readers... Thank you rin po.😂😊
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro