Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 49

Maui's POV

Ilang araw na akong walang ginawa kundi ang magkulong sa kwarto. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong makapag-isip-isip. Gusto ko pa nga sanang makalayo muna rito kaso wala naman akong ibang mapupuntahan kaya minabuti kong magkulong na lang ako sa kwarto.

It's been exactly three days also since I confronted Ryner and that scenario kept playing on my mind. I saw the sadness in his eyes. I even saw pain in it.

Bakit pakiramdam ko naaawa ako sa kanya? Bakit pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit may lungkot sa mga mata niya? Ako yung nasaktan, pero bakit pakiramdam ko mas lalo siyang nasasaktan?

Argh Maui! Magpapadala ka na naman ba sa damdamin mo?

Sa sobrang kaiisip ko sa pangyayaring iyon, hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako subalit nagising din ako sa ingay na nanggagaling mula sa cellphone ko. Antok na antok kong inabot iyon sa gilid ng kama ko.

"Hello?"

[Maui! Oh my God! Please come here!]

Kahit hindi ko tignan kung sino itong kausap ko ngayon, alam kong si Maxi 'yon. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nagmamadali siya na akala mo'y may emergency.

"Why?" Tamad kong tanong.

[Ryner was here. He was so damn hot!] Napaikot na lang ako ng mata. So, kinailangang bulabugin ang tulog ko para lang sabihin yun?

"Pwede ba Maximo! Ginising mo talaga ako para sabihin lang sa akin yan?! Malandi kang bakla ka!" Inis kong saad sa kanya. Sanay naman na kaming magbatuhan ng kung anu-anong salita sa isat-isa, tsaka hindi na big deal sa amin ang mga ganun.

[Tangeks! Gagi kang babae ka! Hindi yang iniisip mo ang tinutukoy ko! Ang ibig kong sabihin, inaapoy ng lagnat ni Ryner!]

"ANO?!" Wala sa sariling napabangon ako sa pagkakahiga.

[Ay bingi lang? Kailangan talagang ulitin? Ang sabi ko, inaapoy ng—]

"Nasaan siya? Nasaan kayo?" Nag-aalala kong tanong.

[Nandito kami sa bar, malapit sa inyo.] Agad kong pinutol ang tawag. Kinuha ko lang ang isa kong jacket at mabilis na tumungo sa nasabing lugar lalo pa't gabi na. Pasalamat ko na lang dahil may nasakyan pa akong taxi.

Nang makarating ako sa bar ay kaagad ko silang hinanap. Nagmadali akong lumapit nang makita ko sila, kasama pa ni Maxi ang mga kaklase niya.

"What happened?" Kaagad kong tanong. Tinignan ko si Ryner, namumutla siya. Hinawakan ko ang noo niya at para akong mapapaso sa init nito.

God! Kailan pa siya natutong mag-bar? For Pete's sake! Nilalagnat pa siya!

"Tsaka ka na magtanong. Ihahatid na muna natin siya sa condo niya." Hindi na ako tumanggi pa. Kaagad namin siyang inalalayan at tinulungan kami ng kaklase ni Maxi. Mabuti na lamang at dala rin nito ang kotse niya.

Pinagmasdan ko ang hitsura ni Ryner habang nasa byahe kami. Hindi ko maiwasang haplusin ang mukha niya. Muli kong naramdaman ang awa sa hitsura niya.

My God, Ry, ano bang ginagawa mo sa sarili mo?

Nang makarating kami sa condo niya, dinala na namin siya sa kwarto niya at kaagad namin siyang inihiga sa kama niya. Napabuntong-hininga ako ng malalim.

"Ano ba talagang nangyari?" I asked Maxi habang nakatingin ako kay Ryner.

"May mini celebration kasi kaming magkaklase dahil sa success nung isa naming project sa school. Tapos nasagi siya ng mata ko na umiinom mag-isa. Sinubukan kong lumapit sa kanya kaso bigla siyang natumba. Hinawakan ko siya at do'n ko lang nalaman na nilalagnat siya." Napapikit na lamang ako habang naglalaro at naiimagine ko ang pangyayaring iyon. Ry, h'wag mo namang pabayaan ang sarili mo.

"Sige baks. Balik na ako ulit do'n sa bar. Nakakahiya kasi sa mga kaklase ko kung hindi ko na sila babalikan do'n." Tanging buntong-hininga na lamang ang isinagot ko.

Nilapitan ako ni Maxi na may pagsusumamo sa kanyang mata. "Alam kong hindi kayo okay ni Ryner ngayon, pero baks, kalimutan mo muna yung galit at sama ng loob mo sa kanya. He needs someone to take care of him." Napapikit ako ng mata at dahan-dahan akong tumango.

"I know you can do it baks." Pagpapagaan niya sa nararamdaman ko bago siya nagpaalam.

Matagal kong tinitigan si Ryner bago ako umupo sa gilid ng kama niya.

I hope you'll be fine Ry.

Kumuha ako ng isang basin na may maligamgam na tubig at isang towel. I took off his clothes at pinunasan yung katawan niya. Matapos kong gawin yun ay kumuha ako ng damit sa closet niya at binihisan siya. In-off ko na rin yung aircon pagkatapos ay kinumutan ko siya.

I put my hand on his forehead pero walang nangyari. Hindi pa rin bumaba ang lagnat niya. Ano na bang gagawin ko?

Ilang minuto ko rin siyang tinititigan bago ko napagpasyahang lumabas pero bago pa man mangyari iyon ay may kamay ng pumigil sa akin. Nilingon ko siya at nakita kong nakabukas ang mahihina niyang mata na tila nangungusap.

"Don't leave me please." Mahina niyang usal bago muling pumikit ang mata niya. Hindi ko na rin naituloy ang kagustuhan kong lumabas dahil sa pakiusap niya.

Kinabukasan ay nagluto ako ng sopas. Mabilis ko iyong inakyat sa kwarto niya. Naabutan ko siyang gising na roon at bahagya pa siyang nagulat nang makita ako.

"Mauricy." Mahina niyang usal. Ngumiti na lamang ako ng pilit. Nilapitan ko siya at hinawakan ang noo niya. Mainit pa rin siya pero kahit papaano'y bumaba iyon ng konti subalit halata sa kanyang mahina pa rin siya.

"Kumain ka na Ry. Don't worry, medyo marunong naman na akong magluto." Nakangiti kong saad at sinimulan ko siyang subuan kaso bigla itong natigilan.

"Bakit?"

"Medyo maalat." Saad niya kaya pinaningkitan ko siya ng mata.

"Alien ka! Hindi kaya!" Tinikman ko yung sopas at napangiwi na lang ako. Maalat nga. Hindi ko na kasi tinikman dahil sa kamamadali.

Tumawa siya ng mahina na siyang ikinabilis ng tibok ng puso ko. Ayan na naman.

"Don't worry, uubusin ko pa rin yan. Namiss ko rin kasi yung panahong pinagluluto mo pa ako." Mahina niyang saad at hindi na ako umimik pa.

Nang matapos siyang kumain ay kaagad ko siyang pinainom ng gamot. Lalabas na sana ako pero pinigilan niya na naman ako.

"Don't leave me here please." Sabi niya at kita ko ulit ang nangungusap niyang mata katulad ng kagabi.

"Hindi ako aalis. Ibababa ko lang 'tong bowl." Nakangiting tugon ko bago ako lumabas.

Matapos kong hugasan ang mga ginamit ko sa pagluluto kanina ay bumalik na ako sa kwarto niya. Naabutan ko siyang mahimbing ng natutulog doon.

Lumabas din ako pagkatapos ko siyang tignan at napatingin sa buong kabuuan ng lugar. It was still still the same condo I've considered as my second home before. Lahat ng mga gamit ay naroon pa rin at halos walang nagbago.

Dahan-dahan akong tumungo sa dati kong kwarto. Pagkapasok ko roon ay muling nanumbalik sa ala-ala ko ang lahat. Napapikit ako ng mata at may kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko nang maalala ko iyong panahong kasama ko pa siya, mga panahong masaya pa kaming dalawa.

I even remembered those days that we cuddled each other here, na dito pa niya ako pinapatulog na parang sanggol, na dito pa sa loob ng kwartong 'to kami naghahabulan kapag naboboring kami.

Lumapit ako sa bawat sulok ng kwarto. This room reminds me of how happy we were before and how we love each other so much.

Tinignan ko rin ang closet ko at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. My clothes and things were still there. Nasa gano'ng pwesto pa rin sila kung paano ko silang iniwan dito.

Oo, umalis ako rito na walang kinuha ni isa sa mga gamit ko. Ang tanging kinuha ko lang noon ay ang wallet at cellphone ko. I was too hurt that time at ni isang gamit man lang ay hindi ko na inisip na kunin pa.

"Wala akong binago sa kwarto mo. Wala akong inalis kahit isa sa mga gamit mo. Umaasa kasi ako na babalik ka pa rito at patuloy na umaasang babalikan mo pa ako." Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya sa likod ko at muling bumagsak ang pares ng luha sa mata ko. Pasimple kong pinunasan ang luha ko bago ko siya hinarap at nginitian.

"Oh Ry, why are you here? You should be resting inside your room. You're not yet okay." Pinilit kong bigyang buhay ang boses ko dahil ayokong mahalata niyang umiyak ako.

"I thought you left me again that's why I looked after you." Tugon nito sa akin. Ramdam ko ang sakit at lungkot sa tono nito.

"Ano ka ba, hindi kita iiwan. Hindi ka pa magaling. Tara na, magpahinga ka na sa kwar—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil walang sabi-sabing niyakap niya ako ng mahigpit.

"Mauricy please, don't leave me. Don't leave me again. Hindi ko kaya." Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa mga luhang gustong kumawala sa mata ko.

Pinunasan ko ang mata ko at ako na ang kumalas ng yakap.

"Let's go to your room Ry. You need to rest now." Pag-iiba ko ng topic. Hindi na siya nagsalita pa. Tinulungan ko siyang mahiga sa kama at kinumutan ko na rin siya.

Nakatulog din siya kaagad.

Wala naman akong ibang ginagawa dahil mahimbing na siyang natutulog ngayon kaya inilibot ko ang paningin ko sa kwarto niya. His room was still neat, as always. Ayos na ayos lahat ng gamit. Pumunta ako sa bintana at bahagyang itinaas ng konti ang kurtina para kahit papaano'y mayroong preskong hangin na papasok sa kwarto niya.

Tinungo ko ang mini table niya at gano'n na lamang ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makita ko ang isang picture kong nakalagay sa frame sa gilid ng study table niya. I took his phone too and my tears continued flowing down my cheeks nang makita ko ang wallpaper niyang kaming dalawa.

Ito pa yung picture namin noon na kinuhanan nung couple no'ng namasyal kami sa park sa may mini fountain after ng mass. Hindi ko alam pero may kung anong yumapos sa puso ko. He never changed his wallpaper.

Subalit hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Kung matutuwa ba ako dahil pinapahalagahan niya pa rin ang larawang iyon kahit ilang taon na ang lumipas, o malulungkot dahil sa picture na 'yon, alam kong pagpapanggap lang ang mga ngiting nakapaskil sa kanyang labi.

I wiped my tears away.

Why did we end up like this Ryner? Mahirap ba sa'yong mahalin ako?

"Hmmm..." Mabilis kong nilapitan si Ryner nang marinig ko ang mahina niyang pagdaing.

Mabilis kong pinunasan ang luha sa mata ko at pilit winawaksi ang sakit at kirot sa puso ko na parang walang nangyari. You're always good at pretending Maui.

Umupo ako sa tabi niya.

"Are you okay?" Tanong ko rito. Nakita ko kung paano niyang niyakap ang sarili niya. Agad akong tumayo at ibinaba ulit ang kurtinang itinaas ko kanina at tuluyan kong in-off ang aircon.

Nilapitan ko ulit siya at inayos ang kumot niya dahil sigurado akong nilalamig siya ngunit gano'n na lamang ang pagkabigla ko nang hilain niya ang kamay ko dahilan para mapahiga ako sa tabi niya.

"R-ry..." Naiilang kong tawag sa kanya ngunit hindi siya sumagot. He was still asleep and I know, he must be really cold. Ramdam kong isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko, as if he's looking for something that could warm his body temperature.

Muli niyang isiniksik ang katawan niya sa akin at hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin din siya pabalik. Hinayaan kong ang puso ko ang magdidikta sa akin ngayon and the moment I hugged him back, alam ko sa sarili kong bumabalik na naman yung nararamdaman ko sa kanya.

Marahan kong hinaplos ang buhok niya. Naramdaman ko ulit ang pangingilid ng luha ko.

"Please don't leave me." Hindi ko alam kung gising o tulog ba si Ryner o kung nag-s-sleep talk lang siya. Naramdaman ko rin ang malalim niyang hininga sa leeg ko. "Please, h'wag mo akong iwan." Patuloy siya sa pagsasalita. Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang kirot na sumisibol sa dibdib ko.

"Mahal na mahal kita." Doon na tuluyang bumagsak ang mga luha ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit, tipong ayaw niya akong mawala ulit sa kanya.

Pilit kong pinipigilan ang mga ingay na maaring lumikha dahil sa pag-iyak ko. Tinignan ko ang natutulog na mukha ni Ryner at hinaplos ko ang mukha nito.

Muli akong humikbi habang hinahaplos ko ng dahan-dahan ang pisngi niya hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako sa tabi ni Ryner. Pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko.

Kaagad akong bumangon pero hindi nakikisama ang katawan ko kung kaya'y napapikit ulit ako. Dulot na rin siguro ito ng dalawang araw na pag-aalaga ko sa kanya dahil sa lagnat niya.

Napamulat ako nang biglang bumukas ang pintuan at nandoon si Ryner bitbit ang isang tray na may pagkain. Pinilit ko ang sarili kong bumangon.

"Why did you cook? You can ask me if you're hungry. Hindi ka pa okay." Malamya kong sabi sa kanya na may pag-aalala.

"I'm feeling a bit okay now. You're the one who's not okay here. I cooked this for you." Sabi niya at inilahad sa harap ko yung pagkain. "You need to eat Mauricy. Alam kong napuyat ka kakabantay sa akin. So, please let me take care of you this time." Hindi na ako umangal pa dahil wala akong ganang tumanggi pa.

Lumapit siya sa akin at sinimulan akong subuan. Kahit naiilang ako'y hindi na ako nagreklamo pa. Nang matapos niya akong pakainin ay lumabas siya, pagkatapos ay bumalik din naman kaagad.

"You can rest for the mean time." Suhestiyon niya.

"Did you take your meds already?" I asked and he nodded. Lumapit siya sa akin at nagulat na lang ako nang tumabi siya sa akin pahiga.

"Ry..." Hindi siya nagsalita bagkus ay hinila niya at pinaunan ang ulo ko sa dibdib niya. "Ry..." Tawag ko ulit dahil naiilang at hindi ako kumportable sa mga ginagawa niya.

"Sleep Mauricy. Alam kong puyat ka." Marahan niyang hinaplos ang ulo ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Napapikit ako ng mata dahil pakiramdam ko ay ang gaan sa loob kong nasa bisig niya ako.

"Mauricy." Tawag niya sa pangalan ko pero hindi ako sumagot. Inangat niya ang ulo ko hanggang sa magtama ang tingin naming dalawa at mataman niya akong tinignan. "I know you cannot forgive me that easily because of what I did to you before and I am sorry for that. I was a jerk, an ass. I hurt you many times and I took you for granted. I am really sorry baby." Naramdaman ko na lang ang isang palad niya sa pisngi ko at pinunasan ang luha ko. Hindi ko man lang namalayang lumuluha na pala ako.

"Just... just give me chance Mauricy, babawi ako sa'yo." Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.

"I love you." I felt the sincerity on his voice. Hindi na ako umimik pa at pinikit ko na lamang ang aking mga mata.

Naramdaman kong pinasandal niya ako ulit sa dibdib niya. Hindi na ako umangal pa at hindi ko itatanggi sa sarili kong gusto ko ring nakakulong sa mga bisig niya at hindi ko rin magawang magsinungaling sa sarili kong namiss ko siya.

Na kahit ako ang sinaktan niya, hindi ko maatim sa damdamin kong makitang mas nasasaktan siya.

Just continue doing what you have started Ry and I might give you another chance. Just don't hurt me again... please.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro