CHAPTER 44
Maui's POV
Sabay-sabay kaming bumaba pagkalapag na pagkalapag ng eroplano at sabay-sabay rin kaming lumabas ng airport.
Damang-dama ko ang malakas na simoy ng hangin. Halata sa mga kaklase ko ang excitement sa mukha nila.
Kasama namin ang dalawa naming professors. Kailangan kasi namin sila para may gumabay at mag-assist sa amin during the symposium hours.
Isang van ang sumalubong sa amin at kinausap ng mga ito ang professors namin.
"Excuse me. We are from Arina's Hall. Are you from London College of Fashion?" A man wearing a black suit asked.
"Yes. We are from London." My prof answered humbly.
"Kindly get in the car and I will bring you from your quarter." We nodded our heads.
Kaagad nilang kinuha ang mga gamit namin at ipinasok sa van. Sa Arina's Hall kasi gaganapin ang symposium. Nang maipasok nila ang lahat ng gamit namin, sunod naman na sumakay ang mga kasamahan ko.
I let out a sigh as I roamed my eyes around the place bago ako sumakay ng van.
Two years na rin pala ang nakalilipas since the day I left, and now I came back.
Pagkarating namin sa quarter namin, we just put our things beside the bed at kaagad kaming humilata sa kama. May jet lag kasi kami. Hapon na nung gumising kami.
"Tomorrow, kung gusto niyo munang gumala, I am giving you the permission. Just make sure na okay kayo." Saad ng prof namin na Pilipino rin at hindi magkandamayaw sa tuwa ang mga kaklase ko.
Matapos naming kumain ng dinner, sa kama ulit ang bagsak namin.
Nagising na lang ako kinabukasan nang dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Mabilis akong tumayo at pumasok sa CR. I prepared myself and went out of our room. Mga professors na lang namin ang sumalubong sa amin sa mini sala.
"Good morning po. Sila Greta, Arci at Sunshine po?" I asked. Laking pasalamat ko na lang talaga dahil Pilipino yung isang prof namin.
"Maaga silang umalis Ms. Dela Peña. Sumama sina Mica at Cathy sa kanila. I heard pupunta raw sila sa probinsya nila Sunshine." My prof, Ms. Linda, answered.
Grabe, hindi man lang nila ako in-inform! 'Pag sila bumalik dito, kukutusan ko talaga ang mga yun!
Mabilis din akong nagpaalam sa kanila matapos kong mag-almusal. Maglibot-libot na lang din muna ako mag-isa.
I went to the mall alone. I was just roaming the whole place, visiting those clothes apparels, buying some snacks, watching those people who ride the escalator up and down.
Okay! Ang saya sana kung may kasama ako kaso yung mga kaibigan ko, hindi man lang ako isinama! Nagtext lang sila nung nakarating na raw sila sa probinsya nila Sunshine. Ang saya lang!
Matapos kong aksayahin ang oras ko sa food court, napagpasyahan kong maglakad-lakad na lang muna habang yung mata ko hindi mapakali sa katitingin sa kung saan-saan. I was walking my way to accessory shop nang may makabungguan ako.
Ayan kasi Maui! Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!
"I'm sorry. I will jus—"
"Maui?! Oh my baks! Ikaw nga!" My eyes widened. Oh my God.
"Maxi!" Mabilis akong dinambahan ni Maxi ng yakap!
"Lukaret kang babae ka! Hindi ko alam na umuwi ka na pala." He said. Gosh! I can't believe I could see him here.
"Sandali, tawagin ko si Xianny." I thought he will call Xianny on the phone but I was wrong. "Xiantal Tan! Xianny nasaan ka?!" Malakas niyang sigaw at halos lahat ng mga tao ay napapatingin sa amin. Ano ba namang bakla 'to!
"Maximo Sanchez! Kailangang sumigaw ha?" From my spot, I saw Xianny walking near us pero hindi pa siya tumitingin sa amin dahil kasalukuyan pa niyang sinasara yung bag niya. "Nakakahiya ka, nasa mall pa naman tayo! Bakit ba kasi nakahigh pitch tone ka na—Oh my God!" Her eyes were in shock.
"Mauiiiiiiii!" She ran to me and hugged me tight. "Maui! Is it really you?" I nodded and she hugged me again. "Oh my God! I really can't believe that you're already here." She stated.
I hugged her back. Nakisali na rin si Maximo sa amin. Oh God! How I miss them so much!
I was already crying here nang bigla akong kutusan nina Maxi at Xianny. I arched my brows on them. "Hindi porke nandito ka na, e bati na tayo! Akala mo nakalimutan na namin yung pag-alis mo nang walang paalam? Tapos ngayon, babalik-balik ka ng hindi man lang nagsasabi!" Halata ang tampo sa boses nila pero tumawa lang ako sa actions nila.
"Sorry na po. Naiintindihan niyo naman siguro ako kung bakit ko yun ginawa diba?" They nod their head tapos niyakap nila ako ng sobrang higpit.
"Ang importante nandito ka na. Namiss ka namin baks! Sobra-sobra!" My tears already streamed down my face. They're crying too. Maya-maya pa ay nagsitawanan na kami.
People were looking at us already. Nagtataka siguro sila dahil lumuluha kami pero nagtatawanan naman. I can't help it. I just miss them so bad.
We went back in the food court to have some catch up. Marami rin silang kinuwento sa akin and I miss those days. I also told them na hanggang one month lang ako rito. Nagtatampo sila sa akin. Kung hindi lang daw sa symposium na dadaluhan namin baka hindi pa raw ako uuwi rito pero hindi naman daw nila ako masisisi.
Hapon na nung matapos kaming magkwentuhan. Magpapaalam na sana ako pabalik sa quarter namin pero hindi nila ako pinayagan. Maxi told me na roon na muna raw ako uuwi sa kanila. Hindi na ako tumanggi pa dahil gusto ko rin naman silang kasama.
Nagpaalam na rin ako sa prof namin. Next week pa naman yung start ng symposium namin related to fashion tsaka twice or thrice lang naman gaganapin yun every week.
"Oh my! Maui, hija!" Mabilis akong niyakap ni Tita Mazel, niyakap ko rin siya pabalik. "Ang laki mo na!"
I smiled with what Tita said. I miss her too. Nagpahanda siya ng miryenda para sa amin. I was so glad to see them. Doon na rin ako natulog, ayaw kasi akong paalisin ni Maxi. Even Xianny was here... just like the old times.
"Oo pala. Napanood ko kaya yun noon! Kaloka ka! May pa-deactivate pa kasing nalalaman! Hindi mo man lang kami sinabihan na nagmomodel ka. Kung hindi ko pa napanood sa YouTube, 'di ko pa malalaman." Sambit ni Maxi.
"Freelance model lang naman ako ng Binary Star, hindi naman ako permanent model do'n e." I answered.
"H'wag mo ngang nilalang-lang ang pagiging freelancer mo, Binary Star kaya yun!" Si Xianny naman ang sumabat.
We're talking about my modeling days sa Binary Star. Binary Star is a well-known modeling agency and they also own a clothing line company in London. I was modeling clothes that time and even gowns. That was one of the reasons why I took fashion degree before.
One week rin akong nagstay kina Maxi. We had so much things to catch up and I was so happy. Ayoko pa nga sanang umalis kaso I have to. Monday na kasi bukas and we're having our first day symposium tomorrow.
"Ingat baks! Balik ka sa susunod!" I bid my goodbyes to them as I nod my head.
I will surely come back here!
Halos mapuno ng mga estudyante ang Arina's Hall para sa symposium. May mga galing din kasi sa ibang school. Nakaka-excite pala ang ganito. You can get the chance to get along from other people. What makes it even more exciting ay dahil sa mga bisitang dadalo.
Sina Jose "Pitoy" Moreno, a pillar of Philippine Fashion known for his sophisticated Baro't Saya at si Michael Cinco, a Dubai-based Filipino designer who is best known for his magnificent couture gowns lang naman!
OMG! They are one of my idols when it comes to fashion designs. I really adore them so much!
Nakakaproud maging Pinoy!
They taught and discussed us so many things. They even sketch a sample of their designs. On the spot pa yun! Ang gagaling nila sobra. Buti napaunlakan nila ang imbitasyon para sa araw na 'to.
Today was all worth it.
Matapos ng symposium, nagpaalam muli ako sa prof namin. Kina Maxi ulit ako uuwi. Sa Friday pa naman ang next symposium namin.
Bago ako dumiretso kina Maxi, dumaan muna ako sa dati naming bahay. I just wanted to visit it. Okay pa naman yung bahay pati yung mga gamit doon. Kinuha ko lang yung pwedeng mapapakinabangan pa. Kinuha ko rin yung ibang favorite novels namin ni Maurizelle na naiwan ko. Matapos no'n, dumiretso na ako kina Maxi.
"Halla Maui! Hindi mo sinabing uuwi ka rito! Sinundo sana kita." Salubong sa akin ni Maxi. Pinapasok niya ako kaagad sa loob. Nando'n din si Tita.
"Kumusta yung symposium niyo hija?" Tita asked.
"Okay naman Tita. Nando'n po sina Pitoy Moreno at Michael Cinco. Tita, ang gagaling po nila." Pagkekwento ko habang pinapakita ko yung picture na kasama sila.
"As in baks? Ghaaad! Yung dalawa kong idol na Filipino fashion designer! Nakakainggit! Sana pala sumama ako sa'yo para nakita ko rin sila! Ang daya! Sana may symposium din kami." Fine Arts kasi ang kinuha ni Maxi, then he will pursue fashion design soon. Omo! Balang araw, magtatayo kami ng modeling studio namin hanggang sa magkaroon din kami ng sariling clothing line! Hihi.
Si Xianny naman, she took business ad dahil definitely, siya ang magmamana sa company nila soon. Mag-isa lang kasi siyang anak.
Matapos naming magmiryenda, Maxi insisted na sunduin namin si Xianny, sa UP kasi nag-aaral yun. Ang baklang Maximo, umaasenso! May sarili ng kotse, siya na rin yung nagdadrive. Nuks naman!
"Xianny!" Sigaw ni Maxi nung dinismiss na sila Xianny. Buti nga pinayagan kaming makapasok kahit outsiders kami.
"Hoy Xianny! Xiantal Tan!" Tawag niya kay Xianny nang makita itong lumabas sa fourth floor, e nasa baba kami. Lahat ng tao, napapatingin sa gawi namin. Sa lakas ba naman ng boses ni Maxi, hindi na ako magtataka.
And yeah, nature na nilang tawagin ang isat-isa sa paraang pasigaw.
"Maxi! Maui! Hintayin niyo ako!" Sigaw rin ni Xianny habang tumatakbo pababa. Okay! Sila pa rin talaga yung kaibigan ko. Uso talaga ang sigawan sa kanila.
Nang makarating si Xianny sa direksyon namin, sinabunutan niya muna si Maxi bago niyakap. Natatawa na lang ako. Kailangan talagang sabunutan muna e. Akmang sasabunutan din ako ni Xianny pero pinanlakihan ko siya ng mata.
"Hahaha. Hindi mo maiisahan yan!" Maxi said laughingly.
Hindi lang pala sigawan, mahilig din sila sa sabunutan. Lumevel-up ang kabaliwan nila. Buti hindi kami sinisita ng guard.
Mabilis kaming lumabas sa UP at dumiretso sa mall. Si Xianny hindi na binalak pang magpalit, bibili na lang daw sa mall at yun nga yung ginawa niya.
Wala naman kaming ginawa maliban sa magfood trip at magkalat sa mall. Maggagabi na rin nung umuwi kami kila Maxi.
Nakatambay kami ngayon sa balcony ng kwarto ni Maxi habang nagkekwentuhan.
"Baks, may tumatawag!" Napatingin ako sa laptop ko at kaagad na sinagot through skype si Maurizelle.
"Oh my! Ang laki mo na Maurizelle! Mas maganda ka sa ate mo!" Kinutusan ko nga si Maxi.
[Salamat po Ate Maxi! Mana po sa inyo ni Ate Xianny.] Bolerang bata.
"Kaya gusto kitang bata e. Ang honest honest mo." Sagot naman ni Maxi. Napairap na lang ako sa kawalan. Naku! Sila na lang kaya mag-usap 'no? Naechapwera na ako, e.
"Oh, kausapin ka raw ng ate mo!" At pinaharap na sa akin ni Maxi yung laptop.
[Hahaha. Hi ate, kumusta po?] Nangingiting tanong ni Maurizelle.
"Kinumusta mo pa ako!" Nagtatampo kong saad. "Okay lang si ate. Kayo r'yan?" Tanong ko pabalik.
[Okay lang din po! Ay ate, dumalaw po si Kuya Kiel dito.]
"Hoy! Sino yang Kiel?!" Nagulat na lang ako sa pagsigaw nina Maxi at Xianny. Nakikinig pala sila sa usapan namin.
[Manliligaw po ni ate Mauricy!] Nanlaki ang dalawa kong mata. What the?! Pati ba naman sa mga kaibigan ko? Ang daldal talaga ni Maurizelle! Sabing hindi siya nanliligaw e.
"Manliligaw?!" Sabay na tanong ng kaibigan ko. Pilit akong ngumiti sa kanila. Malilintikan ka talaga sa akin Maurizelle!
"H-hindi totoo yun!" Tanggi ko pero sana nga. Hihihi. Crush ko yun e. Charot!
[Sinungaling e! Hindi raw—]
"OMG! Sino yan?" Tanong nina Xianny at Maxi habang tinuturo sa screen yung tao sa likuran ni Maurizelle.
Nanlaki ang dalawa kong mata. Si Kiel! OMG!
Tinignan naman ni Maurizelle yung tao sa likod niya at tinawag ito. Ngayon, silang dalawa na ni Kiel at Maurizelle ang nasa screen.
[Ate Maxi at Ate Xianny, si Kuya Kiel po. Kuya Kiel, they are Ate Mauricy's best friends.] Pagpapakilala niya rito sa screen. Yung dalawa naman, tili ng tili.
"OMG! Ampogiiii! 'Pag ako yan, wala ng ligaw-ligaw, sagot agad!" Kumakarengkeng na saad ni Maximo. Talande e! Nagtawanan silang lahat maliban sa akin.
"Don't mind them. How are you? What are you doing there?" Tanong ko kay Kiel.
[House is boring. I was just visiting here, pero mas masaya sana kung nandito ka.] He said in Tagalog with accent.
"Omaygad! Kiel, akin ka na lang!" Sabi ni Maxi. My God, kalandian mo Maximo!
"I'll call you later Kiel. Maurizelle, sabihin mo kina Mama, okay lang ako tapos dito ako kina Maximo umuuwi, okay? Love you, babye!" Kumaway ako sa kanila bago ko in-end yung video call.
"Kyaaaaah! Ang gwapo nun baks! Bakit mo pinatay? Gusto ko pang kausapin e! Kaloka, nanliligaw sayo?"
"Hindi nga! Kaibigan ko lang yun." Loko kasi si Maurizelle. Ang daldal!
"Choosy 'te? Ang gwapo nun oy!" Sabat ni Xianny. Hindi nga e, pero sana nga! Hihihi. Charot ulit!
"Uy! Nangingiti! May crush siguro 'to kay Fafa Kiel." Puna ni Maxi habang kinikiliti ako.
Tatanggi pa sana ako pero talagang kilala ako nitong dalawa kaya ang hirap magsinungaling sa kanila.
"Oo na! H'wag niyo nga akong kilitiin!" Suway ko pero ang mga loko, sige pa rin.
"Yan tayo e! Hahaha. Okay naman si Kiel ah? Mukhang mabait." Puna ni Xianny.
"Mabait talaga yun, gentleman pa." I said.
"Observant si ateng! May gusto 'to kay Kiel e." Muli nila akong kiniliti.
"Ano ba?!" Suway kong muli kahit natatawa na rin ako. Kainis. May kiliti ako sa tagiliran e.
"Okay lang yang magkagusto ka. Dalawang taon ka naman ng single baks. Ang tanong, handa ka na bang pumasok sa relasyon ulit? Nakamove-on ka na ba? Nakamove-on ka na ba kay Ryner?" That stopped me from laughing.
Sa tuwing naririnig ko na lang ang pangalan niya, hindi ko magawang magreact.
Haaays.
Nakamove-on na 'ko e.
Gosh! Nakamove-on na nga ba talaga ako?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro