Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 51

Maui's POV

I lay down on my bed with so many questions filled my mind. Ano bang dapat kong gawin? Ang bigyan siya ng pagkakataon? Pagkakataon para bumawi? O pagkakataon para saktan niya akong muli?

Ang hirap gumawa ng desisyon lalo na kung alam mong walang kasiguraduhan.

Ang daming what ifs ang namumuo sa isip ko. What if sasaktan niya ako ulit? What if paglalaruan niya lang ako ulit? Pero paano pala kung totoo yung mga ipinapakita at sinasabi niya sa akin ngayon? Paano ko nga ba malalaman kung hindi ko susubukan?

Ang hirap. Ang gulo.

Bakit pa kasi kailangang masaktan tayo e nagmamahal lang naman tayo ng totoo?

"Mama, ang daya niyo naman! Hindi niyo man lang ako sinama sa probinsya nila Manang Lety!" Tampo kong sabi kina Mama nang makauwi sila. One week kaya sila roon. Ako lang mag-isa ang naiwan dito sa bahay.

"Hayaan mo na 'nak, sa susunod isasama ka na namin." Napanguso na lang ako sa sinabi ni Mama.

May mga inuwi pala silang prutas. May taniman kasi sila Manang Lety doon. Tapos iba-ibang klaseng prutas at gulay ang nandoon. Umakyat pa nga raw si Maurizelle do'n sa punong mangga para lang kumuha. Nakakainggit tuloy.

"Anak, sumama ka kay Manang Lety mamaya. Wala na tayong stock ng groceries dito." Saad ni Mama sa akin.

Paano kasi, nung one week na wala sila Mama rito e lagi kong pinapapunta sila Maxi at Xianny dito. Natatakot din naman kasi akong matulog mag-isa rito. Paano na lang kung may magnanakaw diba?

Kaya ayun, sila ang taga-ubos sa laman ng ref. Wala na tuloy stock.

"Ma!" Tawag ni Maurizelle kay Mama. Naka-indian sit ito sa sahig habang may suot na reading glasses dahil may binabasa na naman siyang libro. "Sama po ako sa kanila. Bibili po ako ng new release series nung fave novel ko. Nawawala yung isa e." Paliwanag niya.

"Ikaw Zelle ah, sa sobrang kaadikan mo sa mga novel na yan, baka isang araw magmukhang libro ka na." Hindi ko na napigilan ang tumawa. Si Mama talaga ang galing magjoke. Ngumiwi lamang si Maurizelle na parang walang narinig.

Ala-una na ng tanghali nung pumunta kami sa SM. Ako yung tagakuha ng mga pinapabili ni Mama habang si Manang Lety naman ang nagtutulak ng cart kasama si Maurizelle. Nung matapos naming bilhin lahat ng mga pinapapabili ni Mama ay tsaka kami nagbayad sa cashier. Pagkatapos ay sinamahan ko si Maurizelle sa bookstore. Dahil pareho lang naman kaming mahilig sa novel, bumili na rin ako ng akin.

"May bibilhin pa ba kayo?" Manang Lety asked.

"Wala na Manang. Tara na po, uwi na tayo." Nagtext lang ako kay Mama para magpasundo kay Papa kaso wala raw siya sa bahay kaya nagtaxi na lamang kami pauwi.

Nung matapos kaming magdinner, kasalukuyan kong binabasa yung binili kong libro sa mall kanina nang tawagin ako ni Manang Lety.

"Mauricy, anak. May nagpapabigay sa'yo nito." Nangunot ang noo kong inabot yung paper bag kay Manang Lety. Sino naman kayang nagbigay nito?

Umakyat ako sa kwarto at dali-daling binuksan iyon. Mas lalong nangunot ang noo ko nang malamang cook book yun. Eh? Porket 'di ako marunong magluto, cook book talaga?

Binuksan ko iyon, mga sosyal na ulam ang nandoon. Natatakam tuloy ako. Kaya mas gusto kong kumain kaysa magluto e.

Inilagay ko yun sa gilid ng study table ko. Akmang hihiga na ako nang may masagi ang mata ko. Lumapit ako sa bintana. Hinawi ko ang kurtina at gano'n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko si Ryner sa gilid ng gate.

Teka, si Ryner ba talaga 'yon?

Hinawi ko ng husto ang kurtina upang masiguro ko kung siya ba talaga 'yon. Kahit na madilim sa pwesto niya ay nakita ko siyang kumaway sa akin tapos ay nginitian ako. Wala sa sariling napangiti din ako.

Despite of what you did to me Ryner, why did you still has this effect on me?

"Guys, listen. There will be a fashion model at Hayana Center by next week. So, I needed five models to represent Alpha Angels. Mula sa ibat-ibang clothing lines, five models each are needed." Mahabang sabi sa amin ni Mami Chelle at Mama Sheng. Naririto kami sa lobby ng studio. Nagpa-emergency call kasi sila e. "Sino ang gusto niyong sumali or isali natin?"

"Mami, si Maui po!" Masiglang saad ni Janika.

"Luh? Bakit ako? Kayo dapat, bago lang ako e." Dahilan ko. They should be the one joining that fashion model not me. Besides, hindi naman talaga nila ako model, e.

"Kaya mo yan Maui! Ikaw pa ba?" Napailing ako sa kanila. Ayaw ko sana tsaka tatanggi na rin sana ako kaso si Mami Chelle na ang nagsabi na itry ko raw. Ano pa bang choice ko?

Ako, si Ate Jami, Marika, Celestine at Ingrid ang pinili ni Mami Chelle. Bali bukas na bukas din ay mag-sstart na kami ng training. Pinauwi rin kami kaagad. Nang lumabas ako sa mall ay nakita ko ulit si Ryner sa labas.

"Mauricy, I am sorry kung ang kulit ko, pero pwede ba kitang—"

"Okay." Putol ko sa kanya.

"T-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya kaya tumango ako. Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap pagkatapos ay iginiya niya ako kung saan nakapark ang kotse niya tsaka ako pinagbuksan ng pintuan na siyang lihim kong ikinailing.

Kailan pa naging gentleman ang aroganteng alien na 'to?

Habang nasa byahe kami ay ramdam kong lagi siyang lumilingon sa gawi ko. Lihim din akong napapangiti dahil sa kanya.

How will I know if he's really sorry for all the things he has done to me if I won't give him a chance to show it, right?

Hindi muna kami pinapasali sa photoshoot dahil tinetraining kami ni Mami Chelle para sa fashion model contest. May iba-ibang category kasi iyon and whoever wins, she has the chance to become a model of the famous clothing line here in the Philippines.

Kahit matalo pa ako, okay lang sa akin pero syempre mas gusto ko pa ring may makuha kami dahil ayokong madisappoint sila Mami Chelle sa amin.

Argh Maximo! You know, I wish to become a fashion designer not a fashion model. Nako! I'm still blaming Maxi for this! But somehow, thankful din ako kay Maxi dahil alam kong mas marami akong makakasalamuha at matututunan pagdating sa fashion industry.

Nung pinagbreak kami ay biglang nakita ko si Ryner. Anong ginagawa niya rito?

Pero bago ko pa siya malapitan ay humingi ito ng sorry kay Mami Chelle dahil sa ginawa niya noon. Napahinga ako ng maluwag lalo na nung tinanggap ni Mami Chelle ang sorry nito.

"Why are you here?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

"I just wanted to apologize for what I did before. Have you eaten already?"

"Hindi pa. Katatapos pa lang ng training namin." I answered. Lumabas ako ng studio at tumungo sa food court. Nakasunod naman sa akin si Ryner at hindi na ako nagreklamo pa.

"Training for what?"

"Fashion model contest." Tipid kong sagot.

"When will it be? I'm gonna watch you." Kusa akong napatigil sa pagkain at tinignan siya. What did he say? Manonood siya? Talaga?

"Next week." Sagot ko habang nakangiti.

Sa tuwing kasama ko si Ryner, I am trying to talk to him casually. He shows me all of his efforts. Sinasamahan niya ako sa mga ginagawa ko. Minsan pa ay sinusundo niya ako sa bahay sa tuwing may pinupuntahan ako at hinahatid din ako pabalik.

Dumadalaw pa nga siya sa bahay e. Hindi ko lang alam kung anong ginagawa niya dahil lagi ko silang naririnig na tumatawa sa tuwing kausap niya sila Mama at Papa.

Sa tuwing iniisip ko na ginagawa niya talaga ang lahat upang bumawi sa akin, may kung anong nagdidiwang sa puso ko.

Alam kong sinaktan niya ako, but here he is, trying to ask for another chance. So, paano ko malalaman kung hindi ko siya pagbibigyan? Gusto ko na ring kalimutan yung mga pinagdaanan ko dahil sa nakaraan ko. I want to start anew.

Pagkatapos naming kumaing dalawa ay bumalik ako sa studio. Si Ryner naman ay nagpaalam na dahil may afternoon class siya. Pineprepare na rin pala nila Mami Chelle yung mga gamit na kakailanganin namin sa contest next week.

"You can go home now guys. Bumalik na lang kayo bukas for final rehearsal." Pagkasabi no'n ni Mami Chelle ay nagsiuwian na kami. Dala siguro ng sobrang pagod ay nakatulog ako kaagad.

Kinabukasan ay maaga akong nagtungo sa studio. Maraming sinabi sa amin sila Mami Chelle. Tinuruan at inayos nila kung paano kami rumampa. They even thought us how should we model those fashion creations.

The rehearsal went well. Nakakatuwa na nakakapagod.

"You look tired. Iuuwi na kita." Sabi sa akin ni Ryner. Nandito siya ulit ngayon. He's still wearing his uniform at sa tingin ko ay kagagaling niya lang sa school.

"Hindi mo na sana ako sinundo." I told him.

"It's okay with me."

"Paano na lang kung may mga projects kayo o 'di kaya—"

"We do have projects pero mamaya ko na lang gagawin yun pag-uwi." He said with a smile on his lips.

"See? May project ka pala, dapat hindi ka na dumiretso pa rito. Nasasayang lang yung oras mo dahil sa akin—"

"You're not a waste of time Mauricy and you will never be. Tandaan mo lagi yan. Tara na." Hindi na ako kumontra pa at pumasok na lang ako sa kotse niya. Hinatid niya ulit ako sa bahay.

"Thank you Mauricy." Bigla niyang sabi.

"For what?" Nakakunot ang noong tanong ko.

"Nothing. I'm just thankful. Sige na, pumasok ka na. Expect me on that contest day. Goodnight." Naramdaman ko na lang ang paghalik niya sa noo ko at naroon ulit ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Pumanhik na rin ako kaagad sa kwarto ko at feeling ko sobrang luwag ng pakiramdam ko. I sleep with a smile on my lips and without a heavy feeling inside my chest.

Sana maging tama ang desisyon ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro