Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 13

-Mia's POV-
Puro practice na lang kame. Tinatanong niyo ba kung pinapansin ko si Gerald habang nagpapractice? Hindi, dahil nandun GF niya. Hindi ko rin pinapahalata kay Beshie na malungkot ako. Dapat masaya lang.

Habang nagpapractice kame. Wala lang sa akin. Pekeng ngiti at hindi na ako nagiimagine sa kung anong balak gawin ni Gerald.

Ngayon na ang performance. Nanlalamig kamay ko sa kaba. Sana manalo kami. Nasa backstage na KAMI. Oo, kame ni...Gerald. Alam kong kinakabahan rin siya.

Sheyt. Mukhang kame na susunod. Huhuhuhu. Pwedeng mag-back out? Back out na ako please. Ayaw ko naaa.

Hinawakan niya ang kamay ko para kumalma. Gumaan naman kunti loob ko at bumuntong hininga na lamang ako. Kaya mo toh Mia. Kaya mo toh.

"Let us welcome, the Muse and Escort of Green Village Ms. Mia Jeannine Nathalie deGuzman and Sir. Gerald Luiz Eric Salazar." sabe nang Emcee at nagpalakpakan na sila.

Naririnig ko pa nga ang sigaw ni Raine e. Hay nako. Buti na lang at may supportive bestfriend ako.

Lumabas na kameng dalawa ni Gerald. Si Gerald may hawak na bola nang basketball habang ako naman ay ang bola ng volleyball.

Rumampa na kame at nagsigawan sila. Sheyt. Dame ko nang fans. Wahahahah. Sikat na sikat na ako. Charrot. Wahahahah. Feeling ko masyado.

Nagmodel model na kame ni Gerald na para bang sanay na sanay na kame.

Pagtapos nang rumampa pumunta ulit kame sa likod nang stage. Nag ayos na kameng dalawa para sumayaw.

Mixed ang kanta nang sayaw. Hip hop kase dun ako magaling. Buti na lang at marunong maghip hop tong si Gerald at di na ako nahirapan pa.

Pagkatapos naming mag-ayos e nag-practice lang kame saglit. Sabay sabay kame sa pag sayaw kaya alam kong mataas ang makukuha namin dito.

"Please Welcome Ms, Mia and Mr, Gerald for the dance competition." sabe nang emcee.

Napatigil kame magpractice at napa tingin kame. Face to face.

Pumasok na kame sa stage at nagsigawan sila nang napaka lakas. Natutuwa ako at maraming sumosuporta sa amin!!

Nagstart na ang music at nagsimula na kame sumayaw

****
"Thank you for the wonderful performance Ms, Mia and Mr. Gerald. Wow. Andami daming fans na ah. Okay next up..." puri sa amin nang Emcee pagkapasok namin sa back stage. Di ko naiwasang ngumiti sa kanya at nag-apir.

Eto na yung pinaka-ayaw ko. Singing. Huhuh. Baka magkamali ako.. bumalik kaba ko buti na lang.. dumating si Raine. Kasama ang... babaitang mukhang hipon na si... Sandy.

Nawala ngiti ko nang pagkapasok ni Sandy at hinug si Gerald. Umiwas na lang ako para di mapansin ni Raine. Nakita ko pa ngang umirap tong Sandy na toh sa akin e. Psh.

"Beshyyy!! Ang galing galing mo!! Da best ka talaga. Dapat tayong dalawa ang duo e. Wahhahaah. Galingan mo sa pagkanta a. Support ako nang todo sayo!!!" may pagkasigaw na sabi ni Raine.

Napatawa naman ako sa kanya at hinug siya.

"Thank you bes. Thanks for your support!!" sabi ko at kiniss siya sa cheek.

Oh. Baka sabihin niyong tomboy ako a. No. Ganon lang talaga kame ka sweet. Bestfriend goals dapat e. Wahahah

Nakita ko naman tong Sandy na ito umirap sa amin habang naka-tingin nang masama.

Psh. Manigas siya dyan sa yakap ni Gerald. Wala siyang supportive na Bestfriend.

Ngumiti ako sa kanya na nagpaasar sa kanya.

Dumating na si Dreyven para ipick up si Raine. Yea. Si Raine LANG. Hindi tong babaitang mukhang hipon. Psh. Whahahaha.

"Raine, Let's go. Singing competition is about to start. Kelangan pa nila magayos nang sarili nila." sabe ni Dreyven. Napatingin kameng lahat sa kanya.

Nginitian ni Dreyven si Gerald pati ako na nagsasabing Good Luck.

Naghug ulit si Raine at naggood luck ulit sa akin. Nginitian ko siya at nag nod ako.

Sumunod na si Sandy kay Raine habang nagpacurl curl nang buhok. Psh. Arti ni ati. Wahahahh.

"Oh? Ikaw ba si Raine? Bat ka sumusunod sa akin?" mapangasar na tanong ni Raine kay Sandy. Wahahahah go Raine. Mambara ka katulad ko. Pareho tayong magaling mambara.

"Tss. Hindi ikaw sinusundan ko noh. Aalis na ako para maka pag ayos na si Babe. Asa ka pa." sabe ni Sandy at naglakad na.

"Okay. Sana mapatid ka sa door." bulong ni Raine.

-OUCH-

Burnnn. Napatid nga. Wohooo. Da best talaga tong beshie ko. Wahahah. Di ko na naiwasang ngumiti at nakipag apir kay Raine patalikod. Whahahaha.

"Karma" napatawa tawang sabe ni Raine at naglakad na papunta kay Drey.

Tinulungan ni Gerald si Sandy. Bakas sa itsura niya ang pagalala.

Edi siya na. Psh. Balakayojan.

Naglakad na ako papuntang dressing room para mag palit nang damit.

Ayan... ganda ganda ko. Yieee. Nagmukha akong babae. Whahahaha

Lumabas na ako. At nakita ko naman si Gerald nakatingin sa akin. Naka tulala ata siya.

"Uy. Magbihis ka na. Mukhang malapit na ako." sabe ko sa kanya.

"A-ahh sige sige." At nagmadaling pumunta si dressing room. Weird. Tch.

Ilang minuto at lumabas na si Gerald. Lalo siyang pumogi pero di ko pinahalata na napopogian ako sa kanya

"We can do this." sabe ni Gerald at ngumiti sa akin.

Sheyt. Ayaw ko matunaw. Wahhh.

Nagiwas ako nang tingin at minention na kame nang Emcee.

Pumasok na uli kame namg stage at nagsimula na kumanta.

Walang sumisigaw dahil damang dama nila ang pagkanta ni Gerald.

Tapos na ang part ni Gerald sa kanta at part ko naman ang sumunod. Natatakot ako magkamali kaya bumuntong hininga ako.

Naramdamang kong hinawakan ako sa kamay ni Gerald. Nawala ang kaba ko. Para lang nung nagpractice ako. Ganun na ganun ang mararamdaman ko.

Bumibilis tibok ko. Nagmamakaawang hindi magcollapse dahil dito sa pesteng puso na ito.

There's some butterfly in my stomach.

Natapos na ang kanta at natauhan lang ako nang LAHAT. As in lahat pati sa ibang village nagsigawan at nagpalakpakan.

Nag bow kame nang magkahawak ang kamay. Nakita ko si Sandy. Ang sama sama nang tingin. Tingin na nakakapatay.

Pumunta na kame sa back stage para maghintay matapos ang iba pa.

****
Ilang sandali pa man natapos na ang mga kumakanta.

Pinapunta na kame sa stage para maannounce kung sino ang nanalo.

"Okay, the judges have decided who'll they pick as their winner. We will only choose the first top 10." Sabe nang Emcee at inannounce na ang nakasali.

"Malaya Village"

"May Pagasa Village"

"Sacred Heaven Village"

"Matukso Village"

"Will of Freedom Village"

"Starring Star Village"

"Pasakit Village"

"May Pagkamanloloko Village"

"May Forever Village"

And the last one--" pabitin na sabe nang Emcee.

Huhuhu. Sana makuha kame. Huhuhu. Pleasee Lord. Magpapakabait na ako.

"Green Leaf Village!!! Congratulations from the top 10 villages!! Next. The top 3 Villages." sabe nang emcee.

"Di ko na papatagalin ito!! The top 3 villages are----

"May Forever Village"

"Green Leaf Village"

"Starring Star Village!!!"

Sabe nang Emcee. Yeyy. Wohooo. Napaghawak kame nang kamay ni Gerald sa sobrang saya.

Naghawak ulit kame nang kamay dahil eto na ang pinaka.

"Now. The winner is none other than...

"Green Leaf Village!!!"

Napatalon ako dahil sa tuwa at napayakap kay Gerald na natutuwa rin. Hindi ko alam kung bakit.

Kung bakit...

Na....

Kiss ko siya sa cheek.

-Raine's POV-

"Now, The winner is none other than...

Sana sila Mia sana sila Mia. Please Lord. Sana yung bestfriend ko. Pleasee.

Green Leaf Village!!!!!!!" sabe nang Emcee.

Nagsigawan lahat nang tao except tong Sandy na toh. Nagpamayaman clap lang. Psh.

"Wohoooo, CONGRATSS BESSS. DA BEST KA TALAGA. YEHEYY!!!" Sigaw ko nang napaka lakas.

Im really proud na naging kaybigan ko tong babae na toh.

Nakita kong napayakap si Mia kay Gerald. Tuwang tuwa sila na napa...

Kiss si Mia sa cheeks ni Gerald.

Nagulat si Gerald sa ginawa ni Mia at nagulat rin tong si Mia na para bang hindi siya ang gumawa nito.

Wala masyadong nakakita kame lang at nang barkada ni Gerald. Pero tong GF ni Gerald... kitang kita. Napa bilog siya nang mata.

Tinignan niya nang masama si Mia.

Oh No, Mia ano tong pinasok mo.

Gusto mo ba si Gerald o hindi? Bakit mo ginawa yun sa harap nang GF niya???

*****

A/N-

Hey!! Tinanggal ko muna yung isa kong story para ayusin yun. Mayroon kaseng nagkagulo gulo nang arrangement. So for now... I updated the Chapter 13 today!!! Sorry kung natagalan maghintay. Naging busy lang masyado si akos😂 Anyways thank you sa mga readers at sa mga nag vote at nag follow sa akin. Sorry sa mga typo at grammatical errors ko. Please follow me and vote for these story. Hi sa mga silent readers ko😂

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro