Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 14

(EDITED)

-Mia's POV-

2 days na ang nakakalipas simula nung nagchampion kame as Muse and Escort for the league.

I still remember what I did. Hindi ko talaga alam kung baket ko yun ginawa.

Nandito kame ni Raine sa bahay ko. Hindi ako lumalabas nang bahay. Kaya si Raine na lang ang pumupunta rito. Nangungulit pa rin siya hanggang ngayon kung bakit ko iyong ginawa.

"Oy! Ano nga? Bat mo ginawa yun kay Gerald!! Sige ka magtatampo na ako sayo. Naglilihim ka na sa akin." sabi niya nagkunwaring nagtatampo at nag pout.

"Wala nga!!! Natuwa lang ako dahil nanalo kame. Alam mo namang bigla bigla akong nag kikiss pag nasobrahan sa tuwa e."  Palusot na sabi ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya at nagsalita.
"Eh bakit ka nagkukulong rito kung wala naman palang kahulugan ang ginawa mo?" tanong niya sa akin.

Kaya nga... bakit nga ba? Hayst! Ang tanga mo talaga Mia kahit kailan.

"Eh kase. Lam mo namang biglaan yun at baka nagulat ko si Gerald. Nasa harap pa naman ni Sandy ang pag gawa ko nun. Sure akong nagaaway sila. At baka ako sisihin niya dahil sa nangyari." sabe ko sa kanya.

"Edi magsorry ka. Sabihin mo yung sinasabi mo sa akin ngayon. Lika na. Labas na tayooo. Kakainip sa bahay kaya." sabe ni Raine at hinila na ako palabas.

"T-Teka!! Hoy! Ano b-ba" sigaw ko kay Raine habang hila hila pa rin ako. Masyadong malakas tong babae na toh dahil tinuruan nga kame mag self defense. Mas nagexcel siya sa akin kaya malakas siya.

"Ateh Angela!!! Labas lang po kame ni Mia." paalam niya kay Ateh Angela at tumango naman ito. Kinakaladkad niya pa rin ako hanggang sa nasa labas na talaga ako nang bahay.

Naglalakad kame ni Raine hanggang sa may narinig kameng nagsisigawan.

"ANONG WALA?!?! E BAT KA PUMAYAG MAKI PAGHALIK SA PISNGI?!" Sigaw nang kung sinong nilalang na babae.

"NAGULAT NGA AKO. BAT AYAW MO BANG MANIWALA SA AKIN!?" Sigaw naman nang lalaki.

"SIGE!! KUNG YAN ANG GUSTO MO. MAG COOL OFF MUNA TAYO. PALAMIGIN MO MUNA YANG ULO MO. ETO NA NGA AKO NAGSASABI NANG TOTOO DI KA PA RIN NANINIWA---" Dagdag nang lalaki ngunit hindi natuloy kase nasampal na nang babae.

Nakikinig lang kame ni Raine sa nagaaway. Ayaw namin tignan at baka sa amin mabuhos ang away nila.

"SIGE. KUNG YAN ANG GUSTO MO. MAGSAMA NA KAYO NANG MIA NA YAN. PAGTANGGOL MO PA. WALA NA SIYA KASALANAN. AKO NA MALI LAGI." Umiiyak na sigaw nang babae.

Nanlaki ang mga mata namin ni Raine at tinignan ang isat isa.

Pangalan ko...

Ako...

Sila Gerald at Sandy ang nagaaway!!!

Hinila ko si Raine para lumabas at para maka paghingi ako nang sorry dahil mukhang magbebreak na sila.

"U-U-Uhmmm.. S-sandy!!" pautal kong tawag kay Sandy.

Pareho silang tumingin sa akin. Hinawakan ko kamay ni Raine dahil nanlalamig ito kahit mainit sa Pilipinas. Nakatingin sa akin si Sandy na matalas na tingin at pagnahawakan mo ito ay pwede akong mamatay sa tingin niya.

Si Gerald naman... umiiling. Na para bang wag ko nang ituloy ang sasabihin ko. Seryoso mukha niya. At mukhang hindi naman siya galit sa akin. Sana...

"S-sandy. Hindi ko sinadya ang ginawa ko. Maniwala ka. Wala akong gusto o ano mang nararamdaman dyan sa boyfriend mo. Natuwa ako nang sobra kaya ko nagawa yun. Ganun ang nagagawa ko pag di ko na mapigilan ang tuwa at may kasama akong tao kaya nak-kiss ko siya sa c-cheeks." sabi ko sa kanya na napapa-utal pa.

Ayaw ko na naman ng away. Kaya kahit naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Iiwas na lang ako.

"BAKIT?! DI SINASADYA?! SINADYA MO KAYA!!! AT GINAWA MO PA YUN... SA HARAP KO PA??? SA HARAP NANG MARAMING TAO. TAPOS SASABIHING MONG DI MO SINASADYA?? THAT'S B'LLSHI'T!!!" Malakas na sigaw ni Sandy at nagpailing iling nang ulo.

"Are you referring to yourself, Sandy? Coz you know what? You're the one who is a B'LL SH'T here. Not that unexpected kiss nor anyone in this scene. Sa pisngi lang yun. She didn't intend the kiss. Its unexpexted scenario." Sarkastikong sabe ni Raine.

Lumaki mata ni Sandy at mas lalong nagalit at nangangilid ang luha niya.

I look at Raine na nagsasabing Stop-It-Look. Humarap ulit ako kay Sandy at sisigaw ata ito.

Di ba siya napapagod? Tch. Wala ba siyang tiwala kay Gerald?

"WALA NA. SINIRA MO NA ANG TIWALA KO KAY GERALD. NAKIPAG COOL OFF SIYA SA AKIN DAHIL SAYO!!! WALANG HIYA KA. INAAHAS MO BOYFRIEND KO!!" Sigaw niya at akmang sasabunutan ako.

"DONT YOU EVER TOUCH THE STRANDS OF MY BESTFRIEND HAIRS OR ELSE I WILL F'CK'ING KILL YOU!" Sigaw ni Raine at babalibagin niya yung braso ni Sandy.

Inawat ko muna tong si Raine. Alam kong ayaw niya na may sumisigaw sa akin. Ganun niya ako kamahal. Kaya mahal ko rin itong kaybigan ko e.

"Sandy Stop It!!" pasigaw na pagpigil ni Gerald kay Sandy sa gagawin niya dapat sa akin.

"Wala akong inaagaw at wala akong balak mang agaw. Hindi ko sinasadya yun at nagsasabi ako mang totoo. Kung may tiwala ka sa boyfriend mo, maniniwala ka sa kanya. Wala akong balak mang agaw dahil sa'yo na siya. Ilang weeks lang kayo pero di mo na siya napagkakatiwalaan. Pano pa kaya sa susunod na pagsubok na haharapin niyo?" sabi ko at nangingiligid na ang luha ko. Yes. Naawa ako at hindi ko yun ginusto.

Wala talaga akong balak agawin siya.

"Sige. Magsama sama kayo. Ikaw..." sabe niya at tinuro si Gerald. "siya pa talaga ang kinakampihan mo. Ako ang girlfriend mo pero bakit siya ang kinakampihan mo? Mag sama sama kayo!" sabe niya habang umiiyak at naglakad na palayo.

Hindi na hinabol ni Gerald si Sandy dahil alam niyang magaaway lang ulit sila.

"G-gerald" pautal kong tawag sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Wag kang magalala. Alam kong hindi mo sadya yun. Wala kang kasalanan sa away namin. Hindi niya lang talaga iniintindi at pinagkakatiwalaan ako." sabe niya at ngumiti nang matipid.

"S-sorry" at umiyak na ako. Naguguilty ako sa nangyari. Kahit naman na naguguluhan ako

"Shhh... okay lang. Wag ka nang umiyak. Magkaka ayos rin kame. Sana..." sabe niya at pinuntahan ako para alalayan.

Ngumiti ako sa kanya nang matipid at umalis na kame ni Raine dahil hinihila na ako ni Raine.

****
Nasa playground kame. Tumigil na ako sa kakaiyak kase pinapatawa ako ni Raine. Kanina kase... iyak na iyak ako. Pinatawa niya ako kaya naging maayos naman ako. Kahit konti lang.

Habang naguusap kame about sa mga CORNY JOKES ni Raine di namin namalayan nasa harap namin si Tito Jhun.

"Oh Hija, Congratulations nga pala dahil nanalo ang village natin. Kung hindi dahil sainyong dalawa ni Gerald hindi tayo mananalo." nakangiting sabe ni Tito Jhun.

Namula naman ako dahil sa puri ni tito. Puri na waoang pafg-kukunpara.

"Uhmm.. salamat po" pautal kong sabe at sabay ngiti NA LANG.

Na lang talaga dahil nga kakagaling ko sa iyak!!

"Uhmmm... Hija." tawag sa akin ni Tito Jhun.

"Pwede ka bang sumali ulit  para naman sa fiesta natin? Dance competition. Kahit hindi na si Gerald kapartner mo. Kahit itong si Raine na lang. Alam ko namang marunong to si Raine e. Nahihiya lang siya."sabe niya sa akin habang naka tingin kay Raine.

Namula naman ito sa puri ni tito. Hayst. Buti na lang at si Raine ang partner ko. Papayag talaga ako rito. Para dagdag bestfriend goals. Awhuuu.

Wish rin toh ni Raine nung pumunta siya sa back stage. Natupad ang hiling. Wahahahaha.

"Sige po!" mabilis kong sagot.

"Talaga? Oh sige. Ipapalista na kita kay tita Zally mo. Im sure hija mananalo kayo. Tiwala lang."sabe ni tito at napatawa kame.

Umalis na si tito at nang makalayo ito dun na naglabas nang sigaw si Raine.

"Wahhhh!! YES YES. NATUPAD WISH KO. OMO OMO!!! TAYO NA ANG PARTNER SA DANCE COMPETITION!" sigaw nang kiti kiti nang babae na toh. Natatawa ako sa reaction niya. Parang bata. Wahahhaah.

"OO NGA. WAHHAHAHA. O SIYA. TOM PRACTICE NA TAYO. SAMA MO NA LANG YUNG MANLILIGAW MO. KAHIT MA-OP AKO BASTA MAGING MASAYA KA!" sigaw na sabe ko sa tuwang tuwa na beshie ko.

"WAHAHHAHA. AYE AYE CAPTAIN. KENEKELEG NEMEN EKE SE PEG KENSERN ME. WAHAHAHA" Sigaw nang sigaw niya.

Nahihiya na ako kase nakatingin na ang mga tao sa amin. Pero hindi ko na lang masyadong pinansin. Gusto ko talaga maging masaya tong babae na toh kahit siya lang ang maging masaya at hindi ako.

Hayst.

****
Chapter 14 is already updated! Hope you'll like it. Please follow mr at vote po ang story. HI SA LAHAT NANG MGA READERS. KAHIT KUNTI PA KAYO. SALAMAT SA PAGBABASA. NA AAPPRECIATE KO KAHIT PA PAANO WHAAHAH😂 LOVE YOU GUYZXC. LAM KO PONG OA ANG SCENE NITO. SORRY NA😂

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro