Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

BACK TO USA

DJ'S POV

Di ko alam kung ano ba nangyayare ngayon. Matutuwa ba ako or malulungkot kasi basta nevermind.

Nasa biyahe na kami ngayon ni Lois i was driving.

"Nilalamig ka yata wifey" sabi ko

Oh baka ako yung nanglalamig pero mukhang siya ang lamig ng kamay niya kaya napatingin siya saakin at nagtaka

"Huh? Hindi kaya.. Hmm eh parang ikaw nga yung malamig na kamay eh" sabi niya

Tiningnan niya yung kamay niya at akin. Binaba ko yung kamay namin habang nagdridrive ako at nakatingin sa daanan.

"Ahh h-hindi! Siguro dahil sa hawak kong juice kanina" sabi ko

Sumulyap ako sakanya at ngumiti at tiyaka bumalik sa tinitingnan kong daanan.

kinakabahan pa rin talaga ako kasi paano kapag pagkarating namin sa Manila ay marami na nakaabang saamin ni Lois at di ako handa sa kung ano sasabihin. Paano kapag tinanong na yung mga Reporters si Nick? O kaya si mama? O kaya si Direk Cathy? Lintik naman oh! Paano to?

LOIS POV

Kinakabahan ako sa pagkauwi namin ni dj kasi di pa ako ready at di ko alam kung ano sasabihin ko. Natrauma na talaga ako sa nangyare

---

Malapit na kami sa bahay ko, sobrang bilis ng tibok yung puso ko siguro mga ilan minuto na lang mahihimatay ako dito ee

Nang pagkalabas ko sa kotse nakatingin at nakatayo lang ako sa harap ng bahay namin hindi ako makahinga ng maayos at di ako gumagalaw. Ano ba sasabihin ko? Tumabi saakin si dj at hinawakan kamay ko

"Relax, wala mga makukulit na reporters" he said

Oo nga wala nga sila pero ano sasabihin ko kayla Mama?

Pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay yung as in sa loob na talaga. Sinalubong ako nila mama

"My Sweetheart! Nasaan ka nang galing? Tumawag ako sayo. Di ka naman sumasagot at ang tagal niyo naman magbakasyon ni dj alam mo ba na hinahanap kayo saakin ni Direk Cathy" sabi ni mama

Wait sino nagsabi na nagbakasyon kami. Siniko ko si dj at binulungan siya

"Bakasyon?" Bulong ko

"Hindi ako nagsabi nun" bulong niya

Hinarapan ko na si mama at ngumiti

"Yeaah Ma s-sorry p-po kung n-natagalan po kami ni dj whaha ang ganda kasi ng ano ng beach po
Eh alam mo naman po mama na love na love ko po yung beach. And ma sino po nagsabi na nagbakasyon po kami ni deej?" Sabi ko

Nakakainis isipin na lagi na lang ako di nagsasabi ng totoo kay mama pero seryoso sino nagsabi na nagbakasyon kami ni dj. Thanks a lot to that person Nagturn yung face ni mama to nagtaka face haha

"Si Nick nagsabi saakin.. Hmm bakit private vacation ba yun baby?" Sabi ni mama

Ohhh Nick well bago ako tuluyan umalis dito sa pinas ay magpapasalamat ako kay Nick

"Ahhh hm ilove you mama" sabi ko at niyakap siya

Di ko mapagilan hindi umiyak dahil naalala ko nanaman yung nangyare saakin at nung mga oras na yun gusto ko lang mayakap si mama at mag sorry sa harapan niya.

"I love you more my lovely sweetheart" sabi ni mama

Ang awkward naman na nakatingin saamin ni dj na nagyayakapan. Kumawala ako sa yakap at hinarapan siya

Pinunas ko yung mga luha ko sa pisngi ko at pinunasan din niya luha ko nakatingin lang ako sa mama ko na napakacaring and love mother kaya mahal na mahal ko ang mama ko.

"Why are you crying baby? May problema ba? Ayy dj ano ginawa mo?" Sabi ni mama na tumingin kay dj

Napangiti naman ako dahil ayaw na ayaw niya ako nakikita masaktan. Hinawakan ko magkabilang pisngi ni mama kaya tumingin siya saakin

"Ma i'm alright it is just I miss you so much mama." Sabi ko

Bigla ako pinalo ng kapatid ko sa braso ko

"Oi ate! Drama mo!" Sabi ni Laurice

I chuckled

"Tssk.. Hmm si Ate Louise? Nasan siya?"sabi ko

May pumasok sa pintuan kaya
Napatingin kami lahat dun at si ate yun na may kasamang lalake at di ko kilala kung sino man yung lalake na yun pero nakaholding hands sila at yung lalake mukhang may half american.

Nag smirk na lang ako sa nakita ko

"Oh Lois, nandito ka na pala kasama ang boyfriend mo" sabi niya

Napatingin ako sa boyfriend ng ate ko at nakangiti lang siya. Lumingon ako kay mama at nakangiti lang din siya. Lahat nakatingin kay Ate

"ang Pogi talaga ng boyfriend mo Ate!" Sabi ni Laurice kay ate Louise

Boyfriend?! Si ate?! Kailan pa? Finally SHE ALREADY had a boyfriend now. And i must say nakakaproud nga din kasi nung bata pa lang kami ayaw niya at di siya boto sa mga boyfriend thingy na yan hmm ano kaya ginawa ng boyfriend ni ate na ipalambot yung puso ni Ate.

"Ohh Boyfriend?! Ate?! Kailan pa? Grabe nakakaproud naman! Haha maganda siguro kung ipapakilala mo yan boyfriend mo saamin ni dj" sabi ko

"3 months na kami at kilala at alam na ni mama tungkol saamin" sabi niya at ngumiti saakin

Wow! Naglihim saakin si ate at bakit naman? Kasi baka kulitin ko? Lumapit kami ni dj sa harap nila ate habang niyakap ni dj yung waist ko

"Lois and dj i like you to meet my boyfriend Nicholas and Nicholas this is my sister Lois and her boyfriend dj" papakilala saamin

"Nice to meet you Nicholas and hey your lucky!" Sabi ko

"Thank you" he said then he smiled to me

Nag shake hands kami pati kay dj
Nagsmirk ako kay ate at kumindat

"Congrats sainyo pare" sabi ni dj

"Congrats din sainyo bro" sabi
Niya

Oh eh nagtatagalog pala to eh mukha kasi amerikano eh

"Are you a half american?" Sabi ko

"Ohh Half Australian, My mom is filipina and my dad is Australian" he said

Ahhh kaya pala i knew it!

"Hahahaha Ito pala yung type mo ate ahh. Yieeee congrats!" Sabi ko

Hinarap ko si mama

"Ma can we talk?" Sabi ko

"Sure" sabi ni mama

"Uhmm kasama po si dj" sabi ko

Umakyat kami sa Tass at oo na ito na sasabihin ko na na kailangan ko pumunta sa USA

"Are you sure na?" Sabi ni dj

Kailangan kasi ehh kaya okay na

Pumasok kami sa kwarto ko at talaga sa kwarto ko pa
Umupo kami sa sofa ko

"Ma, uhmm babalik na po muna ako sa USA" sabi ko

Nagulat si mama sa sinabi ko at hinawakan niya dalawang kamay ko

"Why? Baby? Ahh sa Taping niyo kailangan nga pala sabi ni Direk Cathy" sabi ni mama

Huh? Wala sinasabi saakin si Direk Cathy na mag tataping kami sa USA. Nilingon ko si dj at tumango na lang siya saakin

"Ahh and dun narin po ako magbabakayson Summer ma at kailangan ko na makapaggraduate ma" sabi ko

Tumango na lang si mama sa sinabi ko

"Okay baby, good yan at susunod kami sainyo sa May 18 summer vacay tayo dun at excited ko na rin isurprise si mommy ang lola niyo. Basta anak ingat kayo dun ni dj ah, skype always" sabi ni mama

Whooo madali naman pala kausapin si Mama eh buti hindi yung over reacting.

"Ma mamaya na flight namin ni dj kaya Eempake na ko. Thank you mama" sabi ko at niyakap siya ng mahigpit

"Anytime sweetheart" sabi niya

------

Nandito na kami sa Airport medyo natagalan pa kami ni dj sa pagkuha ng mga gamit namin eh at sasama daw saamin sila Tita Kath at Tito Dj ngayon din daw sila pupunta sa USA.

"Iiwan mo nanaman kami?" Sabi ni Ela

Niyakap ko siya hmm mamimiss ko talaga sila lahat

"Ela, 2 yrs lang ako dun. May skype naman at facebook eh don't worry" sabi ko

-----

Pagkatapos ng iyakan at paalam papasok na sana kami nila dj nang may tumawag saakin. Lumingon ako at nakita si Nick papalapit saakin. Nakatingin lang ako sakanya

"Lois, I'm sorry sa nangyare at kalimutan mo na yung nangyare. Ang gusto ko lang sabihin na Mamimiss kita ang ingatan mo sarili mo at lagi mo tatandaan na nandito ako palagi. At promise hindi ko na uulitin yun" sabi niya

Napaiyak na ko ng todo kaya niyakap ko na lang siya

"Bye for now" i said

-------
*After 5 days"

Here at Starbucks kasama yung nga USA troops ko pati si dj

"Eh ano nga kasi talaga nangyare?" Sabi ni Trixie

"Basta tiyaka na lang natin yan pagusapan kapag nakauwi na tayo. I don't trust Public places" sabi ko

Hinalikan ni dj yung kamay ko kaya kinilig ako bigla at kinilig din sila

"Dj naman haha stop"

Di ko mapigilan hindi kiligin

"Dj, napakasweet eh" sabi ni Rosella

"Mahal na mahal ko talaga girlfriend ko" sabi ni dj

"Ayieeeeeeee" sigaw nila

Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa kaingayan namin dito kaya nahihiya ako lalo.

"Eh dude! Pakasalan mo na kaya" sabi ni Eric

Mas lalo naginit yung pismgi ko grabe silaa

"Ui! Grabe ahh! Di pa nga tapos sa pagaaral ko at--"

"Kung Pwede na nga ngayon papakasalan ko talaga" sabi ni dj

Ang seryoso naman niya kaya napatingin ako sa kanya

"Pero kung mahal mo talaga ang isang tao willing ka talaga maghinhintay kaya maghihintay ako hangang sa pag kagradute mo na" he said

At hinalikan niya ako sa bibig pero mabilis lang awwwww i really love him soo much

"Ayieeeeeeeeeee sabog blue hearts" sigaw ng nga kasama ko pero para saakin pinakamalakas na naririnig ko ay yung puso ko at ang lakas na pagkakabeat

Nakatingin lang ako kay dj

"Pangako ko sayo yan hindi kita iiwan, hindi ako magsasawang mahalin ka, I promise you that i love you forever Lois. I love you" he said

Napangiti ako sakanya

"And i promise you that too dj. Wala makakasira saatin pagmamahal Pangako ko yan sayo. Mahal na mahal din kita dj" sabi ko

Tumulo na yung luha ko

"I promise you that I will marry you and you will be my lovable Wife" sabi niya

Hinawakan niya magkabila pisngi ko at tinitigan lang niya ako

"Ayun oh!" sabi nila

Ito na ang pinakabest ko nararamdaman ito na yun eh seryoso na ko dito at pinaninidigan ko ito and i must say na ako na ata ang pinakamasaya na babae sa balat ng lupa. Ang swerte nga noh kapag Padilla ang minahal mo kasi ang mga Padilla seryoso talaga yan mas lalo na ang isang Daniel Padilla paano pa kaya kapag ang Anak pa niya? Sobra sobra yan. Kaya sobrang sobra ko rin mahal si dj he's my one and only too.

THE END


A/N

And tapos na! Hope you enjoy it and yeah may susunod po ako story title "it started with a dare" Kathniel Fanfic po tayo nun. Abangan niyo lang :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: