I'M WRONG: PART 2
PART 2.
"Kalimutan mo na yun. Ang mahalaga natuto tayo sa mga nangyari. Sige alis na ako." sabi ko sa kanya.
Pumunta na ako sa table namin.
Pagkaupo ko doon sa pwesto namin ay agad ko tinignan yung papel na binabasa ko kanina.
Papel na binigay sa akin ng lalaking nakilala ko sa Park.
*Flashback*
Pagkatapos ng exam namin ay nagpahatid agad ako sa driver ko sa park.
Nagpunta ako sa pinakadulo ng park. Wala kasing gaanong tao doon.
Umupo ako sa damo at sumandal sa may puno.
"Nakakainis naman. Bakit ba sa dinami dami ng lalaki, siya pa yung nagustuhan ko..." sabi ko habang umiiyak.
Wala akong pakialam kung magmukhang baliw ako dito.
"Akala ko okay lang na sabihin kay Lyka, but.. *sob* Im wrong. Nagkamali ako. *sob* Dapat pala hindi ko na lang sinabi na crush ko si Jarelle sa kanya. *sob*" - ako
"Hindi mo dapat sinisi ang sarili mo."
Natigilan ako bigla sa pag iyak nang may narinig akong nagsalita.
Ano yun?
May multo ba dito?
Tumingin ako paligid wala naman tao?
Hala baka multo nga.
>__<
Posible naman sa likod ko kasi nakasandal ako sa isang puno.
"May multo ba dito? Huwag niyo naman ako takutin oh. Kung naiingayan kayo sa pag iyak ko. Sorry na! Please huwag kayong magpakita sa akin." sabi ko.
"Miss" biglang may humawak sa balikat ko.
"Ahhhhh! Multo! Maligno!! Yung puno may kamay!! Ahhhh!!!!" sabi ko habang nakapikit.
Nagdasal ako pero pabulong lang.
Lord! Ilayo niyo po ako sa multo o maligno. Huwag niyo po akong paba--
"Hahahahahahahahaha" biglang may narinig akong tawa.
Napadilat na lang ako bigla.
O.o
Isang gwapong lalaki ang tumatawa sa tabi ko.
Hawak pa niya yung tyan niya habang tumatawa
>.>??
Tinitigan ko lang siya. Waaaahh! Ang gwapo niya
*____*
Tumigil na siya sa pagtawa.
=___= - siya
Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kanya.
"........." - kami
Isang katahimikan ang nangyari sa pagitan namin.
~Ring.ring.ring.~
Tinignan niya yung phone niya.
Lumayo siya ng kaunti sa akin bago niya sagutin ang tawag.
Tinignan ko lang siya.
Napansin ko na para bang naiinis yung expression ng mukha niya.
Bakit kaya?
Lumapit na siya ulit sa akin.
"Miss, Sa Xand State University ka nag aaral diba?" tanong niya sa akin
"Oo, Bakit?" sabi ko sa kanya.
"Pwede mo ba akong samahan doon?" tanong niya sa akin.
"Okay!" sabi ko sa kanya.
Naglakad kami papunta sa isang magandang sasakayan.
*____*
Kulay dark blue na may black yung kulay ng sasakyan.
"Maganda ba??" sabi niya sa akin.
"Yup!! Ang ganda ng kulay. Sasakyan mo yan?" sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin.
Ang gwapo niya. ^____^
"Yup. Sakay ka na." sabi niya sa akin.
Tinignan ko lang siya ng may pagdududa.
Sasakay ba ako??
Paano kung masamang tao pala siya??
"Wag kang mag alala. Wala akong gagawing masama sayo." sabi niya sa akin. Napansin niya yata na ayaw kong sumakay.
Pinabuksan niya ako ng pinto. Hmmm.
Gentleman siya.
Sasakay ba ako??
Bahala na!
Sumakay na ako sa sasakyan niya. Siya kaya yung nagsalita kanina?
Tanong ko kaya?!
"Mr. , Ikaw ba yung nagsalita kanina doon sa park?" sabi ko sa kanya,
"Yeah! Yung napakamalan mong multo." sabi niya sa akin.
Pinaalala pa niya.
Nakakahiya!! >.<
Teka! Ano ga ba yung sinabi niya kanina??
"Ano nga pala sinabi mo kanina?" tanong ko sa kanya.
"Ayun ba? Hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo." sabi niya sa akin
"Bakit? Kasalanan ko yun, dahil sa mga maling ginawa ko. Kung hindi ko sinabi na crush ko si Jarelle, edi hindi ako napahiya sa kanila. Kahit na alam ko na malabong magustuhan niya ako, pinagpatuloy ko pa rin." sabi ko sa kanya.
"Mali ka." - siya
"Yes, Im wrong." - ako
"No, I mean mali dapat nagsisi ka dahil sa mga tamang bagay na ginawa mo sa maling tao." - siya
"Huh?" - ako
"The worst regret we have in life, is not for the wrong thing we did, But for the thousands of right things we did for the wrong people." - siya
Tumigil siya sa pagdadrive at tumingin sa akin.
"Oo na. Ikaw na ang tama. Parang sinabi mo lang na mali yung reason ko kung bakit ako nagsisi ngayon." - ako
Tumawa naman siya sa sinabi ko.
Baliw siya.
*pout*
"Nandito na tayo sa school mo." - siya
Lumabas na kami ng sasakyan. Hindi ko na siya hinintay na ipagbuksan ako.
Nagpasama siya pricipal office.
Bakit kaya? Magtatransfer ba siya?
"Ikaw ba si Mr. Aragon??" tanong ng matandang babae.
"Yes. maam" sabi ng lalaking kasama ko.
Mr. Aragon??
"Pasensya na. Balik ka na lang bukas. Nakaalis na kasi ang principal." sabi ng matandang babae.
"Sige po." - Mr. Aragon
***********************
"Salamat pala sa pagsama mo sa akin. *smile* Yung sinabi ko sayo, huwag mong kakalimutan." - Mr. Aragon
"Huh? Alin doon? Ang dami mo kaya sinabi." - ako
Ngumiti naman siya sa akin at ginulo yung buhok ko.
Sumakay na siya sa sasakyan niya.
"See you tomorrow. *smile*" - Mr Aragon.
*dug.dug.dug.*
Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko?
Napansin kong parang may nakatingin sa akin.
Lumingon ako sa paligid at nakita ko si Jarelle na nakatingin sa akin ng masama??
Tumingin ako sa paligid ko.
pero ako lang ang tao sa pwesto ko.
Ako ba talaga tinitignan niya?
Binalik ko ulit tingin ko sa kinatatayuan niy pero...
Wala na siya.
Imagination ko lang siguro.
************************
Last day na ng exam ko. Sa wakas hindi ko na rin makikita si Jarelle. ^___^
"Zyrille! May naghahanap sayo."
Napalingon naman ako sa harap ng pintuan.
O.o
Bakit siya nandito?
Pinuntahan ko siya sa labas.
"Zyrille pala pangalan mo. *smile*" sabi sa akin ni Mr Aragon.
"Im Re--"
~ring.ring.ring.~
Hindi niya natuloy yung sasabihin niya nang may tumawag sa kanya.
"Wait lang ah!" paalam niya sa akin bago sagutin yung phone niya.
"Hello!....Mamaya na balik ko dyan....Hahabol na lang ako sa laban....Sige. Bye." rinig kong sabi nya.
Laban? Saan??
Baka lalaban siya sa basketball.
"Pasensya na sa abala. May exam ka pa ba?" - Mr. Aragon
"Meron pa. Last exam ko na ito. Why?" - ako
Biglang dumaan si Jarelle. Napansin kong nagkabunguan ang balikat nila.
Diretso lang siya sa pagpasok.
Bakit parang badtrip siya? Tsk. Nevermind.
"Mukhang may galit sa akin yung lalaki kanina?" bulong sa akin ni Mr. Aragon
"Hindi siya lalaki, bakla siya. Badtrip lang siguro siya kaya ganun." sabi ko sa kanya
Napansin kong tumingin siya sa loob at bigla siyang nagsmirk.
"Sa tingin ko hindi." sabi niya sa akin habang nakatingin pa rin sa loob.
"Huh? Ano ba tinitignan mo sa loob?" sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa loob. Nakita kong umiwas ng tingin si Jarelle.
"Ah! Wala. Wag mo na lang pansinin yung sinabi ko. Pwede mo ba akong samahan ulit mamaya?" sabi niya sa akin.
Wala naman siguro masama kung samahan ko siya ulit.
"Sige." - ako
"Thanks. Hihintayin na lang kita doon sa may bench sa labas ng building niyo." sabi niya sa akin.
"Okay. ^__^" sabi ko sa kanya habang nakangiti.
Ngumiti naman siya sa akin bago umalis.
Bumalik na ako sa upuan na nakangiti.
"Boyfriend mo?" biglang tanong sa akin ni Lyka.
Okay na pala kami. Pero hindi ko na siya masyado pinagkakatiwalaan.
"Hindi ah!" sabi ko sa kanya.
Pero sana nga. Hehehehe.
Crush ko na kasi siya ngayon. ^__^V
"Ano mo siya?" tanong niya sa akin.
Tinignan ko lang siya.
Ano ko nga ba siya? Friend?
Pero di ko nga alam pangalan niya except doon sa Mr. Aragon.
Di ko na nasagot yung tanong ni Lyka dahil dumating na yung prof namin.
***********************
Tapos na rin ang exam namin. ^___^
Lumabas na ako ng building namin para hanapin si Mr. Aragon.
Lingon sa kanan.
Lingon sa kaliwa.
May lalaki akong nakita na kahiga sa isang bench.
Nakatakip ng libro yung mukha niya kaya di ko makita mukha niya.
Gigisingin ko na sana nang gumalaw ito kaya nalaglag yung libro na nasa mukha niya.
O.o
Si....
Mr. Aragon pala yung nakahiga sa bench.
Natutulog siya.
Tinitigan ko lang siya.
"Baka matunaw ako." - Mr. Aragon
Hala! Nakakahiya >///<
Umupo na siya at kinuha yung libro.
"Tara na?! *smile*" - siya.
Umakbay siya sa akin at nagumpisa na maglakad.
*dug.dug.dug.*
Ang puso ko. Ang bilis ng tibok.
>//////<
**************************
"Thank you sa pagsama sa akin." - siya
"Welcome." - ako
"Wala ka na bang klase?" - siya
"Wala na." - ako
"Zyrille!!" sabay kami napalingon sa tumawag sa akin.
"Kayo pala!" - ako
"Sino yan?" nakakunot noong tanong ni Aira.
Sasagot na sana ako nang tumunog nanaman yung phone niya.
Pansin ko lang...
Bakit parang palagi na lang may tumatawag sa kanya?? =__=
Nagpaalam siya sa amin bago sagutin yung tawag.
"Hoy! Sino siya?" - Khylle
"Si Mr. Aragon." - ako
"Ano mo siya?" - Aira
"Friend?" - ako
"Friend? Hindi ka sigurado?" - Khylle
Nagnod ako sa kanya. Para sa akin kasi friend ko na siya, ewan ko lang sa kanya.
"Zyrille" tawag niya sa akin mula sa likuran ko. Humarap naman ako sa kanya.
"Salamat ulit. Para sayo." sabi niya sa akin habang inaabot ang isang papel
"Sulat?" - ako
Ngumiti naman siya sa akin. Kinuha ko yung binibigay niyang papel sa akin.
"Bye! Kailangan ko na kasing umalis. Sana magkita pa tayo ulit." - siya
"Bye! Ingat ka. Hangang sa muli natin pagkikita." - ako
Tinignan ko siya habang naglalakad palayo sa amin.
Nakatingin lang ako sa likod niya hangang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
*End of flashback*
Ayun ang huling pagkikita namin ni Mr. Aragon.
~sigh
Kamusta na kaya siya??
***********************************************************
~Saturday
Pasakay na ako ng sasakyan na gagamitin namin papuntang Manila.
"ZYRILLE!!"
Napatigil ako sa pagsakay at tumingin sa tumawag sa akin.
Hingal na hingal siya..
halatang tumakbo siya.
Lumapit ako sa kanya.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya
Niyakap naman niya ako bigla.
O.o
"Jarelle" tawag ko sa kanya
"Pssst. Ako muna magsasalita." sabi niya sa akin.
Inalis na niya ang pagkakayakap sa akin.
Hinawakan niya ako sa makabilaang balikat.
Tinignan ko lang siya.
Huminga siya ng malalim.
"Zyrille! Gusto kita. Hindi ko alam kung kailan kita nagustuhan. Basta narealize ko na lang, kung kailan wala ka na. Kung kailan hindi na tayo nag uusap. Kung kailan iniwasan mo na ako. Araw araw nakikita kita pero natatakot ako lumapit sayo. Nung nakita kita sa McDo, hindi ko na sinayang ang pagkakataon na makausap kita. Gusto ko sayo sabihin kahapon na gusto kita pero nahihiya ako sayo. Naduduwag ako! Pero ngayon ito na ang huling chance ko kasi aalis ka na. Zyrille Janzen Padrigon gusto kong malaman mo na gusto kita. Ay! Hindi pala ma-----" - Jarelle
Matutuwa na sana ako sa sinabi niya kaso binawi niya.
Tinulak ko siya palayo sa akin.
"Jarelle! Huwag mo nga ako pagtripan. Hindi ka na nakakatuwa at mas lalong hindi ako natutuwa sa pinagkakagawa mo. Diyan ka na nga." - ako
"Zyrille! Wait lang. Patapusin mo muna ako." - Jarelle
Hindi ko na siya pinansin.
Ayoko na marinig ang mga sasabihin niya.
Sumakay lang ako sa sasakyan.
Tinignan ako ni Sandra, Aira at Khylle.
"Paandarin niyo na po." - ako
Pinaadar na yung sasakyan. Nakita ko na humahabol pa si Jarelle pero di ko na lang pinansin.
"Zyrille! Pinaiyak ka nanaman ba ng lala--baklang yun?" - Khylle
Doon ko lang narealize na lumuluha na pala ako. Akala ko gusto niya rin ako, pero hindi pala. Pinunasan ko na lang yung luha ko at tinignan yung papel na lagi kong dala kahit saan.
Binasa ko ulit yung nakakasulat.
~sigh
Kailan ko kaya kita makikita ulit?
Gusto kita makita ulit at nakausap. Gusto ko sabihin mo sa akin ulit yung nakasulat dito.
Napangiti na lang ako bigla sa pinag iisip ko.
"Hala! Baka nasisiraan na ito? Bestie! Pakitingin naman si Zyrille, baka nababaliw na." - Khylle
"Hindi ako baliw. *pout*" - ako
Nasitawanan naman silang lahat.
**************************
Jarelle's POV
Siyete! Ang shunga ko.
Nasabunutan ko na lang ang sarili ko habang tinitignan yung sinakyan ni Zyrille.
"Hindi pala kita gusto...kasi mahal na kita."
Gusto ko sana sabihin sa kanya na mahal ko siya pero wala na, iniwan na niya ako.
Mali nanaman ako.
Mali ako ng salitang sinabi sa kanya. Ayan tuloy hindi na niya ako pinakingan.
Akala ko magiging okay ang lahat but...
I'm wrong.
**************************
Zyrille's POV
~Rutherford University
Today is monday. Sa wakas makikita ko na rin si Alexa.
I'm so excited!! ^___^
Pagpasok pa lang namin sa loob ng RU ay may naramdam akong kakaiba.
Bakit kaya??
Baka excited lang talaga ako.
Tumingin ako sa paligid.
"Hanapin na natin yung room natin." - Sandra
"Unahin muna natin ihatid yung bata." - Khylle
Napatingin sila sa akin.
"Grabe ka naman Khylle. Kung makapagsabi ka ng bata diyan, nauna ka lang sa akin ng isang taon." - Ako
"Hahahahaha. Nagbibiro lang ako. Tara na nga!" - Khylle
"Wait! Diba si Alexa yun?" sabi ni Aira habang tinuturo niya ang isang babae na basang basa.
"Si Alexa nga!" - Khylle
Lalapit na sana kaming ng bigla siyang pagtulungan ng mga kausap niya.
"Dalian niyo. Tulungan natin siya." - Sandra
Tumakbo kami palapit sa kanya.
"ALEXA!" - Kami
Hinila namin yung umaaway kay Alexa at pinagsasabunutan.
Biglang may dumating na limang lalaki at inawat kami.
"Ayos ka lang ba?"
Natigilan ako bigla nang marinig ko yung boses na un. Napatingin ako sa lalaking tumutulong kay Alexa na makatayo.
*dug.dug.dug*
Si...
Mr. Aragon.
Sa wakas, Nakita ko na siya ulit...
Ang Mr. Right ko.
Autho's note: Ang story po ito ay tungkol lang kay Zyrille at Jarelle. Wala pa kinalaman si Mr. Aragon dito.May ibang story po sila Zyrille at Mr. Aragon. Abangan nyo po. Thank you sa mga nagbasa ng I'm wrong. ^___^
please..
comment and vote.
Thanks!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro