
CHAPTER 55
Maui's POV
Sobrang nanlambot ang dalawa kong tuhod. Hindi ko na namalayang napaupo ako sa baitang ng hagdan kasabay ng pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko. Nilukob ng matinding kaba at sobrang pag-aalala ang dibdib ko dahil sa mga salitang narinig ko.
Mabilis akong lumabas ng bahay at sumakay sa taxi habang hindi matigil-tigil ang mga luha ko. I tried calling Maxi pero hindi niya iyon sinasagot.
Ghad! Ano ba kasing nangyayari? H'wag ganito please...
"Kuya, pakibilisan naman po." Pakiusap ko sa taxi driver habang patuloy na dumadagundong sa kaba ang dibdib ko.
H'wag please. I know we are not in good terms right now. Alam kong hindi pa kami okay pero h'wag naman ganito. Hindi ko kaya. Kailangan pa naming mag-usap.
"Kuya, pakibilisan pa po." Muli kong pakiusap habang patuloy akong lumuluha pero bahagya niyang inihinto ang sasakyan.
"Ma'am, pasensya na po. Sa tingin ko po'y may aksidenteng nangyari. Hintayin na lang po natin na umusad ng konti ang ibang sasakyan." Awtomatiko akong napatingin sa gilid.
Car accident?
Muling nagsipagbagsakan ang mga luha ko nang makita ko ang mga pulis at mga nurses papunta sa pwesto kung saan nangyari ang aksidente.
Napahawak na lamang ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay may pumipiraso roon. Please, sana naman hindi. Bakit ganito? Bakit ba nangyayari lahat ng 'to? Please, h'wag naman ganito.
God, please no.
Lihim akong nagdadasal habang nakatakip ang dalawa kong kamay sa mukha ko.
God please, don't take him away from me...
Mabilis akong lumabas ng taxi nang makarating kami sa pinakamalapit na hospital at dumiretso ako kaagad sa admission table.
"R-ryner Adam." Nanginginig kong sabi.
"Sa Room 29 po Miss. Sa third floor." Saad ng isang nurse matapos ng ilang katanungan sa pagitan naming dalawa.
So, he was really admitted? Does... does that mean? No. No. Hindi pwede.
Mas lalong nanlambot ang dalawa kong tuhod. Mabuti na lang at inalalayan ako ng isang nurse doon.
Sumakay agad ako sa elevator. Nanginginig ang dalawa kong kamay habang pinipindot ang third floor button.
Hindi naman siguro nangyari sa kanya kung ano 'tong iniisip ko 'di ba? Wala naman sigurong nangyari sa kanyang masama 'di ba? Please h'wag. Hindi ko kaya.
Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Habang papalapit nang papalapit sa third floor ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.
Naninikip ang dibdib ko habang iniisip ang kalagayan ni Ryner.
Halos ayokong ihakbang ang mga paa ko nang bumukas ang elevator. Sinubukan kong lakasan ang loob ko pero hindi nito mapawi ang kabang nararamdam ko at ayaw tumigil ng mga luha ko.
Mas lalo lang nagtuluy-tuloy iyon nang makita ko ang room ni Ryner. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko kahit anong pilit ko.
May kung anong gumuhit sa dibdib ko lalo na nang mahawakan ko ang door knob. Mabilis kong binuksan 'yon at mas lalong bumagsak ang mga luha ko. Napaupo na lamang ako sa gilid ng pintuan at ayaw huminto ng mga luha ko.
"Baks!" Mabilis nila akong nilapitan.
Napahagulgol na lamang ako ng iyak sa harap nila. Nasa hospital bed si Ryner at may maliit na benda sa noo niya.
"Baks, ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka ba umiiyak ha?" Napailing na lamang ako habang umaagos ang luha ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
"Mauricy?" Nalipat ang tingin ko kay Ryner nang marinig ko ang boses niya at nagmulat siya ng mata.
Muli na naman akong napahagulgol. Nilapitan na ako nina Maxi at Xianny at inalo ako.
"Ano bang iniiyak-iyak mo Maui? Okay lang naman kami ah." Napatakip na lamang ako sa mukha ko.
Ryner was okay. He was all okay. Nothing's wrong with him.
Akala ko... Akala ko kasi...
"Bakit kasi ang sabi mo, naaksidente si Ryner ha?!" Hindi ko maiwasan ang magtaas ng tono sa harap nila.
Tumawa sila ng malakas dahil sa sinabi ko.
"So, kaya ka ganyan? Hahaha. My God Maui!" Napahawak pa siya sa tyan niya habang hindi sila matigil-tigil sa katatawa. "Hindi ko alam kung masyado kang nag-aalala o kung OA ka lang talaga." Dagdag niya at muling tumawa.
Gusto ko siyang singhalan pero hindi ko magawa dahil nanghihina ang buo kong katawan.
"Tsaka anong aksidente ba ang pinagsasabi mo?"
"That's what you have told me when you called! You told me his name and I even heard you saying car accident!" I hissed at him. Naroon pa rin ang luha sa mga mata ko at hindi ko alam kung kailan mawawala ang kabang nasa dibdib ko.
"May nabanggit akong car accident pero hindi ko sinabing siya ang naaksidente." Paliwanag niya at ikinuwento niya sa akin kung anong nangyari.
-Maxi's Side-
Gaya ng napag-usapan namin nila Xianny at Maui, I texted Xianny to come in our house after her class para sabay naming sunduin si Maui.
We wanted to hang out as long as we still have time dahil hindi namin alam kung kailan ulit kami magiging busy sa school.
Patungo na kami sa bahay nila Maui nang biglang magkaroon ng aksidente sa daan. Inihinto ko muna ang kotse dahil hindi naman kami makadaan tsaka nagkaroon ng biglaang trapiko dulot na rin siguro ng aksidenteng nangyari.
Nakatingin lamang kami sa pinangyarihan ng aksidente nang may kumatok sa bintana sa tapat ni Xianny at sabay na nanlaki ang dalawa naming mata nang makitang si Ryner iyon.
What the? Anong ginagawa ng lalaking 'to? Don't tell me, sinusundan niya kami? Grrrr.
Muli siyang kumatok sa bintana.
"Maximo, Xiantal. Please, open this door." Pangungulit niya.
"Bakit ba nandito si Ryner? My God!" Inis na sabi ni Xiantal. Hindi naman kami galit sa kanya pero naiinis kami dahil sa ginawa niya kay Maui.
"Bubuksan ko ba?" Tanong ni Xianny.
"H'wag! Hayaan mo siya r'yan!" I blurted. Inilabas ko ang phone ko para tawagan si Maui.
[Oh?] Pambungad niya sa akin.
"Maui." Mahina kong tawag sa kanya. Ayoko kasing marinig niya yung ingay dulot ng kakakatok ni Ryner sa labas.
[Ano nga?] Hindi man lang makapaghintay 'tong babae na 'to e.
Muli kong nilingon si Ryner. Ayaw niyang tumigil sa kakakatok. Ano bang kailangan nito? Bakit ba ang kulit niya?
"Si Ryner kasi..." Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ang pangalan ni Ryner dahil alam kong masasaktan 'yon pero wala na akong nagawa.
Hindi ko na siya narinig sa kabilang linya. Inilayo ko rin kasi yung cellphone na hawak ko. Ang ingay na kasi rito. Naririnig ko na yung iyakan dahil sa aksidente. May mga pulis na ring tumutulong sa kanila.
Matatagalan pa yata 'tong trapiko.
"Mamaya na lang kita tatawagan baks basta susunduin ka namin sa bahay niyo. Maghintay ka na lang. Ang tagal kasing umusad ng traffic dahil sa car accident." I told her. Narinig ko na lamang ang pagbagsak ng isang baso.
Anak naman ng! Matalino 'tong si Maui e, tatanga-tanga lang kasi kung minsan. Psh!
Ang mean ko bang kaibigan? Sorry na straight forward lang. Choss!
Napatingin ulit ako sa bintana sa gilid ni Xianny. Argh! Ano bang lalaking 'to? Pasalamat siya at trapiko! Tss.
"Maxi, ayaw naman yatang tumigil e." Sabi ni Xianny sa akin.
"Argh! Buksan mo na nga yang pintuan!" Inis kong saad. Nakakabadtrip naman ang lalaking 'to e.
Mabilis na binuksan ni Xianny ang pintuan.
"Oh, fuck!" Narinig ko na lamang na sabi ni Ryner. Mabilis na lumabas si Xianny at humingi ng sorry kay Ryner.
Nung binuksan na kasi ni Xianny ang pintuan, eksakto namang yumuko ng konti si Ryner, edi 'yon, tumama ang noo niya.
Kung hindi ba naman kasi tanga 'to e.
Lumabas na rin ako ng kotse at nilapitan silang dalawa ni Xianny.
"Halla sorry. Hindi ko naman kasi alam na yuyuko ka e." Saad ni Xianny. Nagdugo lang naman ang noo ni Ryner.
Anak naman ng!
"Pumasok ka na sa kotse Ryner kung ayaw mong mas dagdagan ko yang sugat mo sa noo." Inis kong saad sa kanya. Mabilis naman itong pumasok sa loob. Buti na lamang din at medyo umusad ang trapiko kaya diniretso ko na hospital si Ryner.
May konsensya pa rin naman ako e.
-End of Maxi's Side-
May kung ano sa dibdib ko ang gumaan nang marinig ko ang kwento ni Maximo. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nalaman kong wala namang nangyaring masama kay Ryner at iyong maliit na benda sa noo niya ay dahil pala sa pagkakauntog niya. Pero hindi ko maiwasang hindi mapahagulgol ulit.
Paano na lamang kung may nangyaring masama sa kanya? Paano na lamang kung talagang naaksidente siya? Paano na lamang kung...
Naramdaman kong muli ang mainit na likido sa mukha ko.
"Ewan ko sa'yo Maui! D'yan ka nga muna, bibili lang kami ng pagkain." Paalam nila at sabay silang lumabas na dalawa.
Napahinga ako ng maluwag pero ang tibok ng puso ko ay hindi pa rin nagiging normal.
"Mauricy." Tawag sa akin ni Ryner. Nilapitan niya ako pero sininghalan ko siya.
"Don't come near me! I hate you!" I shouted at him.
"I am sorry, okay?"
"No! I hate you!" I hissed at him. Naramdaman ko na lamang muli ang mga luha sa mga mata ko.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya pagkatapos ay lumuhod siya sa harap ko.
"Damn you! I really really hate you, asshole!" Sigaw ko sa harap niya dahil naiinis ako sa kanya.
Halos mamatay na ako sa pag-aalala tapos heto siya at pagtatawanan lang ako.
"Why are you shouting?" Malumanay niyang tanong sa akin.
"Because you're laughing at me!"
"Then, why are you crying?" He asked again.
"Because you're an asshole!" Inis kong sagot sa kanya. Naramdaman ko ang mga kamay niyang pinunasan ang mga luha ko.
"Don't touch me! Lumayo ka nga sa akin! I hate you! I hate you!" Sigaw kong muli sa kanya habang tinatabig ko ang mga kamay niya palayo sa akin.
"I am sorry, okay? I am really really sorry." Hindi ko na napigilan ang sarili kong suntukin siya sa dibdib niya nang yakapin niya ako.
"I hate you! I hate you so much!" Ayaw ng tumigil ng mga luha ko dahil sa pag-aalalang nararamdaman ko.
"Bakit mo ba ako sinisigawan?" Tanong niya sa mahinang boses pero nakapaskil ang malapad na ngiti sa kanyang labi.
"Dahil naiinis ako sa'yo! Sobra-sobra akong nag-alala sa'yo, tapos tatawanan mo lang ako! Naiinis ako sa'yo dahil halos patayin mo na ako sa kaba! Naiinis ako sa'yo dahil sa mga ginawa mo! Naiinis ako sa'yo dahil lagi mo na lang akong sinasaktan! Naiinis ako sa'yo dahil lagi mo na lang akong pinapaiyak! Naiinis ako sa'yo dahil ang gago mo!" Hinanakit ko sa kanya habang patuloy ko siyang pinagsusuntok sa dibdib niya.
"Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil sa kabila ng lahat ng mga ginawa mo, natatakot pa rin akong mawala ka!" Naramdaman ko na lamang ang pagyakap niya sa akin hanggang sa mapahagulgol na ako sa dibdib niya.
"I am sorry." He whispered on my ears habang hinahagod-hagod niya ang likod ko.
Muli kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko nang bumalik ulit ang pag-aalala ko sa kanya. Mabilis ko siyang tinulak at kumawala sa bisig niya.
"Umalis ka nga sa harap ko! Nag-alala pa naman ako sa'yo tapos okay ka lang naman pala! Nagsayang lang ako ng luha, wala naman pa lang nangyaring masama sa'yo! Umalis ka na nga sa harap ko! Naiinis ako sa—"
"I love you too Mauricy." Pagpuputol niya sa akin. Naramdaman ko na lamang ang mga kamay niya sa batok ko at huli ko ng maramdaman ang paglapat ng labi niya sa labi ko.
Naipikit ko na lamang ang mga mata ko.
"I love you, Mauricy." Pinunasan niya muli ang mga luha ko tapos ay hinalikan akong muli. Hindi ko na nagawang tumutol bagkus ay unti-unti kong tinugunan ang halik niya.
Another pair of tears fell from my eyes.
"Oh, holy cow! Porn! Porn!" Narinig kong tili nina Maxi at Xianny but Ryner never let me go, he deepened his soft kiss instead.
After kissing me, his lips brushed on my forehead. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tinitigan ako ng diretso sa mata.
"Marry me Mauricy—Fuck!" Sigaw niya nang tampalin ko ang noo niya.
"Marry your face! Hindi pa nga kita pinapatawad e!" I blurted. Then bigla siyang lumuhod sa harap ko.
"Then, please forgive me Mauricy. Just give me one last chance. I won't waste that this time." He sincerely said.
"Tumayo ka nga r'yan!" I told him.
"No, unless you—"
"Fine. Yes." I cut him and answered that.
"You're marrying me?" What the?! I poke his head.
"Alien ka! Umayos ka nga!" Sikmat ko sa kanya kunyari.
"Alright." Pagkatapos ay bigla niya na lang akong hinila at kinulong sa mga braso niya. Hinagkan niya ako sa ulo ko. "I love you Mauricy and that won't ever change." Bulong niya sa akin.
Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at unti-unti kong itinaas ang mga kamay ko upang gantihan siya ng yakap.
Huli na nang mapagtanto kong nakangiti na pala ako.
Kahit ang dami mong naging kasalanan sa akin Ry. Kahit na napakagago mo, bakit sa huli nagagawa mo pa rin akong pangitiin? At anong meron sayo? Na sa kabila ng sakit na dinulot mo, bakit nagagawa mo pa ring palambutin ang puso ko?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro