CHAPTER 46
Maui's POV
Today is Maxi's birthday and I am wearing a simple plain pitch dress above the knee paired with pumps and a sling bag.
He chose his party to be a simple one kaya simple lang din ang isinuot ko. Ayaw niya raw kasi ng bongga. Classmates, friends, family and relatives lang ang bisita. Kaso pagdating ko sa bahay nila, anak ng! Buti na lang pala, ganito ang isinuot ko. Boys are wearing a formal suit tapos ang mga babae naman ay nakaformal dress din.
"Hi Maui!" Maxi greeted me.
"Happy birthday baks! Ang sama mo ah! Sabi mo simpleng party lang, yun pala lahat nakaformal." I told him while handing him my gift and he just laughed at me.
"H'wag ngang maarte! Blame my Mom and Dad! Hindi ko nga alam na ngayon ang uwi ni Papa e. Tsaka effect naman yang suot mo baks!" Sabi nito at pinasadahan ako ng tingin. "Kunsabagay, model ka naman kaya kahit anong suot mo, kaya mong idala." Tumawa ulit siya. "By the way, thanks for this." He's pertaining to the gift I gave him.
Loko talaga! Bahala na nga! At least nandito ako. My mere presence here is all that matters not the dress.
The party started at 7pm. Ang daming bisita ni Maxi. May mga games din na inilaan para sa mga bata. Double celebration kumbaga kasi umuwi ang Papa niya kaya ang dami-daming bisita.
Ipinakilala ni Maxi kaming dalawa ni Xianny sa mga kaibigan at kaklase niya. Naroon din yung mga prof nila. Uh, karamihan din sa kanila ay beki. Hindi na kataka-taka na ang dami niyang bisita.
"You look familiar, you know." Puna nung isang prof niya nang makita ako. Naiilang tuloy ako dahil lahat sila ay pinakatitigan ako. Ngumiti na lang ako ng pilit sa kanila dahil ngayon ko palang naman silang nakita.
"Ay naku prof, naalala ko na! Siya po yung nasa Binary Star fashion week no'n!" Saad nung isa.
"OMG!" Tili nito nung maalala niya yata ako. "Oo nga! Ikaw nga yun! It's nice meeting you!" Nagulat na lang ako nung niyakap ako bigla nung prof nila. "I really admire Binary Star models. Pwede ka bang ma-invite sa modeling studio namin?" Nanlaki ang dalawa kong mata.
Tatanggi sana ako pero si Maxi iyong sumagot. "Oo naman prof. Pwedeng-pwede po si Maui! Diba baks?" Tinignan niya ako ng 'sige-na-look' "Diba baks?" Pag-uulit niya kaya wala sa sariling napatango na lamang ako.
Geez Maximo! Pahamak ka talaga kahit kailan!
"Oh my! Thank you hija!" Muli niya akong niyakap, nakipagbeso-beso pa ito. Ngumiti na lamang ako ng pilit.
After the games for children, nagpakain na sila Tita. Nagpa-cater kasi sila tsaka may buffet sa may gilid.
Kumuha ako ng isang plate, spoon and fork at dumiretso sa buffet table. Si Xianny, yung chocolate fountain ang pinagdiskitahan. Geez! She's really a chocolate lover!
Hindi ko alam kung anong pagkain ang kukunin ko. Ang dami kasi. Sa sobrang dami, kahit hindi pa ako nakakakuha at nakakakain, feeling ko busog na ako dahil sa mga nakikita ko.
I already put rice on my plate. May kinuha na rin akong ulam. Next naman na nilapitan ko ang mga dessert. Kukuha na dapat ako ng graham cake subalit natigilan ako dahil sa boses na tumawag sa pangalan ko.
"Mauricy." Bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Lumingon ako sa kanya at mabilis niya akong niyakap na ikinabigla ko.
Bigla na namang dumagundong ng malakas ang tibok ng puso ko, kasabay no'n ay ang paninikip ng dibdib ko nang makita ko si Jecca sa likuran nito.
"Ryner..." I called his name pero mas lalo niya lang hinigpitan ang yakap sa akin.
After two years, ngayon lang ulit kaming nagkita. After two years, ngayon lang ulit kaming naging ganito kalapit sa isat-isa. After two years, hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong kasama ko siya, lalo pa't nakakulong ako ngayon sa mga bisig niya.
"I've missed you." He whispered, enough for me to hear it. My heart beats so fast. I do not know what's the reason why.
"Uh, Ryner..." I moved my shoulders and that's the only time he released me from his hug.
"Are are y-you hungry?" Nanginginig niyang tanong. Nakikita ko ang kislap sa mga mata niya at ang pangingilid ng mga luha nito habang hindi niya inalis ang paningin niya sa akin.
"Ah, n-no. I'm f-full. Yeah, I'm full. Excuse me." I looked away from his deep ash eyes tsaka ko siya mabilis na nilampasan.
Naglakad ako ng mabilis palayo sa kanya. Napadpad na lamang ako sa kitchen nila Maxi. Napaupo ako sa stool habang takip-takip ang mukha ko gamit ang mga kamay ko.
I heave a very deep sigh. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.
My heart was beating so damn fast!
Naramdaman ko rin ang pagvibrate ng tyan ko. Hindi ko na napansing naiwan ko pala yung pagkain ko sa buffet table.
"Hungry?" My system suddenly became alive when I heard a familiar voice.
"AJJJJJJJJJJJJJJ!" Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya that I could almost throw myself to him and I heard him chuckled as he hugged me back.
"Hindi naman halatang namiss mo ako." He joked and I pinched his waist. My stomach vibrated again kaya mas lalo siyang tumawa.
"Hindi ka pa kumakain?" He asked and I nodded. "Bakit kasi hindi ka pa kumakain?" Napanguso na lang ako nang maalala ko si Ryner kanina. "Wait, I'll get you some." He excused himself. Maya-maya pa'y si Maxi naman ang pumasok kasunod niya si Xianny.
"Oy Maui! Bakit nandito ka? Kumain ka na ba?" Sunud-sunod nilang tanong at umupo sila sa tabi ko. Pagkatapos ay pumasok naman si AJ bitbit ang isang plate.
"Here." At inabot niya sa akin yung pagkain.
"Taray! Gusto magsolo rito." Panunukso nilang dalawa sa amin. Ngumuso na lang ako.
"Bakit ka ba nandito? Or ayaw mong makisalo roon?" Tanong ni Maxi sa akin.
I heave a sigh again. "I saw him." Sagot ko sa mahinang tono. Nanlaki ang dalawa nilang mata at nakita ko ang pagkataranta sa hitsura nila.
"Oh God! I'm sorry. I wasn't able to tell you. I invited them a month ago at hindi ko na naisipang sabihin pa sa'yo." Pagpapaintindi sa akin ni Maxi.
I smiled at him. "It's okay Maxi. There's no need for you to be sorry. It's your party after all." I assured him. Ayaw ko namang maging KJ. Ayaw kong sirain yung araw niya nang dahil sa akin.
Matapos kong kumain, bumalik na ako sa garden, doon kasi ang venue. Si Maxi nama'y kanina pa lumabas para i-approach yung ibang mga bisita. Sina Xianny at AJ ay umalis saglit kaya ako na lang ang mag-isa ngayon.
Pagkarating ko sa venue, nginingitian ko na lang yung mga bisitang nakakasalubong ko.
I find myself looking for a place to stay at. From here, I can see Tita Mazel, Tito Maxwell and Maxi at the center, in front of their guests, and they were thanking us all for being with them today.
Maxi, no doubt that he was so happy. Iba kasi talaga ang saya kapag kasama mo ang iyong pamilya.
My eyes kept roaming around the whole place until my eyes saw something. It was them again. It was Ryner and Jecca again. I shouldn't feel this but seeing them makes my heart tightened.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga.
Don't feel that way Maui! Don't feel that way.
It's been week since Maxi's birthday happened. Hindi ko sila kasama ngayon dahil may pasok sila pareho ni Xianny. So I am alone today, dito sa mall. Nagpapabili kasi si Maurizelle ng isang favorite niyang novel. May book signing kasi from her favorite author and she wanted to grab one copy of it, kaso ako ang inutusan.
Pagkakuha ko ng book, mabilis akong tumungo sa food court. Nakakapagod makipila. I just ordered something to eat. Aalis na sana ako roon para umuwi pero may nakipag-usap sa akin na hindi ko kilala pero namumukhaan ko siya.
"Excuse me? You are Mauricy Dela Peña right?" Nangunot ang noo ko. Bakit niya ako kilala? "I guess you didn't recognized me. I am Maxi's professor. Remember at the party? Yung nag-invite sa'yo sa modeling studio?" I slowly nod my head nang maalala ko siya. Naknang! Kasalanan mo 'to baklang Maximo!
"Ah, opo! Opo! Sorry po kung 'di ko kayo masyadong naalala. Bakit po pala?" I asked.
He heave a deep breath. "Ayun nga, we're doing some photoshoot kaso wala yung model namin. She can't make it dahil nag-out of town siya with her family. Kanina pa ako nagpa-ikot-ikot dito para maghanap ng pwedeng magproxy sa kanya kaso wala akong mahanap until I saw you." Nagpakawala ulit siya ng malalim na hininga. Halatang pagod ito.
"Can I ask you a favor hija?"
"Ahm..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"We really need to finish the photoshoot. You are the only one we have to make it. Please hija, just try it. Kung ayaw mo talaga, hindi na kita pipilitin. Just be our model for today, please?" It was me who took a deep breath this time. Ayoko talaga, but seeing him plead? Parang ang bigat sa kalooban kong tanggihan siya.
Why not try Maui? Uh, kunsabagay, I will do it to help them. Why not give them a spare of time right? Wala rin naman akong gagawin.
I looked at him. His eyes are still pleading. Okay. I smiled at him. "Sige po." I answered and right away, he hugged me and he kept whispering how thankful he was.
"Kaso po wala akong damit na isusuot—"
"Don't think about it. Kami na ang bahala ro'n. By the way anak, call me Mami Chelle okay?" Tumango naman ako. "Let's go?" Kita ko ang pagka-aliwalas ng mukha nito.
Hinila niya ako papuntang likod ng mall at do'n ko lang nalaman na roon pala nakapwesto yung modeling studio nila slash photoshoot studio.
Sa harap no'n ay may tatak na Alpha Angels sa taas ng malaking pintuan. Pagpasok namin doon ay ipinakilala niya ako roon sa mga staffs nila, sa mga make-up artist team, stylist team tsaka sa photographer.
"Oo nga! We already saw her in the Binary Star." Natutuwang sambit nung make-up artist sa akin, si Mama Sheng, bakla rin. Hehehe. Halos bakla pala silang lahat, maliban do'n sa photographer dahil siya lang yata ang straight.
"Sama ka na kay Mama Sheng mo dali!" Gaya nga ng sabi ni Mami Chelle, sumama ako kay Mama Sheng.
"Kahit light make-up lang naman yung ilagay ko sa fes mo, havey ka pa rin." Sabi nito sa akin habang naglalagay na ng kolorete sa mukha ko. Pagkatapos no'n ay pinagsuot niya ako ng maong short, sleeveless white topper at isang gray cardigan and a white rubber. Millenial kasi ang tema nila.
"Para saan po ba 'tong photoshoot?" I asked him habang inaayusan na ako sa buhok ko.
"Para sa brochure anak. Itong mga suot mo, si Mami Chelle ang nagdesign n'yan." Hindi ko mapigilan ang pagkamangha. Ang galing pala ni Mami Chelle. Kunsabagay, prof ba naman sa isang fashion subject e.
Matapos akong ayusan, bumalik na ako sa studio at sinimulan na yung photoshoot. Pa-iba-iba rin yung mga isinusuot sa akin. Hindi na ako nagreklamo dahil sa totoo lang, nai-enjoy ko naman siya.
"Ang galing! You really know how to project yourself in front of the camera. No doubt, you're a Binary Star model." Mami Chelle complimented. Ngumiti na lang ako sa kanya.
Halos dalawang oras din yung photoshoot tapos after no'n, dinala ako ro'n sa stall ni Mami Chelle. May stall pala sila sa mall. Malaki rin siya actually.
"Thank you so much hija! Come back here every Wed and Saturday, okay?" Tumango ako sa kanila. Wednesdays and Saturdays kasi ang schedule ng photoshoot. Mabuti na lang at mabilis ko silang nakagaanan ng loob.
Matapos kong magpaalam ay balak ko na sanang umuwi, pero laking gulat ko na lang nang makita ko si Ryner sa labas ng mall. Nakapaloob ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya habang nakasandal sa kotse niya.
Anong ginagawa niya rito? Bakit siya nandito? Is he waiting for someone?
Napailing ako sa mga naiisip ko. Marahil ay nandito siya dahil may hinihintay siya. Nagtuluy-tuloy ako sa paglalakad at iniwasan kong huwag siyang lingunin subalit natigil ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko.
"Mauricy." Ayoko sanang lumingon pero ayaw kong magpa-apekto sa kanya. Nilingon ko ito at ganun na lamang kabilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang tingin naming dalawa.
"B-bakit?" Tanong ko habang diretso ang tingin ko sa kanya.
"Uuwi ka na? Hatid na kita." Lumapit siya sa akin at hindi ko malaman kung anong gagawin.
"H-hindi na. Sige mauuna na ako." Nagsimula akong maglakad pero nakasunod siya sa akin.
"Ihahatid na kita." Aniya.
"H'wag na. Kaya ko namang umuwi mag-isa. Bumalik ka na roon. Baka hinahanap ka na nung hinihintay mo." Saad ko habang naghihintay na ng taxi.
"It's you whom I'm waiting here." Muli akong natigil dahil sa narinig ko. Ako? Bakit niya ako hihintayin?
Magsasalita pa sana ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Geez! Nagulat na lamang ako nang ipangtakip ni Ryner ang dalawa niyang kamay sa ulo ko.
"Let's go. It's raining already." Wala na akong nagawa kundi ang magpatianod sa kanya dahil basa na kami gawa ng ulan.
"You okay? Are you cold?" Ngumiti lang ako sa kanya ng tipid. Maya-maya pa'y may kinuha siya sa likurang upuan ng kotse matapos ay may itinakip siyang jacket sa katawan ko. Siya na rin ang nagkabit ng seatbelt ko.
Napaiwas na lang ako ng tingin nang magtama ang paningin naming dalawa. I heard him sigh bago niya pinaandar ang kotse. Mahina akong napabuntong-hininga habang nakatingin sa mga patak ng ulan na tumatama sa bintana ng kotse.
Ulan, alam mo namang hindi ako kumportable na kasama si Ryner diba? Bakit ka ba gumagawa ng paraan para makasama ko siya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro