Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 54

Maui's POV

It's hard for me to absorb what Jecca has told me. Madaling sabihin pero mahirap gawin, that is what I am through right now. Madali lang sabihin sa kanila na bigyan siya ng chance pero mahirap yun gawin dahil hindi naman nila naramdaman kung ano yung sakit na naramdaman ko at patuloy kong nararamdaman ngayon.

Everything happens for a reason and we do such kind of things because we have a reason.

And his reasons? I don't know kung anong mararamdaman ko. Bakit kailangan pang umabot ang lahat sa gano'n? I am trying to understand his reason but I cannot find myself to understand him. He made me feel played because of his reason. He should at least talk to me.

Maiintindihan ko naman siya e, pero yung sabihin niyang laro lang ang lahat sa kanya? Hindi ko alam.

I've been longing for his reason and now that I have heard it, some pain that was kept on my heart suddenly fades away, pero naroon pa rin yung sakit at hindi gano'n kadaling makalimot dahil nasaktan niya pa rin ako.

I was back to my senses nang marinig kong may kumakatok sa kwarto ko.

"Ate, kakain na raw tayo!" Maurizelle said, let's say she shouted. Tss. Bumuntong-hininga ako.

"Hindi pa ako gutom."

"Pinapatawag ka na nga nila Mama!" She said with an irritation in her voice.

"Mauna na kayo." I answered.

"Bahala ka nga!" Then I heard her footsteps palayo sa kwarto ko.

I took a deep breath again. Then, muling may kumatok sa kwarto ko.

"Maurizelle, hindi pa nga ako nagugutom! Mauna na kayong—Ma." Agad akong napa-ayos ng upo nang makita ko si Mama. Tuluyan na siyang pumasok sa kwarto ko at tinabihan ako.

"May problema ba anak?" She asked worriedly.

"Wala naman Ma. Okay lang po ako." Tipid akong ngumiti kay Mama.

"I am your mother Mauricy and I can tell and feel if my daughter has a problem or not. Come on anak. Speak up, I will listen to you." She said as she fixed my hair.

I ended up heaving a deep sigh.

"Ma, kasi ano..." Hindi ko alam kung ikukwento ko kay Mama ang lahat. Nahihiya ako e. Kina Maxi at Xianny lang kasi ako madalas magkwento at mag-open up, but then I should at least tell her. She's my mother after all and I know she's the person who can understand me the most.

"Ma, si a-ano kasi..."

"Si Ryner ba anak?" Napatingin na lamang ako kay Mama. "You know what anak, Ryner is a good guy." Panimula niya.

Alam ko naman yun. But that doesn't change the fact that he hurt me.

"Ma, hindi naman kasi gano'n kadali ang lahat e." I started opening up what I really feel in front of my Mom.

"Alam ko 'yon anak. Yes, he hurt you, but try to look at the brighter side, he did that for you. He did that because he loves you." Nangunot ang noo ko. Wait, how does she know?

Before I could ask my Mom, inunahan na niya ako.

"He already told us everything before we arrived here in the Philippines." Nanlaki ang dalawa kong mata. So, alam na nila Mama ang lahat?

"Anak, listen to me. Ryner is a great guy and he won't apologize to us if he doesn't love you. Look, he is aware that everything he did was wrong. To be honest anak, he seek for our help because he wanted to apologize to you. He wanted to explain everything but everytime na gusto ka na niyang kausapin, hindi niya magawa dahil nahihiya siya sa 'yo at pakiramdam niya, wala siyang mukhang maihaharap sa'yo."

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko dahil sa sinabi ni Mama. So all this time pala, gusto niya na talagang humingi ng sorry sa akin?

If he's really sorry, ako dapat ang kinausap niya. If he's really sorry, sana noon pa lang ay kinausap niya na ako.

Nilapitan ako ni Mama at pinunasan ang mga luha ko.

"I am sorry if we didn't tell you that we already knew everything. Hinihintay kasi namin ng Papa mo na ikaw ang kusang magkukwento sa amin." Sabi sa akin ni Mama.

"Mama, bakit gano'n ang pag-ibig? Akala ko masaya, pero masakit din pala." I said sobbing.

Tumawa ng mahina si Mama dahil sa sinabi ko.

"You're still young to understand what love is, anak." Sabi ni Mama sa akin habang pinupunasan muli ang luha ko.

"Hindi lang puro kasiyahan ang dala ng pag-ibig anak. Kadalasan sa pag-ibig, may mga problemang darating at patuloy na dumarating sa inyong dalawa dahil yun ang magtetest sa samahan niyo kung kaya niyong lampasan ang lahat na magkasama." Paliwanag sa akin ni Mama habang nakangiti sa harap ko.

"Love is not just about the happiness, the joy and the laughter. Sometimes, love is also about the pain, the hurt, the tears and the heartaches. But at the end of the day, if you choose to surpass all of those being together, you'll be able to get that happinessthe real hapiness." She added.

"Alam kong nasaktan ka anak. You have been through a lot of pain, of struggles, but please learn to give yourself a chance. Maaaring nasaktan ka noon pati ngayon, pero hindi ibig sabihin no'n na palagi ka na lang masasaktan. Give your heart a chance to smile and be happy again." Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Mama. A one true hug coming from my mother help me ease the pain I am feeling inside my heart.

Maganda rin palang mag-open up ng tunay mong nararamdaman sa magulang mo.

"Let's go downstairs Mauricy. Alam kong masakit ang puso mo ngayon, pero h'wag mo namang idadamay pati 'yang tyan mo." Saad ni Mama. Nangunot naman ang noo dahil sa sinabi niya kanina. Anong connect ng tyan ko? Si Mama, lakas maka-logic.

"Ma naman!" I pouted nang pingutin niya ang ilong ko. Ginawa pa akong bata e.

"What I mean, h'wag mong gutumin ang sarili mo. Halika na nga!" Ginulo ni Mama ang buhok ko. Sabay na rin kaming bumaba at sabay-sabay kaming kumain kasama sina Papa at Maurizelle.

Tama si Mama. Karapatan kong maging masaya at magagawa ko lamang 'yon kapag bibigyan ko ng chance ang sarili ko.

The day after that, pumunta kami sa probinsya nila Manang Lety. At oo, isinama na ako. Naalala ko pa nga yung sinabi ni Mama e.

"Mauricy, 'nak. Pupunta tayo sa probinsya nila Manang Lety bukas. Pack your things good for three days." Sabi ni Mama habang nanonood kami sa sala. Katatapos lang din namin kumain kanina.

"Himala Ma, ah. Anong nakain niyo't isasama niyo na ako ngayon?" Biro ko.

"Aba, kapag iniwan ka namin dito, baka pagbalik namin, nakabigti ka na sa kwarto mo." Tugon nito kaya napanguso ako.

"Grabe naman kayo sa akin. Nasaktan lang ako, pero hindi naman ako magpapakamatay 'no!" I said pouting my lips. Narinig ko pa silang naghalakhakan dahil sa sinabi ko.

Napangiti na lang ako habang naaalala ko 'yon. Alam ko namang sinabi lang 'yon ni Mama dahil gusto niyang pagaanin ang nararamdaman ko. And yeah, I was thankful for having a Mom like her who can understand my situation.

Tumungo kami sa bus station at doon na kami sumakay. Madaling araw kaming umalis sa bahay at hapon na nang makarating kami sa probinsya nila Manang Lety.

Their house is cute. I mean, yung half ng bahay ay gawa sa hallow blocks, then yung kalahati niya ulit ay gawa sa kawayan. Parang kubo ang dating niya. Pagpasok namin doon sa loob ay sobrang kintab ng sahig.

Ako na lang ang ipinakilala ni Manang Lety sa tatlo niyang anak pati sa asawa niya. Kilala na rin kasi nila sila Mama. Hello? Pangalawang beses na kaya nila rito. Tapos si Maurizelle, akala mo taga-dito e. May mga kaibigan na kasi tapos kung saan na pumupunta.

Masaya sa probinsya nila Manang Lety. Madaling pakisamahan ang mga tao at mababait din sila.

Ipinasyal din pala ako ni Manang Lety sa bukid nila. Marami pala talagang tanim na mga prutas sila Manang Lety kaya pala sari-saring prutas yung mga inuwi nila noon. They even have their vegetable garden at doon daw sila kumukuha ng mga ibinebenta nila sa palengke.

Based on Manang Lety's life here in their province, I know they were so happy. Simple lang ang buhay nila pero alam mong masaya.

Oo pala, yung mga gulay rito, hinihingi lang. Minsan pa yung mga kapitbahay na ang kusang nagbibigay. Buti pa rito, malaki ang matitipid mo.

After three days, bumiyahe na rin kami pabalik sa bahay. Pinaiwan na lang muna nila Mama si Manang Lety sa kanila dahil wala naman siyang masyadong ginagawa sa bahay tsaka gusto rin ni Mama na magstay muna si Manang Lety rito sa probinsya nila kasama ang pamilya niya.

Nang makarating kami sa bahay ay kaagad akong natulog. Napagod sa biyahe e.

Kinabukasan, pumasyal ako kina Maximo. Buti nga, saktong walang sched silang dalawa nina Xianny nung tanghali kaya ayun, gumala kami sa mall.

Bumili kami ng kung anu-anong bagay. Pati yung mga bagong food stall sa food court, tinry namin.

"Ay baks! Mag-open ka ng account mo. Visit mo page ng Binary Star." Sabi bigla ni Maxi.

"Bakit?" Curious kong tanong.

"Basta kasi. Open ka na dali." Naeexcite pang saad ni Xianny.

Dahil nga sa curious akong tao, I opened my Facebook account and visit the Binary Star page like what they said and my eyes widened in shock.

Paano kasi, nakapost lang naman ang mukha ko ro'n, iyong fashion model contest na ginanap dito kamakailan lang. I felt overwhelmed. Kahit malayo ako, nagagawa pa rin nila akong suportahan. Sa simpleng post lang na 'yon, sobra akong natouched.

I was so thankful and blessed for having Binary Star as my family as well as Alpha Angels.

"Kasi naman, kinareer ang pagiging model." Saad ni Maxi.

"Hoy! Kasalanan mo kaya 'yon. Ipinakilala mo kasi ako kay Mami Chelle e. Hindi ko naman magawang tanggihan 'yon kasi prof mo." I hissed pero at least, it was all worth it. Kung hindi ako ipinakilala ni Maxi, malamang hindi ko mararanasan lahat ng 'to.

Panandalian lang naman 'to. I'm still going to pursue being a fashion designer, kaming dalawa ni Maximo tapos gagawin kong model sina Xianny at Maurizelle. Charot!

Nagpasundo si Xianny sa driver nila tapos nakisabay na kami ni Maxi. Tipid pamasahe kaya. Umaandar na naman pagiging kuripot ko. Tss.

"Baks, bukas ulit! Susunduin ka namin." Saad ni Xianny pagkalabas ko ng kotse.

"E? Wala ba kayong pasok?" Tanong ko.

"Duh?" Sabay pa nilang sabi sa akin at inikutan pa ako ng mata. Tss. "Sabado kaya bukas!" Singhal pa nila pareho, sabay pa kamo.

Napangiwi ako. Aba malay ko! Tsaka, minsan may mga Saturday class naman ah! Tss.

Nagpaalam na ako sa kanila bago ako pumasok sa bahay. I gave what I bought for Maurizelle tapos nagreklamo pa. Sana raw libro na lang ang binili ko, mas mapapakinabangan niya pa. Bookworm talaga ng batang 'to!

Umakyat ako sa kwarto ko tapos ay nagshower na rin ako. After that, I lay down on my bed and rested. Nakakapagod din kayang maglibot sa mall.

Nakatambay ako ngayon sa garden at nag-scroll ng cellphone. Si Mama at Papa ay pumunta sa mall kasama si Maurizelle. Maggogrocery daw sila. Yung last kasi na ginrocery namin kasama si Manang Lety ay dinala namin noong pumunta kami sa probinsya nila.

Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa kusina. Nauuhaw kasi ako e. Nang makakuha ako ng isang basong tubig ay pumanhik ako sa kwarto. Nalowbat kasi phone ko kafe-Facebook kanina, kailangan ko ng i-charge.

Nasa hagdan na ako nung biglang nagring ang phone ko. The gay Maximo was calling.

"Oh?" Tanong ko sa kanya.

[Maui.] Tawag niya sa pangalan ko. Problema kaya nito? Bakit ang ingay sa kabilang linya?

"Ano nga?" Ano ba 'to? Pasuspense naman 'tong baklang 'to e.

[Si Ryner kasi...] Bahagyang dumagundong sa kaba ang dibdib ko.

Ano bang nangyayari? Bakit ang ingay sa kabilang linya? Bakit parang may nag-iiyakan? Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? Bakit ba sobrang bilis ng tibok ng puso ko?

Bahagya ko pang nailayo ang cellphone sa tenga ko dahil sobrang ingay sa kabilang linya. Nagsasalita siya pero wala akong maintindihan hanggang sa marinig ko ang huli niyang sinabi.

[Car accident.] Mabilis kong nabitawan ang hawak kong baso. Natuod ako sa kinatatayuan ko. Nanghina ang dalawa kong tuhod. And then, I felt my tears fell from my eyes.

-

A/N:

If you happen to read this story, I apologized for the words used especially on magpakamatay thingy. I don't intend to make it as a joke here. It's just needed in the story. Hope you all understand. Stay safe everyone!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro