Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'M WRONG: PART 1

PART 1

"The worst regret we have in life, is not for the wrong things we did, But for the thou-- Akin na yan Khylle." sabi ko kay Khylle. Isa sa mga bestfriend ko.


"Boi, Kanina mo pa binabasa yung sulat na ito. Paulit ulit na lang." sabi niya sa akin.

"Waaaah! Ang bad mo. T__T Gusto ko lang naman basahin yan ng paulit ulit to inspire me." sabi ko sa kanya.


"Yung nakasulat ba yung inspiration mo o yung nagsulat?" sabi naman ni Aira. Isa din sa mga bestfriend ko.


Sinimangutan ko lang siya.


"Brad! Matagal na yun. Dapat kalimutan mo na siya." sabi sa akin ni Aira.



Pinagtutulungan ako ng dalawang ito. 

*pout*

BTW. Im Zyrille Janzen H. Padrigon. 17 yrs old. 2nd year college. Nag aaral ako sa Xand State University in Batangas. 

Dito kami ngayon ng mga bestfriend ko sa McDo. Lunch Break kasi namin at naisipan namin na dito na lang kumain, tutal malapit lang din sa school.

"Nakaorder na kami. Wala ka bang balak bumili ng pagkain mo?" tanong sa akin ni Khylle

"Ang bad niyo. *pout* Hindi niyo man lang ako hinintay." sabi ko sa kanila.

"Kanina ka pa kaya namin tinatawag. Hindi mo man lang kami pinapansin." sabi sa akin ni Khylle.

Si Aira naman ayun nakatingin lang sa amin.

 

"Wait! Huwag muna kayo kakain. Mag oorder lang ako." sabi ko sa kanila.

Nagnod naman sa akin si Aira.


"Dalian mo ah. Nagugutom na ako." sabi sa akin ni Khylle.


Pumila na ako para maka order.


"Isa pong burger at fries." sabi ng costumer na nakapila sa kabila.

Parang pamilyar yung boses niya. Tinignan ko siya.

O.o



Sakto namang napalingon din siya sa akin.

"ZYRILLE!!" sabi niya habang tinuturo ako.


Bakit ganyan ang reaksyon niya? Kung makareact siya parang walang nangyari noon.

*Flashback*


First day ko ngayon bilang college student. I'm so excited!! And the same time kinakabahan ako.

Pumasok na ako sa room.Umupo ako sa 3rd row. Katabi ng isang babae na nakatingin sa may bintana.

Tumingin siya bigla sa akin.

Kakausapin ko ba siya? 

Bahala na!


"Hi! I'm Zyrille Janzen. *smile*" sabi ko sa kanya. 

"I'm Enimsaj Lyka. Lyka na lang itawag mo sa akin" sabi sa akin ng katabi ko.


 

"Okay! Lyka, nice to meet you. Tawagin mo na lang akong Zyrille. Friend?" sabi ko sa kanya

"Sure! Friend na tayo." sabi niya.

Nakipagdaldalan ako sa kanya habang wala pang prof na pumapasok.


Natigilan ako bigla sa pagdaldal nang may nakita akong gwapo na dumaan sa labas ng room. Nakita ko siya mula sa bintana. Glass window kasi yung gamit tapos makikita mo pa yung mga dumadaan sa labas kahit nakasarado.

Sinudan ko lang yung dumaan hanggang sa nakita ko na lang na pumasok siya sa room. 


*____*


Kaklase ko siya?

Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa kanan ko.

Waaahh! Katabi ko siya. ^_____^


Maya maya may pumasok nanaman na isang babae. 

Wow! Ang ganda niya. *___*

Umupo naman yung girl doon sa upuan na nasa likod ko. 

Binalik ko ulit yung tingin ko doon sa lalaking pumasok kanina. Kinakausap na niya yung girl na nasa kanan niya.Gusto ko siyang kausapin, pero nahihiya ako. 


Dumating na yung prof namin.


*Blah.blah.blah.* 


Nagpakilala lang isa't isa at si Lyka na yung sunod.

Tumayo na siya at pumunta sa harapan.

"My name is Enimsaj Lyka Benamir. 17 yrs old." sabi ni Lyka.

Pagkatapos ay pumunta na ako sa harapan para magpakilala.


"Im Zyrille Janzen Padrigon. 16 yrs old." pagpapakilala ko sa kanila. 

Bumalik na ako sa upuan ko. Tumayo naman yung katabi kong lalaki. 

Tinignan ko lang siya habang papunta siya sa harapan. Ano kaya pangalan niya?



"Im Jarelle Lim. 17yrs old."  pagpapakilala niya. 

Jarelle Lim pala name niya. Parang Jireh Lim lang ang peg. 


"Im Kheden Constantino. 17 yrs old." 

Napatingin ako bigla sa harap. Yung magandang babae na pala yung nagpapakilala. Masyado yata ako Natulala kay Jarelle. Gwapo niya kasi. ^___^V


***********************

~Next day

Sana makausap ko na si Jarelle mamaya. Hihihihi!!


Pumasok na ako sa room na may ngiting wagas. ^_____^

"Good Morning Lyka." bati ko sa kanya.


"Good Morning." bati niya sa akin.

Nakipagkwentuhan muna ako sa kanya habang wala pang prof.

"Cr muna ako ah. Habang wala pang prof." paalam sa akin ni Lyka. Nagnod naman ako sa kanya. 

Sinundan ko siya ng tingin. Pagkalabas niya ay pumasok naman si Jarelle.

Umupo na siya sa tabi ko.


"Hi Zyrille. *smile*" bati niya sa akin. 


Waaaaah!!

Kinausap niya ako. Thank you po Lord.


"Hello. *smile*" bati ko sa kanya.

Nakipagkwentuhan siya sa akin. Kung kanina medyo ilang pa ako sa kanya, ngayon hindi na!!

********************

3 weeks na ang nakalipas. Okay na kami ni Jarelle, nakakapag usap na kami. 

Marami na din akong mga naging friend at higit sa lahat....






crush ko pa rin siya.



"Zyrille" tawag sa akin ni Jarelle. 

"Bakit?" tanong ko sa kanya.


"Tingin ka doon." Tinuro niya yung sa labas ng bintana. 

Tumingin naman ako doon. 



"Gwapo niya no?" sabi niya sa akin.


Mas gwapo ka pa diyan.


"Pwede na rin. Bakit? Crush mo?" biro ko sa kanya.

"Yup! Crush ko siya." sabi niya sa akin na parang kinikilig pa.



OMG!!! May crush siyang lalaki? Bakla ba siya?


Pero hindi naman masama ang magkacrush sa kapwa niyang lalaki. Ako nga may crush na babae eh.


"Oi! Bakit ganyan yun mukha mo? Dont tell me crush mo din siya? Walang agawan ng crush, akin lang siya." sabi niya sa akin. 

Napataas bigla ang kilay ko.

"Hindi ko siya crush." sabi ko sa kanya. 

Hindi ko siya crush kasi ikaw ang crush ko.



"Bakit ganun reaction mo kanina? Parang gulat na gulat ka. Normal lang sa isang bakla ang magkacrush sa isang lalaki." sabi niya sa akin.

Teka! Tama ba narinig ko?





"BAKLA KA?!" gulat na sigaw ko sa kanya.

Nagtinginan bigla sa akin ang mga kaklase ko. 


"Hahahahaha. Hindi mo ba alam? Yup, bakla ako." sabi niya. 

Napansin ko na nagsitawanan din yung mga tropa niya.


Bakla siya?



Si Jarelle Lim?


Ang crush ko...


Ay isang bakla.


Bakit hindi ko agad napansin yun?

Ang crush ko ay isang POGAY. 


***********************

"Zyrille" hinanap ko yung tumawag sa akin. Nakita ko si Khylle at Aira.

"Bakit ganyan mukha mo? Parang pasan mo ang daigdig?!" sabi sa akin ni Khylle pagkalapit nila.

Sinimangutan ko lang siya.

Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon.



"Uwi na tayo." sabi ko sa kanila

"Daan muna tayong Hide Out. Pinapapunta tayo doon nila Alexa." sabi ni Aira.


Siya kasi madalas may load kaya siya yung nakakausap nila Alexa.

Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na kaming tatlo ay GANGSTER. 

Mahirap bang paniwalaan? 


Hindi naman kami yung tipong pala away talaga. Kami yung gangster na binuo para sa ikatatahimik ng lugar laban sa mga nanggugulong gangsters.

Gets niyo?? 

Kung hindi?? Bahala na kayo, wala ako sa mood magpaliwanag.


"Tara na! Ikwento mo na rin sa amin kung bakit ka ganyan." sabi ni Khylle

Hinila na niya kami papunta sa parking area.

*********************

"Hahahahahahaha" tawa nilang dalawa. 


Kinuwento ko kasi sa kanila yung tungkol kay Jarelle at yung nangyari kanina.


"Ang bad niyo talaga. *pout*" sabi ko sa kanila


"Sorry... Hahahaha. Kasi naman... hahaha." - Khylle

Tinignan ko siya ng masama

"Hahahahahaha. Kawawa ka naman brad. Huwag ka ng malungkot diyan malay mo maging lalaki pa siya." sabi ni Aira. Buti pa siya may matinong sinabi. 

Tama! May pag asa pa siyang maging straight. Tiwala lang.

"Thanks Brad!! *smile*" sabi ko sa kanya.

Naging hyper nanaman ako.

 

"Bumalik ka na sa dati. Hahaha. Pero dami na talagang gwapong bakla no?" sabi ni Khylle.

"Yup. Kung may natitira naman na gwapong straight, puro mayayabang naman." sabi naman ni Aira. Bitter talaga ito pagdating sa lalaki.

"Nandito na tayo." - Aira


Bumaba na kami sa sasakyan ni Aira. Sasakyan ni Aira yung sinakyan namin. Siya din nagdrive. May sasakyan din naman si Khylle pero sabi niya isang sasakyan na lang daw gamitin para makapagkwentuhan kami. 

Sus! Tinatamad lang yan magdrive.

Ako naman walang sasakayan. Masyado pa daw kasi akong bata sabi lola. 

Nakatira kasi ako sa bahay nila. Sila mama at papa nandoon sa Manila, kasama si Kuya Jazzer. 


Matagal ko na palang hindi nakikita si kuya. Miss na miss ko na siya. 

"Bakit nakasimangot ka nanaman?" - Khylle

"Wala, Naalala ko lang si kuya." - Ako


"Alexa! Tama na yang pakikipag asaran mo. Nandito na sila Aira." sabi ni Sandra. 

Nandito din pala ang mga boys. Hinati kasi sa dalawa ang Silent Killer. Silent Killer B (Boys) at Silent Killer G (Girls).

"Bakit mo pala kami pinapunta dito?" tanong ni Aira kay Alexa.


"Hindi ako yung nagpapunta. Yung kuya mong siraulo." sabi naman ni Alexa.

Tinignan naman ni Aira yung kuya niya. Kuya niya kasi yung pinakaboss ng Silent Killer.

"Hindi ako ang siraulo, baka ikaw yun Alexa. Upo muna kayo." sabi ng kuya ni Aira.


************************

"Kaya ba natin na wala ang mga boys?"  tanong ko kay khylle

Tapos na kasi yung meeting at sinabi lang naman sa amin na aalis daw ang ibang member ng mga boys. Kaya pahinga muna daw sila.

Kami daw muna mga girls ang bahala. =___=

"Kakayanin natin yun. Kasama naman natin sila Alexa." sabi ni Khylle sa akin.

************************

~Xand State University

"Zyrille!!" tawag sa akin ni Lyka habang papasok ako sa room.

"Bakit?" tanong ko sa kanya habang umuupo.

"Nakapagreview ka na, para sa quiz mamaya??" tanong niya sa akin.


"Yup." sagot ko sa kanya.


"Zyrille" tawag naman sa akin ng isa ko pang katabi.

Tumingin ako kay Jarelle. Ano naman sasabihin nito??

"Ayun nanaman yung crush ko." turo niya doon sa lalaking nasa labas. 

Sinasabi niya yan habang kinikilig. Walang duda! Bakla nga siya.

"Sino pala crush mo? Sinabi ko yung sa akin, kaya dapat ikaw din." sabi sa akin ni Jarelle 

"Ikaw." sabi ko sa kanya. 

"Weh? Yung totoo? Sino nga?" - Jarelle

Ang kulit naman ng lahi nito. Siya nga ang crush ko eh.

"Ikaw nga!" - ako

"Tsk. Bahala ka nga diyan." sabi niya sa akin. Bigla siyang lumabas ng room. 

Totoo naman ang sinasabi ko eh! Bahala nga siya diyan. 

Pasalamat siya... 


crush ko siya.

**************************

Lumipas ang mga araw. Malapit na matapos ang 1st semester namin. 

Finals na namin nextweek.

Wala na rin kami masyadong ginagawa ngayon. Napatingin ako bigla kay Jarelle. 

Nandoon siya sa harapan kasama ang mga tropa niya.


Magiging kaklase ko pa kaya siya next semester? 

~sigh


"Zyrille, Crush mo ba si Jarelle?" biglang tanong ni Lyka.

"Huh? Bakit mo natanong?" gulat na sabi ko sa kanya.

"Kanina ka pa kasi nakatitig sa kanya." sabi niya sa akin habang titig na titig sa akin.

Biglang nag init ang pakiramdam ko. 




"Nagblush ka! Crush mo nga siya?" sabi niya sa akin. Nagnod naman ako sa kanya. 


Nagulat na lang ako ng bigla siyang sumigaw.

"JARELLE! CRUSH KA DAW NI ZYRILLE!!" sigaw niya.

Nagsitawanan naman ang mga kaklase namin. 


Nakakahiya!


Pero mas lalo akong nahiya dahil sa sinigaw ni Jarelle.


"KAHIT MAGING LALAKI AKO MAS GUGUSTUHIN KO PA SI KHEDEN KAYSA SA KANYA." sigaw ni Jarelle sa harap.

Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko. Naramdaman kong unti unting namumuo ang mga luha ko. Pero pinigilan ko lang, dahil ayoko na makita nila akong umiiyak.

Dumating na yung prof namin at umupo na si Jarelle sa tabi ko. 

Hindi ko siya pinansin...



Narinig kong tinawag ako ni Lyka, pero hindi ko rin siya pinansin. Naiinis ako sa kanya. 


Dapat pala hindi ko na lang sinabi sa kanya. Dapat pala hindi ako umamin.




*End of Flashback*

"Zyrille. Okay ka lang ba?" - Jarelle

Kanina pa pala ako nakatingin sa kanya. 

>//////////

Lumingon na lang ako sa harap. 


"Okay lang ako." sabi ko sa kanya habang umoorder. 


Papunta na sana ako sa table ko nang tawagin niya ako.

"Zyrille!" - Jarelle


Lumingon ako sa kanya.

"Bakit?" - ako

"Totoo ba na lilipat ka ng school?" - Jarelle

"Oo." - ako 


"iiwanmonaako" - Jarelle 

Hindi ko maintindihan yung sinabi niya. Mahina kasi yung pagkakasabi niya.


"Huh?" - ako


"Sorry nga pala sa nagawa ko last year. Alam ko na nagkamali ako sa ginawa ko sayo, kaya pinagsisihan ko yun." - Jarelle




"The worst regret we have in life, is not for the wrong things we did,But for the thousands of right things we did for the wrong prople!!" - Ako

"Huh?" - Jarelle

"Nalaman ko yan nung araw na pinahiya mo ko." nakita ko yumuko siya sa sinabi ko 

"Hindi ko pinagsisihan na sinabi ko kay Lyka na gusto kita." napaangat siya ng ulo. "Pinagsisihan ko sa dinamidami ng taong magustuhan ko bakit ikaw pa??" dugtong ko 

"Sorry!" - Jarelle

"Kalimutan na yun. Ang mahalaga natuto tayo sa mga nangyari.Sige alis na ako." sabi ko sa kanya.

Jarelle's POV

"Bakit hindi mo sinabi sa kanya?"  tanong sa akin ni Kheden

Tinignan ko lang siya. Maganda siya pero iba pa rin si Zyrille sa kanya.

"Mukha wala na akong pag asa." sabi ko sa kanya.

"Huwag ka ngang shunga. Magpakalalaki ka! Akala ko ba straigth ka na?" sabi sa akin ni Lyka

"Tigilan niyo nga ako." inis kong sabi. 

Hindi ako naiinis sa kanila. Naiinis ako sa sarili ko, dahil ang shunga ko. 

"Bukas na daw alis nila." malungkot na sabi ni Lyka

"Na sayo na kung sasabihin mo ba sa kanya o hindi?" sabi sa akin ni Kheden. 

Bakas sa kanyang mukha ang pag aalala. Tinignan ko lang si Zyrille habang kausap niya ang mga barkada niya.

Itutuloy....

 **********************************************************************************************

Author's note: Sorry  po kung may mga typo at maling grammar. 

please comment po kayo..

at vote na din.

Thank You!!! ^___^ 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro