CHAPTER 1
-Mia's POV-
Nandito ako sa kwarto ko, naka-higa habang nagpapa-tugtog ng musika at nagbabasa ng libro.
Ayaw ko bumaba o umalis rito sa higaan, nando'n si ate sa may sala na may dalang tropeyo.
Once again, they are praising her for being their greatest daughter. That she took over the best they had when they were young.
Hays, nanalo na naman siya sa paligsahan ng volleyball sa school.
Kanina pa ako pinapababa ni mama ngunit 'di ako nakikinig. Nagbibingi-bingihan ako kasi alam ko na ang susunod na mangyayari pag-umalis ako sa kwarto ko.
They'll compare me again,
Ayoko na marinig ang mga salita na puro kapatid ko na lamang ang magaling!
May biglang kumakatok sa pinto, paniguradong si Mama na ito.
"Nak, Buksan mo 'to! Puntahan mo ang kapatid mo at i-congratulate mo siya. Wag ka ngang puro higa r'yan sa kama mo. Tumulad ka nga sa ate mo, magaling na nga sa athleta magaling pa sa pag-aaral. Napag-sasabay niya ang madaming gawain kaya tularan mo nga siya! Bumangon ka na riyan!" Sabi ni mama habang katok ng katok pa rin sa pinto.
See? She wants me to become my sister. She wants me to become the best as my sister's next shadow! The best in everything she does, perfect in the eye of different people around us. Tch, kainis!
I have a lot of flaws, and I can't always be perfect. I got a lot of imperfections, but doing what you want is what we needed to love ourselves.
Bakit ba gusto niyo ako maging si ate!
May iba akong buhay at meron din siya. Bakit kailangan niyo pa akong ipagkumpara!
"Mamaya na ma, may ginagawa po ako." dahilan ko para 'di na ako lumabas pa.
"Isa! Lalabas ka o kakaladkarin kita riyan paalis sa kwarto mo?! Maging masaya ka nga sa ate mong madami na nakamtan sa buhay!" Pa-galit na sabi ni mama na ikina-halukipkip ko.
Masaya? Kayo nga 'di nagiging masaya sa mga achievements ko.
Puro achievements na lang ni ate nakikita niyo kaya 'di niyo makita lahat ng na-gagawa ko. Tapos sasabihin niyong maging masaya ako kay ate? Talaga lang ah?
"Shit," Bulong ko at binuksan na ang pinto. Nakita ko si mama na naka-kunot ang kilay. Kulang na lang magmukha itong X-Factor ang datingan.
'Di ko napigilan mag-mura ng mahina. Naging gan'to ako dahil lagi rin naman nila ako minumura.
Minumura ako tuwing mali ako sa tingin nila, kahit nung naka-kagawa ako ng simpleng pag-kakamali. Humingi ako ng patawad at nag-papaliwanag ngunit hindi nila ako pinakinggan.
Padabog kong sinara yung pintuan at bumaba na ako. Naiinis na ako, ayaw kong makinig sa kanila. Bahala silang mag-bunganga.
"Ikaw bata ka," Sigaw ni Mama habang dinuduro ako at sinundan. "Lagi ka na lang ba gan'yan, ha?! Wala ka na bang gagawing matino dito sa bahay? Bulyaw ni Mama habang naka-kunot ang noo at halatang nag-titimpi na lamang sa galit.
Hindi ako sumagot o tumingin 'man lang sa kaniya dahil alam ko sa sarili ko na ako ang gumawa ng lahat ng ipag-uutos niya kaya may ginagawa akong matino. May ginagawa ako sa bahay at hanggang sa maaari ay tumahimik na lamang ako bilang respeto.
Dumiretso na lamang ako kila ate at papa. Grabe lang talaga na ako pa ngayon ang hindi matino, Tsk!
Kahit nagiging sarkastiko ako sa pananalita ng isip ko ngayon, nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan na isipin na walang kwenta ako rito sa bahay na ito.
Nandun na ako sa harap nilang dalawa. Pa-inosenteng tumingin si ate habang si papa'y biglang kumunot ang noo.
"Ano na naman ba ginawa mo ha?! Lagi mo na lang ginagalit mama mo!" Pasigaw na wika ni Papa. Umiigting ang baga nitong naka-tingin sa akin.
Kahit natatakot na ako sa kaniya ay hindi ako sumagot pa-balilk at kaya tumingin na lamang ako kay ate.
I smiled at her hideously, "Congrats my dear sister." Pabalang na sabi ko na bakas ang pagiging sarkastiko ang tono. Hindi 'ko na mapigilan, naiiyak na ako sa harap nila.
'Di ko 'man mapakita ngunit sobra na akong nasasaktan rito. Nanliliit ako sa kakayahang meron ako. Kahit anong tapang kong sabihin na ayos lang, hindi pa rin eh. Masakit sa akin ng sobra na maipag-kumpara.
Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang pasasalamat kasi wala na akong pake. Gusto ko na muna umiyak sa loob ng lungga ko kung saan malaya kong nailalabas ang luha ko.
Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang gustong marinig nila Mama sa akin, babalik na sana ako sa kwarto ko pero sumigaw si Papa.
"Mia!" Galit na sigaw ni Papa sa akin. Huminto ako sa pag-lalakad at lumingon lamang sa gawi nila. Malungkot akong ngumiti at agad na tumalikod ng may tumulo na luha sa aking mga mata.
Mabilis na ako tumakbo paakyat at muling isinarado ang pinto. Naiinis na ako pero ano magagawa ko?
Pumasok na ako sa kwarto ko at nag-sara uli nang pinto. Bakasyon ngayon at 'di ako gano'n natutuwa. Sana may pasok na lang kaysa manatili sa bahay na puro kumpara na lamang sa akin.
Edi si ate na magaling! Tch,
Unti-unting bumaba ang mga luha sa aking mata habang nagpipigil ako ng hagulgol. Ang sakit, palagi na lang ang mangyayari. Ilang oras din bago ako tumigil sa kaka-iyak.
I open my messenger, but then I saw someone chatted me. Si Raine Alliyah Vernice Ramirez, best friend ko.
~>~>~>~>~
Raine: Hi Beb!
Hello (¬_¬)
Raine: Oh bakit? What's with the emoji?
Kasi naman alam mo na sina mama at papa.
Raine: Mukhang alam ko na. Nanalo si ate Angela tapos pinagkumpara ka na naman?
Yeah, ano pa bang bago? Lagi naman gano'n eh.
Raine: Hay nako, cheer up! Ngumiti ka na, mag-gagala na lang tayo! My treat, nakakainip sa bahay. Sila mama at papa kasi ngayon nag-aaway eh.
Raine: So ano, tara?
Game! Let's go, basta libre mo ah. Sabi mo yan, marami akong i-oorder. Ako na pupunta sa inyo.
Chat na lang kita pag-papunta na ako.
Raine: Hahahahah, Basta libre talaga eh! Sabagay ako naman laging nanlilibre.
Raine: Kailan ba huli mong libre sakin? Last year pa yun, 'di ba? ( ͡° . ͡°)
Raine: Hahaha sige na, bilisan mo na pumunta rito.
Hahahahah, baliw ka talaga! Oh, sige na babush!
~>~>~>~>~
Nag-charge muna ako saglit ng phone ko para mapuno ng kahit kaunti. Nag-simula na ako mag-bihis saka kumuha na ako ng mga gamit ko at ng extra money para kung kakailanganin namin.
Ilang minuto lang rin ang lumipas ay kinuha ko na muli ang phone ko para maka-alis na. Dinala ko na rin yung charger ko, baka roon na ako matutulog.
Baka kasi ma-lowbat bulok pa naman yung phone saka may hiya naman ako manghiram pa ng kay Raine.
Lumabas na ako ng kwarto at naglakad na pa-baba. Naka-salubong ko pa si ate kaya napa-taas ako ng kilay. Umirap ito sa akin at sadyang binunggo sa aking braso.
Mabilis na ako naglakad sa may pintuan at binuksan ito.
"Ma at Pa, Aalis muna ako. Doon muna ako kila Raine, gagala lang po kami o baka roon na rin ako matutulog-" Napa-tigil ako nung biglang nagsalita si Mama.
"Wag ka na bumalik, maayos pa iyon." Pabalang nitong saad habang naka-tingin sa kaniyang cellphone.
Huminga ako ng malalim saka itinuloy na lamang ang aking sasabihin. "Sleep over daw po, bye po." Walang ganang saad ko at tuluyan nang lumabas ng bahay. I didn't wait for their answers.
Papayag naman yan sila mama kase nasa pangalawang kanto lang bahay nila Raine. Ultimong si ate nga kahit sa malalayong lugar pinapayagan eh.
Masaya pang pinag-hahandaan ni Mama ng gamit, nakaka-inggit.
Naglalakad na ako sa may gitna ng kalsada habang naisipan kong sabihin si Raine na papunta na ako sa kanila.
Muntik na ako mapa-mura ng may mabangga akong tao. Buti na lang at hawak ko nang mabuti phone ko kaya 'di 'to nahulog.
"Shit, sorry/Hala, sorry!" Sabay na saad namin ng lalaking nabunggo ko.
Buti napigilan ko sarili kong mapa-nganga! Napaka-gwapo naman nito, shems hulog ng langit?
Tinignan ko siya ng mabuti habang naka-kunot ang noo ko.
Maputi siya pero singkit, may matangos na ilong saka napaka-tangkad! Dagdag mo pa na sobrang gwapo nito, oh no! Harotism na side ko ay nagpapa-kita na.
Para kamo talaga siya galing ibang bansa!
Pero ako 'tong siga kaya boii ang tawag ko.
Umiwas ako ng tingin saka inayos ang sarili ko bago ko siya nginitian. "Sorry bruh ah. Sige na po, bye!" Mala-astig kong saad at muling naglakad na may ngiti sa labi. 'Di na ako lumingon pa dahil kinikilig ako ng mga 99.9%!
Ang pogi talaga niya talaga, omo kyah notice me!
Uwu, kalma ka muna Mia. Masiyado ka na napaghahalataan.
Huminto ako saglit sa paglalakad bagama't 'di ko napigilang lumingon sa kanya.
I turned my gaze on him, I was shocked when he was still staring at me.
He smiled at me, but then he walks toward the house of my not so guy friend.
Hmmm, ba't siya d'yan pumunta?
I kept on walking with some further questions inside my mind, but then I realize that I'm in front of my best friend's house.
Agad ko na kinuha ang phone ko para ma-chat siya na dapat kanina ko pa ginawa. Masiyadong nagwapuhan eh, ayan tuloy.
~>~>~>~>~
Raine! Nandito na ako sa bahay niyo, asan ka na?
Raine: Eto na, pababa na ako.
Okay, bilisan mo na.
~>~>~>~>~
Ilang sandali pa at nakita ko ng lumabas na si Raine sa pintuan.
Babaeng-babae ang suot, kabaliktaran ko na tamang naka-shorts lang at shirt. Pumunta muna kami sa Mcdo para kumain. Katulad ng sinabi niya, libre niya ito.
Iniwan ko siya sa counter para maka- hanap na ako ng upuan sa second floor. Maraming tao rito ngayon kaya na hirapan ako mag-hanap sa i-baba dahil wala ng bakanting upuan.
Mabuti na lang may nakita akong bakanteng upuan sa second floor. Umupo na ako agad at nakinig muna na ng music sa phone ko habang hinihintay si Raine. Nagpalingon-lingon ako.
Then someone caught my attention when it was the guy from a while ago.
Yung lalaking naka-banggaan, naririto ngayon?
Akala ko nasa bahay na siya.
'Bat ang bilis niya mapunta dito? Sabagay nag-lakad lang kami ni Raine habang nagkukwentuhan.
But the hell, he's smiling at me.
****
|EDITED|
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro