Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9

Maui's POV

Halos puno na ng mga estudyante ang buong school compound. Ngayon na kasi talaga ang opening nung School's Foundation Day ng AU (Adam University). Sobrang dami rin ng mga booth sa paligid, may mga nagfu-food expo pa. Pinuno rin ng upuan yung gym dahil doon gagawin yung program.

Naupo kami nila Maxi at Xianny sa medyo may likod. Ang crowded na kasi masyado. Wala na ring space sa harapan. Ang hirap ding sumiksik lalo na kung alam mong hindi na talaga pwede. Eheeeem! Bakit nagmistulang hugot yung huli kong sinabi?

Maya-maya lang din ay sinimulan na yung program. Nagbigay pa muna ng mensahe si Tita Grecie, mommy ni Ryner since siya yung Principal dito. Matapos naman ng mensahe niya ay winelcome na kami ng mga school head at opisyal nang in-open yung program.

Pang 50th anniversary na pala 'to ng AU. Biruin mo? First time kong mararanasan yung ganitong Foundation Day tapos nasakto pang Golden Anniversary ng AU. Kaya pala todo-todo sa preparasyon yung mga students at mga teachers.

Bawat oras, may mga program ng nakalaan. Whole day yung sa mga booth hanggang tomorrow. 10:30 AM yung start ng dance competition, mayang 2:00 PM naman yung singing contest. Tapos bandang 3:30 ang dance sport contest. Sa gabi naman yung banda.

Ang cool! Dati nakokornihan ako sa program na 'to pero nung nalaman kong may banda, medyo nawala yung pagkakorni niya para sa akin. Mahilig akong manuod ng mga battle of the bands e.

Bukas naman, magkakaroon ng Fun Run at exactly 4:00 AM. Argh! Mahimbing pa tulog ko 'pag ganung oras e. Then tanghali yung pinakahighlight daw ng program, iyong Campus King and Queen which is nakokornihan pa rin talaga ako.

"Guys, tara sa photo booth, daaaaali!" Masayang tugon ni Xianny. Nagpahila na lang din kami sa kanya.

Ayun, nakipila pa kami kasi marami ng mas nauna sa amin. May bayad siya, sampung piso bawat isa tapos 5 minutes kayo roon. Yung diretso develop na siya. Pwede isahan, pwede ring grupo-grupo.

Nung kami na ngang tatlo, hindi talaga maipagkaila yung excitement sa mukha ni Xianny. As if namang first time niya lang dito diba? E dito kaya siya nag-aaral. Parang bago lang sa kanya ah? Loko talaga 'to.

Pumasok na kami roon sa loob. Bali trenta binayaran namin. Parang lugi kami ah? Trenta tapos 5 minutes lang?

Ayun nga, kung anu-anong pose ginawa namin. Si Maxi sa gitna, sa gilid naman kami nila Xianny. May nakawacky, may pose pa kaming hawak yung baywang ng isat-isa. Tapos meron pa yung ala-pageant-pose kuno. Meron din yung parang sa The Legal Wife pose. Pfffft!

Tawang-tawa pa nga ako kasi yung last pose na namin, sabay naming sinabunutan ni Xianny si Maxi, tapos yung pagkakuha sa picture e nakanganga pa ang bakla. Hahaha. Pati tuloy yung ibang nakapila e natatawa na rin sa amin.

"Ang sama niyo sa akin!" Reklamo niya pagkalabas namin sa booth. Bali tig-fi-five copies kami nung pictures. Sulit din pala yung sampung piso namin.

"Okay na yan! Ang ganda kaya namin ni Maui d'yan!" Sagot sa kanya ni Xianny.

"Eeeee! Para akong ewan d'yan! Nakanganga pa talaga ako." He pouted.

"Sus! Ang arte mong bakla! Eto nga yung pinakacute sa lahat e." Tumatawang sabi pa ni Xianny tapos inilagay niya iyon sa likod ng ID niya. Pati tuloy ako, hindi ko maiwasang matawa sa kanila.

Ginaya ko na rin yung ginawa ni Xianny. Nilagay ko rin yung same picture sa ID ko. Ang cute kasi e. Ewan ko lang kay Maxi. Basta cute kami. Hahahahahaha.

"Sige guys, punta muna ako sa horror booth ah?" Tatalikod na sana ako kaso nagsalita si Xiantal.

"Teka, anong gagawin mo roon?" Hindi ko nga pala kasi sinabi sa kanila na kasali ako roon sa horror booth.

"Sumali ako roon e. Kaysa naman sa nakatunganga lang ako." Sagot ko.

"E diba sa Grade 9 yun? Dapat sa seniors ka na lang din sumali." Singit ni Maximo.

"Ayoko ro'n. Mas masaya sa horror booth. May thrill." Kumindat pa ako sa kanila. Mostly kasi sa seniors, yung wedding booth, ride booth, magical booth, food booth, basta kung anu-ano pa.

"Ewan ko sa'yo! Basta nood ka mamaya sa singing contest ah? 2 PM!" Sigaw ni Xianny nung medyo nakalayo na ako.

"Oo naman. Goodluck Xianny!" Nagthumbs up pa ako sa kanya bago ako tumakbo palayo.

Pagdating ko roon sa booth, nakahanda na silang lahat. Minemake-up-an na rin sila ni Meryl. Agad naman akong lumapit sa kanila.

"Sorry guys, late ako ng dating." Pag-aagaw ko ng atensyon nila at ibinaba ko na rin yung bag ko.

"Okay lang ate. Mamayang 9:30 pa naman natin sisimulan 'tong booth." Sagot sakin ni Alexa. May nadagdag na tatlo sa kanila. Bali sampu silang Grade 9 tapos ako na. So eleven kaming lahat dito.

"Trish, 'lika dito bi." Agad na lumapit sa akin si Tricia. Nakasuot siya ng pulos black tapos nakapaa lang siya. Ginulo-gulo niya na rin yung buhok niya.

Since zombie siya, in-apply-an ko yung mukha niya na parang may dugo sa labi niya pati sa mata niya. Yung iba naman ghostlike ang dating. Tapos may parang aswang. Yung may tali sa katawan yung parang nalipad na aswang. Mistulang naging halloween party tuloy yung booth.

Nagsuot lang ako ng puting damit hanggang sa paa ang haba. Inilugay ko rin yung mahaba kong buhok tapos nag-apply ako ng cream sa mukha ko, yung sobrang puti. White lady nga kasi.

"Okay guys, doon na kayo sa pwesto niyo." Sabi ni Meryl sa amin. Siya kasi yung tagabigay nung ticket, tigsasampu rin yun.

Pagpasok namin sa loob, sobrang dilim tapos puro black pa yung mga tela. Doon sa mga tela kami magtatago, yung iba nasa taas, yung iba nagtago sa baba, yung kapag may pumasok hahawakan ka nila sa paa. Tapos may itatapon pa kaming mga ghost mask or kaya yung parang mga bungo.

Hahahaha. Exciting 'to e!

Maya-maya lang din, medyo lumiwanag yung entrance, meaning may mga pumasok na. Pigil-tawa nga yung ginagawa namin kasi pagpasok pa lang nila, naghihiyawan na sila tapos may mga napapatalon pa.

Nung may lumapit na sa direksyon ko, tutal madilim naman, hinarang ko sila tapos bigla kong inilaw yung dala kong flashlight sa mukha ko. Tapos saktong may pinagulong silang dalawang bungo sa paanan nila. Sigaw sila ng sigaw.

Ang hirap magpigil ng tawa. Ang e-epic talaga ng hitsura nila! Seryoso. Buti talaga rito ako sumali e. Exciting!

Mag-iisang oras pa lang yata kami rito pero tuluy-tuloy yung pagpasok ng mga estudyante. Nakakapagod siya pero mas lamang yung saya. Salitan din kasi kami ng mga pwesto e. Pero worth it din naman.

Matapos no'n, namahinga muna kami. Tuwang-tuwa talaga yung Grade 9 kasi ang dami nilang napagbentahan na ticket. Doon din daw kasi magbebase yung teacher nila para sa grade nila sa isang subject nila. Magfofall daw sa performance nila. Ewan ko ba roon.

Napalinga ako sa paligid. Sobrang dami din nung tao sa ibat-ibang booth. Yung iba naman, kanya-kanyang mundo. May pagames din kasi e.

After taking our break, we went back in our spot at mag-eend kami ng mga 12:00nn. Mas masaya nga sana kung gabi pero okay lang, covered naman lahat kaya parang gabi lang din. Nagpaalam na rin akong baka mayang 4:00 PM na lang ako babalik dahil ayoko namang mamiss yung performance ni Xiantal para sa singing contest. Best friend e. I need to support her!

Nung may napasok ng mga estudyante, tuloy ulit kami sa pagtakot sa kanila. This is really fun! Many of them were shouting. May mga humihikbi pa nga akong naririnig e. Mga Grade 7 students yata.

Lumiko ako roon sa isang black na tela. May paparating na kasi e. Tapos pumwesto naman yung mga kasama ko sa baba. Yung mga tagahagis ng bungo, mga telang may dugo or kaya yung bigla-bigla kang hahawakan.

Nung maramdaman ko talagang may papalapit na sa direksyon namin, I was about to prepare myself para takutin sila nang biglang may tumapik sa likod ko at hiniklat bigla yung kamay ko.

"Aaaaaaah!" Sigaw ko dahil sobra akong nagulat doon. Hawak-hawak niya pa rin yung kamay ko. Hindi ko siya kilala dahil sobrang dilim. Basta ang alam ko lang, sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa takot at gulat.

Geez! Ako dapat yung nananakot sa kanila! Pero bakit ako yung natatakot ngayon?

Nung maramdaman kong medyo lumuwag yung pagkakahawak niya sa kamay ko, agad akong tumakbo palayo pero nagulat ulit ako nung may humila sa paanan ko.

I can't help but to shout. Now I know the feeling of being scared because of this booth. Ang dilim dilim pa! Peste kasi 'tong nanakot sa akin e.

Nung alam kong wala ng sumunod sa akin, bumalik ulit ako sa pwesto ko. Pero hindi pa man ako nakakalapit doon, bigla na namang may humila sa likod ko.

"Waaaaaaaah!" I shouted again. Sino ba kasi 'to? Langya!

Hila-hila niya pa rin ako. Hindi ko na alam kung saang pwesto kami ngayon. May mga nakakasalubong na rin kaming mga estudyanteng tumitili. Kung kanina, natatawa ako roon sa mga tumitili, ngayon pati tuloy ako yung tumitili.

Nung nasa may dulo na kami, binitawan ako ng kung sino mang multo na 'to. O baka naman kasamahan din namin 'to tapos akala siguro isa ako roon sa mga estudyante?

"Gotcha." Aniya sabay halakhak. Wait? "Hahahaha. Your face is so priceless! Akala ko ba kayo yung tagatakot? But you look scarier than them." He laughed again. Lumapit ako sa kanya at hinampas ko siya ng malakas.

"Bwisit ka talaga! Panira ka talaga ng diskarte kahit kailan!" Sabay hampas ko ulit sa kanya.

"It's not my fault if you got scared."

"Kahit na! Peste ka!" Hinampas ko na naman ulit siya pero sinangga niya yung dalawa kong kamay. I just glared at him, feeling pissed.

"You love throwing bad words to me, huh? Bakit ba inis na inis ka sa akin?" He asked sarcastically.

"Kasi nga po, nakakainis yang mukha mo! Bwisit!" I rolled my eyes kahit alam kong hindi niya naman yun makikita.

"Sa lahat ng babae, ikaw lang yata yung naiinis sa gwapo kong mukha." Gusto kong masuka. Kapal talaga!

"F.Y.I. You're not gwapo! Heh!" Sabay talikod ko sa kanya. Grrrrr kang Ryner ka! Ang kapal mo talaga kahit kailan!

Pagkalabas ko sa booth, nagbihis na rin ako ng damit. Hindi na ako bumalik doon sa pwesto ko, nakakabwisit kasi si Ryner e. Bakit pa kasi pumasok siya rito? Tss!

Pagkatapos kong magpaalam kila Meryl, tinext ko na sila Maxi at Xianny na sa food booth na lang kami kakain. Habang naglalakad ako papunta roon, may nakabanggaan ako.

"Oh, sorry." Hinging paumanhin ko. Pagkakita ko sa kanila, sila Krizelle, Ann at Ellise pala. Sila yung may gusto kay Ryner, ay si Krizelle lang pala. Yung gusto niyang maging Campus Queen tapos si Ryner daw ang King. Tss!

"Okay lang." Sagot niya. Buti talaga hindi siya katulad nung mga babae na kapag nabangga mo, kulang na lang awayin— "Pero sana sa susunod, tumingin ka rin sa dinadaanan mo. Hindi mo pag-aari yung daan kaya huwag kang haharang-harang."

Napataas na lang ang sulok ng labi ko. Akala ko pa naman mabait siya! Binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Haaays. Inirapan pa nila ako bago sila nagpatuloy sa paglalakad. De fine! 'Di naman nila ikamamatay kapag nabangga sila ah?

"Geez! Kinakabahan ako para mamaya." Sambit ni Xiantal. Nandito na kami sa isang table. Kasama ko sina Maxi at Xianny.

"Ano ka ba girl, basic mo lang yan 'no! Relax lang kasi." Pampalakas loob sa kanya ni Maxi. Malapit na kasing mag-2PM para sa singing contest.

"Oo nga. Tiwala ka lang kasi." Sabi ko rin.

Pagkatapos naming kumain, naglibot-libot pa kami sa iba't ibang booth. Sobrang dami talaga ng estudyante rito sa AU. May mga taga-ibang school pa nga e tsaka outsiders. Pinayagan naman sila ng mga guard basta huwag lang daw sila manggugulo.

Nung quarter to two na, pumunta kaming tatlo sa room. Doon na rin nagbihis si Xianny. Naka-white sleeveless top siya tapos medyo mahabang skirt tapos white shoes. Nakahalf ponytail yung buhok niya.

"Tara?" Aya ko sa kanila.

"Kinakabahan ako." Ulit ni Xianny.

"Huwag mo kasing isipin yan! Kunyari, mag-isa ka lang sa kwarto mo, tapos malaya kang kumakanta mag-isa." Singit ni Maxi.

"Oo nga Xiantal! Kaya mo yan!"

"Yakang-yaka mo yan!"

"Enjoy-in mo lang Xiantal. Goodluck!"

"Para se Seniors! Goodluck sa'yo!"

Gumaya na rin ang mga kaklase namin para i-cheer up siya. Ang supportive talaga nila. Eto yung best feeling e. Yung may nagsusupport sa'yo sa mga bagay na gusto mo.

Tinignan namin pareho ni Maximo si Xiantal at nagthumbs up kami sa kanya bago kami lumabas sa room. Nung nasa may pintuan na kami, nakasalubong namin sila Ryner, Kyle Tyler, Jim, Efryl at Fret, basketball players ng AU.

Habang patuloy kami sa paglalakad, naramdaman kong humigpit ang pagkakakapit ni Xianny sa braso ko. Tinignan ko siya. Teka, bakit parang namumula siya?

"Goodluck." Sabi nila Fret. Gumaya na rin yung iba.

"Salamat." Ani Xianny. Nagpatuloy kami sa paglalakad nang biglang tawagin siya ni Kyle Tyler.

"Xian!" Yung bruha napahinto sa paglalakad at unti-unti siyang lumingon.

"Hmmm?" Sus! Pabebe ang bruha.

"Goodluck. I know you can do it." Sabi sa kanya ni Tyler at ngumiti ito.

"Ah, s-salamat." Uutal-utal na sagot ni Xianny tapos mas lalong namula ang mukha niya. Pagkalayo nung boys sa amin, "Kyaaaaaah! Nag-good luck si KT sa akin. Oh my God!" Pigil-tili yung ginagawa niya. Sus! Kaya naman pala namumula yung buong mukha e!

Kanina lang kinakabahan siya, tapos ngayon, akala mo nanalo na. Naku!

"Alam namin. Dinig na dinig po namin." Sagot ko.

"Eee! Ang pilosopo mo talaga Mauricy!" Nakapout pa niyang sabi. Edi sorry na. Tss.

Puno na yung gym pagkarating namin. Buti nga may nahanap pa kami ni Maxi na mauupuan. Enough na para mapanood namin si Xianny ng pangmalapitan.

27 silang lahat. Halu-halo na 'yon. Babae at lalaki. From Grade7 to Grade12 yung mga contestants. Iba-ibang section. Pang-number 12 si Xianny.

Magagaling talaga silang lahat. May kanya-kanya silang supporters. Sobrang ingay sa gym. May mga nagawa pang banner yung iba. Tapos halos lahat nagtitilian kapag yung mga kaklase na nila yung kakanta. Wala e. Maraming biritera rito sa AU.

Nung si Xianny na, napasigaw pa ako pati na rin yung mga kaklase namin. May mga ibang grade level pa nga na siya yung chinicheer. Wala e. Chicks si best friend. Ay tao pala. Lol.

Yung kinanta niya, Fight Song ni Rachel Platten. Ang ganda talaga ng boses ni Xiantal. Buti pa siya nabiyayaan ng talent, e ako ganda lang. Hahahaha! Charot!

May mga malalamig ang boses na ang sarap pakinggan, may mga mild lang, meron din yung parang reggae, syempre mawawala ba naman yung pangmataasan na boses, yung pangbirit talaga. Naku! Ang hirap maging judge sa mga 'to.

Nung iaannounce na yung mga nanalo, dumoble yung ingay sa gym. Syempre, papatalo ba naman kami? Ayun, nakisigaw rin kami sa crowd. And guess what? First place si Xianny. Champion yung Grade 8, yung kumanta ng Symphony. Kuhang-kuha niya kasi talaga e. Sobrang taas pa ng boses.

"Xiannyyyyyy! Congrats!" Tumakbo kami palapit sa kanya.

"Oh my God! First place ako!" Tuwang-tuwang sambit niya habang tinataas yung hawak niyang trophy at isang medal.

"Congrats bakla! Galing galing e." Masayang komento ni Maximo.

Nakicongrats na rin yung iba pa naming kaklase, pati na rin yung mga nadaan na schoolmates namin. May mga nagpapakuha pa ngang litrato kasama siya. Ay! Instant celebrity ang peg!

Naggroup picture kaming magkaklase kasama si Ma'am Jena, tapos yung iba, sinuggest pang magsolo raw silang dalawa ni Kyle Tyler. Nahihiya pa si Xianny kunyari, pero deep inside, alam ko kinikilig 'to. Sus! Nature na ng mga babae yan 'no!

"O ano? Daig mo na champion n'yan! May picture ka na sa crush mo!" Pang-aasar sa kanya ni Maxi.

"Sssh! Huwag mong lakasan uy! Kapag narinig ka 'non, paktay ka sa'kin Maximo!" Pagbabanta sa kanya ni Xianny, tapos nagsign pa na yung gigilitan siya sa leeg.

"Kyle Tylhmmmmp." Mabilis na tinakpan ni Xianny ang bunganga ni Maxi.

"Shut up Maximo! Hahalikan kita!" Banta niya.

"Eeeew! No way!" Maarteng sabi naman ni Maxi, iyong parang diring-diri. Natawa na lang ako. Baliw talaga sila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro